Рет қаралды 48,657
Paano ginagawa ang Papel sa Factory?
Ang unang step sa paggawa ng papel ay ang pag kolekta ng mga raw materials. Ang puno ang pangunahin pinanggagalingan ng papel.
RAW MATERIALS
Ang mga puno ay maingat na pinipili para sa mga high quality fibers nito,
Na mahalaga - para sa matibay at magandang papel.
Ang responsableng pagpuputol ng puno ay sinisigurado na nakapreserba pa din ang kalikasan,kaya may mga bagong puno ang itinatanim para mapanatili.
PULPING PROCESS
Kapag na harvest ang puno, dumadaan ito sa prosesong tinatawag na “pulping”
Sa paper mill o pagawaan papel, ang mga puno ay binabalatan at hinahati sa maliliit ng piraso. Ang mga wood chips na ito o piraso ng kahoy ay nilalagay sa malalaking container na ang tawag ay digesters.
Ang mga wood chips o piraso ng kahoy ay hinahaluan ng mga chemical
at pinapainit para matunaw ang mga fibers. Ang prosesong ito ay naglalabas ng “pulp”, ito ay pangunahin sa paggawa ng papel.
PAPERMAKING PROCESS
Ngayon meron ng pulp. Oras na para gawin itong papel.
Ang pulp ay hinahaluan ng tubig at ikinakalat sa mesh screen sa paper machine.
Habang ang tubig ay tumutulo dito, nabubuo ang papel.
Dadaan naman ito sa mga press rollers para matanggal ang tubig pa at mas kuminis.
DRYING AND FINISHING
Ang mga fresh na papel ay meron pa ding kaunting basa,
kaya kailangan pa din patuyuin para magamit.
Ang papel ay dadaan sa malalaking drying machines,
Kung saan mainit ang hangin at roller para matanggal ang moisture o basa.
Sinisigurado ng prosesong ito na matibay at maganda ang papel na kalalabasan. Matapos matuyo, ang papel ay dadaan pa sa ibat ibang treatment, tulad ng coating, para mas pagandahin pa ang texture, kulay at magandang gamitin sa printing.
QUALITY CONTROL
Ang quality control ay napakahalagang bahagi ng paper making process.
Ang mga sample ng papel ay maingat na ieexamine sa consistency, tibay at iba pang katangian.
PACKAGING AND DISTRIBUTION
Kapag pumasa na ang papel sa mga quality checks, oras na para ibalot at idistribute. Ang papel ay naka rolyo, binabalot at pinapadala sa mga tindahan at offices sa buong mundo.
▶️ClarkTV #clarktv