Рет қаралды 58,242
#audiopocketbook #tagaloglovestory #fullstory #inspirationallovestory #romance #actionromance #action #actioncomedy #comedy #kwentongpagibig#tagalogdrama #audiopocketbook#wattpadseries #novelseries #kwentongpagibig
Title: The Secret Agent Downfall
Author: Lady Precious
Character: Cashia Lane Hamington and Poseidon Cruz
Edited by: Rendel Tagalog Love Stories
Sa labas ng Training room dinig na ni Cashia ang malalakas na yapak ng taong kilalang-kilala niya. Sa talas ng pandinig at pandama niya walang maaari makaligtas rito. Sa tagal niyang nag-ensayo upang gumaling ng ganito ay worth it dahil marami na siyang natulungan ng mga inosenteng tao.
Nagbilang ng tatlo si Cashia bago lumipad ang pintuan dahil sa pagsipa ng kaniyang mommy. Walang kahirap-hirap itong tumilapon at iniluwa nito ang mommy niyang bakas ang galit sa mukha.
"Cashia Laine Hamington! Ano na naman ang ginawa mong bata ka! Sinumbong ka sa akin ng kumare ko na sinuntok mo raw ang anak niyang si Theo!" Nanggagalaiting hiyaw ni Camilla sa nag-iisang anak na si Cashia Laine. Ang pinaglihi niya sa balasubas niyang asawa.
Ang walang kasing spoil at walang kinakatakutang nag-iisang babae sa magpipinsan na Hamington. Ang babaeng version ng asawa niyang ma-attitude at walang kinakatakutan.
Inirapan lang siya ni Cashia bago pinagpatuloy ang pag-eensayo gamit ang baril. Ngayong araw ang day off niya sa trabaho kaya pumirmi siya sa bahay ng mga magulang. Ngunit kaysa makapagpahinga siya ay ito pa ang mararanasan niya ang bungangaan ng bungangera niya mommy.
"Totoo ba na ikaw ang sumuntok sa namamagang mata ni Theo? Oh god anak galit na galit ang mommy niya at gusto kang kasuhan." Histerikal na sabi ni Camilla.
"Mom, hindi ko gagawin kay Theo 'yon kung tinanatanan niya sana ako ng maaga." Katwiran niya sa ina.
"Pero dapat kasi-"
"Mommy, hinaharrass kasi niya ako porket magkaibigan kayo. Matagal na ako nagtitimpi at ng gabing 'yon ay naputol ang pagtitimpi ko. Hindi ko namalayan na lumipad bigla ang kamao ko." Putol ni Cashia sa ina.
Nangunot pa ang kilay ng ina ni Cashia at napalitan iyon ng iritasyon. "G-Ginawa niya 'yon?"
"Yes." Simpleng sagot ni Cashia bago niya ibinaba ang baril sa lamesa.
"Edi sana hindi mo sinuntok bagkus binaril mo sana! Hayop ang mukhang paa na 'yon kay tagal kong hinintay na makatikim siya sayo." Ani naman ng ina niya ngayon. Bakas na bakas sa ina niyang mukha pareng bagets kahit nasa 40s na ito. Hinugot pa ng kaniyang ina ang baril sa tagiliran.
Hindi mapagtanto ni Cashia kung blessing ba ang magkaroon ng magulang na parang bagets lamang. Ang mommy niyang loka at ang daddy niyang seryoso pero patay na patay sa mommy niya.
"I thought galit ka dahil sinaktan ko siya? Bakit parang masaya kapa ngayon? Alam mo mommy minsan hindi na kita maintindihan." Hasik ni Cashia dahil sumusumpong na naman ang kabaliwan ng kaniyang mommy.
"Papayag ba kong mapunta ang nag-iisang anak ko sa mukhang paa na 'yon?" Taas kilay na sabi ng ina ni Cashia.
"Whatever mommy lumayas-layas ka muna sa harapan ko dahil gusto ko ng katahimikan." Sabi niya sa ina ngunit hindi siya pinansin ni Camilla bagkus ibinato niya ang folder sa direksyon ng ama. Sinalo ito ni Cashia ng hindi tinitignan para lamang itong sumalo ng walang kahirap-hirap.
"Ano na naman ito mommy? Don't tell me may bagong mission na naman ako? Utang na loob lang pagpahingain niyo naman ako." Reklamo niya ng makita ang laman ng folder.
"Utos ng daddy mo 'yan, Cashia. Gawin mo na lang kaysa makipagtalo kapa sa amin wala ka naman magagawa."
"So sabihin mo sa akin ngayon mommy kung anong kalokohan itong nababasa ko?" Anas ni Cashia ng makuha ng maispatan niya ang isang kundisyon sa mission.
Nabasa lamang niya ang isang kundisyon kung saan kailangan iyang tanggapin ang arrange marriage upang mabantayan