Kakulangan sa nurses, malaking problema sa health sector sa Pilipinas | UB

  Рет қаралды 68,734

GMA Integrated News

GMA Integrated News

Күн бұрын

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit www.gmanetwork.....
#gmaintegratednews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: gmapinoytv.com...

Пікірлер: 811
@user-ff8st7db3v
@user-ff8st7db3v Жыл бұрын
Subukan nyo mag alaga ng 40 patients per shift na pag nagkamali ka kulong kna tanggal pa lisensya mo. Yung tipong pagod na pagod kna pero hindi ka pwede umalis dahil buhay ng patient ang naka taya. Tapos onting mali mo lng sinisita ka na ng mga doctor na feeling boss at mga patient na feeling nsa 5 star hotel. Di ka rin pwde magkasakit dahil kawawa yung kasalitan mo sa shift dahil sasaluhin nya work mo mag 2 shifts sya. Tpos ang shift 13 hours a day. Tpos sasahuran kita ng 11-12k per month.😂 tama lng yan maubos na nurse d2 sa pinas para ma realize nyo ang kahalagahan ng mga nurse puro lng doctor ang priority nyo
@mgemma5137
@mgemma5137 Жыл бұрын
hala kng maubos d k apektado so robot yng pamilya mo d mag kasakit so ok lng sau mkita yng pamilya d mkapunta sa hospital dahil no doctor no nurse anu masaya k buong pilipinas nabaod sa hukay dahil d nagamot
@johnanthonyabadillos2009
@johnanthonyabadillos2009 Жыл бұрын
Very well said.. wag nyo sanihin reklamo po yan kasi reaity yan😢😢😢
@jmp1778
@jmp1778 Жыл бұрын
Sampulan nyo ang Pilipinas mga Nurses mang ibang Bayan na kayo. Dapat ang Nurse dito magka parihas sa Police ang sahod.
@jahd5790
@jahd5790 Жыл бұрын
Tama to, nakaexperience mga kasama namin recently lang. Sila pa tatanggalin dahil lang sa isang mali na kahit antagal mo na nagtiis, tapos sasabihin nauubos, mga walang alam tong mga nasa administration
@franzeladv
@franzeladv Жыл бұрын
@@jmp1778 mga pulis nga laki na ng sahod puro mssma prin ang gngwa tpos ung mga tyan ng mga lalakeng pulis kala mo mga buntis eh
@kobejordan983
@kobejordan983 8 ай бұрын
I'm a nurse in a nursing home here in UK. My gross monthly salary ranges between 300 thousand to 400 thousand pesos. Yung sahod ng nurse sa hospital sa pinas na more or less 20 thousand wala pang dalawang araw kinikita ko na dito sa UK. Marami pang benefits na wala dyan sa pinas.
@Tech-gv6qk
@Tech-gv6qk Жыл бұрын
Teachers, Nurses they deserve better hindi basta basta yung kinuha nila. I am an IT graduate but i feel sad for them.
@anitagubalane7510
@anitagubalane7510 Жыл бұрын
Taasan ang sweldo at benepisyo sa mga nurses, teachers at doctors. 🙏💗
@josefinaurcia9127
@josefinaurcia9127 Жыл бұрын
Naku nmn teacher na nmn ..ang nurse ang pagtuunan niyo ng pansin dahil unti unti na nauubos
@SakuraPonchonsavarit
@SakuraPonchonsavarit Жыл бұрын
Ewan ko ba bakit hirap na hirap ang gobyerno taasan ang sweldo ng mga nurses natin. Yung pera sa maharlika fund at sweldo ng mga politiko sana nilaan na lng sa mga nurses
@jettisontemplocampanero329
@jettisontemplocampanero329 Жыл бұрын
Hindi kami kulang. Marami talagang may ayaw magtrabaho or nag iiba ng kurso. It's just that hnd competitive ang sahod namin compared sa ibang bansa. Hindi namin hinihingi na tapatan kundi ihanay ang sahod sa mga teachers or pulis. Entry level 25k or 30k. Guys nakakasagad talaga ng pasensya lalo na kung may mga squammy na watchers na akala mo may aircon ang kwarto kung makapag demand kala mo binili ka na nya. Though hnd ko naman nilalahat na ganyan kayo, kaso andami talagang atribida at bida bida. Tapos andaming government hospital na kung makapag entrance exam sa mga nurses akala mo kung napaka prestigious ng buildings nila. Nag medtech na lang sana ako baka sakali kayanin ko pa. So help us God.
@Seabagels
@Seabagels Жыл бұрын
I remember I visited my grandpa in the hospital and they only have few nurses na nakaduty, kung sino ung nakita ko nung Monday maghapon, sila din ung nakaduty for the rest of the week. Nasa 5 storey ung building. Tapos kada floor may 3-4 nurses na nakaduty. Nagbantay kasi ako, so kapag lumalabas ako ng 2 am of the morning para kumuha ng hot water. Gising pa sila and kapag natutulog sila wala silang room to rest or sleep, they sleep while seating sa chair malapit sa nurse counter. Tapos the next day, andami Kong nakita na student nurse sa hallway yung iba nagdadaldalan na they want to work abroad. I think one of the reasons kung bakit may nurse shortage sa Pilipinas ay dahil na rin sa low wages and unrealistic and demanding working hours. Imagine, halos may mga nurse doon na nagwowork na 20 hours a day. Ang taas maninggil ng hospital tapos ung sweldo ng nurse parang walang justice. Sila lagi ung masaospital, hindi naman doctor. Sila din ung malapit sa sakit and they take risk of their health, wellbeing and their time for their family para makatulong at magampanan ung oath nila. Kung dumadami man ang nagabbroad kapabayaan na yan ng ating bansa at sector na hindi kayang tawaran ang kanilang mga sakripisyo. In demand ang nursing lalo nasa UK and US. I can't blame Filipino nurses though
@TheKamotechunks
@TheKamotechunks Жыл бұрын
Mga Hospital lang kumita nung Covid, grabe singil nila pero d nila dinag dagan sweldo ng mga nurse.
@ramtzy8752
@ramtzy8752 Жыл бұрын
Dapat kasi bigyan nila importansya at saktong sahod ang mga nurses.. Tamang benepisyo na kailangan na di dapat ibulsa sa mga sector
@xtianxtian1925
@xtianxtian1925 Жыл бұрын
Wala akong maging reaction kundi 😭😭😭 naalala ko amg hirap noon mga 2008. Its true. Ikaw pa magbabayad sa hospital noon para makapagtrabaho. From manila nakaabot pa ako ng mindanao. Hindi naman ako nakaranas ng bully doctor at senior nurses. Pero nakaranas ako na sipasipain ng pasyente. Sigaw sigawan ng kamag anak ng pasyente. Dami ng pasyente na halos uuwi kn lng para matulog. Nawalan ng trabaho dahil sumagot sa kamag anak ng pasyente na sinipa ako. May magsasabi pa sayong parang katulong ka lng at katulong ka lng ng doctor na wala namang alam kung ano ba tlga trabaho ng nurse at ni minsan noon walang doctor na trumato sakin ng ganon. Yung libre na nga service mo ganon kp tratuhin ng mga tao. Dahil dyan, nag abroad ako, okay naman na. 6 digits salary, minsan nakakaranas ng bully patient pero, hindi tinotolerate. Kung saan sa facility namin may nakapaskil na kung ano ang pwd ikaso sa mga pasyente na ganto. 😊
@johnwest-dq7we
@johnwest-dq7we Жыл бұрын
Anong sample po ng mga hospital?
@xtianxtian1925
@xtianxtian1925 Жыл бұрын
@@johnwest-dq7we hospital na ano po? Hehehe
@techwizpc4484
@techwizpc4484 Жыл бұрын
Dapat may rule din kasi na ganyan dito. Ung pasyente dapat di sinasaktan ung nurse. That's technically assault. You should be able to sue either the patient or the hospital if they sided with the patient.
@esense9602
@esense9602 Жыл бұрын
​@@techwizpc4484ok lang sana kung mga psycha na patient yan pero kung yung matitino na pasyente, ibang usapan na yan
@johnwest-dq7we
@johnwest-dq7we Жыл бұрын
@@xtianxtian1925 hospital na nagpapa bayad for volunteer and training
@raindlrs4527
@raindlrs4527 Жыл бұрын
Kung pwd nga ultimong mga janitor umalis na rin ng pinas, dahil mas nbbgyan pa ng pansin ang mga pinoy sa abroad kaysa dito ang hirap pa mag apply. Grabe ang discrimination dito.
@omynurse
@omynurse Жыл бұрын
Nurse po ako. Pero di na ngayon. Kulang ang pasahod di angkop sa trabaho. NURSE "JOSE" Wag mong sayangin ang panahon at pagkakataong magabroad. Mag sisisi ka pagdating ng panahon na damatans ka na. Maniwala ka sir. Take it from me as a fellow Nurse (dati). Di priority ang mga Nurses sa Pilipinas. Mga doktor limpak limpak ang salapi. Hayaan mo mga doktor ang mag ng alaga ng mga pasyente dito sa Pinas.
@carribyanadventures
@carribyanadventures Жыл бұрын
Magka aminan na: 1. Hindi ka makakapag apply sa government hospitals dahil kelangan may kakilala kang politiko. Worse kelangan kilala ka ng nursing admin ng ospital bago ikunsidera aplikasyon mo. 2. Masungit karamihan ang seniors at supervisors. Imbes ganahan kang magtrabaho, ikaw pa ang natatakot kasi parang alam mong anumang oras eh sisibakin ka kapag may napunang mali. 3. Hindi ka protektado, walang benepisyo at ikaw pay mapag iinitan ng doktor at senior nurse pag may napupuna ka sa status quo. 4. Ang swelod maliit, ang case burden hindi realistic. Napapanood nyo naman. 1 nurse halos 50 pasyente babantayan mo. Buhay ang iniatang sayo, pero ang mga supervisor at doktor ang papatay sayo kasi ikaw ang nahahanapan ng butas dahil ikaw ang kaharap ng pasyente araw araw 5. Kulang ang supplies. Papasok ka sa trabaho di mo magampanan ng maayos dahil kelangan mong gumawa ng paraan madugtungan lang ang buhay ng pasyente at maitawid ang orders ng doktor. Kapag di mo nagawa, ikaw pa ang mali at masama sa mata ng supervisor at doktor. 6. Hindi realistic ang nurse to patient ratio. Nasasagad ang nurse at nabuburnout. At takaw disgrasya at kamatayan dahil masyadong delikado ang partidahan. 7. PNA at ibang organisasyon para sa nurse walang ginawa para lumaganap ang kaalaman ng rehistradong nurse after graduation. Puro may bayad ang training at walang kusa na makipagdayalogo sa interprofession gaya ng doktor at opisina ng presidente.
@GolDRoger-fx2fp
@GolDRoger-fx2fp Жыл бұрын
Ang maliit na SAHOD talaga ang pinaka-problema diyan. Individual problem na lang yung iba.
@jpz6768
@jpz6768 Жыл бұрын
Yung sahod at benefits tinitipid Sila.
@kitracatalan3917
@kitracatalan3917 Жыл бұрын
Tama
@frankieperdon8905
@frankieperdon8905 Жыл бұрын
In short SISTEMA ang humahadlang sa mga nurses natin na manatiling magtrabaho dito satin..
@RonaldoSantos-bh5si
@RonaldoSantos-bh5si Жыл бұрын
Ibig mong SABIHIN kapag hindi PASADO sa CIVIL SERVICE EXAMINATION kapag may KAKILALA na PILITIKO ay " QUALIFIED " na🤣🤣🤣✌
@alvinparedes7575
@alvinparedes7575 Жыл бұрын
Kaming mga Frontliners, Mahirap man na umalis kami sa sarili nating Bayan, pero kailangan talaga kase Kung tutuusin sobrang Liit ng Sahod dito sa Pinas.SANA MABIGYAN NAMAN KAMI NG PANSIN MGA GOVERNMENT NATIN.
@cephalocaudal
@cephalocaudal Жыл бұрын
Yes po, nurses ang PINAKAFRONTLINE SA MGA FRONTLINERS. HINDI LAMANG SILA PANGKARANIQAN NA "FRONTLINERS".
@Vendemiair
@Vendemiair Жыл бұрын
As a medical doctor working at two big government hospitals in Metro Manila, I can definitely say nurses are overworked and underpaid. The amount of work they are expected to do is ridiculous, especially given that only a few nurses are assigned to many patients, coupled with relatively low salary. Quite a number of those I know personally have gone abroad to seek greener pastures, and who can blame them?
