Im still alive tinatahak pa parurok kahirapan tinutupok, palag lagi sa hamon kahit minsan parang sa buwan sumusuntok, paabante dina uso sakin magmukmok, may pangarap kaya inaayos ko aking tuktok. minsan sa mission magisa at di ako na nababagot, pag para sayo talaga sa muka mo walang bakas ng nalulungkot, kung may tutulong edi kasama ko sa premyo maghakot, wala dapat ikatakot di tayo malalagot safe at di masasangkot. tugma tinatarya sabay tulak kaya batas hindi nagaamok, ligal inaalok owyes sa tenga mo ay lalahok, musika’t dame’t kung papatok syempre bulsa puputok,laman ng kokote lalago’t, hanggang kahirapan rurupok. problemado di na muling magkakamot, tapos hide out na hindi nilalamok, mangyayare ang lahat basta sa taas kumakatok, sa mga nagtatanong anong kinabukasan mo? Ito meron ng isasagot. buhay kong pampelikula sa una lang mahirap, pero ganon talaga ang proseso magandang resulta ay mailap, konting tyaga pa at pagsisikap, baka balang araw, arawaraw tayo bumabyahe don sa ulap. Pilyong binatilyo at walang pake sa bukas, Buti ay natuto ngayon alam ko na lunas, mapait pagdadaanan bago marating ang buenas,mahaba haba ang lakaran nakakapudpod ng swelas,