Рет қаралды 49,929
#SalitaNgDios
#GodSword
#ReadScriptures
#AKLAT NG HUKOM
AKLAT NG HUKOM
Panimula
Sa kabila ng magandang ulat sa aklat ng Josue na nasakop
ng Israel ang Palestina sa maiikli lamang at
sunud-sunod na pagsalakay sa ilalim ng iisang pinuno, makikita sa Aklat ng mga Hukom na ang
pangyayari ay hindi ganoon kasimple. Tuwirang sinasabi ng kabanata 1 na ang maraming bahagi ng
bansa ay hindi nasakop, samantalang ang natitira pang bahagi ng aklat ay salaysay ng mga digmaan ng
marami pang salinlahi bago lubusang napasakamay ng Israel ang buong lupain. Ang magagandang
salaysay na nilalaman ng aklat ay ang mga tradisyon na iningatan ng iba't ibang lipi tungkol sa mga
pakikipagdigma ng kanilang mga bayani - ang "mga hukom" na siyang tinutukoy ng pamagat. Isang
editor ang nagbigay ng makatotohanang pagkakaisa sa mga salaysay sa pamamagitan ng pagpapakita na
lahat ng hukom ay naglingkod sa buong bansa, sa halip na ang mga pinuno ng lipi, at sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pangmoral at pang-pananampalatayang interpretasyon sa lahat ng pangyayari.
Ang aklat ay nagsisimula (kabanata 1:1-2:5) sa salaysay ng pagsakop sa Canaan na halos katulad ng
sa aklat ng Josue. Kasunod nito ang pangunahing bahagi. Pagkatapos ng magandang panimula (kabanata
2:6-3:6), isinalaysay naman ang mga pangyayari sa bawat hukom: si Otniel (3:1-11); si Ehud (3:12-30);
si Shamgar (3:31); si Debora (kabanata 4-5); si Gideon (kabanata 6-8) at ang kanyang anak na si
Abimelec (kabanata 9); si Tola at Jair (10:1-5); si Jefta (kabanata 10:6-12:7); si Ibzan, si Elon, at si Abdon
(12:8-15); at si Samson (kabanata 13-16). Nagtatapos ito sa isang apendiseng naglalaman ng pagdayo ng
Dan sa Laish (kabanata 17-18), at ang mga kasalanan ng mga Benjaminita (kabanata 19-21). Bagama't
ang huling editor ng aklat ay nagsikap na mapanatiling buo ang makulay na mga yugto sa kasaysayan ng
kanyang bayan sa Lupang Pangako, mas higit niyang binigyang-diin ang aral sa likod ng mga
kasaysayang ito. Buong sikap niyang hinango mula sa salaysay ang aral na tumutukoy sa katapatan sa
Diyos bilang pangunahing kondisyon upang makamit ang pambansang tagumpay, samantalang ang
kalapastanganan naman kay Yahweh ay magbubunga ng tiyak na kapahamakan.
PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL...
GOD BLES YOU ALL...