Рет қаралды 45
Ang Bawat Pagpadyak
Ang bawat pagpadyak
ay simula at pagpapatuloy,
Ng ikot,
ng sandali,
ng tanaw,
ng balanse,
ng buhay.
Ang bawat pagpadyak
ay pag-una at pag-iwan,
sa ikot,
sa sandali,
sa tanaw,
sa balanse,
sa buhay.
Ang bawat pagpadyak
ay pasasalamat -
sa ikot,
sa sandali,
sa tanaw,
sa balanse,
sa buhay.
----
-jjmusa