hatnggabi

  Рет қаралды 17,086

Diocese of Kalookan

Diocese of Kalookan

Күн бұрын

KALIGTASAN
Homiliya Para sa Hatinggabi ng Pasko ng Pagsilang,
Lukas 2:1-14
Naikwento ni Bishop Broderick Pabillo na minsan daw, sa isang recollection, ipinasulat niya sa mga participants sa kapirasong papel ang unang pumasok sa isip nila kapag nababanggit ang salitang “PASKO”. Halos lahat daw, ang isinulat ay “MASAYA”. Pero nang tanungin sila kung ano para sa kanila ang “NAGPAPASAYA SA PASKO?”, doon na daw nagkaiba-iba ang mga sagot. May nagsabing mga parol, Christmas lights at Christmas tree ang nagpapasaya. May nagsabing “Christmas parties”, “exchange gifts” at masarap na kainan. May nagsabing carolling, simbang gabi, at aguinaldo. Wala daw ni isa nagsabing ang nagpapasaya sa Pasko ay si Kristo at ang hatid niyang KALIGTASAN.
Kaya siguro madalas nating marinig ang panawagan-IBALIK SI KRISTO SA KRISMAS. Ano nga ba naman ang saysay ng Pasko kung alisin mo si Hesus? At ang pangalang HESUS ay galing sa Hebreong YESHUA, na ang ibig sabihin ay “ANG DIYOS AY NAGLILIGTAS.” Ang Pasko ay tungkol sa KALIGTASANG hatid ng pagdating ni Hesus sa daigdig.
Minsan, ako rin, tulad ng ginawa ni Bishop Pabillo, ay nagtanong sa mga participants sa isang recollection. Ang tanong ko naman ay, “Ano ang ibig sabihin ng KALIGTASAN para sa iyo?” Iisa lang ang nakuha kong sagot sa kanilang lahat: LANGIT. Mas elaborate lang nang konti ang sagot ng iba. Halimbawa, sabi ng isa, “Gantimpalang langit sa kabilang buhay.” May nagsabing “Ang sumalangit daw ang kaluluwa pagkamatay imbes na suma- impyerno.”
Ibig sabihin, ang karaniwang intindi ngayon sa kaligtasan ay ang mapunta ng langit ang kaluluwa ng tao, matapos na siya’y pumanaw sa pisikal na buhay dito sa mundo. Na para bang ang kaligtasan ay walang kinalaman sa aktwal na buhay dito sa mundo. Siguro dahil alam natin na ang katawan, ang daigdig, ang materyal at pisikal na buhay ay lilipas lang, mabubulok, mawawala. Palagay ko iyon ang dahilan kung bakit nawawalan ng paggalang sa kalikasan ang marami, at kung bakit malakas ang tendency natin na abusuhin ang ating pisikal na kalusugan. Di nga ba may mga taong ang katwiran ay, mamamatay din lang naman e ba’t di pa magpasasa?
Hindi malayo na ito rin ang dahil kung bakit sa kaisipan ng marami, ang relihiyon ay walang kinalaman sa buhay dito sa mundo o sa buhay panlipunan. Na para bang wala namang kuwenta ang buhay dito sa mundo. Kaya siguro napaka-negatibo ng kahulugan sa Tagalog ng “makamundo” o kahit ng Ingles na “worldly”, na para bang masama ang mundo.
Huwag ho sana kayong mabibigla pero ang ganitong pag-iisip ay hindi Kristiyano at malayong malayo sa kahulugan ng KALIGTASAN ayon sa Bibliya. Di ba ninyo narinig mula sa propeta Isaias sa ating first reading ang paglalarawan niya ng kaligtasan? “Liwanag sa isang bayang matagal nang nasa kadiliman…panunumbalik ng sigla at tuwa na tulad daw ng panahon ng anihan… Paglaya sa mga kaaway na umalipin sa kanila.“ Sabi pa ng propeta, “Ang kaligtasan ay tulad ng mga taong ‘naghahati ng nasamsam kayamanan.’”
Isipin mo kung gaanong saya nga naman ang idudulot kung maibalik sa mga taumbayan, lalo na sa mahihirap, ang lahat ng mga kayamanang ninakaw ng lahat ng mga nangurakot sa gubyerno? Lalo na sa mga panahong ito ng pandemya at kalamidad? Ganito ka-kongkreto ang mga larawan ng kaligtasan sa Bibliya. Kapag “nabali na daw ang panghambalos ng mga nagpapahirap sa kanila.” Kapag ang kapangyarihan sa pamamahala ay mapapasakamay na mga taong may mabuting kalooban o ng mga tunay na alagad ng kapayapaan na magpapalaganap ng katarungan at kaginhawaan at kapayapaan.
Sa ating second reading, sabi ni San Pablo, “Inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng KALIGTASAN sa lahat ng tao.” Hindi niya sinabing kaligtasan lang para sa mga Hudyo o para sa mga Kristiyano kundi PARA SA LAHAT NG TAO. Hindi lang gantimpalang langit para sa kaluluwa pagkamatay, kundi paghahari ng kalooban ng Diyos sa mundo upang ang dito sa lupa ay maging simula na ng langit.
Ito aniya ay mangyayari kung tatalikdan natin ang “likong pamumuhay.” Di ba ganoon ang pahayag ni Juan Bautista nang simulan natin ang adbiyento? Na ang daan ng kaligtasan ay ang landas ng pagpapantay, at pagpapatag: pagbababa sa matataas at pagtataas sa mga mababa, pagtutuwid sa baluktot at pagpipino sa magaspang?
Narinig din natin sa pahayag ng anghel sa mga pastol ng Belen na nagbukas ng pinto sa Anak ng Diyos? “Ako’y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa LAHAT NG TAO.” Ayun, naulit na naman-hindi lang daw para sa iilan kundi para sa lahat. At para kanino ang mabuting balitang ito? Para sa mga taong may mabuting kalooban.
Ang tunay na saya na dulot ng Pasko ay ang kaligtasang hatid ni Kristo sa sangkatauhan. Sabi nga ng simula ng sulat sa mga Hebreo, “Noong una, naghahatid ng kaligtasan ang Diyos sa pamamagitan ng mga sugo at propeta. Ngunit nitong mga huling araw, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng sariling Anak niya.“

Пікірлер: 35
@jovitacalma7619
@jovitacalma7619 2 жыл бұрын
Maraming salamat po Bishop Pablo David sa napaka-gandang ng inyong homily tumatagos po sa puso at masarap ulit ulitin na pakinggan po. Merry Christmas at mabuhay po kayo Bishop. God bless po at ingat po kayo palagi.
@ninarobledo6392
@ninarobledo6392 2 жыл бұрын
Maligayang Pasko po Bishop Ambo and maraming salamat po sa pagliliwanag ng salitang Kaligtasan.
@anitaenecilla1687
@anitaenecilla1687 2 жыл бұрын
maligayang Pasko po Panginoon at sa iyo Bishop ambo... TcGB po...
@angelitabaclagon1612
@angelitabaclagon1612 2 жыл бұрын
Makigayang pasko Bishop. GOD BLESS PO.
@faraora3355
@faraora3355 2 жыл бұрын
Merry Christmas bishop Ambo. More blessings and good health. 🎄🎄🎄
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 2 жыл бұрын
Good evening ho. We are thankful for this online masses, cuz, we came to know you, giving us good homilies, which, we learn about God’s words.
@mariaceciliadevera7499
@mariaceciliadevera7499 2 жыл бұрын
Thanks you Lord Amen 🙏🙏🙏🙏🙏❤❤❤❤❤😇😇😇😇😇🌹🌹🌹🌹🌹
@lovellawagan2961
@lovellawagan2961 2 жыл бұрын
AMEN 😇🙏🙏🙏maligayang pagsilang din po sa inyo BISHOP AMBO at sa lahat ng mga kaparian,Bishop,Cardinal at Santo Papà etc at sa lahat ng mga alagad ng mga alagad ni Hesus,salamat po sa inyong mga HOMILIYA na nagbibigay ng food ng aking soul .😍💖👂🙂
@mariaceciliadevera7499
@mariaceciliadevera7499 2 жыл бұрын
Thanks po Father God blessed..🙏🙏🙏🙏🙏
@erlysantos4946
@erlysantos4946 2 жыл бұрын
Merry Merry Christmas and Happy New year po Bishop Ambo stay safe po god bless.Ur gospel is very nice inspiring to all of us.Have a nice day .Ingat po u palagi.
@chryssjhymmcalica7739
@chryssjhymmcalica7739 2 жыл бұрын
AMEN!
@susanjohndiosomito2517
@susanjohndiosomito2517 2 жыл бұрын
Thank you father for a very nice clear understanding of the meaning of Christmas .🙏🥰🥰🥰
@monte987villa
@monte987villa 2 жыл бұрын
Merry Merriest Christmas Bp. Ambo, for today our Lord and saviour is born in Bethlehem 2k years ago.
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 2 жыл бұрын
Good evening, ho Bishop David.
@rosalinaiglesias9412
@rosalinaiglesias9412 2 жыл бұрын
Merry Christmas po, thank you for your homily( nice reflection)
@lrey3849
@lrey3849 2 жыл бұрын
MERRY CHRISTMAS PO BISHOP PABLO DAVID AT SA ATING LAHAT N GOD BLESS US ALL PO!
@gliceriacruz9686
@gliceriacruz9686 2 жыл бұрын
Merry Christmas po,salamat po sa napagandang pag bibigay ninyo ng kahulungan ng pasko sa buhay ng bawat isa,ipagkaloob po sa amin ang kapayapaan at pagmamahal na gusto ng diyos sa buong mundo na kanyang nilalang!!! Amen!!!Amen!!! Alleluya!!! Ikaw po ang maghari sa buhay namin panginoon diyos!!! We love you!!! Happy new year to all!!!
@ophieyaleahsarmiento9374
@ophieyaleahsarmiento9374 2 жыл бұрын
Amen 🙏. Salamat sa Diyos. Thank you po for the beautiful homily. Merry Christmas po Bishop Ambo. 🙏
@mengcamacho980
@mengcamacho980 2 жыл бұрын
Happy Holidays po at Praise God for the improved conditions that we’re having this face to face mass that we are having, Thanks be to God for having the social media and all the Roman Catholic in our country for having you Bishop of the Diocese of Caloocan for sharing you to us even for all the far flung places thru out the country.
@stefieladiong1707
@stefieladiong1707 2 жыл бұрын
Amen’thank you Bishop Ambo for your Christmas Homilia’ God bless you and all you Clergy in all your different ministries.Merry Christmas to all 🙏🌠
