True base on my experience, kahit mismong kapatid mo when it comes to money 💰 walang aasahan except your own self. Ipamigay mo nalang atleast 😢 walang Sama ng loob. Ikaw pa ang masama sa kanila 😢😢😢. God bless kababayan
@JosieLopez-i1rАй бұрын
Agree naloko ako khit kmg anak pa
@1traveler8Ай бұрын
100%
@erlindafernando8868Ай бұрын
this is true dahil ako sa sarili ko nagpagawa ako ng bahay pero ang pera na pambayad sa bahay ay ninakaw ng pamangkin ko, nagkamali ako laking sisi ko pero wala na ninakaw na huling pambayad sa bahay.
@nessm.9759Ай бұрын
I agree 100%!
@catalinaranillo4151Ай бұрын
Gnyn din ang sinapit ko sama ng loob
@agnescruz12Ай бұрын
Gusto ko lang mag-comment with regards sa TRUST. May close friend kami dito sa Australia na middle-age siya nagsimula to prepare for her retirement sa Phils. So bumili siya ng land. Ok pa yon. However nung nagpapa-build na siya ng bahay, hindi siya umuuwi para makatipid ng gastos at pinadadala na lang niya ang FUNDS. Everytime na magtatanong siya sa family niya for UPDATES, progressing naman daw ng maayos. At that time, wala pang MOBILE PHONE at SOCIAL MEDIA. Then nag-decide siyang umuwi para makita yung bahay, kasi malapit na siyang mag-retire. . . WALANG BAHAY. 😭😭😭😭 Pagbalik niYa dito sa Australia, devastated siya dahil sobra ang anticipation niya sa pagre-retire pero NAUWI PALA LAHAT SA WALA ang SOBRANG pagtya-tyaga niyang MAG-WORK sa entire life niya. For this reason dahil sobrang affected siya EMOTIONALLY - medyo nagka-diprensiya siya MENTALLY. Really DEVASTATING STORY. Ang sakit sakit sa puso. 💔 ❤😭💔
@gemariesfulАй бұрын
Nakakaiyak at nakakagalit, kahit sariling kamag anak manloloko😢
@filkuchannel4792Ай бұрын
😢😢sorry for him , huhu na stress sya
@lourdesbelleza8066Ай бұрын
@agnescruz12 Agree with that, no questions about it. Masakit isipin but we have to accept it. Para hinde sasama ang loob at masira ang Family ties.God bless everyone 🙏
@nursenoratv9873Ай бұрын
@@agnescruz12 wow, that's so sad
@iceceestudioАй бұрын
💔💔💔😢
@zamoraedelmar7283Ай бұрын
Yes po tama kayo maganda ang nagpapagawa nakabantay sya.I'm a labor contractor and certified electrical and plumber.Ako gusto ko nakamonitor sila para malaman na talagang sinunod ko yung specification base sa plan.
@nicokhilАй бұрын
Were u from
@darksoul5897Ай бұрын
Misan nakasagabal rin yung bumabantay kaya umaalis yung mga magagaling na mangagawa..😂
@elladiamond52955 күн бұрын
@@darksoul5897hindi siguro sagabal pag ikaw mismo worker concern din sa ginagawa mo para ma ok ang lahat dahil mahal ang mga materials pagawa ng bahay parihas kayo ng owner na may responsibility pero yong ibang workers nag after lang ng suhol yan ang masagabalan kasi wala silang paki
@jemquimz383228 күн бұрын
Nagpagawa ako ng bahay last year dahil ofw ako pinagkatiwala ko sa mama ko lahat2x. Maayos yong engr at mga tao na nakuha niya.maganda gumawa at pulido.sa awa ng Dios well done lahat.❤🙏
@gloriasales421027 күн бұрын
Lucky you. 😊
@patriciahill4219Ай бұрын
Agree! Don't trust anyone.
@iam_EstellaАй бұрын
Mabait parin si mam kahit ginawan siya ng hindi tama. God bless you po ma'm si God ng bahala sa mga tao ginawan po kayo ng mali.
@mikep6032Ай бұрын
Thank you for sharing! You convinced me not to build a house without me looking into the process and not physically present.
@ameliahirata4629Ай бұрын
mabilang totoo tao sa Pinas lalo nagtiwala kahit kanino kukupit kukupit kung gobyerno curropt sa familia ewan ko ano dapat ipangalan sa makakapal na mukha
@ShutDFckOffАй бұрын
Actually ok naman po kung legit na contractor yung kilala at pwede mong idemanda pag pumalpak ang kontrata medyo may kamahalan nga lang dahil legit sila. You get what you pay for & we are really sorry for the victims. Yung ibang contractor nga kukunin nila pera at 1/4 lng tatapusin tapos tatakbo na at di mo na makikita.
@benitaiijima7024Ай бұрын
Kailangan may alam ka rin sa materials na gagamitin lalo na ang pintuan may process ang kahoy para di umurong or ma dform. Pag millions na ang bahay mo gumastos ka na sa lisensyado talaga at di dapat mag hired lang ang kausap nya ng alwage.
@benitaiijima7024Ай бұрын
😢
@AngelRecla-y2rАй бұрын
Yes experience ko to mhie Nag pagawa na while abroad Pag uwi daming palpak.. Mas maigi talaga na present ka pag mag pagawa
@lasoylizardo2934Ай бұрын
Mostly sa trabahador ngayon. Walang paki basta mag swesweldo sila. Pag kinorect mo sasabihin sayo na uuwi na sila.
@yssa302727 күн бұрын
Tama po danas q yan,parang ung nagpapagawa pa ang masama. Maga gumagawa patayo Tayo lng nagsi celpon. Akala nila pinupulot lng ang pera sa pagpapagawa. Nakakalungkot na mga tao ngaun,marami ng masama
@fenixtxt267326 күн бұрын
oo meron pang iba gagawan ka ng kwento pasasamain ka sa tingin ng ibang tao at magsisinungaling para lang hindi mo matapos un pagpagawa ng bahay mo. napakasam na tlga ng ibang tao ngayon kahit anong gawin mo pag aadjust sila laging tama.
@air_trader_2826 күн бұрын
Simple lang solution, tangalin sa trabaho yung mga tamad, bakit kayo mag tyatyaga sa kanila na ibigay ang pera nyo tapos sisihin sila kung alam mo naman na may mali na? Kumuha kayo sa reputable na contractor, dagdag bayad nga lang, pick your poison
@emeliamarteja774425 күн бұрын
Naku ganyan nangyari sa Bahay ko.palibhasa Hindi natin alam kung pano gawin.basta ito Ang gusto mo.kya iba yong my architect
@emeliamarteja774425 күн бұрын
At my nag susupervice
@MOMMYchel50Ай бұрын
I'm glad you shared this information para maging aware to everyone who planned to build a home back in the philippines 🇵🇭.
@ma.lourdescabalitan6332Ай бұрын
Good morning Nurse Nora salamat for sharing your experience to build your house , sa ngayon Hindi ka tlga magtiwala kahit Kanino and watching with no skip ads ...❤
@sofiamiape842Ай бұрын
Ang hirap sa ibang contractor bsta lng mag kapera sana maawa kayo sa mga nagpapagawa blood and sweat ang pinuhunan nyan para mkapagawa lng ng dream house nila gumawa tayo ng may puso at takot sa diyos magkaroon kayo ng concern sa client ninyo .
@RonilynCurtisАй бұрын
Tama ka ma'am daapt ung kunin nila mag trabho o pagka tiwalaan jila un takagang my takot sa Dios pero ang tao kasi kpg walang din takot sa Dios mah8hirapan siya Maka intending or ung parang wala silang decierment na mahalat nila na ang isang Tao ay totoong my takot sa Dios..ang Maka alam lang din nyan ay ung tao lang din na my takot sa Dios..
@shirleyjepsen5420Ай бұрын
Nararamdaman ko si ate sobrang galit sa puso niya 😢 pero nakakagalit talaga pag dating sa pera walang kamag anak
@cooletnetto2414Ай бұрын
Sadly, bilang tao, yan ang nature natin, sinful creatures tau. Pag nagpapagawa tlga ng bahay or property dapat personal mo tinitingnan. Mahirap din kasi bilang worker sa construction, nakakapagod kaya mapapaisip ka din pumetiks hanggat kaya. Kaya maganda na nasa site ka parati is para ma-address mga needs ng mga workers mo para maalagaan mo na din sila. Pag naramdaman nila ang bait and pagaasikaso mo, sureball masisispag sila. At wag ka lang din aasta na bossy at nagmamarunong.
@misstaurus4338Ай бұрын
Trueee
@meiyagabrinao738Ай бұрын
Correct ganyan din nang yari sa akin. Kaya ngayun double gastos ko. Kasi pinaulit ko ulit. Mas ok talaga kung andiyan ka talaga pag mag papagawa.
@LeticiaJeffriesАй бұрын
I agree with you ma'am you can't trust anyone kahit na family talagang mismo ikaw talaga ang nandian pag patayo ng bahay or business I'm watching from Australia God bless you ma'am and good luck
@lucydacunos6414Ай бұрын
Very good advice po sa ating lahat na nasa abroad. Ingat po kayo
@princessmiracle2331Ай бұрын
ayyy! naku talaga! you have trust your own relative to depend on them. Then sila pa ang manloloku sa U. That's happen to me also. thank you for sharing your experience. Please be careful trusting your relative. NOT ALL HAVE A GOOD INTENTIONS
@MaritaMendoza-z8oАй бұрын
San location yan please,,, province area???
@jocelynarellano402Ай бұрын
Yes 100% ako agree na kailangan nandito ka to supervice sa pagpapagawa ng bahay mo,never trust your relatives or contractor building your house u really need to be here to see everything, ako simpleng pader lang it cost me arm n legs kaya i learn my lesson,so now i'm back here for almost 6 months to build my tiny house or vacation house, i buy all the materials and pay weekly mga ngtatrabaho, so far so good nman!!!
@ruthymiaaureada295729 күн бұрын
Same ng pinto ng room ko Bukod sa maliit May awamg din kaya ginawa ibinaba at sa taas dinugtungan kesa gumastos na naman😫😞
@carmelapalmes1131Ай бұрын
thank you maam sa sharing sa pag papatayo mo ng bahay.plan ko.rin po SANA magpagawa habang nandito ako sa ibang bansa .pero napanood ko ang vdeo mo.kaya pag uwi ko nlng SALAMAT sa pag share maam .godbless
@jetmillano2895Ай бұрын
Madam Yung pagkakamali mo dapat Sana kumuha ng engineer/architect from the very first.walang prob kung kamag anak mo ang gagawa at least Meron nagsusupervise sa project na pinapagawa...at the end of the day my kapabayaan ka din....or for views.hAhahA...my resibo knaman cguro
@ArisuEthereal869Ай бұрын
I feel you nangyari din sa akin yan the more pa ma gastos natin grabeh wala ka talagang maasahan. goodluck na lang God Speed
@rubylynmontejoАй бұрын
Kaya ako last project ko na magpagawa ng boarding house ko sa aking lote sa gensan never ko ipagkatiwala sa iba gusto ko ako mismo ang dapat maghawak sa lahat bahala na kahit pa matagalan kung kelan ako uuwi, watching from Singapore ❤❤❤❤❤
@edgarcia1656Ай бұрын
Nurse Nora, katatapos ko lang panoorin ang vlog mo. I was in the same predicament 10 yrs ago. I know exactly how u feel and what u are going through. Alam mo ba na everytime I go home panay repair ang ginagawa ko kasi meron ako nakikita na mali. Don't give up is the only advice I could give. Best of luck to you.
