Рет қаралды 3,699
#News5OnTape I Desidido si Sen. Imee Marcos na paimbestigahan nang hiwalay sa Senado ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na napag-alaman niyang programa ng Department of Social Welfare and Development #DSWD sa pamamagitan lamang ng isang text message nitong nakaraang linggo. Una na itong tinalakay sa pagdinig ng Senado, Feb. 13.
Mas ikinagulat ng Senadora na may P26.7 bilyong pondo na nakalaan para rito at base aniya sa nakuha niyang impormasyon ay may planong gamitin ang pondo bilang papremyo sa mga makakalikom ng pirma para sa People’s Initiative.
Aminado naman si Sen. Marcos na maging siya ay tila nalusutan ng naturang pondo. Isinisi rin niya ang paglusot nito sa Bicameral Conference Committee ng Kamara at Senado na hindi aniya masyadong napag-uusapan ang detalye pagdating sa budget ng gobyerno.
Sinubukang hingin ng #News5 ang ilang dokumento kaugnay nito pero wala pang maibigay sa ngayon ang Senadora.
Wala pang pahayag si Social Welfare Sec. Rex Gatchalian ukol dito. I via Maeanne Los Baños
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph