Рет қаралды 36,303
FULL STORY
WRITTEN BY:QUEEN D
TITLE:TO BE WITH MR. LIEUTENANT
EDITED BY : RENDEL TAGALOG STORIES
#inspirational #action #comedy #audiopocketbook #novelseries #fullstory #uncutstorytime #tagaloglovestory #wattpadseries #fullstory #wattpadseries #pocketbook #kwentongpagibig #tagalogdrama #romance #inspirationallovestory
"I'm fine here," sabi ni Sivanah. "Thanks for helping me, Lieutenant."
"Sigurado ka?" Tinanguan lang ni Sivanah ang binata bago iika ikang naglakad patungong dorm.
Mag isa na sa dorm si Sivanah dahil ang mga kasamahan niya ay nilayasan siya at lumipat sa iba. Okay lang naman iyon para sa dalaga dahil mas masaya siya kapag mag isa siya.
Matapos maligo at magbihis ng dalaga ay ginamot niya muna ang sugat sa tuhod at siko bago tuluyang lumabas ng office.
"Kain na tayo." bahagyang nagulat si Sivanah nang sumulpot si Kairo sa kaniyang harapan. "Ano? Tara?"
"Wala naman akong choice kaya okay," sagot ng dalaga.
"Wow, option mo lang ako?" Napailing ang binata. "Grabe kana, bebe gurl ko."
Nagtungo ang dalawa sa cafeteria. At kagaya nang inaasahan ni Sivanah, mas lalo siyang pinagpyestahan ng mga tingin.
"Wala may gusto sa kaniya kaya umaasa sa may mataas na posisyon." Napayukom ng kamao si Sivanah nang marinig ang boses ni Cindy.
"Kung ako kay Lieutenant, iiwasan ko ang babaeng yan."
"Wala talagang mga hiya ang mga taong masasama."
"Don't mind them," seryosong sabi ni Kairo at nilagyan ng gulay ang plato niya. "Kumain ka lang. Iika ika kana, wag mo nang dagdagan ang sugat mo."
"They are insulting me!" inis na sabi niya. "Hindi ko kasalanan kung walanghiya ang ama ko! Hindi niya ako katulad!"
Ngumiti si Kairo at inabot ang kamay niya. "I know, naniniwala ako sa'yo."
Pakiramdam ni Sivanah ay maiiyak siya dahil sa sinabi ng binata. Idinaan na lang niya sa irap ang nararamdaman at nagsimulang kumain.
Nang matapos silang kumain ay umalis sila ng cafeteria.
"Wag mong isipin yung sinasabi nung iba," sabi ni Kairo at may inabot sa kaniyang dutchmill. "Wag kang magpaka-stress sa work, ah? Mamayang lunch puntahan na lang kita, magluluto ako para sa lunch natin."
"Why are you doing this?" tanong ni Sivanah sa lalaki.
Ngumiti si Kairo at inilagay sa palad niya yung dutch mill. "Bakit bawal ba? Ginagawa ko 'to kasi gusto ko lang."
"What if I told you na itigil mona?" tanong ni Sivanah. "Titigil kaba?"
Natawa si Kairo. "Sa tingin mo titigil ako? Aba, talo ko ang isang batang paslit sa pagiging makulit. Tama na nga ang tanungan, pasok kana."
"Thank you," sabi ni Sivanah at mabilis na pumasok ng office.
Napahawak na lang siya sa dibdib dahil sa mabilis na kabog nito. Nakangusong naupo siya sa upuan at nagtrabaho habang iniinom ang dutch mill na ibinigay ni Kairo.
Nang dumating ang tanghalian ay hindi na siya nagulat nang bumukas ang pinto at dumating ang binata na may bitbit na mga tupperware.
"Adobong atay at chicken roll para sa ating tanghalian," nakangiting sabi ni Kairo at inayos ang pagkain nila. "Mamaya na ang work, maldita. Kumain na tayo."
Binitawan naman ni Sivanah ang keyboard at tinuon ang atensiyon sa binata na nilalagyan ng ulam ang kanin niya.
"Ikaw nagluto niyan?" tanong ng dalaga.
"Syempre," sagot ni Kairo. "Hindi mo naitatanong, may restaurant ang pamilya ko at tinuruan akong magluto ng lolo ko."
Napatango lang si Sivanah at nagsimulang kumain. Hindi maiwasang matakam ng dalaga nang matikman ang mga luto ng binata. Masasarap ang mga iyon.
"Not bad," sabi ni Sivanah. "Pwede kang magtayo ng sarili mong restaurant."
"Balak ko nga," nakangiting sabi ng binata. "Pero kapag nagkaroon na ako ng asawa. Bale ang mangyayari, titigil siya sa pagpupulis at mag-ma-manage na lang ng restaurant."
"Pulis ang pangarap mong maging asawa?" tanong ni Sivanah. "Who's that unlucky girl, then?"
"Naghahanap pa lang," sagot ni Kairo. "Pero kung papayag si Sivanah
DISCLAIMER.......
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No parts of this story may be reproduced or distributed in any printed or electronic form without prior permission to Rendel Tagalog Love stories
if you have any concerns please contact me on my fb account
profile.php?...
happy listening everyone godbless