Hindi ba nakikita agad sa new born screening pag may autism ang baby?
@YnaPedido5 жыл бұрын
good question po, the answer is NO. hindi po nakikita ang autism sa new screening.. wala po kasing mga tests na katulad ng blood test to diagnose autism.. kasi sa behavior and child development po nagbe base ang mga doctor.
@lleange3635 жыл бұрын
@@YnaPedido you mean po diretso na kayo sa dev ped??
@YnaPedido5 жыл бұрын
lumalabas po ang mga signs ng autism sa isang bata usually 18 months po . Dun pa lang mapapansin yung mga kakaibang behaviors.
@lleange3635 жыл бұрын
@@YnaPedido my daughter is 19 months na nagpasked kami ng screening sa medical city... i hope mging normal.. si doctor dimalanta st. lukes ba sya? kasi ung doctor ng anak ni candy pangilinan dimalanta din
@jenysmith93855 жыл бұрын
I thought makikita kaya ginawang Mandatory ang New born screening.
@nescyportvilla81964 жыл бұрын
Hello po mam yna! Super helpful buti nakita ko ang vlog mo tutukan ko to! Ung son ko 2yrs old, ang hilig nya lang laruin is electricfan, wheels, anything na umiikot. Minsan nagstay sya sa fan talaga. D nya masabi ang mama at papa ng buo. Kelangan sbhin ko muna ung "Ma" then saka nya lang ssbhin ang another ma. Pero hindi nya ako recognize as ung mama nya., isa pa na notice ko super hyper active sya parang wala sya kapaguran. D sya nakikihalubilo. May sarili syang laro o mundo na gusto nya. Kahit may playmate sya hindi nya pinapansin. Pag nasa labas kami like sa mga malls or resto, d kami.makakain kasi gusto lang nya bumaba, tumakbo ng tumakbo saka lahat ng makita nya gagalwin nya..
@reeseandres23105 жыл бұрын
Kea ung mga anak nyo pagkapanganak til 3yr old bigyan nyo ng attention at wag na wag nyo bibigyan ng kahit anong gadget. Laging makipag communicate sa anak wag hayaan lng na manahimik sa isang tabi porket tahimik para madevelop agad ang communication skills nya. Hanggat maari 3yr pa lang ispasok nyo agad sa school. Ang nanyayari kc sa sobrang bc ng magulang d nyo na kinakausap ang mga bata mas inuuna nyo mag cellphone or mag tablet d nyo alam napapabayan nyo na anak nyo. Ung autism na yan mostly sa environment yan. Wag maging tamad sa mga anak kc kau din mag susuffer.
@Titanic45_klelk5 жыл бұрын
Ang galing mo po mag explain para lang ako nakikipag usap sa isang kaibigan. Early intervention nga talaga ang susi para matulungan natin sila. 😊❤
@NORIEDAYSONGAGARINOakilahneil4 жыл бұрын
DONE SUBSCRIBING MY daughter has autism too. It is really hard and challenging raising a child with autism. But God choose us to be their parents to love accept and protect them always
@AyaEsguerraSkincare5 жыл бұрын
Yung sa half brother ko mga 3 years old na siya noon. Hindi pa siya nakakalakad and ni isang word mama or papa wala hindi niya masabi. Yay kabsat good job for this!🥰
@silverbloosom42035 жыл бұрын
Napa asses na po b?sa dev.pedia.
@incredivoice2187 Жыл бұрын
My son was diagnosed with communication disorder and highly considering for autism, Pandemic baby ung anak ko so inakala ko nuon na di lang sya nakakakita ng ibang tao , pero yes I went through that healthy comparison din mommy., Pero ang laking tulong tlga ng early intervention, ngaun ung anak ko nageexpress na sya ng emotions minsan di man consistent pero baby steps we will all get there ❤❤ Hugggss to all of us moms and dads who are trying to get by everyday
@TinTin-gy6qe5 жыл бұрын
Same situation po tau..my son was diagnosed when he was 2yr old..now he's 5yr old and he is attending everyday speech and behavioral therapy..Thanks God at nakitaan nmin xa ng improvement, malaking tulong po ung palaging may interaction ke baby..the maim key is acceptance and be strong for our babies po😊
@YnaPedido5 жыл бұрын
hi mommy, sakin po OT and speech ever since :) agree need nila ng 100% interaction from us. :)
@TinTin-gy6qe5 жыл бұрын
@@YnaPedido nasa school na dn po ba c baby girl??my son is in kindergarten, super hyper dn c baby girl mo mommy paka cute😊
@marymaecabiling5345 жыл бұрын
Hi po... May chance bang gumaling yung behavior ng bata kung mag theraphy?
@micalsvlog31763 жыл бұрын
How could you educate your son po?
@mariecardeguilmo6024 Жыл бұрын
Mam yung baby ko po hindi siya tumitingin sa mata pag tinatawag din hindi siya nagsasalita ng mama at papa pero maram8ng words naman na yung nabibigkas niya kasi kumakanta naman siya
@IvyPicol5 жыл бұрын
Napaka informative neto momshi. I remember kasi before when my boy was just a two years old i thought na baka autism dahil i see some signs, and i keep on looking in google about it at kukunti lang ang share and hindi pa masyadong tugma dun sa hinahanap ko. Sa awa nang Dios hindi pala autism yung sa baby namin kundi speech delay lang sya, given na multi-language kami. God bless you and your family...your such a strong momma!
@YnaPedido5 жыл бұрын
thank you momsh.. opo minsan may ganun talaga - delayed lang. usually sa boys po ang delay.. good to hear po na okay na yung anak nyo :)
@markrhel40935 жыл бұрын
mam kelan po sya . na develop na nkapag salita na baby nyu ilan taon na po
@Phantom-ip2yq5 жыл бұрын
Pwedi magtanung.Anung sign yung nakita mo sa anak mo.na akala mo symptoms ng autism?
@Phantom-ip2yq5 жыл бұрын
To ivy
@akiojoecrojedo66793 жыл бұрын
Ano po symptoms napansin NYU sa baby niyo maam Ivy picol?
@ranzaustria80422 жыл бұрын
..gud day..im a mom of a 2 yr old baby boy who diagnose with autism..at first ang hirap tanggapin..pero palage q iniicip...he is a greatiest gift from God..now he is 2 and 3 months..he diagnose last december 27 2021..all the symptoms nsa sknya..may pakiramdam na q nun na may iba sknya..kase hindi sya ngreresponse pag tinatawag ang name nya...wlang focus and eye contact..no words can say pa dn till now..sobrang nahihirapan po aq mg.adjust..hindi q po alam panu mgsisimula..nung nalaman q ung kondisyon nya..every night umiiyak aq...naghahanap aq ng company nang same condition para palakasin ang loob q...parang sobrang nadodown aq pag nakiita q po yung baby q...naghahanap po aq ng makakatulong sken ng mga step kung panu q magsisimulang turuan cya o itheraphy cya...nghahanap po aq ng mga theraphy center para ipatheraphy cya kht mn lng po s umpisa...kaya lang...hindi po kaya ng budget nmen..yung sahod po kase ni husband...sakto lng po s mga gastusin s bahay...kaya nghahanap po aq ng mga paraan o mga ways kung panu yung gagawin q yung unang hakbang panu q simulang turuan cya...hope mapansin nyo po yung comment q...maraming salamat po in advance...Godspeed po...and keep safe po...
@jerwindrvlog14994 жыл бұрын
May anak din po akong may ASD kaya po lahat ng way ginagawa ko para sa future nya.. Thank you po vlog nyo very informative..
@YnaPedido4 жыл бұрын
hello po. youre welcome po! :)
@OrlandNavarro5 жыл бұрын
I had mild autism since 3 or 4 yrs old pro nkapag aral ko sa regular class instead sa sped class pero may konting diperensya kamay ko pro still functioning nmn.. nkapagstart nko magtrain sa chowking ng 2 days ( 4 1/2 yrs ) after kong grumaduate sa tech voc pro di nkapasa sa job.. pro atleast may konting experience nko pro office information system course ko.. pagdting sa training tiga linis at maintain ng dumi at kalat nla.. ang kulit nga ehh.. pro forte ko kse un.. sa computer course ko kse not so.. share ko lng
@mhelarmenta64914 жыл бұрын
ang anak ko po kase dalawang taon na pero mama papa babye ate short dirty palan nasasabi nya .. tapos napapansin ko pag tinatawag sya kht sa pangalan nya d sya nalingon ... pero pag narinig nya ung paborito nya na cocomelon.. kikilis sya at kukunin nya cp ko para panoorin ung paborito na nya cocomelon sa youtube.. sa totoo lan.. napaka galing ng anak ko pag operate ng cp ko.. nahalos sya na nag reresearch para makapanood sya sa youtube.. alam na alam nya ang pipindutin... tapos pag may kailangan sya sya mismo kukuha at d mag sasabi sakin.. halimbawa nauuhaw sya ... sya mismo kukuha ng tubig sa pitsel at kukuha ng baso tapos isasalin nya at iinum na sya.. minsan kun anu ang nakalagay sa mesa na tubig un ang kukunin nya ay iinumin nya.. mahilig din sya sa mga puzzle at blocks pinag papatong patong nya un.. minsan kht mga dilata un ang pinag papatong patong nya.. nag woworry lan ako kc.. pag tinatawag sya d sya nalingon at d rin sya na eye contact.. kaya d ko alam kun may autism.. na ba anak ko o wala .plss sana masagot mo tanung ko
@redstar92265 жыл бұрын
Mahirap na masarap pag my anak na Autism, still i love my sons, all 2 boys have autism.😍😇
Anak ko normal sya nong maliit hanggang sa nagtwo yrs old na dipa marunong magsalita hanggang 9yr old nasya dipa sya marunong parin magsalita ng ibang words
@EpsVlogs5 жыл бұрын
Hi sis, new here and I agree with you Kasi May anak din akong May autism Pero dito kami sa uk At very helpful Ang government dito at understanding Ang mga tao dito sa mga taong May special needs.
@YnaPedido5 жыл бұрын
wow! glad to hear mommy na okay ang govt and mga tao dyan - siguro sooner susunod na din dito sa Pilipinas :)
@annwell5 жыл бұрын
salamat sa pag share nang mga facts about autism, malaking tulong po ito lalo na sa mga magiging mom! ill be expecting you to my world.
@joycee65913 жыл бұрын
hi po. my son is turning 4 now he talks but never making a conversation with us. very smart child, marami ng alam sa pag aaral but then may times din na pag hindi ako ang tumatawag sa kanya o d sya pamilyar sa boses ng natawag sa kanya hindi sya nalingon. except nalang kung interesado sya sa inooffer ng natawag sa kanya like pagbebless sa kamay or giving him a food. im afraid of his situation lalo nasa age na sya ng pagpasok sa school. Ang hirap naman po magpacheck up dahil sa pandemic ngayon😭
@YnaPedido3 жыл бұрын
autism kids are smart kids - misconception po ng iba pag may autism ang bata walang nagagawa, depende po sa condition yun.. may online assessment po. but 1st ask your pedia baka may ma recommend sya. usually may kakilala naman mga pedia to recommend. thanks.
@ritchellbadiana5660 Жыл бұрын
Mommy katulad ni pea mo ang anak KO,,3yrs old sya nang nakitaan ko na nang MGA red flag,SA tagal nang approval ni DP nka 4 y.o na bago kmi na assist ni PD ayun ASD with developmental delay 😢😢 salamat SA blog mo Hindi lng papa AKO nag iisa na may ganitong condition
@emilepenafiel88693 жыл бұрын
May anak din ako na may autism sobrang bigat din ang pinagdaanan namin bago sya nagsalita diagnose sya autism spectrum disorder. Gumaling din po sya taga lang po para gumaling sya... Ngayon po ay 20yrs old na sya third year college na.... Kaya yong mga mom na may autism ang anak wag mawalan ng pag asa gagaling din ang mga baby nyo.. Tiwala lng kay god.
@analiabermejo65602 жыл бұрын
Sis pina therapy Mo ba baby Mo?
@goldenheart30612 жыл бұрын
Ano po course po nia?
@romeoagustinjr21232 жыл бұрын
Pano po sya gumaling
@ThePinAmFam5 жыл бұрын
Great tips sis sa mga 1st time moms na ganito pinag dadaanan. Btw that shirt you’re wearing suits you, you are extra supermom and I salute and respect you for being a great mom to Phia!💕
@trishadiaz35 жыл бұрын
Kaya some people deretcho mag judge na abnormal na yung bata, hindi nila alam na some autism super talino.. nice video..
@rickypajes73804 жыл бұрын
Ma'am thank you po sa blog mo dahil alam kuna kung anu yong nangyayari ngayon sa baby namin isa po syang premature baby 8months ngayon po ang apat na taon na po sya pero hindi parin nagsasalita pag tinawag mo sya sa pangalan parang hindi ka nya nririnig at sobrang hyper ng bata minsan hindi maintidihan na akala mo may hinihingi o nagagalit kasi yong ulo nya ibangga sa kahit saang gusto nya..malaking tulong po ito sa amin ang blog mo para sa baby namin kung paano namin sya ma guide at maintidihan...
@RoseannHinautan Жыл бұрын
Ang baby ko po mag 3yrs old napo sya ngayong may ,, ang baby ko kapag tinatawag ko sya sa pangalan nya di sya nalingon agad naka 5 beses nako na tawag sa kanya di parin sya nalingon and pangalawa po kapag may laruan po sya na gusto kunin katulad po ng sinabe nyo po hinahalera lang po nya yung laruan sa harap nya ang maganda po sa kanya ay natatawag na po nya kame ng mommy daddy pati sa mga kapatid ko sister nga lang po tawag nya and brother siguro po kakapanood nya po sa yt ng mga nursery kaya na aapply nya po samen katulad nalang po alam na nya lahat ng animals alphabet shapes at numbers,, Nag alala lang po ako kase paminsan di po sya nakikinig saken 😢
@mariachitamadraso6045 Жыл бұрын
Thanks for sharing momsh god bless po satin na mga mom same Ang anak natin❤sna mging ok na din anak ko
@NanaysWorld5 жыл бұрын
*you're a supermom to your adorable daughter Sophia. 💗*
@lykabadeo23714 жыл бұрын
Ung baby ko ano palang siya 1 year and 7 months puro siya tili pero nakakapick siya ng bagay bagay pero nagsalita naman pero tili pag iniiwan ko po siya 😔😔😔 kasi sinasabehan po siya ng special sobra sakit😔 sakin po un😔 pero pag tinatawag ko naman siya nakatingin siya sakin pero nagtawag siya ng kuya lola saka mama po
@Lizaanoos5 жыл бұрын
Like my son wala akong ka idea na late development siya dahil wala man sinabi sakin ang tatay niya. Nalaman ko nalang nung kinuha ko. 7 yo na siya ngayun hirap pa rin pag sulat at nakakalimot siya the next day. Nalulungkot ako natatanung ko sa sarili ko bakit siya. Hindi ko maiwasan ma e kumpara siya sa iba.
@hokagenagilvlogs91595 жыл бұрын
salamat po !youre such a strong and positive about your child i learned something new.
@rechelleroldan94244 жыл бұрын
Panu po step by step?
@AndersenFamily61285 жыл бұрын
Ganyan na ganyan yong pamangkin ko sa pinsan. Yong parang wala siyang maririnig tas tatlong taon na siya d parin nagsasalita masyado. Minsan din nanakit yong bata. Interesting topic sissy. God bless
@YnaPedido5 жыл бұрын
good thing sis yung anak ko hindi nananakit.. thank you sis :)
@AndersenFamily61285 жыл бұрын
Yna Pedido buti naman d siya nanakit sissy. Kawawa nga yong anak ng pinsan ko
@MelLoveMellove5 жыл бұрын
I salute sa you sis!! Strong mom.. same here first time mom
@Ninyamuu5 жыл бұрын
Thank you so much for this information momsh, super helpful!
@thebusylifeofj5 жыл бұрын
Very informative. We learn along the way to be a better parent. Well done 😊
@aronmendonesmendones32094 жыл бұрын
Hello po ate yna! Buti po nakita ko ito, My son is 3years old pero di rin po cya masyado nagsasalita sobrang worried napo tlaga ako. Kse po wla rin kmi sapat na pera pra maipacheck up agad cya sa Pedia Development, Ganun rin po ginagwa nya sa mga toys nyang cars nakapila lng rin po lage.. Di ko rin po cya masyado makausap ng eye eye dahil my kapatid po cyang 10months old at ako lng po nag aalaga sa 2kids ko kse po my work asawa ko.
@YnaPedido4 жыл бұрын
Kaya natin to - ako may 6 months old baby boy. Talk to them both. :)
@noname-tk5zt3 жыл бұрын
Hello! I'm a first time mom. Only child ako at wala ako masyadong experience na mag-alaga ng bata kaya nangangapa lang talaga ako. Tbh kinukutuban na ako na may something wrong sa anak ko pero medjo in denial pa ako at the same time curious. Get ba? Yung asawa ko he kept on assuring me na speech delay lang anak ko at hindi autism. My son is turning 2 this June 2021. Onti pa lang words niya (5 or less), minsan lang siya mag-eye contact kapag gusto niya lang ng attention pero mas nangingibabaw yung hindi siya nag-rrespond sa name niya. Maski lakasan boses ko o kalabitin siya e wala talaga. Tipong magpapapansin ako sa kanya by calling his name it's either matagal siya mag-respond or wala talaga at all. I've been searching last month about this then I came across to your video. Thank you for sharing your experience. Somehow lumalakas na loob ko ipatingin siya about this para may peace of mind na ako kasi naguguluhan na ako at gusto ko na malaman yung totoo. Salamat ulit! Ingat kayo palagi!
@nicolarosejo79143 жыл бұрын
🤍🙏
@kathlynrances53795 жыл бұрын
Thanks for the clear explanation momsh. God bless always
@jhaserrano82592 жыл бұрын
Mam baby ko po mag to 2 yrs old na po ngaung august 2022 . nag worry na po ako kc simula nang nag 1 yr old and 2 mos sya dina sya nag sasalita 🥺🥺 madaldal naman po sya nung mga past months.. until now po kahit mama d sya ng sasalita.. noon nakaka bigkas sya nag "tata" "tete" ngayun po kahit isang word wala na po.. 😔😔
@michellegranada24433 жыл бұрын
Ma'am ang baby ko po maam NMN sya nakapglakad at nakabanggit NMN po sya ng mama...kaso po yung nabanggit nyo na 10x nyo tinatawag anak nyo at mahilig mgpaikot ng gulong naiyak po ako ...
@NerisseDiaries5 жыл бұрын
Superrr ganda nitong topic mo na to mamsh..detailed tlga mamsh ganun pala para malaman..
@CN-pr8le5 жыл бұрын
These videos are so painful but i still want to watch you'll do eveything to your child
@mharlierobel5476 Жыл бұрын
Good morning, same situation po sa niece ko since nasa pangangalaga ko sya napansin ko na may ganyang problem sa kanya hirap sya makagets agad then feeling ko yung age nya as of now eh hindi talaga tugma sa mga kinikilos at sa pag iisip nya as in feeling super delayed ang language nya😢 super pa baby the way she talks and the way her moves 🥺🥺 gusto ko talaga malaman kung bilang din ba sya sa may mga ganyang sitwasyon kase lahat pong nabanggit mo eh nasa pamangkin ko din po 🥺🙏 sana mabigyan nyo pa po ako ng kaalaman pa🙏🙏
@jamesadamcabadin19774 жыл бұрын
Hi po 2 years old na po baby boy ko pero hndi pa po nag sasalit pero mama po nakaka pag salita na po sya pero pag lahat po ng inuutos ko like po ng may ipapakuha ako nasusunod naman po nya ibang words lang po talaga hndi pa nya mabigkas😪😪
@suzyarwandzi86244 жыл бұрын
6months palang na notice ko na yung anak ko. Di siya tumitingin sakin at di siya nagrerespond sa pangalan niya. Lagi akong nakatanong sa google kung bakit ganon. Autism lagi nakikita ko. Ayaw ko naman tanungin ang pedia nahihiya ako kasi 2years old ata na dadiagnos pa yan. Baka pwede pa madevelop. Suspect ko is dahil sa early exposure sa gadgets at tv. Hinahayaan ko siya maghapon kasi wala akong katulong sa bahay tv lang chance ko para makaluto ako at makalaba. Ang ginawa namin mag asawa tinago muna namin tv sa bahay at mga celfon di namin pinapakita sakanya. Unang tinuro namin sakanya is the word "no" hindi namin hinayaan gawin lang gusto niya. Kapag gusto namin makipag eye contact siya pag kinakantahan namin siya ng mga naririnig niya sa youtube sobrang titig siya sa mata namin at sabay ngiti. Pinapalaro namin mga bata sa kapit bahay sa bahay namin para maingay , tapos mga 2months tinitignan na niya ako kahit saan ako pumunta sumusunod siya
@monja8993 жыл бұрын
salamat sa info.. halos same na same tyo.. n mmroblema dn kami.. dpt ata alisin ko na tv at gadgets
@MunsKi2 жыл бұрын
hello ok na po ba anak nyo? thnks for sharing experience
@maryclemiedetera27905 жыл бұрын
Thank you mamsh for sharing.. your such a brave mother :)
@PamelaJoy5 жыл бұрын
Salamat Ate sa pag share, very informative and helpful.
@aaronjames66593 жыл бұрын
Going to 9months na ang baby ko nag pacheck kami sa pedia dahil may ubo at nag Tatae ang baby nag try siya paupuin si baby at nakita nya hindi pa kaya umupo ni baby. Sabi nya sakin ipacheck ko daw ang baby ko sa specialista dahil Baka daw may ASD(autism spectrum disorder) bagal daw ang kayang development Lalo na po premature po si baby sino po dito Parihas ng case ng baby ko.
@vhinatienza27932 жыл бұрын
Ten months old po baby boy namin.mainitin po ulo niy pag may bagay na nd siya nakuha .sobrang likot po.pero marunong po siya mag crawl .may times na pag naglalaro siya at tatawagin name niya nd siya lumilingon
@vhinatienza27932 жыл бұрын
Autism po ba to?
@hpotsirhcbuenafeenyaz4713 жыл бұрын
Hi maam yna yung akin po 3.6 yrs old kuna sya napa check up ng specialista yun nga meron po sya autism din aprin sya ngsasalita pero pina theraphy kuna po sya so far meron na sya improvement talaga since napa theraphy ko 1month palang sya ng theraphy.. meron na sya masabi dati mama papa tatay pero mawawala sya.. kaya ounapacheck up kuna ayun merin pala po sya autism same din cla ng baby nyo po na pag nglaro ganun din nililinya jya yung mga toys ganun talaga pero buti mabait naman sya di nang aaway ng ibang bata
@elmaruelan8688 Жыл бұрын
Ganyan na ganyan sis ang baby ko .Mahilig magpaikot ng gulong ng sasakyan na laruan,ayaw tumingin eye to eye contact,d marunong magsalita ng mamat papa kapag tinatawag namin ung name nya wala po sya naririnig para po sya binge .At gang now di parin po sya marunong magsalita any words
@easyrecipesph97385 жыл бұрын
Salute to moms like you sis!
@momileyenhusband17982 жыл бұрын
May apo po ako mam ,2 yrs old n cia ngaun.never ko pa nrinig n tumawag cia ng mama at papa..kpg tntwag cia lumilingon nmn cia pero hindi isang tawag lng
@YnaPedido2 жыл бұрын
pacheck nyo po muna. baka naman po delayed lang.
@jkcvlogs18004 жыл бұрын
Thanks po talaga for being an inspiration to us new vloggers!
@maricelbacolpo7974 жыл бұрын
Anu poh pde igamot sa my autism?
@juancarloarce2335 Жыл бұрын
hello po! yung anak ko po ay may asd ang pinakaworry ko talaga is yung tiptoeing nya at yung mga kinakain nya is hindi healthy puro maaalat kaya kinakabahan ako tpos gusto ko cya makapagcomplain ng pain kapag may sakit cya para alam ko kung ano ang may problema sa knya for now nagtetherapy nman po cya OT at Sped kaso wala pa speech.
@RochelleSamosino Жыл бұрын
Ang anak ko Po ay 1yr old and 8 months Hindi siya nakikinig SAKIN PAG tinatawag ang pangalan Niya at di pa kami tinatawag na mama at papa Plano ko siyang ipacheck up😔
@YnaPedido Жыл бұрын
Ask recommendation from your pedia. Usually may kilala po silang developmental pedia na masa suggest sa inyo. Thats the easiest way.
@CANDYBALAN5 жыл бұрын
Big help ito na mapansin ang mga early signs..kaya pla si Joo naghahanay ng toys plagi..gnun pla yun!
@YnaPedido5 жыл бұрын
start pa lang yun sis - more challenges to come.
@dannigarcia88445 жыл бұрын
nice ate! yung anak ng cousin ko nakapila for check up sa developmental ped sa med city.. sabihin ko watch nya tong vlog mo.
@jessamaejumao-as68854 жыл бұрын
Hello po. May nakita din po ako ng signs sa anak ko. Nag woworry po ako kasi hindi po sya gumagapang. 1 yr and 2 months napo yong baby ko Hindi rin sya mka lakad at hndi ng sasalita. Pro nakikipag eye contact sya.
@YnaPedido4 жыл бұрын
continue to observe po para.mapa check nyo afterng pandemic. iba iba po ang signs ng autism sa bata. marami pa pong iba.. meron din po info sa google pwede nyo po macheck yung iba. but i hope wala po. thanks.
@nursesittie29935 жыл бұрын
Sobrang laking tulong netong video mo.. thanks sa info.
@romelparamio68454 жыл бұрын
Magkano po kaya magpaconsult sa doktor para malaman kung may autism ba talaga ang bata pls need an answer 😊 thanks.
@novalara64984 жыл бұрын
Napaka helpful ng video mo miss yna love it
@KwentongSports092 жыл бұрын
Same sa baby boy ko baby boy ko 6 yrs old d pa rin xa marunong magkwento d nagsasalita d nga kami tinatawag na mama at tatay and pag maglaro xa gusto nya ung fan namin papatayin and ikot ikot nya plato sa bahay naka hanay ng patayo ayaw nya nagagalaw yun
@sairenrosetabar4256 Жыл бұрын
Wala akong ma afford pang therapy at pang pedia .. tanging dasal nalang ginawa ko😥😥
@TheMinnieMouse025 жыл бұрын
Hello. My son is going 8 months. He had bacterial meningitis when he was weeks old only, and then a complication mild hydrocephalus. Pero naagapan kasi po nilagnat siya nuon at yung nga po seizure. Gumaling naman na siya, sa The medical city kame napunta kasi sobrang emergency na po yun :( Hes doin great naman na po. Pero still wala pa din siya eye contacts. Hindi siya nakikipag interact sa kahit na sino. He would smile /laugh kung kikilitiin ko siya.but hindi siya sakin nakatingin. Hindi din siya nag fafallow sa bright colors, hindi din siya lilingon pag tinawag ko name niya. Saka feeling ko sobrang fixated siya sa pag subo ng nga kamay niya. Ive been doin research and watching videos about autism and its scares me
@spontaneouscat67915 жыл бұрын
hi mommy dont be dishearted kung may nakita ka sign always talk to your baby lagi mo basahan ng book dahil dun na dedevelop ang listening nila buy different kind ng toys na may texture i rub mo sa paa istimulate mo sya lagi bumili ka ng rattle tapos lagi mo patunugin beside sa mata mo basta lagi face level para mapansin nya un face mo habang gumagawa ka ng diff kind of expression.. do massage and sing a lot wag na wag ka muna mag papanuod ng tablet and tv basta lagi mos ya i stimulate wag mo hayaan na dadaan ang araw na hindi kayo nakaka pag laro
@jeanyannbayan7312 жыл бұрын
Same po tayo mommy ! Anak ko po nag ka bactirial meningit sia nung 2 years old sia..pero bago sia mag ka bacterial nakakapag salita na sia...pero simula nung nag kasakit sia hanggang ngayon hndi padin sia nakapag salita and may mga sign sia ng autism ng mapanood ko tong vlog ni momshie 🥺 thank u po sa vedeo na to sobrang laking tulong nito ❤️
@alcasimjainal5539 Жыл бұрын
Yong anak ko nagkumbulsyon din dinala ko din sya sa puerto cty kc mas kumplito sila kisa d2 sa province nagtake sya ng mintinance sa zeisur pero naapektuhan yong behavior nya parang autism narin sya. Nagagamot o nagiging normal p ba ang autism kid kawawa kc hnd n mkapag aral.
@mayceeasuncion95892 жыл бұрын
Tnx for more info ma'am ung anak q Po ndi nya nililineup ung toys nya kundi itapon tapon Po nya pag ngswa sya
@AileneManabat-dz9iy Жыл бұрын
Anak Ko Po 3Yrs Old Na Dipa Rin Po Nagsasalita😢
@sunteebora77655 жыл бұрын
Thank you for sharing momsh. Such a nice video po. Keep it up and God Bless always. ❤️
@michellemaisog40215 жыл бұрын
Share ko den po .my 5yrold son diagnosed sya spectrum autism.ktulad din NG daughter mo po hilig din Nia mga umiikot like gulong ska electric fan.🙁 That time dko ren po na notice ung gnon behavior nia.gnun pala autism.until pinacheck up namin sa neurologist na ung mga behavior Nia. Pero accepted nmin sya .
@christelannyabut65224 жыл бұрын
Proud ako sa mga gnitong monmy
@joshuabusaco39432 жыл бұрын
Kumusta ask ko lang kung ano malalapitan namin Ng doktor,4 years old na Ang baby ko pero sa pananalita nahihirapan at Hindi nakijipaglaro sa Kawa niyang Bata parang may sariling Mundo Ang anak ko
@maallisonibardolaza5 жыл бұрын
Thanks for sharing momsh. God bless po Kay baby girl mo.
@rolandohabon62392 жыл бұрын
thanks sa sharing,,ganyan din yung napasin ko sa anak kong 2 years and 7 months old,
@jinkydimasuhid23775 жыл бұрын
Yung saken po mam. Next month mag 2 yrs old na sya pero hindi pa po sya makalakad.
@YnaPedido5 жыл бұрын
hello po, ipa-check nyo na po sir.
@yzzajanebuenaventura8375 жыл бұрын
Hi sis.. Im a new friend. 1st tym mom den. We had the same symstoms sa aking baby boy. It is not yet confirmed but our pedia advise us to consult dev.ped. Hoping that I can be strong as you. I have a lot of questions about your daughter.. Like the progress when you started to do the therapy Good to.know that your daughter is doing fine.. God bless you and your baby.
@YnaPedido5 жыл бұрын
hi sis! dont be deceived by my "strong" personality :) i have a lot of down times too - i just dont wallow too much. :) kaya mo din yan sis.. but im hoping that your son is just delayed. not all signs of autism is autism - sometimes kids are just delayed. my daughter has improved a lot especially based on the signs i've mentioned on this vlog. i will discuss it one by one nxt time. :) stay strong momma :)
@yzzajanebuenaventura8375 жыл бұрын
Thank you sis..I'll wait for that video.. God bless you and your family.
