Рет қаралды 9,986
Sa pagbuo ng tula, mahalagang maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin. Ang pagsulat ng tula ay hindi basta-basta, sapagkat nangangailangan ang isang manunulat ng malawak na talasalitaan at malalim na kaisipan. Mahalagang maingat tayo sa paggamit ng mga salita dahil ang wikang Filipino ay mayaman sa mga salitang magkakaugnay ang kahulugan. Hindi matutukoy ang tunay na kahulugan ng tulang naisulat kung hindi angkop ang salitang ginamit. Mayroong mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat ng tula. Isa na rito ay ang edad ng mambabasa o tagapakinig ng tulang gagawin. Nararapat na gumamit ng mga salitang angkop o nakabatay sa lawak ng talasalitaan ng mambabasa o tagapakinig. Halimbawa, kung ang mambabasa ng iyong tula ay bata, hindi angkop na gagamit ng mga salitang bago sa kanilang pandinig. Dapat lamang na ang gagawing tula ng manunulat ay pambata at ang gagamiting salita ay alam nila. Gumamit lamang ng mga salitang angkop sa kanilang edad o ginagamit na wika upang makaugnay sila sa nilalaman ng tula. Ang mga salita at pagbuo ng mga pahayag ay dapat piling-pili, matayutay at masining bukod sa pagiging madamdamin ng isang tula.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Music Background
KZbin audio library
Song: Happy Mistake
Artist: RKVC
Genre: Pambata
Mood: Masaya
Time: 3:00
KZbin Channel: / @rkvc