Рет қаралды 6
𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: 𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗶 𝗚𝗼𝘃. 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗣𝗮𝘅 𝗔𝗹𝗶 𝗦. 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘂𝗱𝗮𝗱𝗮𝘁𝘂 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝗻𝗱𝘂𝗺 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗲𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗠𝗢𝗔) 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗚𝗨 𝗦𝘂𝗹𝘁𝗮𝗻 𝗞𝘂𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 (𝗦𝗦𝗦) 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼.
Tayo po ang kauna-unahang LGU Employer na nakapagrehistro sa Social Security System (SSS). Dagdag pa rito, ikinagagalak ko rin pong ibahagi na ang programang ito na ating nasimulan ay plano rin po nating palawakin upang maisama ang mga Barangay Health Workers sa ating lalawigan. Ito ay isang tanda lamang ng patuloy nating pagsusumikap na mas mapalawak pa ang mga benepisyo at mapaunlad ang kalagayan ng ating mga manggagawa.
Ang ating pamahalaan po ay bukas para sa taumbayan, may malasakit at pag-unawa sa inyong mga pangangailangan. Kaya't makakaasa po kayo na patuloy po tayong magbibigay importansya sa inyong kapakanan at magsusumikap pa sa paghahandog ng tulong at serbisyong nararapat para sa inyong lahat.
#DitoPatuloytayongAangat #EngageEmpowerExcel
#SKSikatKa
#SultanKudarat
#eGovernance