@ConstanciaGinaАй бұрын
This is my Firstime Watching Ur Vlog/ Video!!! Very interesting topic po Yan, yet I feel so Sorry for what happens to your House Constructions, I learned a lot po upon Watching your Video.Thanks for Sharing your Experience, Anyways Subscribed Done in you 👍🥰
@leonielvlog2tv963Ай бұрын
Thanks for sharing Ma'am. Kinabahan tuloy ako. Salamat at diko tinuloy Ang project ko
@jovyiballa1566Ай бұрын
Tama , kahit Asawa pa,mas Malaki pa kupit😢😢😢😢
@fine5298Ай бұрын
@filkuchannel4792Ай бұрын
As in 😂
@Anthony-ei4cmАй бұрын
Haaa!?
@alonavilab7998Ай бұрын
Kupit is life😂
@krazzyme441029 күн бұрын
Kya nga ako ayaw ko mgpagawwa ng bahay n di ko personal n mkikita bka m disappoint ako ng sobra, at wala akong tiwala s asawa ko dhil alam kong puro kupit lng , bka gabi gabi my inuman after ng p trabaho
@Just_do_it123Ай бұрын
Been there done that. Im well aware of your situation and I feel your frustration. As difficult as can be, I DIY'ED built my house. It took 5 years of 2 months each year until completion. "Hulog" (plumb) is the problem especially if the wall wasn't square in the first place. Im impressed. You seem to be very knowledgeable in building construction. Im impressed. Outlet heights and locations, door gaps, plumbing hardware's, wall finishing, skimcoating are well noted. Attention to detail is whats lacking for most contractors. Take what you have, make the adjustments, fix, fix, fix. Don't worry, be happy.😊. From the start, you mentioned your husband. You're a nurse, and construction is a manly issue. Where is he?
@meetzoulfarmIntheCountySideАй бұрын
Kami ni partner on hand kami bili gamit ,kahit diy may mga Mali parin stressfull
@Just_do_it123Ай бұрын
@meetzoulfarmIntheCountySide Mali and stress always there at least DIY, you did it yourself. Parang ikaw naglalakad at nadapa. Masakit man, tayo at lakad uli. Kesa, meron nagtulak sa iyo. 😁
@rosannadeleon2652Ай бұрын
Kahit naman andito tayo kung talagang gusto kang kwartahan lang ng contractor magagawa nila
@violetabernardino5135Ай бұрын
Correct na correct nakkkita at di nakkkita kung masuba ung gggawa magggawa rin lokohin ka
@reynaldomicor2668Ай бұрын
Lahat ng contractor is malaki ang kita nila kahit anjan ka or wala ka. Ang point po is mababantayan ung mga imperfections para maganda ang pagkakagawa para hndi madoble ang gastos.
@ginamorris4520Ай бұрын
Soo true. Eto ung number one rule ko tlga. Kahit repairs lng sa house ng parents ko noon, I was there the whole time at naka record lahat. Marami na rin nag offer to sell land to me but I will never make any big transaction like that na wala ako in person. Even offered by kapamilya I still don't. Kahit dito sa US, when we decided on our retirement home, I wanted a pre-build new house na I wouldn't have to worry about minute details. I will just do improvements later if ever na lng. I know some wanted their dream house built back home but we've seen it in socmed maraming nabiktima ng ganyan. It's good na you show this kc it will help a lot of people to decide better. Good luck po!
@tesscervania5211Ай бұрын
Totally agree, kahit nga andiyan ka palpak parin 😅
@choirhunterАй бұрын
sorry maam, pero mejo kasalanan mo yun kung andyan ka tas palpak.
@chocoalmondfudgeАй бұрын
@@choirhunter di mo naman alam yung pinaggagawa ng mga trabahante except nalang siguro familiar ka in field of construction or sa construction industry nagwowork 🥴😂
@choirhunterАй бұрын
@@chocoalmondfudge kaya nga kasalanan mo, kasi d mo alam. 🤣 ignorane does not excuse no one. lack of foresight/ lack of skill
@tesscervania5211Ай бұрын
@ yes siguro nga but if you trust them that they will do it right di ba? Or maybe the standard is different compared sa ibang bansa maayos ang gawa. Below standard kahit pa contractor pa.
@choirhunterАй бұрын
@@tesscervania5211 the problem is, pag dating sa pilipinas, masyadong kuripot pag dating sa pagpapaconstruct. Lahat ng projects ko, all in contract with the best contractors locally, kaya if magka problema, mabilis lng maayos.
@majaliapАй бұрын
That is why it’s important to get a licensed Engr and contractor company,important din makita yung mga previous n gnaw nilang bahay bago kayo mag trust s pgppgwaan.Expensive kumuha ng contractor Engr but iwas sakit ulo and d k mppgastos s mga repair. Nagpagawa Ako wala Ako sa Pinas but magaling yung Engr ko n gumawa,bec I did my research where to get a good house construction company with engineers.nag update sila sakin through zoom every week ,umuwi Ako finishing stage and then second n balik ko gwa n mismo buong bahy.1 yr warranty ang usapan nmen pra kung may mga tagas or may problem sagot nila.Awa ng Diyos wala naging problem.My house now is 8yrs and no problem at all.
@emmangvlogger6372Ай бұрын
I agree with you,nagpagawa Dinamo ng house ko sa pinas pero andito rin ako sa abroad kumuha ako ng License Archetic ko at sya narin contractor ko sya na bahala lahat basta ma contrata kami at kung kilan ako magbibigay ng downpayment at kung kilan ulit ang next payment until natapos sila,wala naman ako naging problem at ni minsan hinde ako binigyan ng sakit ng ulo,may kuntibako napansin sa gawa nila pero agad ko tinawagan ang archetic ko at bumalik inayus kc hinde nman 100 percent perfect ang pagpapagawa ng house
@TekEd2023Ай бұрын
problem sa mga licensed ngayon at contractor may hindi din MAPAGKAKATIWALAAN may mga nangyari nang ganyan... wala mapagkakatiwalaan sa pilipinas
@KoyangPTVАй бұрын
Wala ka ba kapatid para magbantay?