@Knight-rn4if
@Knight-rn4if Жыл бұрын
Thank you doc. We love you❤
@claireglory
@claireglory Жыл бұрын
thinking back of it now, i shouldn't have hastily left our country just to work in the health sector in foreign countries. truth of the matter is, you will never get the amount of experience here as is what you could get in our country. you would be lucky to get a dozen patients in a week, but most of the time, you would just be in the lobby writing things or getting stuffs. at this rate, i would have a hard time to be a doctor. dyan sa atin. araw araw especially in the public hospitals, ang dami mo situation and experience na matututunan at ikaw mismo ang nasa harap. dito you would be at the back watching things. discrimination and superiority is still at the works. it is very easy to see that they prioritize their people first than some foreigner who just works in their country.
@reymeradrianotv4001
@reymeradrianotv4001 Жыл бұрын
Anong underpaid wala namang nurse na mas mababa sa minimum wage ang sahod
@koonene
@koonene Жыл бұрын
​@@reymeradrianotv4001sigurado ka?
@koonene
@koonene Жыл бұрын
​@@reymeradrianotv4001kaya mo magpaaral ng pagiging murse? At tingin mo, kaya bang bawiin ng pinambayad sa pagaaral ng profession ang sahod ng nurse? Mhigit 7 years akong nurse sa Pinas, 1 year halos dun, government hospital ako nagtrabaho, wala ako ni kusing na sinahod. The rest, sa private hospitals na. Oo, hindi nga minimum wage sahod ko sa Private hospital, because our salary was P30 more over it. Hiyang hiya naman ako sa million na ginastos ng nanay ko para maging nurse.
@ramiltagarao1996
@ramiltagarao1996 Жыл бұрын
Taasan kasi sahod nila at sapat na benipesyo para manatili silang mga dito sa atin,kayo mga may-ari nang hospital sana naman maawa kayo sa mga nurse.
@yakuzaclan5704
@yakuzaclan5704 Жыл бұрын
Pàccyu ikaw kaya pag trabahuin ko sa PGH ng 26 hrs straight ng malaman mo hirap pûtàngînàcca
@jen8932
@jen8932 Жыл бұрын
Sana talaga iprioritize ang mga nurse na passer na. Dapat hindi sila magbabayad para magkaroon ng experience. Dapat bigyan nila ng sahod kahit baguhan lang o kakapasa lang ng board exam. Certified naman sila. Bakit kukuha ng hindi certified, bakit kukuha ng hindi pa tapos sa kursong nursing? What in the world? Kawawa naman ang mga nurse na nakapasa na at wala pang regular na sahod. :-(
@ofelialopez3724
@ofelialopez3724 Жыл бұрын
We don’t have scarcity of nurses but rather jobs available in the country .. we have many graduates 🎓 of nursing course yet not licensed or registered . .also those who have working experience opt to work abroad for higher salaries..
@minominmina5672
@minominmina5672 Жыл бұрын
I agree, there are nurses in phil but cannot be hired because the hospitals are the issue, they dont want to hire more nurses. Why? Saving budget, but more profits to the stock holders.
@keic.7044
@keic.7044 Жыл бұрын
On the other hand mabuti n dn yang nangyayari na kumokonti n ang nurses s pinas ng malaman nyo halaga ng mga nurses.! Laging sinasabi kulang s budget pra s mga nurses pero marami nman nakukirakot!.
@thitesmarantz4970
@thitesmarantz4970 Жыл бұрын
I can understand how they feel! Mabuti naman at binibigyan na ng pansin ang mga Nurses sa atin. Dapat talaga! Nurses association at union ang dapat mayroon sila. More power to all nurses sa Pilipinas
@renesioanno-que658
@renesioanno-que658 Жыл бұрын
4:40
@renesioanno-que658
@renesioanno-que658 Жыл бұрын
Sana masolusyonan ng gobyerno ang kailangan ng mga nurses natin.Mabuhaykayong mga Pinoy nurses.God bless you all for your noble work.
@joshguzma9234
@joshguzma9234 Жыл бұрын
Hindi yan mauubos dahil marami parin ang nagtatapos ng nursing kadataon. Kung magaabroad sila ay mas maganda para sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami din na kababaihan sa probinsya na gustong magnursing pero dahil sa kahirapan ay huminto na sila after highskul. Kung magtatayo lang ang gobyerno ng isang Philippines Nursing Academy na tulad ng PMA sa bawat Kapitolyo ng probinsya, mas marami pa ang magiging nurse. At uunlad ang kabuhayan ng maraming pamilyang mahihirap sa probinsya lalo na kpag nag-abroad sila. Isabatas ang Philippines Nursing Academy sa probinsya. Now na.👍🇵🇭
@buenomano9381
@buenomano9381 Жыл бұрын
Hanggat hnd maayos ang benipisyo at pasahod sa nurse. Mas nararapat talaga na umalis sila ng pilipinas, para umasenso at guminhawa ang buhay ng pamilya nila.iwanan ang pilipinas hanggat tiwali ang gobyerno
@Hipolitew
@Hipolitew Жыл бұрын
Wala naman ako sa Medical Field pero halos maluha at nalulungkot ako nung nalaman ko to.
@martinebon4333
@martinebon4333 Жыл бұрын
Nakakalungkot na ang daming umaalis ng Pilipinas dahil sobrang baba ng sweldo. Nung nagsimula ako nung 2009. Magvolunteer ka pa sa hospital bago maging probationary then regular. Kailangan mo pa ng padrino bago ikunsidera ang CV mo. Pag nagsimula ka naman sumahod 8,000 lang makukuha mo sa pribadong ospital. Paano mo naman masusuportahan sarili mo o yung pamilya mo? Mahihiya ka pa sa magulang mo dahil manghihingi ka pa ng pera sa kanila pagkatapos ka pag aralin. Kaya kahit mahal mo ang bansa mo, mapipilitan ka talaga umalis.
@RixA2128
@RixA2128 Жыл бұрын
Nakakasuka ung kalakaran sa hospital dahil kailangan may backer ka para makapasok at makapag trabaho sa sa isang hospital. Ang toxic pa ng mga senior nurses.
@kaelthunderhoof5619
@kaelthunderhoof5619 Жыл бұрын
Yung mama ko halos 20 taon bago mapromote at makatikim ng 30k na sahod dahil lang sa yung mayor namin ay kamag anak ng tatay ko. Pero kailangan pa niyang ipasa at maghintay araw araw para lang mapansin ang promotion.
@ainiii.22
@ainiii.22 5 ай бұрын
Wag na sana hintayin ng gobyerno na malagas na mga nurse dito sa Pilipinas.
@Troll_Account_Police
@Troll_Account_Police Жыл бұрын
Sahod ay dapat itaas! Wag gawing negosyo! Dahil kung may pera ka man, kung wala namang nurse o doctor na mag aasikaso sayo. Kawawa ka
@user-bp3yo2mq9j
@user-bp3yo2mq9j 8 ай бұрын
Paano ba naman kasi,kahit ako gusto ko kumuha ng medisina pero wala kaming pera tapos ngayon kailangan ng nurses sa bansa subukan ng gobyerno magkaroon ng paaaralang libre para sa mga gustong magnurse sigurado ang daaming mag aaral jan
@alphiegarcia7264
@alphiegarcia7264 Жыл бұрын
I'm a nurse here in California, ang layo sa sweldo ko sa Pinas. I earning 400k pesos per month take home na yan.
@kenbedict009
@kenbedict009 Жыл бұрын
I am a nurse for 7 years. i have worked in the Philippines for 5 years. I started having a salary of 12k per month for 2 years then our hospital increased it to 21k monthly. Yung 21k monthly hindi padin sapat. Good thing I decided to work here in the Middle East which they offered me a salary of 120k monthly. Tapos ang ratio ng patient is 1:1 pa sa ICU. Sa pinas dati 1 nurse is for 1 unit sa ICU.
@janemj981
@janemj981 Жыл бұрын
sna ksi ok nmn pasahod jn pra uuwe nlng kmi jn.. mas ok mg wrk jn kisa ibng bnsa🙏😇😇😇tiis malayo sa mhal sa buhay...msya mg wrk at ok bnfts at sahod.
@pollytaboy
@pollytaboy 9 ай бұрын
Taasahan ang sahod ng health worker mula sa pinaka maliit hanggang pinaka mataas.
@anaescanilla5523
@anaescanilla5523 Жыл бұрын
Ang baba kasi ng sahod buti kong madali lang trabaho sa hospital
@KoreanYum
@KoreanYum Жыл бұрын
Dito sa Pinas, pag sa private hospital, ang kadalasang sahod ng nurse ay nasa P8K-15K per month lang, kadalasan di rin bayad ang overtime, fi pa kasama ang kaltas dyab. Madami pang pasyente at risk na dinadala. Kung sa Pinas na government hospital naman, kung JOB ORDER ka, P10k sahod mo, pareho kayong lahat ng sahod ng mga job order din na mga utility, driver, janitor. Kaya minsan parang ayaw pa nila sumunod sa utos or pakiusap mo na related sa trabaho dahil pagsasabihan ka pa na pareho lang naman kayo ng sahod bat ka mag uutos sa janitor na itapos na yung basurahan. Di ka rin makakapasok sa gobuerno pag wala kang BACKER. Kung regular ka na sa gobyerno ehP36k and sahod ng nurse, di pa bawas ang mga kaltas dyan. Pero ang pasyente mo at trabaho jusmiyo marimar, nag uumapaw, totoo yang sa isang kama eh kadalasan 3 ang pasyenteng nakahiga, as in siksikan talaga. Kadalasan eh 20-30 pasyente ang hina handle mo MAG-ISA sa isang shift lang. 2PM yung out mo pero 6PM kna nakakalabas dahil sa dami ng pasyente, di naman bayad. Imagine mo yung pagod at risk na kung sakaling magkamali ka dyan, maaring mawala ang lisensya mo at makulong ka, malalagay din sa panganib ang buhay ng pasynte mo. Sa ibang bansa naman gaya ng US. Pinakamababang sahod mo na talaga is P100K. Yung averagr na sahod duh ay P250K-P350K per month. Yung mga Nurse Anesthetist naman umaabot pa ng P1M ang sahod isang buwan. Tapos yung trabaho ay tama lng talaga sayo, yung overtime bayad. Minamahal ka pa dun. Kaya kung ikaw ba naman nurse, saan ang mas pipiliin mo?
@KhelGC
@KhelGC Жыл бұрын
Ang pangit kasi ng sistema pagdating sa health care dito sa pinas kaya marami ang umaalis wala naman akso kapalit ang hirap at pagod mo para magsilbi sa sektor ng kalusugan.kalat parin kasi ang korupsyon satin.
@mindblown578
@mindblown578 Жыл бұрын
I use to pay the hospital 6k for 6 mos. training then they will hire me paying me 2k for another 6 mos. volunteer status 260/12 hrs probi status for 4mos. 305/12 hrs for casual status... That was 2012 i had tried to have daily salary of 500/8 hrs. my family wanted me to go back to the profession but the hardship and trauma i got from working at the hospital setting is holding me from coming back. also im contented with working at home as a VA.
@minominmina5672
@minominmina5672 Жыл бұрын
Sorry what VA means?
@mindblown578
@mindblown578 Жыл бұрын
@@minominmina5672 its virtual assistant
@SantiagoRegaya-hc7pc
@SantiagoRegaya-hc7pc 11 ай бұрын
Dto nga sa ospital nmin kulang ang nurse pero patuloy na umaalis puntang ibang bansa
@jaqv21
@jaqv21 Жыл бұрын
I've always heard, love your work, love your profession as a nurse. Sorry for the words. It's ok to love your work but love cannot pay the bills and other payments need for every day life.
@mariviclusoc1387
@mariviclusoc1387 Жыл бұрын
Mauubos talaga mga nurse dto, sa dami ng trabaho. Yan ang resulta na pinabayaan ng gobyerno mga nurses natin. Marami na akong kilalang ng-abroad.
@fangirlparadise
@fangirlparadise 11 ай бұрын
As a nurse, I can really say with all my heart we are so underpaid there in the Philippines. My ghad. Horrible nursing condition.
@levynxtiu947
@levynxtiu947 Жыл бұрын
Hindi kase gagaling ang pasyente kung hindi namen gagawin ang mga order ng doctor. Yes, in most cases sa ospital, mag oorder ang doctor sa chart, at nurses ang gagawa nun lahat 24 hours habang nasa ospital ang mga pasyente. Ang mga doctor, pag madaming patient, maraming kita, ang nurses, pag dame ng pasyente, pareho lang ang sweldo.. idagdag mo pa ang mura at kahihiyan minsan, kase konting mali mo lang, pagagalitan Kana na ibang doctor kahit ang dahilan mo lang eh sobrang busy kase at hindi Mona kayang dapaan lahat ng trabaho.. sad truth..
@pinovicnedovic7545
@pinovicnedovic7545 Жыл бұрын
isa din factor talaga na walang nagtatagal na nurse kase sobrang toxic mga doctors sa pinas napaka God complex nila, compare sa mga americans, european doctor na mababait, puro naman sila gaya gaya sa western na walang mga napatunayan sa medisina, spoon feed pa sila sa updates from western, wala pa sila na updates hahahaha
@GerryBestoca
@GerryBestoca Жыл бұрын
Dapat doblihin ang sahod ng mga nurses natin..dibali hindi naman sila nangingikil🥳🥳🥳
@stigna07
@stigna07 Жыл бұрын
Dapat suweldo ng nurs kasing suweldo ng pulis at teacher.
@minominmina5672
@minominmina5672 Жыл бұрын
If you are aiming to work abroad, study nursing. The phil.govt cannot stop nurses to apply in foreign countries. Parents pay the tuition fees not the govt😂😂😂😂
@realtalk346
@realtalk346 Жыл бұрын
Tama lng maubos sila! Dhl ung mga nurse ntin deserve ang magandang buhay abroad!!!
@tamangtoma4633
@tamangtoma4633 Жыл бұрын
Hoy gobyerno..wag na kayo maghanap ng kung ano anong solusyon..itaas nyo ang sahod ng mga Nurses let’s say 100k pesoses per month..magsisiuwi na kami sa pilipinas.
@esense9602
@esense9602 Жыл бұрын
Iba kasi sa ibang bansa, yung palitan ng pera syempre factor din yun.
@188jan
@188jan Жыл бұрын
I’m a MMC nurse before n the only U.S license holder. So many challenges ang pagiging nurse.
@VGRyp1ti
@VGRyp1ti Жыл бұрын
I worked here in UK for 20years and I will never work again as a nurse in the Philippines no comparison to what you get here in abroad..so I can’t blame you folks…go and spread your wings while you have a chance. Let Nancy Binay do the work 😊she doesn’t need to learn she knows it all!!
@christiandavid6192
@christiandavid6192 Жыл бұрын
Napakaraming Nursing dito sa amin ngunit bakit tila walang natira . . Nag aabroad Sila . .
@Kantodiez
@Kantodiez Жыл бұрын
Di Lang po Nurse. Med. Tech., Radiographer, Respi. Therapy, Pharmacist ang Liit ng mga pasahod. Kahit mga Lisensyado.
@noeminoemi1350
@noeminoemi1350 Жыл бұрын
hospital owners are cheap and think about profits for them only.
@user-ff8st7db3v
@user-ff8st7db3v Жыл бұрын
Abroad hayaan nyo mga hospital owners, doctors at stockholders lng yumayaman d2 sa pinas.
@corleone5382
@corleone5382 Жыл бұрын
maraming nurse dito, hindi nag kulang, yung sahod maliit, syempre lilipad abroad....
@wilmerlayogue258
@wilmerlayogue258 Жыл бұрын
Tama kung nurse lang din natapos hndi talaga ako mgtratrabaho dito Pilipinas walang paki mga namumuno. Pinapabayaan ang ngtratrabaho sa health sector.
@Forfun-kz8uu
@Forfun-kz8uu Жыл бұрын
The fact in the Philippines mahal bilihin mura sahod 😢 sad reality
@amayamokamad7649
@amayamokamad7649 Жыл бұрын
Nakakalungkot
@Brainwave_Architect
@Brainwave_Architect Жыл бұрын
Hero lang kami nung kailangan nyo kami nung pandemic
@anthonyuy6781
@anthonyuy6781 Жыл бұрын
Sana dumami ang benefits like free medical (in all sectors kasama kahit psychological support and therapies). Dati nagapply ako sa malalaking sikat na hospital nagulat ako 10% lang na discount. Walang free medical services. Like if magkasakit ka sa stress dahil sa work 10% lang bawas sa bill. Tao din kasi kami nagkakasakit din hawak namen mga infectious diseases pero pagkami nagkasakit walang support sa hospital na pinagtratrabahuan namen. Minsan ung mga mas mataas na position sa hospital tinatakot kami pagumayaw kami magduty. Yung tipong we owe them. Bully sa workplace. Sana naman maging patas may buhay din po kaming mga nurses sa labas ng workplace. Sana buwagin, alisin at patawan ng parusa ang training na may fees sa hospital. Sana Nurse patient ratio is equal, di yung 1 is to 20 up to 100. parang nagalaga ka na ng buong baranggay. Wala ng quality care makukuha ang patient. Mangyayari niyan sa patients matira matibay.
@ianwinter95
@ianwinter95 Жыл бұрын
FYI hindi nauubos ang nurses sa pilipinas! AYAW LANG NAMING MAG TRABAHO DITO SA PINAS DAHIL SOBRANG BABA NG SAHOD TAPOS ANG MAHAL NG TUITION NAMIN TAPOS ANG ENDING MAGIGING ALIPIN LANG KAMI NINYO?! YUNG MGA NURSE NYO NASA CALL CENTER. MGA ALIPIN ANG TURING SAMIN. HINDI AKO NAG ARAL PARA MAGING ALIPIN NINYO. SOBRANG DAMI NG NURSES SA BANSA AYAW LANG NAMIN MAG TRABAHO SA HOSPITAL GETS NYO? YUNG SAHOD ANG POINT! SA PRIVATE HOSPITAL ANG SAHOD KO 4K PER 15 DAYS LIKE SRLY?
@raymarkcruz3134
@raymarkcruz3134 Жыл бұрын
kung gusto nyo mag stay ang nurses sa pinas, taasan sahod at mag permanent sana ngbtrabaho, hinde puro Job Order at Contractualization hayyssssss
@yourname12353
@yourname12353 Жыл бұрын
Yang mga hospital na yan kakarampot mag pasahod sa mga nurse pero kung makasingil ng bill sa mga pasyente ka mahal. Alagaan nyo nurses nyo kala nyo kasi expendable lang mga nurses pwede palitan anytime kasi sa dami ng nurse dito sa pinas eh ano nanyari ngaun naubos na lahat. Bigyan nyo importansya mga nurses sila ang nabuhay sa negosyo nyo.
@dannyboy4451
@dannyboy4451 Жыл бұрын
parang ewan naman yung DOH marami na ngang nakapasang nurse sa board hindi pa rin kiunukuha..tapos maghahanap ng solusyon..ang paraan lang taasan ng sahod..
@Chiabelss
@Chiabelss Жыл бұрын
Nursing graduate ako ng 2008 and board passer pa andito nako sa Canada. Yung shortage na yan inabuso kase nila nung panahon na bagong graduate kame ayaw nila mag hire ng nurses pinag babayad pa kame para lang magkaron ng experience nuon. Tapos mababa nga ang sweldo
@wilhelmroentgen7532
@wilhelmroentgen7532 Жыл бұрын
Actually hindi kulang ang Nurse ang kulang eh maaayos na pa sweldo, benefits at security of tenure sa mga pam publikong health Institution, ang ginagawa ng DOh nag hire pero by contract, job order or casual hindi nagbibigay ng permanent plantilla tas sasabihin nila kulang ang staff. dag2 pa ang mababang pa sweldo ng mga LGU's health Institution particularly sa mga province. Ang daming license Nurse sa province ang walang trabaho or meron man trabaho nas ibang sector dahil sa sweldo. Imagine license Nurse ka pero P350 mimimum wage ang sweldo mu sa probinsya,. idag2 pa ang status ng renewal ng contract eh naka depende sa Supervisor mu na lahat ng gawain eh pinasa na sau. Wag magpaniwala sa mga promotional board interviews, Ang systemang Bureaucracy ang nagpapahirap sa mga aplikanteng gusto magtrabaho sa pampubliko hospital. It is not about your skills & knowledge basta backer mu politiko or admin pasok kana agad with permanent & higher status. Bonak din yan bagong Sec of DOH pamumulitika lang din ang alam, akalain mu ang band aid solution nya eh bigyan ng temp license un mga below passing grade na nag take ng licensure exam imbes na ayusin ang system ng pag hire sa mga Nurses.
@anaescanilla5523
@anaescanilla5523 Жыл бұрын
Dapat nga sahod ng mga politico ganon din lalo na paupo upo lang naman sila
@chistamaria19
@chistamaria19 Жыл бұрын
Eh ung senador na suma-sideline sa sarili nyang programa? Hahahah Hello nga pala kay Raffy Tulfo. Busy sa pakikipag chismis habang sumesweldo ng pang senador. Wais noh, doble kita. :)
@anaescanilla5523
@anaescanilla5523 Жыл бұрын
@@chistamaria19 satingin ko naman may natutulungan siya at yong sahod niya binigay niya sa children hospital at sa iba pa
@nursann6507
@nursann6507 Жыл бұрын
Ang mga nurse ang kamay ng doctor at mata ng doctor at paa ng doctor pero sila pa ang pinaka mababa na sahod.subra pa sa trabaho.halos akupahin pa ang lahat na pasyente.😢
@lawliet.
@lawliet. 9 ай бұрын
1:6 kmi as primary pero nahihirapan na nga ko kase pag am shift sabay2 Yung mga procedure at complicated cases pa andaming follow up at order... 1 is to 6 na nga hirap na hirap pa... amp gusto ko ng umalis pagagalitan kapa ng doctor, pasyente at senior nurse partida wla kapang kain at cr nyan....
@roseempedrad643
@roseempedrad643 Жыл бұрын
Hindi nman po nkakapagtaka na maubos ang nurse dito sa Pilipinas,npakababa po ng sahod ,tapos ang shift 13 hours a day.Kaya ang daming nurse na gusto pang magtungo ng America,nkakalungkot isipin,sana mbigyan ng pansin ang mga nurse dito sa atin😢
@malpete
@malpete Жыл бұрын
Not only America
@trian1231
@trian1231 Жыл бұрын
Im a registered nurse as well but went to practice overseas because of the dire working conditions in Philippines. Plus the I get more recognition here as a clinician than there
@elizavasquez4171
@elizavasquez4171 Жыл бұрын
Dapat ang mga Nurses sa pilipnas bigyan ng malaking sweldo. Umaalis sila ng bansa dahil hindi sila binabayaran ng husto. Pati mga teachers dapat bayaran din ng husto.
@gorgonioandrewu
@gorgonioandrewu Жыл бұрын
Paano ka mananatili sa pilipinas kung mismo ang gobyerno hindi mo mapagkakatiwalaan. Nag serve ako sa pandemic time, inaasahan ko talaga na tuparin nila ang compensation para sa amin. pero ngayon kulang na then patapos na rin ang state of health emergency. Masakit man sa kalooban ko na iwan ang family ko, pero walang future dito sa pilipinas para sa amin.
@lorentv1763
@lorentv1763 Жыл бұрын
Dapat yong mga pinag aral ng gobyerno sa mga state university obligahin nila na mag render muna ng service bago mag abroad at hindi yong mga private student na nag bayad ng napkamahal na tuition
@michaelmulto8013
@michaelmulto8013 Жыл бұрын
Bawasan nalang sana ang PDAF at idagdag nalang sa sweldo ng mga health workers dto sa pilipinas
@freddeleon833
@freddeleon833 Жыл бұрын
Kulang man o sobra ganun din nman maliit pa rin ang mga sweldo.
@chaddemoni
@chaddemoni Жыл бұрын
Tama. Merong mga RN ang bansa natin na walang work, bat nauuna yung mga walang license? Baket? Para mas mababa ang ipapasahod?
@josefinaurcia9127
@josefinaurcia9127 Жыл бұрын
Tama po..nag tiis ako ng 5 years ang sahod lang 13,186 pesos
@keurikeuri7851
@keurikeuri7851 Жыл бұрын
Actually di naman mauubos ang nurses natin. Nandyan pa rin malaking porsyento sa kanila. Sa ibang trabaho lang sila pumapasok gaya ng BPO, sariling business at iba pa. At marami din nagkakalisensya kada exam na papasok sa ospital para makakuha ng 2 taon experience na sila na rin papalit sa ibang nurses na magreresign na para mag abroad.
@ZEKEEEQT
@ZEKEEEQT Жыл бұрын
True haha dami ko kilalang RN na naka work from home na BPO 100k+ sahod ng karamihan. So bat ka magtitiis sa hospital 😂
@markphilip5866
@markphilip5866 Жыл бұрын
Dapat solusyunan Yan Ng gobyerno dahil kailangan Ng nurse Ng pilipinas. Dpat Lang na itaas Nila Ang sweldo Ng Nurse npaka hirap na trabaho mag night shift pa then working holidays pa sila. Abusado pa MGA may ari Ng hospital Mahal na mag charge sa pasyente cheap pang pasahod. Wala talagang magtatagal na nurse sa ganyang sitwasyon!!!
@el0827
@el0827 Жыл бұрын
isa sa pinakakurakot na bansa ang pibas kaya bulok na sistima hnd na matapus yan pag kasi magibg maayos yan wla ng makurakot
@graceporquez4831
@graceporquez4831 Жыл бұрын
Sa totoo lang ang hirap nga mag hanap ng work sa Pinas. Ang ginawa pa ng mga nurses natin at ibang health workers Volunteer walang sahod mag ka experience lang para makapag abroad. Eto yan pag sila nag paaral sa sarili nilang bulsa walang karapatan ang government pigilan sila mag abroad. Tapos para dumami ang health workers study now pay later , kasama dyan ang baon , boarding house at lahat ng expenses. Pati pag review sa board exam eh utang. Pag nakapasa obligado sila mag work sa Pinas hanggang 2 to 3yrs sa ganyan paraan gaganda pa economy ng Pinas dahil tataas ang remittances lalo . Kung me langis ang ibang bansa tayo me manpower kung magagamit natin sa tama malaking tulong sa bansa at sa mga pamilya ng OFW
@Tekillyah
@Tekillyah Жыл бұрын
Madali po maghanap ng work, yung matanggap ka yun ang mahirap.
@RonaldoSantos-bh5si
@RonaldoSantos-bh5si Жыл бұрын
​@@Tekillyah...Well said! Baka sa " REQUIREMENTS " ay HINDI na QUALIFIED...
@koonene
@koonene Жыл бұрын
​@@RonaldoSantos-bh5siby requirements, you mean yung mga kakilala dapat na nurses na "Backers" lalo na sa public hospitals? Kasi every single nurse na nagaapply sa kahit anong ospital, board registered at recognized by the PRC, which is an enough set of requirement para matanggap sa trabaho. Bago ka maging RN, your competency is measured, your skills were practiced, and your theoretical knowledge it tested, so I find it difficult to understand your standpoint.
@alexdee5341
@alexdee5341 Жыл бұрын
Sa clinic po namin, 22 ang nurses dati, ngayon 8 na lang, kaya yung Clinic Head at Assistant Clinic Head, nagtatrabaho na rin as nurse. Ako tumutulong sa Nurse Station kapag busy (hindi po ako nurse).
@ferdinandleano3004
@ferdinandleano3004 Жыл бұрын
8 yrs akong nurse s govt...sobra ang pylitika...lalo n pag plantilla ang usapan.
@smithsoniancolossal8983
@smithsoniancolossal8983 Жыл бұрын
I STRONGLY ADVISE SA MGA NURSE.MAG ABROAD KAYO.DUN PO SA MAS MATAAS ANG SAHOD.MAKAKAPAG RETIRE KAYO NG MAAGA.
@errolamor6933
@errolamor6933 Жыл бұрын
Ang TaaS ng Qualification dito sa pinas pero Ang sweldo napakaliit.Nag aral ka ng ilang taon tapos ganyan lang
@katenriquez1534
@katenriquez1534 Жыл бұрын
Na amaze ako dito sa US. Kasi may tinatwag sila nurse apprentice. Meaning student nurse palang sila pde na sila mag work pero with the supervise nang RN. E dyan sa pinas mga newly grad pa ang magbabayad. Wahehe.
@JanBanJoovi-ol1qv
@JanBanJoovi-ol1qv Жыл бұрын
Blame it to the horrible treatment of nurses in the Philippines. My cousin is a nurse and during her earlier years working as a nurse, she wasn’t paid a salary. The hospital reasoned out that she was being compensated by way of gaining training/experience with the hospital. This is a discreet arrangement offcourse. But like WTF! That’s against labour law and indeed modern slavery. She just kept quiet as she needs the experience. She was already a registered nurse by then. many hospitals are taking advantage of this situation as they know the nurses won’t complain as they needed the practical experience/training so they will keep quiet. Afterwards she transferred to another hospital where she got a standard compensation package. However the pay is barely enough to pay for her unavoidable cost of living. Still she stayed in the Philippines as she doesn’t wanna go away from her family (and hoping to get a high paying job in Philippines one day). However many years have passed and the situation didn’t improve and the bills are increasing. So she has no choice that to go abroad. This also applies to other professions. The compensation for professionals in Philippines must level up to reduce brain drain. And other unethical practices such aa contractualization must be banned.
@lexus3983
@lexus3983 Жыл бұрын
Tapos yung nurse pa mismo magbabayad sa Hospital 😂😂😂😂
@minominmina5672
@minominmina5672 Жыл бұрын
Ikr? They should at least give allowance to the volunteers. Lets say 3 months volunteering, then from 3 months with allowance if the performance is good. Paying the hospital to get the experience is wrong.
@okaysaalright
@okaysaalright Жыл бұрын
Nakakatawa talaga yung Secretary gusto kunin mga walang lisensya hahahaha
@jambravo4488
@jambravo4488 Жыл бұрын
I'm proud I am a nurse hardworking
@pataymural9186
@pataymural9186 10 ай бұрын
Ilang beses dn Ako nag apply sa mga government hospital. Olats 😊
@celfarinas8069
@celfarinas8069 Жыл бұрын
Sa daming graduation nurse ngayon.kaya ayaw ng mag trabho d2 sa pinas sobrang hirap😓 tapos ang dami pang tax na kailangan bayaran.kaya wala talagang gustong mag trabho d2 saten.tas wala pang matitira sa sahod.😓
@Gemini-uk1lz
@Gemini-uk1lz Жыл бұрын
bakit wala bang tax na binabayaran sa abroad pag dun ka nag work..mas mraming tax na bayarin abroad.
@papapaolonepomuceno2362
@papapaolonepomuceno2362 Жыл бұрын
​@@Gemini-uk1lzatleast don. bumabalik sa kanila maganda serbisyo ng gobyerno don dito ? mga corrupt
@GolDRoger-fx2fp
@GolDRoger-fx2fp Жыл бұрын
​@@Gemini-uk1lz kahit mas maraming tax doon na binabayaran SAPAT parin ang naiuuwi nila sa pamilya nila hindi tulad dito.
@Wonderland584
@Wonderland584 Жыл бұрын
​@@Gemini-uk1lzfree tax sa sa saudi😂😂
@GolDRoger-fx2fp
@GolDRoger-fx2fp Жыл бұрын
@@marLhie-xr4zu yung mga politikong KURAKOT sa Pilipinas ang sumasabotahe sa bansa. Alam naman nila BULOK yung POLICY na ipinatutupad nila pero sinasadya talaga nila. AGENDA kasi nila i-lugmok ang Pilipinas sa lalo pang KAHIRAPAN.
@cirilocm5091
@cirilocm5091 Жыл бұрын
Bakit di inaaksyunan ng gobyerno itong problema..
