This is the reason na kahit ilang taon na akong OFW, I never gave in sa pressure na ipaayos, like total overhaul ang bahay namin.I dont trust the people back home to handle the finances. Yes, I have a dream house in mind, pero gusto ko hindi man ako maalam sa engineering, I am present while construction is ongoing.
@arceus3105Ай бұрын
yes po, better to save your money muna then kapag umuwi ka na saka ka na lang magpagawa ng bahay para matutukan mo talaga
@Bryle_Ай бұрын
Yes tama, hindi dapat pagkatiwalaan kahit kaanak mo pa yan kaya nakasulat rin yan sa bibliya, kasi nga sa story ni Esau at Jacob na ginawan ng kasalanan ang kuya niyang si Esau pati yung nanay nila na si Rebekah kinunsinti si Jacob at inudyukan pa na kunin yung blessings mula kay Esau. Jeremiah 9:4-6 Take ye heed every one of his neighbour, and trust ye not in any brother: for every brother will utterly supplant, and every neighbour will walk with slanders. And they will deceive every one his neighbour, and will not speak the truth: they have taught their tongue to speak lies, and weary themselves to commit iniquity. Thine habitation is in the midst of deceit; through deceit they refuse to know me, saith the LORD.
@di_xox474729 күн бұрын
Smart move❤
@mercyfullemann962829 күн бұрын
Pareho tayo gusto mo nandun ako mismo kapag nag pagawa ako ng bahay sa pinas.
@cbsyoung29 күн бұрын
Paano po kung may archectic kayo din sya din ang contractor yet sya din yung manloloko sayou
@olaf909329 күн бұрын
Dapat ilagay ang mga pangalan ng ganitong mga Constructor sa public website para magsilbing awareness. ginagawang gatasan ang mga kababayan nating naghahanap buhay ng maayos, biruin mo Hindi gumawa ng bahay kundi gumawa ng problema sa bahay.
@skuwamy25 күн бұрын
Yun nga eh sana binabanggit yung mga ganito para maout of business sila. Di kasi biro ang ginagastos ng mga nagpapagawa ng bahay.
@justlurking520325 күн бұрын
marami pong ganyang contractor. yung tipong naging trabaho nga nila yung scope before kaya akala nila ay alam na nilang gawin. malalakas pa ang loob na makipagtalo sa client. Tito ko nalugi ng milyon dahil paulit ulit din naman syang nagbibigay ng project kahit ni metro ay kamoteng basahin nung contractor kuno. tapos ang kinukuhang tauhan ni contractor ay di rin well versed sa trabaho.
@mr.bloxxworld3407Ай бұрын
always hire an architect for fulltime supervision kung may budget wag iasa sa contractor .
@romella_karmeyАй бұрын
Meron nga daw kaso pulpol din 😂
@gsastudio-archl29 күн бұрын
@@romella_karmey wala nga, yung sabi relative nya at isang engineer na contractor at gumawa. Yung sinabi nya na architect at engineer na nag inspection is yung bagong contractor nya na pinalit nya dahil disappointed sya nung dumating na sya sa Pilipinas.
@mindayu322429 күн бұрын
Gaya ko tauhan ng kuya ko nagawa damı I ulit from 15 August until now wala pa masyado improvement grabe halos 3 months nag hukay kala mo na helipad ang gagawin
@gsastudio-archl29 күн бұрын
@@mindayu3224 yes, akala kasi natin makakatipid pero mas gagasto ka sa labor kasi pinapatagal nila yan. Mas mabuti kung professional talaga.
@lydiadejesus953529 күн бұрын
Kung professional na matino.May personal experience na kami ganyan. Architect naman kala mo ok dahil nung dalhin gamit pero Yung door knob ng pinto baligtad kabit.Di na itinuloy. Ng gawa na lang magandang dahilan.Yung friend namin iniwan sya niArchitect contract or.
@haroldsandiego997527 күн бұрын
Also demand weekly update with video footage para ma avoid more future problems. Dapat legit na contractors, tile setters and other builders . Marami pung saling pusa na kunwari mas cheaper . At the end of the day mag double job po kayo .
@catinko29 күн бұрын
Very blessed to have a very supportive family. Nasa in between jobs ako pero nag kabahay ako na fully furnished na. Salamat sa mama at mga kapatid ko. Working again as an OFW at nabayaran ko na lahat ng nagastos sa pag pagawa ng bahay ko. Love you Manong Ben! :)
@tagabulodchastityobedience729229 күн бұрын
Pasalamat ka sa Dios Dahil mabuti pamilya mo.. pamilya ko tingin saakin bangko . Puro kasinungalingan at panluluko ang ginagawa saakin💔💔💔
@fatimaperez474527 күн бұрын
Same, I have a blessed family
@whatevergoesforme512926 күн бұрын
@@tagabulodchastityobedience7292 Sorry to hear that pero maraming pinoy family members nasanay na kasi umasa sa family members na mas may pera. Guilt tripping pa na dapat tulungan mo sila Okay lang if emergency or matanda na or very sick yung family member but not if ang laki ng mga katawan at tamad magtrabaho. Di naman masama tumulong at utos ng Diyos yan pero di rin dapat inaabuso ang family member na may pera kung puede ka naman mag work at di masyado aasa sa ibang tao. Puede naman bawasan ang luho at matutong magtipid.
@clarissanoahcuray3167Ай бұрын
OMG MY FAVE ARCHITECT. YOU ARE MY INSPIRATION SINCE JR. HIGH SCHOOL ON BECOMING AN ARCHITECTURE STUDENT. I PASSED THE ENTRANCE EXAM OF PUP STA MESA AND UNIVERSITY OF STO TOMAS FOR ARCHI YET ENDED UP AS AN ELECTRICAL ENGINEERING STUDENT IN BULACAN STATE UNIVERSITY. JUST WANNA LET YOU KNOWWWWW ^^
@OliverAustriaАй бұрын
Eyy malapit narin sa Arki ang EE, good luck sa studies Mah Dude!!
@MowFlats28 күн бұрын
Nakapasa ka na sa UST bakit di mo pinirsue ang big 4 univ? Accessibility ba?
@orangejuice271628 күн бұрын
Congrats po!
@Ymats-dj1nt28 күн бұрын
@@MowFlatspera siguro bulsu is a public eh
@whatevergoesforme512926 күн бұрын
@@MowFlats Issue usually ay pera. Mahal ang big 4 unless scholar ka. Otherwise, bakit di doon sa big 4 mag-aaral ang mga pumasa? Even UP is no longer that cheap because of socialized tuition fee.
@jocelynsabiga434428 күн бұрын
Nung unang inayos bahay namin Tito ko ang gumawa dahil construction worker sya and ang daming imperfections,,quiet na lang kami para di magkalamat pero very dismayado talaga kami magkakapatid Then comes year 2023 nagpa renovate kami,, mejo malaki talaga ung babaguhin nag decide na kami kumuha ng ibang gagawa. Sa awa ng diyos na satisfied naman kami sa kinuha namin na gumawa 😊😊 Natuto na kami never again sa kamag anak 😂
@zxcasdqwe944422 күн бұрын
hala ganitong ganito naranasan ko ngaun. sobrang palpak ng gawa ng tito ng mrs ko, tapos ngaun may iba nang mag aayos sa mga palpak nila. sana maging okay.
@samanthapaula564310 күн бұрын
Mas better talaga na hindi kamag anak ang gagawa sa bahay mo, gaya sa bahay namin may nag offer na kamag anak pero hindi namin kinuha to avoid disagreement at away between relatives kapag hindi nasatisfied sa trabaho nila...but then naka 3 contractor pa din kmi yung 1st one ok naman sana kaso hindi sumunod sa time frame and budget na sya mismo ang nagsabi at may contract kmi, ok n sana kahit nagdagdag kmi kaso parang sinasadya ng bagalan, alam kasi nila na paalis n kmi, akala siguro ipapatuloy ko work kahit wala kmi...so pina stop ko work at pagbalik nmin we hired another contractor, na ninanakaw naman materyales and finally we found the best one til matapos ang bahay... dugo at pawis ang ginagastos sa pagpapagawa ng bahay tapos lolokohin ka lang...not fair
@lftvidz28 күн бұрын
Ganyan kasi tayong Pinoy. As much as possible gusto natin tayo2 lang gagawa para makasave & okay lang yun kung maliliit lang na projects pero kung may pera nman at makakagastos ka ng 5M, 10M na bahay so for sure kaya mo rin nyan magbayad ng architect or engr para may professional ka on your side na mag assist & give you an advise especially kung may contractor na. So dapat sa construction pag private may owner, may advisor/supervisor ni owner and si contractor. In that case, ikaw na owner di maloloko ni contractor cuz you have a professional on your side
@marjbagano26 күн бұрын
Ang Dami kung natutunan dito. Plano pa lang namin mag pa Tiles ng floor sa bahay namin. Kaya subrang THANKFUL ako napadpad ako sa channel mo at dito pa mismo sa video mo na to. SALAMAT po.
@meckeru7623Ай бұрын
daming lessons mah dude! kahit wala pakong bahay haha salamats!
@_EmmanCanlasАй бұрын
Tito Llyan grabe ang ganda talaga ng natural lighting sa room mo😮 May tips ka po ba para sa dark rooms? My situation is may window naman ako pero sobrang dark ng tint. Mas gusto ko na yung wala nalang tint? 😢
@masterbuten5953Ай бұрын
@_EmmanCanlas may tip will be buy a light bulb
@romella_karmeyАй бұрын
Paint it with lightest colors available and magbutas for more windows
@celitavalera17728 күн бұрын
Recommended very trusted,reliable ,good architect..Dodi (Deo) Opalda..sya supervised sa Shop ng Kuya ko at big house ng pamangkin ko..super happy sila sa outcome ng pagkagawa😊
@arrjayarrjay5127 күн бұрын
Contractor tatay ko pero may guidance parin ng engineer and architect. Di sa pagmamayabang pero umabot aa point na pinagkakatiwalaan na sya ng engineers at architects sa lugar namin. May time na gusto nung kamag-anak ng may-ari na may gawin agad. I don't remember completely pero parang may gusto yung kapatid ng owner na e skip na process at bawasan ang materials. Pero yung tatay ko nagsumbong sa may ari kasi ayaw nya ng ganon. Ayun nalaman ng may-ari. Nagalit then iba na yung pinahawak sa pera. Mayaman yung may ari, sobrang yaman pero ayaw nya yung naloloko sya, kadugo pa nya. Lesson learned talaga wag ipahawak sa kamag-anak na walang trabaho
@BhambieDizon25 күн бұрын
Magkano po bayad sa architect, engineer and contractor? Kailangan po ba sila tatlo pag magpapagawa ng bahay?
