Рет қаралды 56,871
Full story
written by: Queen D
title: the captain of my heart
edited by: Rendel
#audiopocketbook #actioncomedy #inspirational#romance #tagaloglovestory#pocketbook #audiobook
Srgt. Rivera silent your phone!” Napukaw ang pagkatulala ni Zheniah dahil sa galit na singhal ng kanilang lutenant.
Hindi niya namalayan ang pagtunog ng cellphone niya at nakalimutan niya rin itong i-silent.
“Sorry po lutenant” sagot nito at agad na sinilent ang kaniyang telepono.
Napayuko na lamang si Zheniah dahil sa kahihiyan, pinagtatawanan din siya ng ibang tao na nasa loob ng office.
Ipinatawag sila para pag usapan ang magaganap na pagsugod nila sa lungga ng mga sindikatong nagbebenta at nunguha ng mga bata. Kinakailangan na mapuksa na nila ang mga ito para sa ikabubuti ng lahat.
“Srgt. Rivera, sasama ka sa operation nila ni Captain Javison, next week.” Sambit sa kaniya ng kanilang lutenant.
“Yes, Lutenant.” Napanguso na lamang si Zheniah. Makakasama na naman niya sa operasyon ang Captain nilang suplado pagdating sa kaniya.
Minsan iniisip na lang niya na lagi itong may dalawa dahil sa laging pagsusungit nito sa kaniya.
“Dismissed!” sabi ng kanilang Lutenant.
Nagsitayuan naman silang lahat at sumaludo muna sa Lutenant bago lumabas ng opisinang iyon.
“Grabe akalain mong, pulis si Zheniah eh, ang hina hina naman niya.”
“Your right, Sivanah. Ang hina hina niya at laging pabigat sa mga operation.
“Let’s go na Cindy, andito na pala ang dakilang mahina”
Napahinga na lamang si Zheniah at hindi pinansin ang dalawang babaeng pinag uusapan siya. Bukod kasi sa kapitan nila, ang dalawang yun ang pinaka-basher niya sa buhay. Laging nakikita ng mga ito ang pagiging mahina niya.
Nagtungo na lang si Zheniah sa opisina ng kanilang Kernel. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao sa opisina na siya ang nakababatang kapatid ng kanilang Kernel. Hindi ito alam ng lahat maliban na lamang sa dalawang babaeng pulis na malapit sa kaniya. Sina Summer at Summy.
Sa pag aakalang mag isa lang ang kapatid sa loob ng opisina. Hindi na nag-atubiling kumatok pa si Zheniah at basta na lamang pumasok sa loob ng opisina. Ngunit malaking pagkakamali pala ang ginawa niya dahil nasa loob din ng opisina ang kapitan nilang ubod ng sungit pagdating sa kaniya.
“Srgt. Rivera, hindi kaba marunong kumatok?” salubong ang kilay na tanong nito sa kaniya.
Napakamot na lamang ng ulo si Zheniah at bahagyang napayuko. “Sorry po, Captain.”
“Next time, knock the door first.” Tumayo ang Captain. “Ano pang silbi ng kamay mong yan kung hindi ka man lang marunong kumatok.”
“Pabayaan mona, Captain.” Sumabad na ang Kernel sa usapan dahil napansin niya ang pagnguso ng kapatid.
“Mauuna na ako, Kernel.” Sumaludo ang Captain, sa kanilang Kernel.
Sumaludo rin naman ang Kernel Nila sa lalake.. Mabilis na umiwas ng tingin si Zheniah nang umikot paharap sa kaniya ang kanilang Captain.
“Aren’t you gonna salute at me?” masungit na tanong nito.
Mabilis namang sumaludo si Zheniah dito. Sumaludo rin sa kaniya ang Captain nila bago tuluyang lumabas ng opisina.
“Sasama ka raw sa operation, next week?” Tanong sa kaniya ng nakatatandang kapatid, na nagngangalang Khael Mendoza.
Hindi sila pareho ng last name dahil ang gamit ng kaniyang kapatid ay ang last name ng kanilang Ina.
“Opo,” sagot ni Zheniah. “Pinasama ako ni Lutenant dahil baka raw makatulong ang katalinuhan ko sa misyon.”
“Masyadong delikado,” alalang sabi ng kaniyang kapatid. “Zhen, ayokong may mangyaring masama sayo.. Alam mo namang dalawa na lang kayo ni Cloud sa buhay ko.”
“Kuya, hindi ako mawawala at walang mangyayaring masama sa akin promise.” Natatawang sagot ni Zhen. “Oo, mahina ako sa pakikipaglaban pero hindi naman ako agad mamamatay, masyado kang excited ah?”natatawa pang biro Ng dalaga kapatid.
Napahinga na lang nang malalim ang Kuya ni Zhen at nilapitan siya, saka siya nito niyakap ng mahigpit.
“Kuya, loves you so much.” Napapikit na lang si Zhen nang halikan ni Khael ang noo niya. “Pababantayan kita kay Sky.”
Napasimangot si Zhen nang marinig ang pangalan ng Captain nilang suplado.
“Kuya, wag sa masungit na yun!” nakasimangot niyang angil. “Ayoko sa kaniya, siguradong susupladuhan lang ako nun.”