@JesusReigns7
@JesusReigns7 Жыл бұрын
🎵🎶🎶Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira? 🎵🎶🎵
@mcmac3449
@mcmac3449 Жыл бұрын
Napakahirap maging PROFESSIONAL sa Philippines. Nagaral ka ng 4+ years (delende sa course) pagkatapos grumaduate magboboard exam ka at kung pinalad na makapasa magkakakalisensya ka pero sahod mo sa trabaho minimum without hazard pay. Kaya madami ang nagshishift ng work kasi mas livable ang salary. PRC, pwede ba na magkaroon naman ng professional fee ang mga professional ng Philippines on top of the basic salary. Accross the board, all professionals should have this kind of benifit, yamang sila ay considered lisence card holders.
@markrioreyes5706
@markrioreyes5706 Жыл бұрын
paano di mag aalisan? e ang panget ng sistema ng bansang Pilipinas?.10 years akong contract of service sa isang LGU controlled hospital dito sa Pinas. Kaka regular ko lang nitong taon na ito. Isipin mo 10 taon kayung walang Benefits na makukuha 13th month pay etc. dahil sa bagal nang regularization dito sa bansang ito. Mag iipon pa ako ng konti pa then mag reresign na din ako. Napaka hirap ng trabaho ng mga Nurses at iba pang mga health care workers dito sa Pinas tapos ang baba pa ng pasahod.
@John_Patrick14344
@John_Patrick14344 Жыл бұрын
kahit sinong nurse naman mag aabroad talaga sa liit ng sahod dto sa pnas
@carlosignacio7280
@carlosignacio7280 Жыл бұрын
Tama lahat sinabi ni carrib yan adventure two thumbs up ako👍👍
@isekaitensei2402
@isekaitensei2402 Жыл бұрын
Mahirap talagang maghanap ng nurse. Magtatayo sana kami ng PCF, 13 nurses ang requirements. Isa pa lang hirap na kaming maghanap, 13 pa kaya. Hindi na lang namin tinuloy.
@renneriechannel8036
@renneriechannel8036 Жыл бұрын
Ayon nga sa kasabihan, "Malalaman lang ang halaga mo kapag wala ka na" Kaya tama lang yan. Kuha lang ng experience dito sa Pinas tapos lipad na sa ibang bansa. Dun mas appreciated ka. Nakakalungkot lang na ibang lahi pa ang makakaappreciate sayo kesa sa sarili mong bansa.
@salmonlover2928
@salmonlover2928 Жыл бұрын
Napakaraming gustong maging nurse,pero napakamahal ng kursong ito kaya magpaaral kayo ng libre sa mga gustong maging nurse at pagnakatapos mag serbisyo muna ng ilang taon sa bansa bago makakuha ng permiso para naman makapagtrabaho abroad.. Lalayas talaga maraming nurse dito,unang una patayan sa trabaho sa kakarampot na sweldo,kawawa lalot araw araw nagbebyahe ka,sa abroad alang ganyan may mga service sila or free accommodation..
@tinangkong
@tinangkong Жыл бұрын
Oo nga mahal ng kursong nurse
@battousaisensui413
@battousaisensui413 Жыл бұрын
Mahal ang course sa nursing tapos,mura ang sahod. Pilipinas na wlang asenso kahit kelan.
@axiematches8897
@axiematches8897 Жыл бұрын
Okay lang naman magstay sa pilipinas eh pero siyempre dapat nasusuklian ang paghihirap mo. Tamang desisyon ang pag iibang bansa kasi siguradong kung anong pagod mo eh talgang masusuklian.
@franzeladv
@franzeladv Жыл бұрын
mas mlaki pa tuition fee ng nurse at engr kesa ung sahod..
@brexyabara2176
@brexyabara2176 Жыл бұрын
No need to give work permits for unlicensed nurses. Marami po ang licensed nurses na naghahanap ng trabaho.
@user-wo7hv3nk6o
@user-wo7hv3nk6o Жыл бұрын
ITAAS SAHOD ng mga nurses, dami MAGAGALING na nurses na nasa : 1. retail/sales industry 2. CORPORATE setting 3. BPO industry
@northstar67
@northstar67 Жыл бұрын
I'm a nursing graduate currently reviewing for November PNLE, sa totoo lang inihahanda ko na ang sarili ko sa realidad ng trabahong nag hihintay sa akin. Pero ito parin ako umaasa na sana bigyan pansin ng gobyerno ang mga nurses. Yung investment palang namin sa nursing school napaka laki na, tapos pag nag trabaho kami ganito pa ang trato ng gobyerno sa amin. Maliit ang sweldo, hindi na protektado at wala pang benefits. Natatakot ako pero sana kayanin ko kahit papaano. At based sa mga narinig ko sa kamag anak kong nurse, seniors ko at kahit nga clinical instructors namin, at sa mga registered nurses na nakatrabaho ko, kumuha lang ako ng experience dito at saka ako lumpipad pa ibang bansa. Sabi nga ni sir sa video, pilipino kami, at sa totoo gusto ko mag stay dito para magbtrabaho, syempre comportable dito e.
@nitro-boy09
@nitro-boy09 Жыл бұрын
sorry to say, pero kung gusto mo gumanda buhay mo mag abroad ka. walang pagasa mga nurse dito kahit sa mga susunod na taon.
24 Oras Weekend Livestream: August 18, 2024
GMA Integrated News
Рет қаралды 15 М.
ISSEI & yellow girl 💛
00:33
ISSEI / いっせい
Рет қаралды 17 МЛН
Fortunately, Ultraman protects me  #shorts #ultraman #ultramantiga #liveaction
00:10
A little girl was shy at her first ballet lesson #shorts
00:35
Fabiosa Animated
Рет қаралды 22 МЛН
WHO CAN RUN FASTER?
00:23
Zhong
Рет қаралды 39 МЛН
Pasig River Esplanade, patok sa publiko | UB
7:49
GMA Integrated News
Рет қаралды 461 М.
Ang Nawawalang Obra Maestra ni Juan Luna | Kapuso Mo, Jessica Soho
16:00
GMA Public Affairs
Рет қаралды 1,9 МЛН
Why the US has so many Filipino nurses
11:08
Vox
Рет қаралды 2 МЛН
Stem Cell for Life | RATED KORINA
17:12
Rated Korina
Рет қаралды 36 М.
ISSEI & yellow girl 💛
00:33
ISSEI / いっせい
Рет қаралды 17 МЛН