@arrjayarrjay5124 күн бұрын
@BhambieDizon di ako nagtatanong sa tatay ko usually pero yung mga nagpapagawa ng bahay diretso sila sa tatay ko then tatay ko yung nakikipag usap sa mga kakilala nyang beteranong mga engineers at architects. Pati electrical engineer din. I think maliit lang yung world talaga ng nasa building construction business. Nagwork yung tatay ko 1 time sa isang family ng engineers. Bale yung panganay is civil, pangalawang is architect then yung bunso is electrical. Wala naman ng eche bureche. Yung papers nalang sa barangay/munisipyo inasikaso nya
@arrjayarrjay5124 күн бұрын
Kelangan talaga yung 3 pero di rin 24/7 anjan sila bale ipapacheck lang yung lay-out sa kanila, yung design and sa electrical is yung schematic diagram. Kaya gusto nila tatay ko kasi nagpo foreman din sya eh. Gumagawa ng plano and estimation ng mga building materials. Siguro dahil na din sa experience nya. Undergrad yung tatay ko pero maalam talaga when it comes to buildings
@BhambieDizon24 күн бұрын
@@arrjayarrjay51 hindi naman po nasagot tanong ko kung magkano
@wellmadeinteriors23 күн бұрын
@@BhambieDizonhindi po universal ang pricing ng Engineer, Architect and Contractor Example: Architect Fees are 10% ng Project po, meron ibang Architect can give you 5% Professional Fee Meron mas mura kung kakilala mo.
@Lynbrieofficial23 күн бұрын
Charged experience ito, maraming salamat sa kaalaman. Importante talaga na hands on ka kapag nagpapagawa ng bahay para matrack mo talaga ang finances dahil hindi biro ang gastos sa panahon ngayon
@lorivehernandez389621 күн бұрын
Grabe naman yan. Mahrap n kumuha ng matino ngaun, Im glad my ama ako na skilled, nauutay ung bahay ko. Almost 4 decades ng karpintero, when he works, he puts his heart into it at pinapahalagahan nia ung perang bnabyad sa knya so far madami n syang bahay na nagawa. Ingat kau sa mga agresibong contractor yan ung nkktakot.
@ronniebandonil955228 күн бұрын
Tama si ate Nurse, dapat ikaw talaga ay hands-on sa pagpapagawa ng bahay. Aminin natin pera pera lang ang gusto ng mga architects and engineers. Lesson huwag magtiwala.
@indiopeninsulares672326 күн бұрын
Baligtad yata ang pagkakaintindi mo SA point Ng video ah🤣🤣🤣
@stevenandrewdeleon758026 күн бұрын
tama. wag na kayo mag tiwala sa mga arki at enjener. dun tayo sa madami ng experience mag pagawa ng bahay. dun tayo kay fourman.
@kandi531925 күн бұрын
@@stevenandrewdeleon7580 Lmao mas buwaya pa ang foreman beh
@justlurking520325 күн бұрын
@@stevenandrewdeleon7580 huh?
@skuwamy25 күн бұрын
hahaha so parang sinasabi mo na pera pera lang din si Architect Oliver Austria?
@SheryvieCollantes24 күн бұрын
ay bonga! laking tulong ng video na toh dahil balak qng mgpatiles at hndi pantay ang loob nmin about sa sinasabi ni sir na eskwalada ata un heheh..maraming salamat po! God Bless You po sir
@FeiAcebuche29 күн бұрын
true po na magdemand ng videos or pictures ng progress of the days work. kagaya ng ginawa ko sa house ko kase abroad din po ako at satisfied nman ako sa mga nagawa base sa amount ng budget ko..
@litsnombre639029 күн бұрын
Mabuti na tackle mo ito, napanood ko ito last week at wish ko na sana mapanood mo para maraming ma advise-an na bago pa lang magpapagawa ng bahay
@jmmeneses199429 күн бұрын
Sana pag dumating yung time na kaya ko na magpagawa ng bahay matapat ako sa mabubuting tao na gagawa. Napaka-iksi pa naman ng pasensya ko sa mga balasubas at mapanglamang
@urvoicerocksmysoul27 күн бұрын
Vibe ng tao + professionals, yan po ang titignan mo.
@jmmeneses199426 күн бұрын
@@urvoicerocksmysoul thanks po
@nestornugpo7487Ай бұрын
Happy & Healthy New Year,Maduds & to everyone🎉🎉🎉
@NZeiramАй бұрын
dont hire mga basta basta engineer or architect... tignan niyo mga standards mga yan... kasi may mga tamad na lisensyadong engineer or architect... sa tingin ko... etong taong ito sa video... nagtipid sa pag hire ng foreman, engineer, or architect... ni isa sa kanila hindi man lang tinignan ung mga mali sa bahay na pinapagawa
@jeffrycezarapongan4314Ай бұрын
Not skipping the adds to support the channel!!! 2025 rooting for growth of content creators ng Philippines!
@mehdiperedo21315 күн бұрын
Construction worker ako for six years..from laborer to multiskilled worker.. tumigil ako s construction at nagabrod as factory para makaipon pangpgwa ng sariling bahay.... Nangako ako sa srili ko n hindi ko ippgawa sa iba ang bahay ko.. I'LL BUILD IT WITH MY OWN TWO HANDS.. dahil alam ko po ang kalakaran ng contracting . pros and cons..yun lang po
@otepdotnet29 күн бұрын
never deal with friends and family member para wala samaan ng loob.. just hire professionals
@Kuya_Gil29 күн бұрын
A fly by night contractors. You'll have full of stress and headaches building a house in the Philippines. As a foreigner, forget it!
@rodrigooyat547323 күн бұрын
Mahirap talaga magpagawa Ng Bahay na Wala ka Mismo na may Ari tapos kamag anak kakilala mga gagawa naku po....gaya nalang Ng Bahay ko maliit na nga palpak pa in the end Ako na Mismo nag ayos double gastos Akala ko makatipid Yun Pala dagdag gastos.
@AG-py9jo24 күн бұрын
Ang tanong anong size ng floor area Ang tanong ano ba ang sinasabi sa napag kasunduan / meron Plano Ang tanong wala bang revision sa napag kasunduan while in progress ang work , Ang tanong bakit from the start hindi I endorse sa uncle niya ang pag supervise Ang tanong ano ba ang contract Pakyaw or per day Ang tanong paano ang term of payment 50-25-25 Ang tanong walang better half yang nag pa construct
@bengbengbeng644Ай бұрын
Hi Kuya Oliver, can you please react to Camille Co's house? I want your opinion on how feasible yung style ng house nila sa Philippines. Thank you!
@mytama309229 күн бұрын
Kumuha si erpats ng contractor n architect n rin pero di nag-take ng board. Nagtiwala kc nga pinsan daw pero walang kwenta. Hindi nagsukat ng floor area kaya un bitin ang tiles. Nagmukha tuloy may division ang bahay since may magkaibang kulay ng tiles. Nagtibag kami ng purong buhos n poste ng garahe since di magkasya ung sasakyan. Ung sasakyan ba nmn nung kumag ang ginawa nya basehan eh mas maliit ung van nya kesa s samin. Door knob ng mga kwarto hindi magkakamukha at kung ano2x pang mga mali. So dapat talaga bantay sarado n tau kapag magpapagawa ng bahay
@colossus49129 күн бұрын
Kumuha ng contracting company na subok na at trusted based sa feedback ng previous clients at may warranty at contract,hindi yung kamaganak o sino sino lang kahit may experience pa
@UnicaHija1329 күн бұрын
@@colossus491hahaha danas ko na din mismomg kapatid ng nanay ko daming kapalpakan
@colossus49128 күн бұрын
@@UnicaHija13 kaya nga imbis sa kamaganak dun na lang sa trusted na all in one contractor company ,may warranty pa ng 10 years ibig sabihin siguradong pulido pagkagawa mala hotel pa interior designs bawat sulok ng bahay ,homey na homey kumbaga world class kaysa substandard na gawa ng kamag anak oh kung sino sino lang🤣
@reymarm.328 күн бұрын
You can't consider him an Architect. Kahit sino pwedeng mah sabi na "Ah architect ako pero ganito ganyan" Pero pag ganyan mostly Kwento Barbero lang yan.
@jacaba231124 күн бұрын
@@reymarm.3totoo po... Ang alm ko board passer lang pwede gagamit ng title na architect.
@michellejapina933129 күн бұрын
Nakaka tuwa kapo mag paliwanag😅Relate much ako kay Mam kasi isa din ang bahay ko sa mga palpak na nagawa
@MGLJr-m6w6 күн бұрын
Kapag kamag-anak kasi mahirap hingan ng resibo, inventory at listahan ng gastos sa materyales iisipin wala kang tiwala kaya kuha nalang ng ibang gagawa at dapat present ka habang on going construction and at least may alam ka ng konti sa gagawin nila kaya mas mainam na mag research muna ng mabuti at manuod ng ganitong videos bago magpagawa ng bahay.
@pauljoseph3081Ай бұрын
"Contracts" Professionals offer contracts, dapat lahat well documented from start to finish. Sa mga contractors, puro verbal lang tapos ang hassle kapag may backjobs, hindi mo pa basta-basta mahabol, at magiging kaaway mo pa. Mahirap ipagpatuloy sa kanika ang backjob na work kapag naging kaaway mo na. Sakit sa ulo!
@kawhi75228 күн бұрын
very true..pwde cgro cla habulin dahil breach of contract? kaya d cla takot may back job dahil wlang law jan?
@pauljoseph308128 күн бұрын
@kawhi752 mahirap basta verbal agreement lang kasi mahirap patunayan yan lalo na kung ide-deny lang ng mga contractors ang reklamo mo, at best, barangay lang kayo nyan, at kung kakasuhan mo mapapagastos ka at mahirap patunayan kasi walang contract, at kahit manalo ka sa kaso, walang pera ang mga yan kaya mas pipiliin pa nila makulong kesa bayaran ka, yan ay kung di nila maisipan patayin ka para tabla na lahat
@mks60076 күн бұрын
Legit 😂 nagpapagawa kami ng bahay, kinuha namin kamaganak sa pagpintura, 40sqm lang pero 25days na wala pa natatapos kahit anong parte ng bahay. Pinacheck na namin sa architect,gulat na gulat sa 25days kung ano palang nagagawa. Kaya sinibak na namin grabe kala namin makakatipid kami, mas napagastos pa at kami pa daw at yung architect ang mali.
@jannebrija98798 күн бұрын
Most cost effective way to fix yung tile is may nabibili na adhesive na parang framing yung mukhang edge ng picture frame, iwrap around nya lang sa edge ng floor and wall para di kita yung gap
@atab10125 күн бұрын
Ang ganda talaga manood ng mga videos mo ang dami kong natutunan 😊
@mitzi2024i29 күн бұрын
totoo po yan wag ipagkatiwala ang ipapagawa na bahay sa iba. nangyyri din sa akin yan kahit sa asawa ko nagtataka lng ako bat ang laki ng nagastosko s bahay samantalang naliit lng nmn b bahay ang pinapagawa.. Sa mga Pabahay lng , ngayon after 3 years nagtuklapan na ang mga tiles,, tas ang pintura nawawala na😢😢
@jmfarrell528 күн бұрын
Always smart and helpful video 👏🏻👏🏻
@wearewatching391025 күн бұрын
dapat eto n tlga kinuha nyo si sir austria kung my budget dn naman kyo at excellent quality n gawa dun n kyo sa certified.. 😊
@hanz26200027 күн бұрын
This happened to my house sa Pinas. Basically developer cheaped out on everything para may extra syang money. Hardest part to accept is long time friend ung gumawa. Still doing renovations after 3 years owning it
@archiatrix12 күн бұрын
To everyone, pag magpapagawa kayo ng bahay. H'wag niyong tipirin to the point na mageexpect kayo ng maganda pero yung budget na ginawa niyo ay hindi naman enough. Always think not only the aesthetic yung design ng bahay na nakikita niyo sa online na mura, isipin niyo din yung stability and safety niyo na din na gagamit ng bahay na ginawa. Don't hire your relatives kahit pa professional or hindi or matagal ng construction worker. Dahil magkakaroon talaga ng problema pag kamag-anak ang inasahan niyo sa pagpapagawa ng bahay.
@kennethabellatv444629 күн бұрын
2nd position and background ang ganda. Ma aliwalas tingnan maganda tingnan video mo lalo with laptop.hehe
@dianamaguicay29 күн бұрын
agree
@iDocx126 күн бұрын
Depende talaga 'yan, kung kukuha ka ng sarili mong contractor dapat pati yung kukunin nilang mga laborers kilala mo at alam mo yung history. Both town houses namin petiks ang gumawa ang daming nasayang na pera, syempre as for me na di naman gumagastos wala ka ding masabi or di ka makapag-dictate na mali to at tama yan since ang very reason ay "hindi ikaw ang gumagastos". So lesson learned, you really have to see their old work hindi yung finish ha baka kasi kinuha lang din sila to finish but from the skeleton to to almost finished works nila. Dahil dun ka mag re-reference kung acceptable ba yung tagal ng trabaho at yung price nila. As for me, kung ako man ang magpapagawa ng sarili kong bahay, yun ang mga tinitingnan ko. Tinatanong ko agad kung sinong grupo yung gumawa at kung sino yung mga nanatili from start to finish, because that means na solid sila magtrabaho. God bless all.
@docd007127 күн бұрын
Nagmajor renovation kami ng bahay. May engineer pero walang architect. Tapos mga construction worker na family friend. Bantay sarado kami sa renovation. And nagustuhan naman namin ang kinalabasan ng bahay.
@michaeljeffreymaiquez928428 күн бұрын
Okay lang po magpagawa sa kamag anak, basta skilled at alam niya lahat ng standard na sukat
@Wilson.clmt126 күн бұрын
Tagal na nung huli akong naka nood sa videos mo. I miss youuu!
@ridge1325 күн бұрын
Nangyari na to sa amin. Can't expect much, kasi di malaki budget. Pero with a budget that and you get effed up results? Makakaisip ka talaga na idisown ang kamag-anak mo...
@mikasauchiha678526 күн бұрын
Buti pa sya, may npagawa siya kahit palpak eh yung isang ate ko, 10 years na sa abroad ang asawa niya, wala parin syang maiipon para sa dream house ng pamilya niya. Napupunta lang sa restaurant, damit, at whitening products niya.Buti pa yung isa pang ate ko. Hindi naman nag abroad ang asawa niya, may sarili na silang bahay. Pare pareho lang kmi ng mga kapatid ko na wowork sa gobyerno. Depende talaga yan sa attitude sa pag hawak ng budget.
@utoytotoy641622 күн бұрын
Nagpagawa din ako last year while I was out of the country pinaindicated ko sa contract na required sila magpasa ng pictures ng progress for each day plus each afternoon kailan nila ko inform anung plano nila gawin for the next working day kaya nasusundan ko as much as possible ung ginagawa nila kahit wala ako sa site. Katagalan kakapanood ko din ng mga engr at architect contents on how to read building plans nabasa ko din paunti unti ung plano kaya lalong bantay sarado. Masasabi kong naachieve ung expectations ko sa structural pero when it comes to the finishing di ko na mabantayan maigi dahil iba tlga ang mismong actual mo ng nakikita ang finish. Dahil sobrang tight din ng budget ko di nmn ako umasa ng sobrang engrandeng result but still may mga results na di nareach ang expectations ko para sa budget. Overall kontento nmn ako sa naging result then maayos kaming nagturn over.
@princessmargeauxlemour569525 күн бұрын
Someday mag papagawa din ako ng bahay, and hoping that i can afford architect oliver 😂❤ 🙏🏻
@vngla317825 күн бұрын
kamag-anak din namin gumawa ng bahay namin. Result is very disappointing. Hindi pantay lahat ng parte ng bahay namin. May pina renovate kaming kaunti sa bahay kaya kumuha kami ibang karpintero(hindi kamag-anak this time), during renovation, dami nya reklamo kasi puro nga hindi pantay lahat ng part sa bahay, ayun nahirapan tuloy😂😂😂
@homer3028 күн бұрын
Always hire a license architect. They maybe a little more expensive pero confident ka sa magiging resulta. Yan kasi gusto natin maka tipid pero sa huli mas gumasta tuloy tayo ang mahal tapos sakit pa sa ulo.
@huskieboi45825 күн бұрын
Given talaga yung worker na hinde masusunod yung gusto mo. Nung nagpagawa ako ng Bahay, kahit araw-araw nag pupunta ako. Parang kelangan nakatitig ka sa kanila lage para lang masunod yung talagang gusto mo. Kasi minsan ang worker tinatamad kaya sinu-shortcut na nila.
@dzailouinAustria28 күн бұрын
I can relate .. laki ng gastos pero Hindi Parin Tapos 😢
@songahidkhurtandrei341127 күн бұрын
Favorite Architect ❤️
@princessminecraft991527 күн бұрын
We learn the hard way na wag mag tiwala sa kamaganak ang dream house mo, ang daming tao ang nasisilaw sa pera. Iniisip agad magkano ang kikitain hindi yung mismong project.
@Tongerts29 күн бұрын
Solid Archi Llyan! 💪💪💪
@annyeonghaseyojunkyu262823 күн бұрын
same. yung bahay namin, sa mga tito ko lang pinagawa ng mama ko. nag iinuman pa nga daw minsan pag gumagawa. results? di pantay pantay yung pader, nalalaglag yung semento ng kisame, basa yung pader kada umuulan, etc. kinakatakot namin pag lumindol ng medyo malakas, baka magiba tong bahay. 🤦🏻♀️🤡👏🏻
@mikeyual25 күн бұрын
This is completely maddening to watch. Dapat sa mga manloloko ay ikulong for 20 yrs. 😡🤬
@theducfam0129 күн бұрын
I should make a similar video... our experience was also bad. Mag-2 years na yung house and we are still trying to fix it. Tapos... i thought i hired an architect/contractor. Yun pala di licensed na architect and we only found out about it nung nakikita na namin yung issues and we decided to check sa PRC. We didnt check before kasi referred sya ng family friend. Big mistake.
@theducfam0129 күн бұрын
Wala kaming pantay na pader. I paid so much for our tiles na palpak ang installation. Huhu. And they claim na they did a high quality job.
@krism5575Ай бұрын
Wow I'm following her on YT. I'm glad you covered her story 😍👍
@rownaleonard3323Ай бұрын
Hi 👋, May i know what's her KZbin channel is? Thank you!
@cha-cha945728 күн бұрын
Kapag ang contractor eh walang sariling tauhan na mahuhusay asahan nyo na ganyan ang mangyayari.importante jan may kanya kanyang porte mga tauhan
@ries2112Ай бұрын
Kawawa yung nagpagawa😢 nasayang na yung pera lalo na yung panahon
@romella_karmeyАй бұрын
Wala na pag asa yan gibain nalang tapos patayo nalang ulit 😅
@ozamamorАй бұрын
Happy new year i enjoy waythis type of content, bilang nanngamgarap na makapagtayo ng sarili bahay marami ako natutunan. Pinagdarasal na if may budget na eh makatagpo ako mga tao na papahalagahan yung value ng pera ko. Para kahit di man mansion or super laki eh maayos ka makakatira kasi nasunod yung mga standard ng paggawa na bahay.
@rurulisa2994Ай бұрын
me: nanunuod kahit wala pang bahay
@paengskiiigaming4422Ай бұрын
nagagalit kahit wala pang pinapagawang bahay
@samdim3746Ай бұрын
Buti pa ang langgam at gagamba may bahay.
@arcejohncula584529 күн бұрын
Same here Wala pang Bahay pero nakikinoud na.hahaha
@alicastro626229 күн бұрын
Mainam sa may mga plano magpagawa ng bahay someday..😊 kaya okay lang kahit walang bahay for now..
@julietrondina990528 күн бұрын
Sem sis
@funkychickeness28 күн бұрын
solid nitong vid na to! daming learnings!
@chainedunfree72728 күн бұрын
Nangyari sa amin noon nung nagpatiles kame ng wall sa facade ng bahay namen. Sinabihan ko yung labor na magpako ng concrete nails na may nakapulupot na alambre para hindi kumalas yung decorative tiles pag ininstall. Sabi lang saken nung labor: "May tile adhesive yan sir kaya ndi malalaglag yan." Fast forward 1 week umulan ng malakas. Laglagan mga tiles worth 4k. Tapos kelangan namen umorder ulit panibagong tiles na ipapalit + sweldo nanaman + pagkaen. So nasayangan kami ng around 12k. Although hindi kalakihan. 12k is 12k na naiwasan sana kung marunong lang makinig ung labor. Moral of the story: Tutukan nga nagkakamali, what more yung walang supervision.
@a_west224227 күн бұрын
Pareho po sa sister ko, naloko lang at kinuha pa mga materyales inuuwi sa knila at the same time pinapagawa bahay ng kapatid at nanay😥 classmate pa ng sister ko gumawa . Ngayon stress ate ko at lahat palpak ginawa
@ladygirl880126 күн бұрын
Galling talaga mah dudes next naman duplex house design worth 1 million
@Bqrtolome24 күн бұрын
Nasa abroad mga kuya ko na nagpapagawa tapos ako ang nagmamanage d2 yung kinukuha kung mang gagawa 1st yung walang bisyo,mabilis ang kilos yung tipong pakyaw pero arawan at marunong syempre,meron din suggestions at tyaka malinis . .kame na ng mga tropa ko nag pipintura para maka menus na din syempre 😂
@queennoemi072229 күн бұрын
sad but true😢😢 naranasan ko n mag papatayo sana ng bahay kaso hindi matapos tapos yung first floor ng bahay , daming excuse yung pala walang natapos. kaya mas maganda talaga n kung mag papatayo kayo ng bahay eh dapat andun kayo mismo ,wag na sa kamag anak ....
@clarkdavismonforte621924 күн бұрын
Basta if ka relatives ung kukunin mo na mag tatrabaho, matik yan palpak. Mas okay talaga kumuha ng ibang tao. Realtalk yan.
@wellmadeinteriors23 күн бұрын
13:53 we’ll never know bakit umabot sa 5M or whatever amount ung bahay, some homeowners hate to admit this, madami silang revisions during construction. nagugulat na lang sila bigla tumaas ung cost ng bahay nila. there are so many factors to consider.
@alisunday-w1g25 күн бұрын
Same bhay ko po palpak gawa grabe nkkalungkot bagong pagawa now renovation kpatid at kaibigan gumawa
@pinayinarizona265421 күн бұрын
Hello ma duds.pa request po.pa review ng Casa Geniana resort na ang may ari ay si sir Roel.ang kanyang yt channel ay...pinoy in Eguatorial Guinea.para kase syang na scam sa contractor nya but eventually he change his contractor at open na for business ang resort nya.it turn out nice naman but his first contractor ay bad shot talaga
@MikaApostol28 күн бұрын
Madami po talaga na ganyan. Awa ng dios okay naman ang house ko nung time na nabili ko.
@arlz_13Ай бұрын
The editing is top tier! As per usual
@emmangvlogger637229 күн бұрын
Tama ka sa sinabi mo Sir Oliver kc ako nag hired tajaga ako ng Archetic ko at sya narin ang contractor ko,at lagi sya nag update kung ano ginagawa nila,ni minsan hinde kami nagka problema
@mang_tomasАй бұрын
kasyang kasya yung mlaking daga sa pinto.. welcome na welcome..
@GullionHome23 күн бұрын
100% correct even it’s your brother he will rob you blind in front of you.
@angellofrancishernandez42527 күн бұрын
I think further investigation should be done baka because of the site location. This can also affect the design of the structural foundation and framing adding to the cost again we will never know since we have heard only 1 side of the story.
@wellmadeinteriors23 күн бұрын
I couldn’t agree more Let’s say ang suggestion ni Engr or architect bago mag start ng drawing is mag pa soil testing/analysis , ang sabi ni Owner wag na dahil additional cost pa un. Ending nag crack ang walls niya, dahil malambot ung lupa.
@di_xox4747Ай бұрын
Sa sobrang tipid, lalo pang napagastos🤦🏻♀️
@jnann0129 күн бұрын
Wala yan sa tipid. Kahit sobrang laki ng budget mo dyn kung manloloko sya, lolokohin ka talaga nyan. Nasa integrity yan ng taong kausap mo. Marami akong kakilala milyon2 ang tinatakbo ng contractors. Malalaki po budget, apartments na tig 15-20 rooms.
@mokz301728 күн бұрын
May MGA Tao TALAGA mag take advantage specially PAG ALAM NILA WALA.kang ALAM masyado SA PAG GAWA or WALANG nakatutok na may ALAM sa PAG GAWA Ng bahay sabihan Ka bili Ng ganito etc
@maricelportez850228 күн бұрын
I'm watching from America,
@rv771622 күн бұрын
nakakalungkot ganyan din nangyari sa pinagawa ko na bahay namin nung nasa abroad ako, puro imperfection. Sakit sa ulo
@chichawaw1525 күн бұрын
Yan ang problema pag binigay mo yung responsibilidad sa kamag-anak mo. Marami diyan mga inggit at entitled. Madalas may kickback o dinadaya yung bayad. Imbes na yung bayad deretso sa pagpapagawa, nasa isip niyan mayaman ka naman at since siya pinagkatiwala mo, dapat may porsyento rin siya sa pagpapagawa ng bahay. Sa ganiyang itsurang bahay hindi yan aabutin ng P5M. Malamang binulsa ng kamaganak yung iba diyan. Kaya minsan mas mapagkakatiwalaan pa yung hindi mo kakilala kasi professional sila at lisensya nila nakataya.
@San-h9g9m27 күн бұрын
I'm planning on building a house soon... may marerecommend po ba kayong mga videos for constructing house? Gusto ko po kasing maayos yung mapapagawang bahay, sa panahon ngayon kasi halos lahat gusto ng easy money, lalo na yung mga taong "diskarte" eh yung manglalamang ng kapwa.
@matteojay605227 күн бұрын
I think gusto rin makatipid ni ate, tapos pumasok etong kamag anak na pinagkatiwalaan naman ni ate. Dapat kumuha nlng sya ng Contractor na maganda ang records, di bali na mahal sulit naman.
@AskHanabi29 күн бұрын
Lesson learned: Hire an architect. Mahal pero isahang trabaho nalang. Kesa maghire ka nang kung sino sinong kakilala na nagmamarunong tapos ipapaulit yung trabaho kasi mali mali doble gastos
@skuwamy25 күн бұрын
Pede mo pa habulin if ever gumuho yung bahay or may mga hindi nasunod na mga building codes.
@victoriaaletaaustria281728 күн бұрын
Hindi talaga puede magpagawa ng bahay na hindi binibisita. Maski ako nasa office maghapon located in Roxas Blvd., bumibyae ako to Pasig kasi andun Village where pinagawa kong house. Tyagaan, binantayan ko talaga at nasunod gusto ko. Kahet I hsve brothers, they also went to their offices so being sibgle, sarili ko lang naasahan ko. Buti natapos as in layout and facade.
@itsthatyoucally660422 күн бұрын
May natutunan ako lalo sayo boss salamat
@mharjhenmorales175925 күн бұрын
Nagsisi talga ako n ngpagawa ng house ,kase hindi ako ang nasunod s gusto ko n bahay
@Aprang423 күн бұрын
ganyan din sa bahay nmin pinaayos nmin d bale na at pinsimento ko lahat pero un ung first at last na ippgwa ko kasi hind ako ang nasusunod…plano ng bahay rubbish!! kaya never na akong gagalaw sa lupa at bahay na un!…d nmn ako titira dun😊
@evelyndelacruz696529 күн бұрын
We hired someone na recommended ng kapatid ng husband ko. Sa blueprint pa lang hindi nya masunod yung gusto o request namin. So we were suspicious na. The contractor started building the walls ( pader) and because hindi na namin nagustuhan yung blueprint we stop it. They were able to place the gates up but we stop the project after that. Currently we hired CSR builders to do our project.
@chm3035Ай бұрын
Informative and insightful reactions. Keep it up Oliver.
@neilontoy930111 күн бұрын
Dapat may sanction yung mga engineer at architect. Nakaka dismaya. Taas nang tingin ko sa mga engineer pero pag ganito mga ginawa. It's a BIG NO for me. Di sapat yung pag bayarin. Dapat suspendihin yung license
@kawhi75228 күн бұрын
totoo... iba tlga pg ikaw na sa actual..dalawa na nakita ko milyon ang na sayang sa Back JOB...bUT NOT ALL nmn..isa kakilala tlga nia ung architect at lage may monitoring cla sa may ari.....SANA ma BAN o Kasuhan like breach of Contract ung mga engineer o foreman nuh? (INFORMATIVE Content THUMBS UP MADUDS :) )
@allenv259929 күн бұрын
Forgive and forget 💔
@trinabells256626 күн бұрын
Kami na renovate lang sa kakilala ng kuya ko at palaging na sa bahay, kumpleto ang bigay para sa mga bibilhin pero still, tinakbuhan kaya ayun may tulo parin ang bahay at nagsi sisiraan na yung mga kisame:) wala pa yung cr para sa kwarto sa taas. siguro kulang lang din talaga sa knowledge dapat nagtatanong muna sa mga professionals. well bata pa ako non at iyan ang nasagap ko HAHAHA base naman sa kwento at resulta ng bahay haha
@BonjoVee6161Ай бұрын
Nangyari sa kaibigan ko , yung na kontak niyang contractor hindi pala engineer kungdi isang leadman ng Construction company nabudol siya nito, dahil sa experience nabola siya nito puro substandard materyales at yung mga tao puro substandard din kung gumawa.
@kingwinstonsanchez29 күн бұрын
mas igi talaga lump sum na lang na contract eh . tapos yung budget nyo dapat straight to finish na. para atleast di ka na mamroblema, iprogress billing na lang at always research kung wala masyado alam sa construction para aware din pag nag visit na sa ginagawang bahay mo.