@cristitavitor4482
@cristitavitor4482 2 жыл бұрын
Merry Christmas bishop David Ambo! Thank you po for your inspiring homily.🙏🙏🙏🙏
@janeyalvarez7810
@janeyalvarez7810 2 жыл бұрын
Galit na si Bishop Ambo!🥰 Napaka-powerful po ng message mo Bishop Ambo! Salamat po sa paliwanag!🙏🏻
@rosete5676
@rosete5676 2 жыл бұрын
Thank you Bishop Ambo and Merry Christmas, Jesus is born for us all
@emermarcial2293
@emermarcial2293 2 жыл бұрын
Merry Xmas Bishop Pablo David.Thank you for all your inspiring, meaningful and touching homilies for us all♥️
@florpascual2694
@florpascual2694 2 жыл бұрын
Tama po Bishop.Ambo,sa SPJ po masaya din po kami.Merry Christmas po naway patnubayan tayo lagi ng ating Ama sa langit,si Jesus at Spiritu Santo,Amen.Thank you Jesus,we love you,thank for being our saviour and Lord!💖🙏
@msocorrocalzado6742
@msocorrocalzado6742 2 жыл бұрын
Salamat bishop for your substantial homily
@dimaygarin2866
@dimaygarin2866 2 жыл бұрын
"Mark the season of Advent by loving and serving others with God's own love and concern." ~ Saint Mother Teresa🙏🏻💒#AlwaysJesus 📖📿🙌🏻 #GiftedToGive 🤲🏻💐🕊
@giemercado3963
@giemercado3963 2 жыл бұрын
Has the diocese cease to livestream masses? I miss them terribly.
@evelynsancarlos5145
@evelynsancarlos5145 2 жыл бұрын
Gud evening to u father
@avelinamanamtam967
@avelinamanamtam967 Жыл бұрын
Merry Christmas po BishopAmbo🥳🍜🥞🫔🍞
@mariamvillaver9510
@mariamvillaver9510 2 жыл бұрын
Merry Christmas po sainyong lahat! REJOICE JESUS IS BORN 🤗🙏💖🙌🤩
@teresitamercado6922
@teresitamercado6922 2 жыл бұрын
🙏🙏🌷🙏🎄🌼💗
@Japan.Nature
@Japan.Nature 2 жыл бұрын
This video is full of ideas and makes me wanna go on happy with my day, its really entertaining. I wish you will make this kind of video again 💛
MAHIMASMASAN SA KAHIBANGAN (Unang Linggo ng Kuwaresma)
19:08
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 18 М.
ANG REGALO NG PAMILYA (kalawang Simbang Gabi)
20:01
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 11 М.
Самое неинтересное видео
00:32
Miracle
Рет қаралды 2,9 МЛН
Every parent is like this ❤️💚💚💜💙
00:10
Like Asiya
Рет қаралды 8 МЛН
iPhone or Chocolate??
00:16
Hungry FAM
Рет қаралды 36 МЛН
哈莉奎因怎么变骷髅了#小丑 #shorts
00:19
好人小丑
Рет қаралды 52 МЛН
WITHOUT LOVE, I AM NOTHING (4th Sunday in Ordinary Time)
22:49
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 17 М.
KAMANLALAKBAY (Paglulunsad ng Sinodo Tungo sa Isang Simbahang Sinodal)
20:45
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 18 М.
Ika-pitong Linggo ng Karaniwang Panahon
21:50
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 17 М.
Ang Tawag (Vocation Story) Short Film
10:56
Khrly Josol
Рет қаралды 794
WHAT GOD HAS JOINED TOGETHER (27th Sun in Ordinary Time)
21:29
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 12 М.
BARYA NG KATOTOHANAN (Biyernes Santo)
29:31
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 25 М.
Homily for the Sixth Sunday of Easter
20:47
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 10 М.
Kapistahan ng Nuestro Padre Hesus Nazareno Homily
23:03
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 23 М.
Homiliya para sa Biyernes Santo
24:15
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 13 М.
Homily for the Feast of Santo Nino
24:14
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 28 М.
Самое неинтересное видео
00:32
Miracle
Рет қаралды 2,9 МЛН