@jumonge8913Ай бұрын
@@TekEd2023kaya nga may contrata pwede mo siyang ihabla at patanggalan ng lisensiya. Guni guni mo lang yun pagawa ka nalang ng kubo.
@mackybacka5966Ай бұрын
True, wag ka pagawa ng plano tapos kukuha ka lang sa third party ng foreman para sundin ang pinagawa mong plano. Dapat yung engr or architect na sariling contractor para iwas sa mga sitwasyon gaya nito.
@graceorillo881514 күн бұрын
Maraming Salamat po for sharing this ang dami Kung nakuhang lesson sa Inyo👍❤️actually po pangarap din namin ni bana na magpa Tayo ng bahay dyan sa pinas👍🙏don’t worry po mam Nora ma okey din yan lahat god is good all the time🙏goodluck 🤩
@reynaldoa.ocampojr.3744Ай бұрын
Thank you for sharing, this is a classic issue there in Ph. Share with us the progress and your new contractor. Thanks, Godbleas
@jrodriguez014Ай бұрын
Salamat sa pag share mo ng iyog experience. Mayroon din kasi akong balak na magpagawa ng bahay diyan sa bayan natin. Binigyan mo ako ng mahalagang informasyon. Thank you very much.
@K-DRAMALOVER07Ай бұрын
Tama ka Nurse Nora yong bunsong kapatid ko kpg mag retire sa pinas saka nlng daw siya magpagawa ng bahay kpg nandoon na at siya mismo magbabantay.Salamat sa reminder.
@marygracebalbin897321 күн бұрын
hindi accedenty dumaan ito sa Yt sa kaka scroll ko😊 Npa subscribers tuloy ako Madam,, salamat sa Idea at mga learnings lalo na sa pagpapagawa ng Bahay.❤GODBLESS
@amivalentine9832Ай бұрын
Woow Omg thanks for sharing your experience sa paggawa sa bahay mo..Kasi I need to be careful sa pagpili nag gagawa sa retirement house naming magasawa.😮
@johncarlocruz8085Ай бұрын
Thank you for sharing. I learned something from your post. Kailangan you should really check previous work of your contractor and interview previous clients nila. Also, sit down and do a page turn. Make sure that they understand the details and know how to execute properly. Otherwise look for another contractor that can do it correctly. When you show them the construction drawings they should come up with RFIs and submittals for any product substitution. Kapag wala be suspicious na tira lang ng tira yan at hindi alam ang ginagawa. Spend time and money on planning stage so your construction drawings are complete. Looks like an example when you hire a bad contractor.
@vicnoy3684Ай бұрын
Swerte ako doon sa Architect na gumawa ng bahay ko kahit wala ako doon habang ginagawa nya ang bahay ko. Buminibisita paminsan minsan yong pamangkin habang ginahawa ang bahay. Kaya nong pag uwi para sa turn over ay masaya ako at maayos naman ang pag kagawa. Maraming bahay sa subdivision ang hindi natapos kasi ay tinakbuhan ng contractor. Kaya talagang masaya ako at di ako niloko ng architect ko. Pinakilala lang sya ng bf ng pamangkin ko at ngtiwala naman ako. Shout out don sa architect ko at kukunin ko sya uli sa next na ippagawa ko sa bahay.Kahit na tapos na yong bahay ko ay may communication parin kami at meet ko din yong family nya. Ang sabi ko lang sa kanya na hindi ko sya kilala at sinusugal ko ang pagpapa gawa ng bahay sa kanya pero pagkakatiwalaan ko siya at nakiusap ako na sana ay huag nyang sirain yong pagtitiwala ko at salamat sa Dios at hindi nya ako niloko. Ngayon ay happy ako na nakatira sa bahay ko.
@jezzadelagracia1868Ай бұрын
Pwede po b malaman Kung sino po ung pinagkatiwalaan nyo po para makuntak ko po pg uwi ko po naloko din po kc ako.. sa kanya ko po ipapapos sana..thnx po
@vicnoy3684Ай бұрын
@ taga Cavite sya sa Trece, san ka ba sa atin?
@josiediaz1351Ай бұрын
Pasabi naman yun pangalan ng Architect mo!
@vicnoy3684Ай бұрын
@@josiediaz1351 taga trece martires Cavite po sya.... tga san po kayo? at saka ask ko sya kung ok lang na ibigay ang info nya.
@arlhauzzeАй бұрын
@@jezzadelagracia1868 Boss ko po Architect. Baka po gusto nyo po sa kanya magpagawa ng bahay. Kilala ko po sya sa personal. Kasi lumaki ako sa kanila. At nag wo work po ako sa kanila as outsource sa pag gawa ng drawings.
@mariadoloresmillares34515 күн бұрын
Good day po to u all ..very good lesson learned ...kaya stay na lng aq muna mg rent downsizing...found a newly built small amateur in the middle of a town ..no stress..no problem happily retired and contented in what i have .thanks be to God ...
@jdeleon6477Ай бұрын
Igan...Iam from Houston...I sympathize with your experience...Marami din balasubas...minsan kamaga ak kopa. Gagatasan tayo talaga akala pinupulot natin pera d2. Kaya hinto muna renovation ng bahay ko. Karma karma nalang...I doubt kung alam nila Yung "karma"..God bless na lang sayo.
@connie-q7dКүн бұрын
u have all the right to vent out all your frustration regardless who are the people involve..😢
@danaustria1056Ай бұрын
Kapag nagpagawa ka ng bahay lahat ng aakit sa ulo danas mo yan talaga. Kahit ma plano pa yan pagdating sa construction yung mga gumagawa patay na oras sinasayang pa yung materials.
@darcylass5 күн бұрын
Thank you for sharing. Hopefully all will be over soon and you’ll get your dream house. After all this, put it behind you and just be happy with your house and family that are the greatest rewards of all your labors. God bless you .
@nanettegonzales4847Ай бұрын
Very helpful, thank you for sharing po❤
@juliadistler8861Ай бұрын
I just watched your story and you have my sympathy…. My house still not finished because I stopped the builder several times. I called my house bakbak house because of the mistake that I found when checking their work. I wish you luck with your new builder. My house is in Mindoro. I will be coming home and hopefully I can stay longer to watch the completion of my project.
@TharaLetzISLANDERАй бұрын
Sana can you vlog it so we can learn as well I still have plans to build a simple house in the Philippines
@ilovethismuch7860Ай бұрын
the lesson here is " never trust anyone" this applies to anybody including relatives and to anything that you have and what's not
@colossus49129 күн бұрын
You can trust a contractor company na may history ng mga satisfied clients at magaganda at worldclass nagagawa ,hindi yung kamaganak o individual contractor lang
@neknyct57849 күн бұрын
I feel you sis. Huggies❤️. Ang prayer ko lang is sana the house that they built for us will stay strong, safe and will provide the shelter that we need.
@kikoondaroad5915Ай бұрын
Idemanda mo mam. Sobrang perwisyo ginawa sau. Para mapabalik pera mo sa mga repair. Hanggat hindi nakakabayad hayaan mong makulong habang buhay. Marami pa silang maloloko pag nagkataon.kahit kmaganak mo pa po yan. Sinamantala trust mo.
@jumonge8913Ай бұрын
Paano ma demanda relative ng niya.
@matdaibang121527 күн бұрын
Mabuti yang mga nakikitang defects pwedeng ma rectify. Pero yung mga hindi nakikita, such as the concrete foundation and the columnns and beams, naku nakakatakot kung ano lang siguro inilagay.
@normamicabalo9214Ай бұрын
you are not alone. nangyari din iyan sakin, I felt like I spent doudle inorder to correct everything. Marami saatin kahit pa kamag anak. you can not trust. Trust no one when it comes to money kahit sinu pa yan sila. I learned my hard lesson. Mas maigi pang mag trust sa hindi mo ka anu anu. Another to do is to check the permit or credentials ng mga panday or contractor. Hindi ko ginawa ito dahil sa tiwala at paniwala. from now on " IF THERES NO PROOF THERES NO TRANSACTION" A HARD LESSON TO LEARN!
@jeffreyfajardo478729 күн бұрын
Happy New Year, Nurse Nora! 🎉 To be honest, ang hirap sa kalooban na panoorin ang video na ‘to-nasasaktan din po kami sa nangyari sa bahay n’yo. So painful to watch lalo na po na pinahirapan n’yo ang halaga na ginastos sa pagpapagawa. Hope everything will be okay. I like what you’ve said that you “take the full responsibility.” God bless you and your family richly! ❤
@antipoloproperties7571Ай бұрын
Pagpagawa ng bahay is never ending expense. Maigi pa ng ready made housing na. Less stress.
@skeda468015 күн бұрын
Lol nope, ready made housing mostly tinipid na material ginamit dyan. Mostly ng ready made housing ang daming uulitin.
@k3myloisАй бұрын
I agree po. Suggestion rin po, check po mga previous na gawa ng contractor, interview po owner ng mga bahay na nagawa nila, para magkaidea po if paano po gumawa ang contractor. Mahalaga rin po na may mga skilled workers. Para maalam po sa mga gagawin. Medyo mahal nga po ang sweldo, pero sure naman na pulido ang paggawa.
@MarvinLiguitАй бұрын
3.5m. npakagandang bahay na sana non madam...
@Manila-sb3sn14 күн бұрын
Correct talaga, kasi maraming walang alam na kung papano nila sundin ang plan. Kawawa kang nagpapatayo ng sarili mong bahay. Magagalit ka talaga.😊
@Dhel-TsuАй бұрын
TAMA‼️PARANG NIGOSYO~PAG HINDI IKAW ANG MAY HAWAK NG KAHA AY HUWAG NG MAGNIGOSYO 😢 Pag dating sa pera walang kama kamag anakan 💔kaya kaming magkakapatid WALA talagang balak ng mag U TURN sa 🇵🇭… narito ka nga sa ibang bansa na pagod na pagod magtrabaho kahit nilalagnat”ang mga anak syempre sakripisyo at asawa~Tapos mga kamag anakan sabay sabay pa mangangamusta at inisa isa pa kaming magkakapatid!parang ang daling magpadala o magpautang na syempre wala ng balikan!hindi maka isa masama ka na sa buong clan!Haizzz…tsk!
@estefanacanedaАй бұрын
True talaga yan pag hindi kana mabigay sa kanila tuwing buwanan masama kana..parang kumuha ka ng hulogan na gusto hulog ka ng hulog..paghuminto ka kalaban kna grabe pmga pamilya na hindi nakaintindi. May mga kamay naman sila may mga paa hindi maghanapbuhay para sa kanila akala nila sila lang may buhay may buhay din tayo na ginagastusan. Iwan dto sa pinas bakit ganun tingin pag nasa abroad akala pinupulot ang pera dto
@rossanamanalo3908Ай бұрын
Totoo Huwag na Huwag kayo mag tiwala kahit kadugo. Sa na experienced namin Sumobra ang Tiwala sa kamag anak sa pag gawa ng bahay namin NABUDOL kami ng linta at kapit Tuko. Salamat sa ate ko ng umuwi ng Pinas Nadiscover lahat ng pangloloko. Hindi mabibili ng Pera Ang TIWALA😩Ang tingin sa nasa abroad namimitas ng dollar sa mga Puno. Never Magtiwala Kapag pera na ang pinag usapan mainit Ang mga mata sa Pera kahit kamag Anak pa. 😮
@MarieChristine95Ай бұрын
@@rossanamanalo3908OMG, ako din naloko! Ang masaklap, parents ko pa ang nanloko! Ngayon, gi-blocked ko na sila!
@fgg1031Ай бұрын
@@estefanacanedahay naku kabayan, huwag pa uto sa mga KAMAG ANAK na akala nila andali dali maghanap ng pera dito sa abroad. Napakawalang hiya ng mga yan to expect that much from us. Pawis at luha kulang na lang DUGO ang Lalabas sa kawawang katawan natin just to earn money overseas. Sana maging bukas ang isipan ng MGA WALANG HIYANG kamag anak natin !
@dhawkr.3678Ай бұрын
Kadalasan kasi , mga abroad ang problema. Pag uwi sa Pilipinas celebrity ang dating at galante sa lahat ng bagay at party. Kaya pag may nagsasanay, may nasasanay.
@ea5126Ай бұрын
This video is very helpful to lots of viewer out there. Thx for sharing it!👍
@adamurray4729Ай бұрын
Had the same problems Lessons learned.
@lynstevelifestyle1355Ай бұрын
Omg Grabi. Very true dapat dyan talaga ang mismo may ari pag nagpagawa nang bahay. Thank you madam for sharing this.
@SeverinaNacarioАй бұрын
Ganyan din po nangyari sa pinagawa kong bahay sa awa ko sa mga kamag anakan na makapagtrabajo kinuha ko cla. Pero mali pala ang pagkuha ko sa kanila. Sa sama ng loob ko iniyakan ko ng iniyakan ang mga ginawa nila . Poro biyak at tulo ang bahay na ginawa nila nag hintay lang cla ng sahod. Ang nakakatawa pa tuwing may bagyo ayaw nila na mag Stay sa bahay ko dahil takot cla sa ginawa nilang bahay na magiba ng bagyo na cla naman ang gumawa.
@Mylady-kq2gqАй бұрын
Hay nga naman, that speaks volume!!!! Anong klase sila gumawa pagkatapos natatakot silang sumilong sa sarili nilang gawa!!!!
@EDunne-dc9leАй бұрын
@@Mylady-kq2gqIN SHORT…”GUILTY” CLA AT AYAW NILA MRNASAN ANG WORST “KARMA” THEY DESERVED🤬🤣🤣🤣
@javierbolima6518Ай бұрын
Magirap makipagtrabaho sa kamaganak
@emmy389911 күн бұрын
Tama at totoo po yan, mahirap talaga ipagkatiwala ang pera, kaya kung hindi naman ikaw mismo ang mag babantay wag na lang magpagawa..Mahirap maka hanap ng taong hindi nasisilaw sa pera.. Ingat ingat po talaga, wag ipag katiwala ang perang pinaghirapan.
@olivierlambin4027Ай бұрын
Ma’am,thankyou for sharing your story!
@ElsieDelRosario-d9dАй бұрын
Very helpful po, I’m planning to go home for good, planong mag pagawa ng small house. Thanks for sharing
@chopsmailАй бұрын
Kahit kamag anak mo lolokohin ka talaga, it happened to my wife's mother, nag renovate lang ng rooftop deck na sobrang simple at maliit lang naman ang area, pamankin ang gumawa. gumastos ng 1 Million nanay nya, tapos nung natapos ang dami pang palpak na gawa. Diyos ko Lord talaga, pati kamag anak mo di mo mapagkakatiwalaan.
@peacelily56022 күн бұрын
Ang nakita kong mahusay na contractor si Rhegs Vlog. May mga kliyente syang nasa abroad din at pag nakita nila yung bahay nila satisfied sila. Isa pa pag namimili sya ng materyales naka-video pati sa pagreresibo, napakatransparent.
@khakikyan5818Ай бұрын
I am also a nurse abroad, and sa dami ng mga mas matatanda na kasama ko sa work na madaming comment sa mga pagawa nila na bahay sa pinas, i took it as an advice not to have a house built sa pinas. Although it is a sense of fulfillment, pero ang naging katwiran ko, once a year naman lang ako uuwi, why maintain a house na most likely hindi ikaw ang mag e enjoy. Madami na din ang nag papa bnb sa atin kaya dun na lang, malayo ka pa dun sa mga araw araw na bisita na di ka pa nag mumumog eh nasa inyo na at dumadalaw lang daw. To maintain the house cleanliness is also maintenance, para di masira at maluma, sabi nga din ng isang kasama ko ang malinis sa kanila eh pwedeng hindi pa malinis sa yo. Its not their own kaya wala silang malasakit.
@chrislim953Ай бұрын
no need ka naman magpagawa kung hindi ka doon titira
@manuelr1405Ай бұрын
Tama kaya ako mga 3 months ako dun Kubo sa tabing dagat basta mganda kitchen at CR mga P700k goods na.
@MarieChristine95Ай бұрын
I made the mistake of buying a house in the Philippines, para nga di na mag-hotel. I even left my clothes there, para di na magdala ng mga damit. Kaso, pag-talikod ko, sinira ng auntie ko ang lock ng bahay, tapos pinaupahan nya. I didn’t even received a peso. Worse, ninakaw pa mga damit ko, tapos nag-turuan sila. So I decided to walked away from it all, I blocked everyone from there, bahala na sila what they want to do with my house. It’s a lot of money, yes. But it’s not worth it if my mental health will suffer from stress.
@anacudiamat4883Ай бұрын
Me everytime uuwi ako nag rerent na Lang ako Ng condo 1 month lang Naman ..pagawa Ng Bahay masisira lng.
@khakikyan5818Ай бұрын
@@MarieChristine95 sell mo na lang the house and use the money, mag tour ka and give some donation to charity.
@michellejapina9331Ай бұрын
Grabe mam nang yayari po talaga iyan. Dapat po talaga naka bantay tayo pag mag pagawa tayo ng bahay. Kasi minsan masasayang ang mga pinag hirapan natin. At kadalasan si nasusunod ang mga gusto nating mangyari. Nangyari din po yan sa buhay ko . Lesson learned po sa lahat wag natin ipag ka tiwala ang mga pagawain sa bahay
@LucitaCapiliАй бұрын
ang mga nakuha nanag kontractor hindi mga bihasa, meron kasi hugot na lang nang hugot nanag mga gagawa kahit d bihasa
@christophermocoy4874Ай бұрын
ofw din ako nagpagawa ako ng bahay pero kahit nasa malayo naka monitor din ako pinabantayan ko kay misis araw araw may photos at videos,,,at kung may mga mali nacorrect agad..kaya ayos naman nacomplete naman within the budget..
@mgb4404Ай бұрын
iba ang situation nyo andon mrs nyo iisa ang taste nyo
@chrislim953Ай бұрын
@@mgb4404kung nandon asawa mismo at araw araw napupuntahan masusunid gusto nyo
@shirleynaoe8350Ай бұрын
Yes me too! pag dko nagustuhan pinapabago ko, now is all done with the help of my daughter..
@wangyu118921 күн бұрын
frm ksa maam. thanks for sharing your experience. tama po lahat sinabi nyo, better na delay ang house project nyo kaysa sumakit ulo nya sa ineexpect nyo na dream house. meron dn kami ganyan experience n masakit sa bulsa and stressful. kagandahan lang po sa ginawa nmn ay labor lang usapan nmin ng engr. kami po bili lahat materials para hindi nmn tinipid. kakabilib kayo at kalmado pa rin kayo.... ingat po and maaayos dn po yan. tnx po!
@SA-oi8toАй бұрын
Napakademonyo naman ng mga trabahador na gumawa ng palpak after all the gastos and trust
@PinoyRider26 күн бұрын
it's the contractor. linggohan lang sweldo ng mga binabash mo na "trabahador"
@adonai32020 күн бұрын
❤Thank you for Sharing and Reminding us . May God Bless you🙏🏻😇
@unkindguy88Ай бұрын
I can’t imagine your heartache and headache going through this.
@MaxMerrierАй бұрын
I hope you’ll find your home a great place po. Thanks a lot for sharing and great information. God bless po!
@marengclarindasvlog2030Ай бұрын
true madam proven ko yan ganyan din ginawa sa akin ng kamag anak ko niloko ako nung nagtiwala ako sa kanila nung pinagawa ko bahay namin
@MarieChristine95Ай бұрын
Ako, pinabakod ko yong bahay ko doon. I entrusted my aunt to supervised. Needless to say, pat-dating ko doon, ang panget ng parka-gawa, dahil yong auntie ko, ginawang pang-bakasyon ang pera! Tapos, noon sa kanya ko pinadala ang balikbayan box para sa province, binuksan nya, and she took whatever she wanted, maski may mga pangalan yong iba! Grabe talaga! So now, I don’t communicate with anyone from the Philippines. One day, uuwi din ako, but as a tourist only, and I won’t be seeing any one of them.
@krism5575Ай бұрын
I really appreciate this video. Yung ttay ko na depress sa pagpapagawa ng bahay dhil ung contractor di nkknig dn s knya and ending tbingi ub pnkbakal ng pgkkbtan ng bubong, naubos ang funds, nasira ang bahay. Kya nga totoo sb nila kng gsto mo mstress, pagawa k ng bahay sa Pinas. Nkkhya, they're proud of their work na "palpak" nakakadiri mga workers na ayaw gwn ang tama. Your work is a reflection of you!
@antipoloproperties7571Ай бұрын
Legit contractors po ang kunin nyo yung may yrs of experience. It will cost a lot pero less stress. Ganun po talaga ang tinipid now a days 5M house is tipid na.
@harimon21Ай бұрын
I built my home 110 sqm up and down for 2.5M. I consider myself lucky dahil mapagkakatiwalaan contractor ko at nagawa naman ng maayos kahit wala ako sa Pinas.
@robertoelmersonpimentel791626 күн бұрын
Madam, wala po ba kayong, contract?
@JennySia22 күн бұрын
Baka po may contact number or name sa FB
@IlocanainGermany27 күн бұрын
Lesson learn tlga itong video na ito .Gusto ng asawa ko pagawa kame ng house in Ph kahit Wala sa Pinas pero I have the Gut feelings na Lolokohin lang kame even Sibling ang caretaker . kaya i will follow my Gut especially now watching your video
@ChonaMagbanua-q8iАй бұрын
Dyosko ko lord k stress naman po yan!
@mariadoloresmillares34515 күн бұрын
Yup..so i stay in a good apartment..no stress bcs the rent is cheap and the apartment is newyl built...in the middle of the town near to the market ..mal hospital and colleges...thanks be to God ❤
@josieherrera9017Ай бұрын
Ang ganda ng bahay mo, madam. /Excellent color choice and design. Love your floor tiles! Sorry sa nagyari. Hindi mo talaga mapagkakatiwalaan ang mga Pilipino, sigurado tinipid ang materyales at ninakaw na! Check the receipts against the goods delivered.
@charmined3676Ай бұрын
Ma’am this is why we opted for a condo versus a house to have built. Also it is safety kasi meron 24hours guard. But need to be a reputable builder and a large scale builder. A house is fine but like you said if you can entrust a person. most of the time it doesn’t pan out.
@mabelzonio90314 күн бұрын
Thank you so much for sharing madam🥰
@ailenearcilla7704Ай бұрын
buti nga sayo dam may nabuo sakin wala kahit poste
@mariahiquiana466129 күн бұрын
Just pray na maganda ang foundation. Magcrack uli yang walls with time kung hindi level ang construction.
@mariaboyd7380Ай бұрын
Ganyan ang Nanay ko, nagpagawa ng bahay, madaming mali. Naloko pa ng architect. Kahit kamag anak mo na, lolokohin ka pa.
@pinaylifeinusa5780Ай бұрын
Naku!cnbi mo pa wag bsta mgtiwala khit kmg anak pa yan.
@RemelynSolomon-q3mАй бұрын
True I relate
@mischelle768329 күн бұрын
Thats true ma'am its happened to me also all the plan in my house hindi rin nasunod ng contractor im very disappointed rin ng makita ko iyong bahay ko.same rin yan sa akin marmi tiles na nag crack at walls crack rin.ang masaklap pa ang liit ng bathroom pero laki ng sukat ng room.lesson learn talaga yan ma'am i feel your dissapoint.
@mroseloveАй бұрын
Understand kopo ang pakiramdam mo Ma’am 👍Relate po ako dyan,Ganyan din po ang Nangyari sakin dati,Nagpagawa din po ako ng Bahay ko noon na wala ako sa pinas Super at Sobrang laki na din po ng Nagastos ko pero puro mga pal pak din ang mga Gawa nila,pinerahan lang din po ako,paulit ulit aking Niloko ng mga Gumawa sa Bahay ko,
@jazzy7755Ай бұрын
Lesson learned. Thank you for this👌👌👌
@TessSantosFlorendoАй бұрын
Basic lng problem Ate, ganyan talaga pag ipahahawak mo sa iba madami silang sinasabi been there. Wag mong lahat ipupuso iyon. Pulutin mo kung anu yung pwedeng gusto mo at maayos.
@sca3885Ай бұрын
If sh!t involves money and trust, that’s not basic.
@litalao3833Ай бұрын
Wow....nandito ka na pala sa You Tube ...Congrat sis..
@davidsongsong1513Ай бұрын
Grabe yan 3M ganyan gawa ni Hudas
@Travel822864 күн бұрын
Ako din, niluko sa mga panday at sa binilhan ko ng materials.. isang buwan na patrabaho ng maliit ng bahay limang patong lang na hollowblocks ang nakatayo.
@sca3885Ай бұрын
Grabe ang perwisyo na ibinigay sayo ng mga taong ito. 🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️
@nidacartago334019 күн бұрын
Nakaka sad naman wala silang concern sa hirap how you earn your blood money, big help to many people na share niyo ito madam for awareness narin po, new friend here madam ❤❤🙏
@FrancetteFontaineАй бұрын
Grabe po. Huhu. Hope for your full recovery soon and sa bahay nyo po. 🙏🏻
@perlaandio6875Ай бұрын
Thank you same experience here... Thank you more lessons learned ...
@ZuperZaiYen26 күн бұрын
agree! Dpat ikw mismo ang magpapagawa. Wag ipagkatiwala kahit kanino sa pamilya. ikaw ang nkakaalam sa pagud mo at kung paano gastusin ng tama un pera sa pagpapagawa. Magkaiba kau ng isip at damdamin sa pagtipid dahil alam mong pinaghirapan mo.. ska kna magpagawa pag nagbakasyon o umuwi kna pra ma-stimate mo pera ipon mo..
@hshsj622Ай бұрын
Thank you so much sa video na to kc me Plano akong magagawa nang Bahay Kapag nag forgood ako
@wheltiangson1512Ай бұрын
I watched the full video madame'and I can suggest you need to hire Project Architect. Every project need a Supervisor either Arch/Engr. aside from Design Architect. He is responsible for the entirely completion of the project. Must be in good quality of workmanship and materials pertaining to the design documents. Even you are working in abroad he will handle everything in constructing/building your house. And every phase of project work is need nya mag-update sa inyo to see every the stage of accomplishment. Mas economical pa ho to hire tusted someone kumpara sa nangyari ngayon sa inyo. Open plan yung house design pero at least must have a foyer and patio/terrace. Para meron sanang "dramatic effect" na hindi agad kita yung door ng bedroom from main door.. And I can say malaki na po yung 5M sa nagawa na nila which is ground floor pa lang yata.
@Ben-y5t7kАй бұрын
Meron n po architect at engineer c mdam nurse..ang tanong..bkit hindi n sunod plano?
@wheltiangson1512Ай бұрын
@@Ben-y5t7k Iba po kasi Sir yung Design Architect sa Project Architect. Sa video po ni Mam' ay Design Arch lang po yung nabanggit at ipinaubaya na lang sa Contactor ang plano. Kaya ang mangyayari po ay HINDI guarantee na 100% masusunod ang plano. Ang Design Arch po ay plano lang ang gagawin nya at may rare site visit lang kung kailangan na siya. Unlike kung may Project Arch din na nakatutok from start to finish na siyang magsu-supervise sa Contractor. Di bale po sana kung DESIGN and BUILD yung na hire na Mam' na si Design Arch na ang bahala sa lahat. Unless din po na reliable ang Contractor na makukuha theoretically and well experienced. Kahit wala na sanang Project Arch kundi Design Arch lang. with trusted Contractor. Pero standard po kasi na palaging may Proj/Site Arch. Ganun po talaga...
@rizzayamasaki9410Ай бұрын
Oh wow.. that’s si is for you.. but thank you for taking your time to show us this… I am sorry this happened to you .
@Anna-zf5wsАй бұрын
I pray for your good health. May God give you blessings more than what was taken from you by those people.
@mabellebarry9056Ай бұрын
Thank you for sharing your experience I am planning to built our family home in a very near future. Not sure who I can trust. I live in US.
@sca3885Ай бұрын
Build it when you get there. Don’t trust anyone. You can rent an apartment while your house is being built.
@pilipinatv6505Ай бұрын
Ako nga mismo andito n sa pinas, nagulangan pa din. Sa pakyawan much better. Sa arawan lugi ka kasi mabagal talaga