Рет қаралды 21,185
IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
Lyricist: Arturo P. Rosaroso Jr. - Principal IV
Composer: Rheina Judee S. Aguirre
Arranger: Rodel M. Aguirre
Imus National High School, Inang Paaralan
Tahanan ka ng kaalaman, pandayan ng kinabukasan
Lundayan ng pananalig sa Poong Maykapal
Kailanman ‘di mapapantayan pagmamahal sa kapwa at bayan
Pre Chorus 1:
Disiplina't pagmamahal sa kalikasan,
Kalinisan, pagtutulungan at pagmamahalan,
Ang tunay na sandigan ng kalakasan
Chorus:
Proud ka sa INHS IMUSEÑO DISIPLINADO
Hindi basta yuyuko at susuko
Sapagkat paninindigan laging buo
Paglilingkod ay bukal lagi sa puso
Isakatuparan misyong sa balikat ay inatang
Kabataan at bayan walang atubiling paglilingkuran
Serbisyong Maka-tao, Makabayan,
Makakalikasan at maka-Dios laging ilalaan
Pre Chorus 2:
Tungkuling Sinumpaan kailanma’y di tatalikdan
Sa rurok ng tagumpay, ibabandera
Anomang pagsubok nilalampasan
Hitik sa panahon ang karanasan
Chorus:
Proud ka sa INHS IMUSEÑO DISIPLINADO
Hindi basta yuyuko at susuko
Sapagkat paninindigan laging buo
Paglilingkod ay bukal lagi sa puso
Bridge:
Sintatag ng adobe kung maninindigan
Isip at Puso ito ang puhunan,
Kahit ano para sa Bidang Imusenyo inilalaban,
INHS, iibigin, paglilinkuran magpakailanman.
Chorus:
Proud ka sa INHS IMUSEÑO DISIPLINADO
Hindi basta yuyuko at susuko
Sapagkat paninindigan laging buo
Paglilingkod ay bukal lagi sa puso
Coda:
IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL