Hello po atty advice po sana if pwede ma apilyedo nang anak ko ang apilyedo nang tatay niya kahit kasal po siya sa kanyang asawa Ngayon sana po masagott kong pwede po
@batasmobataskowithatty.ronnie28 күн бұрын
Maaring gamitin ng iyong anak ang apelyido ng kanyang ama kung gagawa siya ng affidavit of admission of paternity at ikaw naman ay gagawa ng affidavit to use the surname of the father.
@JuliebeAdtingАй бұрын
Atty Ronnie Good day po🙏 atty ako po ay kasalukuyang buntis sa ngayon 3months pa po kaso yung father ng anak ko is kasal po pero hiwalay po sila ng asawa nya dahil may ka relastion pong iba ang babae..ngayun po ay lalakarin nya pa po yung anullment nila,sya po ay seaman.. manganganak po ako na wala sya pero po gusto nyang sa kanya po yung apelyedo ng baby nmen..ano po dapat gawin? ano po yung mga hakbang? Maraming salamat po sa inyong pag sagot🙏🙏
@batasmobataskowithatty.ronnieАй бұрын
Magpagawa ang iyong partner ng affidavit of admission of paternity sa abogado at ikaw naman ay gumawa ng affidavit to use the surname of the father. Ang mga ito ay ipapasa sa opisina ng local civil registrar.
@gloviemay1731 Жыл бұрын
Good morning po, Atty. Ask ko lang po. Kasi po yung partner ko po Ngayon is kasal po sya sa una nyang Asawa sa kasalan ng bayan 12 yrs ago. at ang requirements lg po na ibinigay nila is birth certificate lg po hindi po sila pinakuha ng marriage license or Cenomar. Tapos Ngayon lg po na year pumunta kami sa PSA nag try po kami na kumuha sa PSA ng Cenomar wala po sya record Doon negative po sya wala syang record since 1945-2023. Ano po dapat Gawin namin na nagpapatunay po na valid o hindi valid ang kanilang kasal? Sana po masagot ninyo ang aking katanungan. Maraming salamat po.
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Pumunta muna kayo sa opsina ng civil registrar kung saan ginawa ang kasalang bayan. Mag-request ng kopya ng marriage certificate. Maaring hindi ito naipasa sa PSA.
@sarg2451 Жыл бұрын
Atty good day ask ko lng pg ng waive ba nang rights 30 k ba ang bayad ?
@jay2654 Жыл бұрын
Magandang Gabi po! Nais ko po sanang humingi ng payo mula mas may malawak na kaalaman tungkol sa case ko. Ang nasa birth cert at psa ko po ay last name ng mama ko, pinanganak ako 1995, nasa legal na edad na ko ngayon. Ngunit sa lahat ng valid id ko at school document last name ng papa ko ang gamit. Sinubukan na po ng mama ko na ayusin para magkaroon ng annotation, nagpakasal sila after ako mapanganak. 2019 pa nung sinubukang ayusin ng mama ko at interview nalang daw po ang kulang sa Manila. Ngayon kase wala ng komunikasyon ang mga magulang ko ayaw na rin makita ng mama ko ang papa ko. Gusto ko nalang po sundin ang nasa birth cert ko which is yung last name nag mama ko kahit iupdate ko nalang lahat ng id at school documents ko. Ano po ang mapapayo nyo? Ituloy ang process ng legimation or pwede naman pong sundin nalang ang nasa birth cert at magupdate nalang ng personal info sa mga id. Suportado naman po ng mga kapatid ko kung sakaling susundin ko ang nasa birth cert. Maraming Salamat po!
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Kung meron Affidavit of Legitimation na pinirmahan mismo ng iyong tatay at nanay, pwedeng ikaw ang maglakad ng iyong legitimation dahil ikaw ay nasa tamang edad na.
@jay2654 Жыл бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronnie Maraming salamat po Atty. pero maaari rin po ba ng sundin nalang ang nasa birthcert ko at gamiting ang last ng mama ko. Salamat po
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
@@jay2654 Dapat ang gamitin mong pangalan ay nakalagay sa iyong PSA birth certificate dahil yan ang iyong legal name.
@jay2654 Жыл бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronnie Maraming salamat po Atty. Susundin ko nalang po yung nasa PSA birthcert na last name ng mama ang gamit salamat po.
@asleyalberto4740 Жыл бұрын
Magandang tanghali po attorney. Sa Naga po nakaregister ang anak ko. Gusto kong magamit niya ang aking apelyido. Aayusin na rin ng nanay niya pag uwi galing abroad. Pupuwede po bang dito na lang ako sa Batangas mag pagawa ng notarized Acknoledgement of paternity, then ipapadala ko na lang sa kanila sa bikol. Maraming salamat po.
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Maari mong ipanotaryo ang affidavit sa Batangas> Para hindi sila magduda, isama mong ipadasla ang kopya ng iyong photo ID
@ralphgloriadiy85314 ай бұрын
magandang araw attorney bagong subscribers niyo po ako maraming salamat nga pala sa mga kaalamang binigay niyo meron sana akong itatanong meron kasi akong napangasawa na may anak na pero hindi sila kasal nang ama ng bata at hindi rin nakalagay sa birth certificate ng bata ang apelyido ng ama kaya sa ngayon ang apelyido na gamit ng bata ay ang apelyido ng ina ang gusto ko po sana dahil ako na ang tumatayong ama ng bata at bagong kasal din kami ng kanyang ina gusto ko sana ang apelyido ko ang gamitin ng bata pwede po ba at paano kailangan pa ba ng consent ng totoong ama sana po masagot niyo at napansin niyo ang comment ko maraming salamat po.
@batasmobataskowithatty.ronnie4 ай бұрын
Kung i-adopt mo ang anak ng iyong asawa, kailangan ng consent ng kanyang biological father.
@analielaude4054Ай бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronniepaano po atty kapag since birth hindi na nagpa ramdam ang tatay ng bata?kailangan parin po vah ng consent nya?
@batasmobataskowithatty.ronnieАй бұрын
@@analielaude4054 Para magamit ng isang illegitimate na bata ang apelyido ng kanyang ama, kailangan na meron siyang admission o kinkilala niya na kanyang anak sa pamamagitan ng affidavit o pagpirma sa likod na certificate of live birth o sa pamamagitan ng kanyang sulat kamay.
@jennifergazmin5884 Жыл бұрын
Good day atty. Sana po Ay matulungan nyo po ako sa aking katanungan. Kc po atty. Ang dami pong Mali sa bc ko wala po akong name at middle name sa aking bc meron nga po akong surname Mali pa kc apelyedo po un ng mother ko na dapat middle name ko po. At yong birth date ko po mali din at sa fathers name po unknown pa wala po akong nkalagay na father sa bc ko yong sa mother ko nman po mali pa yong spelling ng first name nya. Ang dami pong mali sa bc ko atty. Sana po matulungan nyo po ako maraming salamat po 😊 God bless and good health always 😍
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Upang itama ang pagkakamali sa iyong Birth Certificate tungkol sa iyong pangalan kailangan mo lamang maghain ng petisyon para sa pagwawasto ng clerical error sa ilalim ng mga probisyon ng inamyenda na Republic Act (RA) 9048. Pumunta sa opisina ng local civil registry kung saan naka-record ang iyong kapanganakan at kunin ang mga requirements.
@jennifergazmin5884 Жыл бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronnie maraming salamat po sa pagtugon atty. God bless po 😇
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
@@jennifergazmin5884 Maraming salamat din for watching
@Orientalislands-mt9ir3 ай бұрын
Atty .hindi mayor ang nagkasal sa amin pero may marriage license kami sa PSA
@batasmobataskowithatty.ronnie3 ай бұрын
Hindi lang mayor ang maaring magkasal. May may may authority na magkasal tulad ng huwes, pari, pastor, ship captain at iba pa.
@denisejoylazaro8588Ай бұрын
7:52 pm Good evening....nahihirapan po ako ayusin bc ko....illegitimate po ako when I was born....after 16 years they got married....patay ma po si tatay at ang naiwan lang po acknowledgement niya sa akon ay sa baptismsl cert ko at sa transcript of records ko nung high school...ano po kaya pwede kong gawin
@batasmobataskowithatty.ronnieАй бұрын
Dahil kasal na ang iyong mga magulang, pwedeng ipa-process ng iyong mama ang iyong legitimation. Pumunta kayo sa opisina ng civil registrar kung saan nakarehistro ang iyong BC para magtanong at kunin ang mga requirements sa pagpaprocess ng legitimation ng isang anak.
