Noli Me Tangere KABANATA 60: Ang Kasal ni Maria Clara

  Рет қаралды 47,855

MJ Mejia TV

MJ Mejia TV

Күн бұрын

Noli Me Tangere KABANATA 60: Ang Kasal ni Maria Clara
Talasalitaan:
Naanyayahan - pinapapunta
Pumanhik - pumunta, umakyat
Ipamalita - ipakalat
Tinitingala - hinahangaan
Natanaw - nakita
Ipinagtapat - sinabi
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong.
Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kaniya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kaniyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago.
Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Padre Salvi, Padre Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tenyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tenyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito.
Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kaniyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
#nolimetangerekabanata60
#nolimetangerekabanata60buod
#ikakasalsimariaclara
#kasalnimariaclara
#NoliMeTangere
#NoliMeTangerebuod
Ang musikang ginamit ay mula sa KZbin Audio Library at libre. Ang mga ginamit na larawan ay libreng nakuha mula sa canva. Hindi inaari ng tsanel ang mga ito. Mangyaring i-message ang tsanel na ito kung may mga katanungan.
**Copyright Disclaimer: Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for "fair use" for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship and research.**
#titsermjtv
#TitserMJTV
Thank you for watching !
For business inquiries and collaboration, message me on my Facebook Page: / iamtitsermjtv
Support me and become a member:
/ @mjmejiatv

Пікірлер: 7
@kismetautumn
@kismetautumn Жыл бұрын
Salamat kuya❤❤❤❤
@kismetautumn
@kismetautumn Жыл бұрын
Laki Ng tulong nito sa Amin mga estudyante
@mjmejiatv
@mjmejiatv Жыл бұрын
Welcome po
@AJ-et3vf
@AJ-et3vf 2 жыл бұрын
thank you
@jamesbantaofficial4668
@jamesbantaofficial4668 5 ай бұрын
yung nakalagay poba dito ay mga mahahalagang pang yayari
@gemfanuga1764
@gemfanuga1764 Жыл бұрын
Naanyaha - pinapunta Pumanhik - pumunta Ipamalita - ipakalat Tinitingala - hinahangaan Natanaw - nakita Ipinagtapat - sinabi
@arbenloria6234
@arbenloria6234 2 жыл бұрын
Sir ano po gamit nyo background sounds?
Noli Me Tangere KABANATA 61: Pagtakas Hanggang Lawa
5:26
MJ Mejia TV
Рет қаралды 29 М.
Ibarra, tinutukan ng patalim si Padre Damaso
5:08
GMA Pinoy TV
Рет қаралды 178 М.
How I Turned a Lolipop Into A New One 🤯🍭
00:19
Wian
Рет қаралды 11 МЛН
龟兔赛跑:好可爱的小乌龟#short #angel #clown
01:00
Super Beauty team
Рет қаралды 67 МЛН
小蚂蚁会选到什么呢!#火影忍者 #佐助 #家庭
00:47
火影忍者一家
Рет қаралды 120 МЛН
Noli Me Tangere KABANATA 50: Ang Ugat ni Elias
8:08
MJ Mejia TV
Рет қаралды 36 М.
Who are you?
13:32
Our Animated Box
Рет қаралды 20 МЛН
EP. 1 Noli Me Tangere Kabanata 1-5 Summary [ENG SUBS]
20:43
Edutainment PH
Рет қаралды 16 М.
Noli Me Tangere KABANATA 42: Ang Mag asawang De Espadaña
9:04
MJ Mejia TV
Рет қаралды 34 М.
Noli Me Tangere Kabanata 39: Donya Consolacion
6:16
EEE
Рет қаралды 76 М.
BUOD NG KABANATA 56-60 | NOLI ME TANGERE
15:30
Sir Jet Channel
Рет қаралды 11 М.
Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara | Noli Me Tangere
2:17
Noli Me Tangere KABANATA 49 Tinig ng mga Inuusig
5:28
MJ Mejia TV
Рет қаралды 29 М.
Noli Me Tangere Buod
6:40
MJ Mejia TV
Рет қаралды 420 М.
How I Turned a Lolipop Into A New One 🤯🍭
00:19
Wian
Рет қаралды 11 МЛН