@kennethgabrielpangan41713 жыл бұрын
Paano po Mawala ang Autism po? Thank you po.👋🇵🇭❤️😍😊🙏😇😃
@YnaPedido3 жыл бұрын
hindi na po sya nawawala.
@kennethgabrielpangan41713 жыл бұрын
@@YnaPedido Ok, salamat po your'e such a strong and positive I learned something, keep safe and God Bless you po.👋🇵🇭❤️😍😊🙏😇😃
@sharmainemendez47275 жыл бұрын
First time mom here, Thankyou sa advice ♥️♥️♥️ Napanatag nako
@SGVVibes2 жыл бұрын
Hi may 2 yr po ako na anak at kpag hindi nya nakukuha ung gusto nya sinasaktan nya po ung kamay nya kinakagat nya then kpag kinakausap namin sya ng mama nya sumisigaw sya ng malakas ano po b dpat gawin sa mga ganitong case sana mapansin thanks👍🏻
@YnaPedido Жыл бұрын
Ask nyo po pedia if marerecommend nya na ipacheck nyo sa dev ped.
@paparadvlog34634 жыл бұрын
Gud eve po ask lng po paano naman po kung sobrang hyper ng bata kahit 7 yrs old na sea tpos nd nea maiwasan magsalita ng badwords
@oguravlog18095 жыл бұрын
Godbless you bhe you are a strong mom..🙏♥️
@daisysapon35235 жыл бұрын
Same like my pamangkin.. 1 and 8months.never nya nasasabi Ang mama at papa.pati SA paglalaro nya😔
@noone66183 жыл бұрын
Same with my baby 18 months na cya now d pa nagsasalita medyo worried na talaga ako
@jiggerjr.5 жыл бұрын
Your always a great mom to Phia.. And I’m sure marami ang matutulungan sa pag share mo ng video nato sis...
@吳秀綢-l6s5 жыл бұрын
I want to share my friend's child..they're twin..same situations..4yrs old still not talking.but they can prounouce a little words.but they can't do anything by them selve..doctors said.they are the victims of delayed mental development..but maybe 5yrs old.they can talk well..but i think its a sign of being autistic.. play their hands nonstop..eyes always look up and rolling..shouting and jumping very often..and if you call them..they dont care.and also.they dont look straight to the eyes of anyone..
@OrlandNavarro5 жыл бұрын
Ako nmn 3 yrs old may konting words lng like igi igi means gigil.. tas mama papa ate kua mga gnun.. pag dting ng 4 yrs old naging sentence na sya ksbay na mrunong ng magbasa at nagskul
@louiepinca98893 жыл бұрын
may 1yr.and 2 month po aqng baby hindi rin po sya nag aieye contact skin khit tawagin name nya dedma lng. mas gusto nya manood ng cocomelon kesa maglaro at madalas sya umiiyak pro pag pinanood po nmin sya ng cocomelon thimik po sya. anu po kya lagay ng baby ko. thank u po
@YnaPedido3 жыл бұрын
hello po, baka too much TV po. try nyo po makipaglaro sa kanya lagi and tanggalin po ang TV otherwise pacheck nyo po para sure. thanks.
@aliijoybanquilis5473 жыл бұрын
hi mam nun pregnant po aq my cisterna magna dw aq at some problem sa trisomy nun baby q pro nun ipanganak q xa ai normal nmn xa pro i was still worried for my son
@YnaPedido3 жыл бұрын
wala pa pong study kung ano ang cause ng autism. pa check nyo sa dev ped anak nyo mommy. thanks.
@mommytetcunanan5 жыл бұрын
Thank you for sharing sis yna👍 God bless you❤
@chikiekitty5 жыл бұрын
Thank you for this momshie! Napakahelpful para sa nga moms na gaya ko na curious sa mga ganyan..New friend here!
@khieferpascasio4 жыл бұрын
Hi mamsh. 2years old n baby ko pero hindi parin sya nkkpsalita lhat ng signs na nbggit mo nkikita ki sa baby ko. Ngdecide kme pmunta sa ent para ipacheck kung hindi lmg ba sya nkakadinig. Please give me some advice. Lung anong steps ang pwede mmeng gwin
@YnaPedido4 жыл бұрын
hello momsh, look for a developmental pedia - ask ka po ng recommendation from your current pedia now baka may kilala sya.. you can also watch po yung start ng journey namin dito sa channel ko - look for the playlist. stay safe. thank you.
@divinaescalada30534 жыл бұрын
Maraming salamat po sa vlog nato at makakuha ko idea sa anak ko.. Dahil lhat po ng sinasabi mo ganyan po napapansin ko sa anak ko.. Pero my medal po siya at matalino bata.. Ano poba gamot sa ganon sakit meron poba? Maraming salamat po
@YnaPedido4 жыл бұрын
hello mommy, just to be sure ipacheck nyo po after ng ecq. may mga suggestions po ako na doctor dito sa ibang vlogs ko. wala pong gamot sa autism and marami pong batang may autism ang matatalino - may mga genius at extraordinary ang talent.
@akosimaritess59605 жыл бұрын
I wish one day will meet para makita ko is baby girl 👧 ❤️❤️❤️ Very informative info. Thank you Ate 👍👍👍 🤗
@mhinerrfernandez90842 жыл бұрын
Ask lang mam baby pa lang anak ko lagi napong nababangga ulo niya sa sahig nung 2 years old siya binabangga niya na sa pader ulo niya pero nung nag 3 siya nililinya na nman niya mga biscuit at laruan niya at marunong na din siya sa alphabet numbers posible po bang may autism anak ko salamat po❤🙏
@francisfernandez60923 жыл бұрын
maam sana ma notice moko 5 yrs. old napo anak ko boy. sa lahat ng explain mo ganyan na ganyan po anak ko 😢
@YnaPedido3 жыл бұрын
pa check nyo po. ask recommendation po from your regular pedia. thanks.
@filipinomomindubai29615 жыл бұрын
Thanks po for sharing. Very informative and very clear. God bless po. She is a lovely child.
@leahbadayos43034 жыл бұрын
First mom here, pariho tayo :(
@catalinabarandino22343 жыл бұрын
Ung son q sobrang hyper nia tpos lahat ng gusto ni a gusto nia masunod pag hindi ng tantrums ano po kaya problem
@YnaPedido3 жыл бұрын
hi, usually medyo common naman po sa bata ang hyper and nagttantrums pag di nakukuha ang gusto. observe nyo pa po ibang behaviors nya. madami pong signs ang autism - check nyo sa google. thanks.
@jblihab41074 жыл бұрын
Saan po ba pwede magpa check up ng Bata kung may Signs of Autism?
@YnaPedido4 жыл бұрын
Hello po, sa developmental pediatrician po nagpapacheck ng bata. check po my other vlogs - nagshare po ako ng autism journey namin. thanks.
@MaithelsOneBigBite5 жыл бұрын
Tatandaan ko mga sinabi mp sis kc eye opener to para sakin
@jillankaeculong93164 жыл бұрын
Thank you. Sobrang helpful ng vlogs mo ❤
@YnaPedido4 жыл бұрын
welcome po. 😊
@tmt12222 жыл бұрын
Hi po mommy ask ko lang po sana kung ano pong maganda ipainom sa kanila na vitamins? Scotts and seven seas lagi ko pong nakikita. Sana pahelp po ako🤗
@msehdz49994 жыл бұрын
thanks for sharing about your daughter.. i am also have a special daughter and we love her so much..
@YnaPedido4 жыл бұрын
❤
@arniejoynitro19093 жыл бұрын
hello mam sana mapansin nyo po itong comment ko. May gusto lang pk kase akong malaman. Yung baby boy ko po may iba syang sign sa autism . Nakakapag salita naman po sya pero mabilis po syang umayaw. Nag sasalita po sya ng mami dafi tatay inay minsa po tita kaya nya din banggitin. Pag nanonood po sya ng nursery rhyms nasasabayan nya ang pag kanta 2 worda nababangit nya. Nahihirapan po kase ako at natatakot 😭
@YnaPedido3 жыл бұрын
hello po. marami pong batang may autism ang nakakapagsalita. yung pagiging non verbal po ng anak ko isa lang sa mga signs.. marami pa pong ibang signs. ano po yung gusto nyong malaman? thanks.
@arniejoynitro19093 жыл бұрын
gusto ko po kaseng malaman kung may ibat ibang stage po ang autism. hindi namab po sya mahilig sa mga wheels na laruan nakatambak lang po lahat ng toys nya na car dito sa amin e. Mas gusto po nya mga learning toys po.
@arniejoynitro19093 жыл бұрын
Ano ano pa po ba ang mga normal sign. Kase po pag tinatawag po sya lumilingon naman po sya kahit po nasa kusina ako at nasa salas po sya pag tinawag ko po sya napunta po sya. Nauutusan ko din po sya minsan sa pag tatapon ng mga pinag kainan nya ng tinapay.
@arniejoynitro19093 жыл бұрын
Minsan po nakaka ilang tawag sya bago lumingon lalo na po at may mga kalaro. Nakikipag laro po sya sa mga bata nakikipag habulan din. Sana mam masagot nyo po ang mga katanungan ko base sa experience nyo po
@gayyemDexterchannelTV5 жыл бұрын
Thanks for the info ma'am.. mabuhay po kayo
@dahliadionela93035 жыл бұрын
Yung anak ko din may sign ng autism 😢 kaya yun ngayon nag occupational therapy na sya...
@YnaPedido5 жыл бұрын
good yun mommy, direcho mo lang therapy.
@pagkarasakitchen30755 жыл бұрын
Mgkno po byd sa ot ?
@lailamaekalain81795 жыл бұрын
May nabanggit ka sa video mam yna na similar sa anak kong lalaki..😪😣..lining at circling toys..ndi pa rin kami tinatawag ng inah or amah..3yrs.old na po sya..im worried😭😭😭please help me some tips how to develop my child
@YnaPedido5 жыл бұрын
first advise po is always to see a doctor. developmental pedia tawag sa doctor na pagpapa checkupan nyo. better na magpa appointment na kahit mahaba ang pila.. at least nakapila na kayo. relax muna mommy so you can think what to do. for now research ka sa google what to do sa lining ng toys.. ex. teach him how to play the toy itself para po alam nya na gagawin sa toys.
@momwow79264 жыл бұрын
My son is almost 3 years old. Na noticed ko skanya lahat ng mga sinabi mo na symptoms nung 2 years old pa lang xa. He likes to spin the toys or ball. He was diagnosed with GDD. (Global Developmental Delay) and next week is his final assessment for ASD diagnosis.
@livperztson35034 жыл бұрын
Ganyan.din anak ko...no.mama.mag 3 na..love.to.line.things