Рет қаралды 90
Tortang Talong Recipe with Ground Pork
Mga sangkap:
2 pirasong malalaking talong
¼ kilong giniling na baboy
1 sibuyas na hiniwa
3 butil ng bawang na hiniwa
3 butil ng itlog
Asin at paminta
Mantika para sa pagprito
Paraan ng pagluluto:
• Igisa ang bawang at sibuyas
• Isunod ang pork giniling
• Timplahan ng asin at paminta at hintayin maging brown ang kulay ng giniling
• Ilagay ang luto ng giniling sa isang mangkok at hayaan itong lumamig
• Ihawin o pakuluan ang talong sa tubig at kapag ito’y malambot na hayaan lumamig at balatan
• Painitan ang kawali na may mantika at unang isalang ang talong at isunod ang giniling at bahagyang ibuhos ang binating itlog
• Baligtarin ang talong upang maging pantay ang luto nito
Ang Tortang Talong ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Nagmula ito sa Spanish o mga Kastila na ang ibig sabihin ay "tortilla na may talong". Ang ulam na ito ay madaling lutuin at maaaring maging isang mainit na pagkain para sa almusal, tanghalian, o hapunan.
Huwag po ninyong kalimutan na mag-subscribe at sundin ang aming KZbin Channel na "Mga Lutong Pinoy" upang laging makatanggap ng mga bagong video ng mga paborito at napakasarap na mga lutuin. Salamat po!