Рет қаралды 737
#News5Throwback | Si #PopeFrancis ang ikatlong Santo Papa ng Simbahang Katoliko na bumisita sa bansa matapos sina Pope St. Paul VI (1970) at Pope St. John Paul II (1981 at 1995).
May temang #MercyAndCompassion, isa sa layon ng pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas ay upang makiramay at makasama ang mga biktima ng Bagyong Yolanda at ilang mga kalamidad sa Kabisayaan.
Mula Sri Lanka, lumapag ang eroplanong sinakyan ng Santo Papa sa Pilipinas, 5:32 p.m. ng January 15, 2015. Bilang tanda ng mapayapa at ligtas na pagdating ni Pope Francis sa bansa para sa kanyang misyon, pinatunog ng lahat ng mga Simbahang Katoliko ang mga kampana nito.
Balikan din natin ang special coverage ng #News5 sa makasaysayang 2015 Papal Visit, #DearPopeFrancis.
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph