Рет қаралды 19,767
Batay sa ating kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paraang may sukat at tugma, ito ay isa sa mga minana natin sa ating mga ninuno. Masasabing ang pagbuo ng mga katutubong panitikan ang siyang libangan ng ating mga ninuno gaya ng pagbuo ng mga tula. Sa panahon natin ngayon, may iba’t ibang paraan sa pagsulat ng isang tula at maging sa pagbigkas ng mga ito. Nagniningning ngayon ang spoken poetry na patok sa millenials. Sa pamamagitan nito, naibabahagi nila sa iba ang kanilang nararamdaman o saloobin sa isang isyung nais nilang pagtuunan ng pansin. Sa pagsusulat, hindi naman sa isang iglap ay perpekto lahat ang mga akdang iyong naisulat. Kailangan ng malawak na kaalaman sa mga piling salita, talinghaga, at tayutay na angkop sa tulang isusulat.
___________________________________________________________________________
Music Background
KZbin audio library
Song: Happy Mistake
Artist: RKVC
Genre: Pambata
Mood: Masaya
Time: 3:00
KZbin Channel: www.youtube.co....