@yoshidalilibeth59894 ай бұрын
Hello atty pwede Po mgtanong paano Po e transfer apelyido ng anak ko sa apelyido ko sa ama kasi sya naka naka apelyido hindi Po kami kasal at simula pinanganak ko sya hindi na Po sya ng suporta sana mapansin nyo Po consern ko thank you
@batasmobataskowithatty.ronnie4 ай бұрын
Kailangan mong magsampa sa korte ng petition para palitan ang apelyido ng iyong anak. Tungkol sa suporta, kinausap mo na ba siya tungkol dito? Maari mo siyang kasuhan ng Ani-Violence Against Women and their Children
@MrParikoyTv24 күн бұрын
Atrny.tanong kulang po Gusto kong dalhin ng aking anak na babae ang aking apilido ano poba ang aking unang gagawin.ang anak kopo kasi nasa greed 8 na dala nya ang apelido ng kanyang Mama ang idad ng bata ay 15yld na pwedi paba ito malipat sa apelido ko salamat po attorney sa pagsagot.
@batasmobataskowithatty.ronnie22 күн бұрын
Kasal ba kayo ng ina ng iyong anak? Kailan ipinanganak ang bata?
@JadeJohnLP2 ай бұрын
Atty .. Tanong ko lng po kung poyde palitan Ang apilyedo Ng anak ko hende kme kasal Ng asawa ko kace Ang nkalagay don po sa live birth
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Ano ba ang nakalagay na apelyido ng iyong anak? Ano ang ipapalit mong kanyang apelyido?
@hanantagoranao1859Ай бұрын
Hello po atty ask ko lang po kung Tama ba na apilyedo ko po ay yung apilyedo ng TATAY ko ? Pero ako ay Isang lalaking anak , maaari ko po ba yun gamitin or kaylangan baguhin tapos ipapalit Ang pangalan ng TATAY ko para Ang TATAY ko Ang maging apilyedo ko . Required po ba Yun palitan or Hindi na po ? , maraming salamat po god bless you po ❤
@batasmobataskowithatty.ronnie27 күн бұрын
Kung ang nakarehistro mong apelyido ay ang apelyido ng iyong nanay, dapat na magsampa ka ng petition para palitan ang iyong apelyido sa iyong tatay. Hindi ba kasal ang iyong mga parents?
@hanantagoranao18592 күн бұрын
@batasmobataskowithatty.ronnie kasal po
@hanantagoranao18592 күн бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronnie Hindi po naka rehistro ang apilyedo ng mama ko sa Birth certificate ko Pero Ang naka rehistro na apilyedo ko sa Birth certificate ko ay Ang apilyedo ng TATAY ko mismo which is ang pangalan ng ama ng papa ko Puwede na ba Yun ? At kasal na po Ang aking mga magulang , concern lang po Kasi ako atty Kasi po Ang daming nag sasabi saakin na bawal ko daw gamitin Ang apilyedo ng TATAY ko dapat daw gamit ko daw na apilyedo ay ang pangalan ng TATAY ko , Kasi po once po na ako ay maka pag tapos sa pag aaral ko-questionin daw ako kung Bakit Dala ko daw na apilyedo ay ang apilyedo mismo ng TATAY ko , Kasi po Yun talaga po Kasi ang nilagay ng mama ko sa Birth certificate ko na maging apilyedo ko At Ang religions po namin ay Muslim Kinakasal muna Ang parents bago mag tuluyan mag relasyon . And Yun lang po ask ko lang po kung totoo po ba na kailangan palitan or Tama lang naman na gamit ko parin Ang apilyedo ng TATAY ko which is Ang ama ng TATAY ko , Yun lang po maraming salamat po god bless you po ❤️
@jovelsore13932 ай бұрын
good day po atty. may ask lang po sana ako .. yung case po saken yung birthcertificate ko po walang meddle name pero may affidavid po yung papa ko sa likod ng birth ko bale 2 copies po yung PSA ko.. pano ko po magagamit yung apilyedo ng papa ko? kasal din naman po sila ng mama ko pero di paren po nilagay ng PSA yung apilyedo ng papa ko sa birth ..yun po kase problem ko sa DFA .. pano ko po kaya aayusin yun?..thankyou po
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Sabi mo dalawa anb yong PSA birth certificate, ibig bang sabihin dalawang beses kang ipinarehistro. Maaring ang ginawa ng iyong parents nang ikinasal sila, nagparehistro sila uli na pinalitan na ang iyong apelyido mula sa iyong mama at pinalitan nila sa apelyido ng iyong papa. Dapat ang ginawa nila ay ipa-process ang iyong legitimation. Pumunta sa opisina ng local civil registrar para magtanong ukol sa proseso ng legitimation. Meon din akong video tungkol sa legitimation na maari mong panoorin.
@mariasandrapaday982715 күн бұрын
Good morning attorney hingi lang po sana ako ng tulong regarding sa concern ko naway matulungan nyo po ako. May anak po at ang apelyido nya na gamit po ay sakin 2021 po sya pinanganak kaya nakalagay po sa birth certificate nya no father at apelyido nya gamit ko , kakasal palang po namin ng asawa ko this year at may marriage certificate na din po kame pano po kaya ang process ng papalit ng apelyido nya gamit na mismo ang apelyido ng daddy nya at magkano po kaya ang babayaran namin maraming slamat po
@batasmobataskowithatty.ronnie12 күн бұрын
Ipa-process ang legitimation ng iyong anak. Pumunta sas opisina ng local civil registrar para kunin ang mga requirements para sa pagpapa-process ng legitimation. Meron din akong video tungkol dito na maari mong panoorin.
@marjorieabdon7762 Жыл бұрын
hello po atty ,my dalawa Akong anak kasu since birth d ko naasikasu Yung livebirth nila ngaun grade 8 at grade 5 n mga anak ko apilyedu Ng papa nila Yung gamit nila ,pwede ba Yun parin apilyedu nila Kase Ng process Ako ngaun Sabi sakin need daw ngn pirma Ng aswa ko kasu Patay n aswa ko since 2017 pa panu po Yun ,salmt po at sana mapancin niyu po salmt
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Kailangan na pipirma ang iyong asawa ng Affidavit of Legitimation. Kung hindi mo maayos, dapat ang ipagamait mong apelyido ng mga anak mo ay ang nasa kanilang birth certifricate.
@JulianaSerena-w7k12 күн бұрын
Gud morning po attorney..ano dapat kong gawin naki apid po ang asawa ko sa Babaeng 6 na ang anak .gusto ng babae ipangalan sa aming mag asawa ang naging anak nila..plz help me po..saan kame dapat lumapet .para maging legal ang lahat.. thank you po..
@batasmobataskowithatty.ronnie10 күн бұрын
Maari kayong lumapit sa DSWD at magtanong sa proseso ng adoption. Maari ninyong i-adopt ang mga bata.
@metitjourneytv2 ай бұрын
Hello Atty, new subscriber here, tanong ko lang po , kinasal kami ng asawa ko na apelyido ng tatay nya gamit, pero sa BC nya ay sa nanay. Ano pong process ang dapt gawin namin? Thank you po
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Maaring hindi kasal ang kanyang mga parents nang siya ay ipinanganak. Kung nagpakasal ang kanyang mga parents pagkatapos na isilang siya, maaring ipa-process ang kanyang legitimation.
@zin-tiriesАй бұрын
Atty. paano po palitan ang apelyido sa birth certificate ko, kasal po Ang mga magulang ko, 24 y/d na po Ako, sa kasalang bayan po kinasal Ang mga magulang ko po, present po doon Ang mayor ng Lugar nmn po. Actually po matagal napong pinaayos ng mga magulang ko Ang b-certificate ko po noong high School palang po ako pero kahit Anong kuha ko po ng PSA apilyido parin po ng nanay ko Ang nasa b-certificate ko po. Paano po kaya un?😢
@batasmobataskowithatty.ronnieАй бұрын
Meron bang nakasulat sa gilid ng iyong PSA birth certificate na "legitimated by subsequent marriage...."? Kung meron annotation na ganito, ibig sabihin ikaw ay legitimated naat pwede mo nang gamitin ang apelyido ng iyong father.
@jonalynbuhayo57662 ай бұрын
Hello po atty Pano po at ano po dapat kung Gawin kase po Wala pa po akung birthcertificate eh Nung kinasal po ang parents ko po eh inanak napo ako ilan taon nadin po Kase Nung kinasal po Sila kaso daw po ang Sabi po saken ng impleyando ng municipal eh Hindi ko daw po pwedeng gamitin ang apilyedo ng aking ama ang problema ko po Kase kinasal napo ako apilyedo po ng ama ko ang ginamit ko ang ginamit kopo na requirements eh Yung baptism kopo Yung ginamit ko po at problema ko din po Kase Patay napo Kase ama ko po kaya wla Pong pipirma at Tanong ko rin po mas mapapadali rin po ba kung dun po ako magaasikaso sa kung saan po ako ipinanganak???
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Meron ka bang nakarehistro na birth certificate? Kung meron, anong apelyido ang nakarehistro?
@RochelleYandog17 күн бұрын
helo po attorney .what if po mgpasa ng affidavit of aknowlegment ang tatay, malalagay din ba yung details ng tatay nya kasi unknown po yung naka register sa bata kasi apelyedo po ng nanay yung gamit nya ngayun..plsease sana masagot po
@batasmobataskowithatty.ronnie14 күн бұрын
Pwedeng magpasa ang tatay ng affidavit of acknowledgement of paternity at ang ina naman ay gumaa ng affidavit to use the surname of the father. Makipag-ugnayan sa opisina ng local civil registrar para sa mga karagdagang mga requirements.
@joysupat12692 ай бұрын
Attorney taon 1970 may bisa po ba apelyedo Ng tatay kahet Hindi kasal?
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Anong ibig mong sabihin?
@rickyloste84942 ай бұрын
Sana po masagot Atty 1992 po ako pinanganak naka lagay po certificate of live bihth ko apelyido ng mama ko di po cla kasal may perma ung tatay at mama ko salikod affidavit of acknowledge/admission of paternity at affidavit for delayed registration of birth may Remarks/annotation pwede kona po bang Magamit apelyedo ng tatay ko
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Hindi mo dapat gamitin ang apelyido ng iyong tatay dahil ikaw ay ipinanganak bago naging epektibo ang RA 9255. Ang mga anak sa labas lamang na ipinanganak noon o pagkatapos ng March 19, 2004 ang maaring gumamit ng apelyido ng kanilang ama kung meron affidavit of admission of paternity na ginawa ng ama at affidavit to use the surname of the father na ginawa ng mother.
@aldrinbestudio83872 ай бұрын
Hello po atty. yung ginagamit ko po ngayon na apelyido is apelyido po ng mama ko gusto ko po sanang ipa lipat sa apelyido ng papa ko, kinikilala naman po ako ng papa ko na anak nya kaso di sila kasal ng mama ko ano po kaya pwedi kong gawin December 9, 2003 po ako ipinanganak.
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Panoorin ang pinakabago kong video. Ito ang link kzbin.info/www/bejne/fYCreKiGrrulgNksi=6HEVby1j7VRl-bDh
@jhoyferrerolasiman56833 ай бұрын
Hello po attorney gandang hapon po. Pwede po bang mag tanong ung. May rehistro npo ung 3 ko pong anak. Ang kaso lng po apelyido ko po ang gamit pwede papoba mabago un.??? Ng madala po nila ang apelyido ng kanilang ama
@batasmobataskowithatty.ronnie3 ай бұрын
Kung ang ama nila ay may acknowledgment/admission of paternity at ang inyong mga anak ay ipinanganak after March 18, 2004, maari kang gumawa ng Affidavit to Use the Surname of the Father at ipasa ito sa LCR
@valentano758517 күн бұрын
Hello Atty. Paano proseso ng adoption? Sa case ko kasi 2001 ako pinanganak at di pwedeng magamit apelyido ng tatay since di sila kasal ng nanay ko. Di na rin kayang magpakasal. Saan mag sstart? Ano po mga kakailanganin at may gagastusin?
@batasmobataskowithatty.ronnie13 күн бұрын
Pumunta sa DSWD dahil itong ahensiya na ito ang humahawak ng adoption.
@Cassandracorbilla3 ай бұрын
Hello po atty.pwede po ba ipalagay ang pangalan ng tatay sa birthcertificate ng bata kasi nung nanganak po ako hindi sya naka uwi kaya wala sya sa birthcertificate
@batasmobataskowithatty.ronnie3 ай бұрын
Kailangan niyang gumawa ng affidavit of admission of paternity.
@akdzzz5553 ай бұрын
Good day Atty. may nakuha po akong maliit napapel dun sa psa na napuntahan ko dahil hindi po na ka apelyedo ang anak ko sakin dahil hindi kami kasal ng asawa ko pero nag sasama padin po kami ngayun ayun po sa nakalagay sa papel Affidavit of (AUSF) Affidavit of admission of paternity certificate of registration etc. tama po ba yan at mag kano naman po kaya ang babayaran sa munisipyo ng maynila ang anak ko po ay ipinanganak ng may 2019 kasalukuyang 5yrs old sya ngayung 2024 sana mapansin nyo po atty
@batasmobataskowithatty.ronnie3 ай бұрын
Ang ibinigay sa iyo ay mga requirements para magamit ng iyong anak ang iyong apelyido. Ang opisina ng civil registry ang magbibigay sa iyo ng tamang babayaran.
@nickuzumakii74982 ай бұрын
Ano pong dapat kong gawin para madala ng baby ko ang apelido ng tatay nya, unknown po kasi sa B.C kasi wala po yung partner ko nung nag parehistro ako. Sana may sumagot. Salamat po.
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Kung hindi kayo kasal, maaring gumawa ng iyong partner ng Affidavit of Acknowledgement of Paternity at ikaw naman ay gumawa ng Affidavit to Use the Surname of the Father at ipasa ito sa opisina ng local civil registrar kung saan nakarehistro ang birth certificate ng inyong anak.
@nickuzumakii74982 ай бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronnie salamat po aa reply sir. E bakit sabi po ng munisipyo, kailangan daw po muna ng psa ng baby bago kami gumawa ng acknowledgement? 😔
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
@@nickuzumakii7498 Kailangan talaga yong PSA birth certificate para makita nila ang information
@aaronsoriano1908 Жыл бұрын
good morning po atty paano naman po kung japanese ang papa ng bata pero nakapirma sa birth certificate ng bata dito sa pinas po salamat
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Wala namang problema kung ibang lahi ang ama ng bata.
@racquelalagano34934 ай бұрын
Hello po atty. Ung anak ko po kc walang middle pero ang last name nia apelido ko
@batasmobataskowithatty.ronnie4 ай бұрын
Kung siya ay illegitimate na anak, dapat na ang kanyang apelyido ay ang iyong apelyido at walang middle name.
@angelynflores-yf9cd3 ай бұрын
Kung morning atorney new subscriber po ako pina late regester kopo anak ko apilido po ng papa nya gamit pero bakit pag kuha ko ng psa nya apilido ko parin paano ilipat ang apilido ng papa nya kasal po kamo
@batasmobataskowithatty.ronnie3 ай бұрын
Maaring may nauna nang nakarehistro na birth certificate ng iyong anak bago kayo ikinasal. Dahil kasal na kayo, pwede mong ipa-process ang legitimation ng iyong anak. Pumunta sa opisina ng LCR para kunin ang mga requirements sa pagproseso ng legitimation.
@macristinamalunes2603 Жыл бұрын
Good evening po attorney..my katanungan lng po ako gusto ko po sana ilipat Yong apilyedo ng anak ko sa tatay nya ang problema lng po single mother po Yong nilagay q sa birth certificate ng anak ko at wala po perma Yong tatay sa bc kc nong panahon n nanganak ako nasa abroad po Yong ama ano po dapat n proseso ang gawin ko para mailipat sa father Yong apelyido ng anak ko..please sana po masagot Yong katanungan ko..salamat po in advance..
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Kayo ba ay kasal ng kanyang ama nang ipinanganak mo ang bata? Kailan mo isinilang ang inyong anak?
@macristinamalunes2603 Жыл бұрын
Hindi po kmi kasala attorney pinanganak q po Yong anak ko Ning december 2023 tapos kinasal po kmi ng father nya nong 2017 po
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
@@macristinamalunes2603 Iknasal pala kayo noong 2017, pero Dec 2023 mo ipinanganak ang bata, paano nangyari? Wala pang Dec 2023. June 2023 pa lang tayo
@macristinamalunes2603 Жыл бұрын
Ay sorry attorney december 2013 ko pala pinanganak Yong anak q tapos 2017 kmi kinasal ng father nya.
@AnthonyRafer-n1z2 ай бұрын
hello po atty. tanong lang po, kumuha po ako ng psa nitong nakaraang araw lang po at ang dumating po is apelyido ng nanay ko at wala po akong middle name, may affidavit naman po na nakaattach kasama ng psa at meron po akong papel na nagpapatunay na dala kopo ang apelyido ng tatay ko. pano po kaya yun lahat po kasi ng ID's ko apelyido ng tatay ko ang gamit ko.salamat po
@AnthonyRafer-n1z2 ай бұрын
at hindi po sila kasal nung ipinanganak ako.
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Kung ikaw ay ipinanganak noon o pagkatapos ng March 19, 2004, maaring gumawa ng iyong mother ng Affidavit to Use the Surname of the Father na kanyang ipasa sa opisina ng local civil registrar kung saan nakarehistro ng yong kapanganakan.
@joanguades7097 Жыл бұрын
Ask lang po!! May tita ako na dalaga meron sia 2 anak babae at lalaki tapos biglang namatay ang tita ko ano po magyayari sa property? Kasi sabi ng anak na babae napalipat na niya sa pangaln niya ang titulo?
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Ang mga anak ang siyang magmamana sa sa estate ng kanilang ina.
@donaandal51252 ай бұрын
Hello po ask ko lang kung pwede ko po ilagay ung apelyido ng asawa ko sa anak ko di ko po kase nilagay dati. kase naghiwalay kami dati ee
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Kasal ba kayo ng iyong asawa? Hiwalay na kayo nang ipinanganak mo ang inyong anak? Anong inilagay mo sa birth certificate, na wala kang asawa?
@racquelalagano34934 ай бұрын
Pwede po ba ilagay ko na lang ung midddle name ko sa birthcertificat nia
@batasmobataskowithatty.ronnie4 ай бұрын
Kung siya ay illegitimate na anak dahil hindi ka kasal sa kanyang ama, dapat na ang kanyang apelyido ay ang iyong apelyido at walang middle name.
@racquelalagano34934 ай бұрын
Sana masagot nio po ung tanong ko
@batasmobataskowithatty.ronnie4 ай бұрын
Basahin ang aking sagot
@monicajeanmacabenta5548 Жыл бұрын
Good evening po, ako po ay ipinanganak nong 1995, lahat po ng school records and id's ko po ay nakaapelyido sa tatay ko pero sa Birth certificate ay naka apelyido sa Nanay ko, pero meron pong nakaattach na Affidavit of Admission of Paternity sa BC ko, paano po kaya ang magiging proseso para magamit ko ng legal ang apelyido ng tatay ko, kailangan ko po kasi para sa passport. Sana po masagot nyo, salamat po.
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Ang iyong mga magulang ba ay nagpakasal after na ikaw ay ipinanganak? Kung nagpakasal sila, maari kang magpa-process ng legitimation.
@monicajeanmacabenta5548 Жыл бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronnie hindi po Attorney, kasal pa po sa unang asawa ang tatay ko
@jessamortel81034 ай бұрын
Atty paano kung nakasal din sya sa pangalawa asawa paano po ipoprocess sa korte at magmit ng anak ang surname ng kanyang ama.
@kimmy9327Ай бұрын
Saan po makakaliha ng affidavit of admission of paternity po, atty?
@batasmobataskowithatty.ronnieАй бұрын
Maari kang magtanong sa opisina na local civil registrar kung meron silang form. Kung wala, magpagawa sa abogado o sa PAO.
@kimmy9327Ай бұрын
Salamat sa pag reply atty. 🙏
@batasmobataskowithatty.ronnieАй бұрын
@@kimmy9327 Salamat din for watching. Please subscribe.
@jenandienacion74622 ай бұрын
hello po, tanong ko lng po kung pwedeng ipagamit sa bata ang apelyido ng tatay na patay na? pwede po ba ako na lolo ng bata ang magaasikaso nito? willing po ang nanay sa bagay na ito. maraming salamat po.
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
Meron akong video tungkol dito. Panoorin para magkaroon ng idea. Ito ang link na pwede mong i-click kzbin.info/www/bejne/fYCreKiGrrulgNksi=_vJz81w3kAH7rDXX
@teacherrinvlog Жыл бұрын
Good Afternoon Atty. Gaano po katagal ang results sa court of appeal? Ilan beses na po ung motion for reconsideration ng kalaban. Sinabi po ng court of appeal in short panalo na kmi. Puro po walang katapusan motion for reconsideration ung kalaban namin wala nman po nababago sa motion for reconsideration nila paulit ulit lang po. Wala po ba katapusan yon almost 3years na po ung case until now. Usapin sa lupa po. Salamat Atty.
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Talagang taon ang abutin dahil maraming kaso na umaakyat sa CA at SC
@SidneySciacchitano5 ай бұрын
Kelangan pa po pumunta sa korte?
@batasmobataskowithatty.ronnie5 ай бұрын
Hindi na kailangan na pumunta sa korte kung mag-avail sa RA 9255. Magsadya lamang sa opisina ng local civil registrar.
@SidneySciacchitano2 ай бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronniegood am pp atty. Ano Po gagawin ko Kasi Ang psa ko is 2 pages na sa 2nd page is acknowledged by the father pero Wala pa Po akong remarks or annotation. Ano pong surname gagamiton ko? Slaamaat
@batasmobataskowithatty.ronnie2 ай бұрын
@@SidneySciacchitano Kailang ka ipinanganak? Kung ipinanganak ka bago March 19, 2004, ang dapat mong gamitin ay apelyido ng iyong mother. Ang affidavit of acknowledgement ay pagpapatunay lamang na ikaw ay kinikilala ng iyong ama na ikaw ay kanyang anak. Pero kung ikaw ay ipinanganak noon o pagkatapos ng March 19, 2004 at gumawa ng iyong mother ng Affidavit to Use the Surname of the Father, maari mong gamitin ang apelyido ng iyong ama.
@SidneySciacchitanoАй бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronnie Aug 14, 1999 po Atty, kaya Po gumawa Ng affidavit of admission of paternity tatay ko para mapalitan apelyido ko at Nung kumuha Ako kamakailan Wala pang annotation. Ano Po magandang legal na Gawin atty? Salamaat Po and God bless
@batasmobataskowithatty.ronnieАй бұрын
@@SidneySciacchitano Dahil ipinangsanak ka bago March 19, 2004, hindi mo maaring gamitin ang apelyido ng iyong father kahit meron siyang affidavit of admissionn of paternity.
@nazzyvent Жыл бұрын
Magandang araw po atty. ano po pwede ko gawin magpapa late register po ako ng birth cert. Kaya lang po sabi sakin sa Local civil registrar hindi ko pwede gamitin ang surname ng tatay ko kasi nung ipinanganak ako hindi pa sila kasal, bale 10 yrs old na po ako nung kinasal sila. Patay na po kasi ang tatay ko kya wla na pipirma sa affidavit of paternity. Simula nag aral at nagka trabaho ako apelyido na ng tatay ko ang gamit ko kaya lahat ng documets saka id's ko yun na po gamit ko. Meron pa po ba paraan pra mailagay sa late register ng birth ko ay apilyedo ng tatay ko? Sana po masagot. Salamat po.
@batasmobataskowithatty.ronnie Жыл бұрын
Kung hindi aprobahan ng local civil registrar, maari kang magsampa ng petition sa korte. Pwede kang huming ng legal na serbisyo sa PAO dahil meron silang free legal service sa mga qualfied individuas.
@nazzyvent Жыл бұрын
@@batasmobataskowithatty.ronnie Salamat po atty. God bless.