Рет қаралды 1,560
“ILAW TRAPIKO PARA SA'YO”
(Original piece of Marian Christaine Zaldua)
Tanong dito, tanong doon.
Mga walang katapusang tanong na naiipon.
“Handa ba tayo?” “Paano ba mabubuhay sa ganito?” “Kailan ba ito hihinto?”
Sa panahon ngayon, bawat umaga'y ang hirap bumangon.
Pag bukas mo ng telebisyon pataas nan g pataas ang mga bilang ng nagugutom
Mga umaga, hapon, at gabi na 'di na kagaya ng kahapon.
Mga okasyon na dati ay punong-puno ng pagtitipon,
ngayon kailangan lagyan na ng limitasyon.
Ang dating kalsada na puro ingay ng bagsak ng mga paa at halakhak ng mga bata, ngayo’y binabalot na nang katahimikan.
Ang dating mayroong hanapbuhay, ngayo'y nagkukumahog para maghanap ng ikabubuhay.
Ang mga tunog ng tawa at kasiyahan ay napalitan na ng walang humpay na pag-iiyak.
Sa kadahilanang karamihan ay hindi tiyak sa kanilang tinatahak kahit sila pa din ang may hawak.
Mga paalam na biglaan... ng mga taong mahal na sumakabilang buhay
Iniwan ang mga pamilyang nahihirapan sa balintuna ng kinabukasan
Ito na ba ang "new normal"?
patuloy nag-iiwan ng mga aral sa kabila ng paghihirap ng iba.
Ang trahedya na bitbit ng pandemya ay talagang nagdulot ng pagkabalisa at pagdurusa.
Ang kapayapaan ng ating puso at isip ang isa nitong tinutuligsa.
Ang ating isip na labis na ang karga, naglalaman ng maraming mga pangamba.
Sa pagdilat sa umaga, mapapaisip ng "kaya ko pa ba?"
At sa pagpikit sa gabi ay kay hirap makatulog nang mahimbing,
dahil pakiramdam mo'y mayroong masamang mangyayari na paparating.
Ang mga ngiting naglaho at natabunan ng pighati.
Sa paglipas ng mga araw, pakiramdam mo'y nauubos ka na unti-unti,
pakiramdam mo nawawalan ka na ng rason manatili,
ramdam na ramdam mo bawat oras ang hapdi na hindi maibigkas ng iyong labi
kasabay ng panginginig ng 'yong mga daliri.
Hindi mo na maintindihan ang 'yong sarili,
tingin mo'y wala nang nakaiintindi,
ngunit mga kaibigan ay nandyan lagi handang manatili
Huminga ka
At sa iyong pagkalma ay maghanap ng kung anu-anong mapaglilibangan at mapagkakaabalahan upang pagkukulang sa pakiramdam ay mapunan
Sa panahong nais mo nang sumuko,
Lagi mong tatandaan ang ilaw trapiko.
Ang ilaw trapiko na binubuo ng kulay na tatlo:
pula, dilaw, at berde.
Kulay pula, na nagsasabing hinto muna,
Ikaw na huminto muna sa pagiging lito,
huminto muna't huminga nang malalim,
tumingin sa paligid
at namnamin na buhay ka’t humihinga
masaya at may pakiramdam pa
at 'yon ang mahalaga.
Kulay dilaw, nagsasabing dahan-dahan muna,
ikaw ay magdahan-dahan lang muna,
hindi kailangan madaliin ang proseso.
Sa pagdating ng panahon, magiging maginhawa din ang pakiramdam
Sa iyong hinaharap, babalik din ang saya at kapayapaan sa buhay
Maghintay ka lang, mag tiis ka lang, dadating din ‘yan.
Kulay berde, nagsasabing "go",
Magpatuloy na't harapin mo na muli ang mundo
at kamtan ang kapayapaan na minimithi mo
Walang pipigil sa pag abot sa kung ano ang gusto mo
Malaya kang gawin kung ano nga ba ang magpapaligaya sa’yo
Pula, dilaw at berde-
huminto, magdahan dahan at magpatuloy
Ito ang tatlong kulay na bumubuo sa ilaw trapiko,
Isang bagay na hindi mo inaasahang makakatulong sa isipan mo,
Ang ilaw trapiko para sa'yo.
MEMBERS:
Poem by:
Zaldua, Marian Christaine
Narrated by:
Matic, Alliza
Edited by:
Padua. Ellen Grace
CAST:
Ybanez, Jonylle Mari
Alcober, Danah
Ordonez, Monica
Sales, Kim
Silverio, Desiree Caye
Mariano, Patrick
Medalla, James
Rodrigo, Elmar
Satsat, Maria Teresa
Dumbrique, Krishen Josh
Video used:
** NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED **
Starving in Philippines' Coronavirus Lockdown: A 16-Year-Old's Story
Link: (233) Starving in Philippines' Coronavirus Lockdown: A 16-Year-Old's Story - KZbin