isa kapadin talaga sa masarap mag timpla ng Music kuya jireh ❤
@nyokitv429610 ай бұрын
G wolf din collab mo lodi
@D.OwBlakz10 ай бұрын
next naman heb avi or al james collab
@Kuyaoyofficial_10 ай бұрын
Haha Solid Ron, tagal kong waitings
@OutsideTheBox2310 ай бұрын
Di ko maiwasang manlagkit ang mga titig sa mukha nyang may ika limang titik ng patinig! (U - ika limang titik ng patinig o May ngiti sa kanyang mukha) 🙌🏼🙌🏼 idol Ron!
@jeffsumalinog10 ай бұрын
hndi ko po magets to sobrang lalim kase ni idol ron , pede paki explain sir 😅 parang ikalabing apat ng pebrero sa unang araw ng buwan kung san merong mataong sementeryo
@durwonhines340010 ай бұрын
@@jeffsumalinogPatay ang pag ibig or Sawi "nasawi= patay" NOV 1 ALL SAINT'S DAY
@arielmanulat855310 ай бұрын
In my own perspective, Feb. 14 araw ng mga puso pero patay na patay (Nov. 1) sya sa babae. Correct me if I'm wrong. 😅✌🏼
@lesthervenpanganoron381510 ай бұрын
himayhimay na sa mga double meaning👽
@marlouture360310 ай бұрын
@@arielmanulat8553ito accurate . Pero tatlo ang magiging kahulugan
@theprojectblythe10 ай бұрын
"Bulag daw ang pag-ibig di ako naniniwala, Kung bulag ba't ako nakakakita ng diwata." - Ron Henley 🔥
@bobokiller530510 ай бұрын
Verse nya Yan sa cover nya ng dahil Sayo. Mula dun sa nag pakitang gilas SI bathala
@freeman088510 ай бұрын
Verse niya sa Coke Studio kasama si Iñigo Pascual
@jclsldv09087 ай бұрын
diwata overload ba yan? hehe
@YohannFerbCilot9 ай бұрын
in short " ako'y muling umibig sa panahong ako'y nagluluksa" 🔥🔥🔥 🐐
@SpadeMusic10 ай бұрын
“Parang ika-labing apat ng pebrero sa unang araw ng buwan kung san merong mataong sementeryo” Ang galing! yung mensahe ng kanta ay “hindi na takot magmahal” tapos dinidescribe ni idol Ron sa bridge niya yung pakiramdam ng ma inlove ulit pagkatapos ma broken hearted or galing dun sa stage na takot umibig.
@ybrayanai727910 ай бұрын
Explain mo nga ung line na yan hehe ty
@SpadeMusic10 ай бұрын
sa perspective ko bro ang ibig sabihin non ay “parang valentines day kahit undas" o sa mas madaling salita “naging sabik umibig kahit patay na yung puso o takot na magmahal” kasi para sa akin yung message ng kanta ay “hindi na takot umibig muli” kaya parang dinedescribe ni Ron yung pakiramdam kung paano mainlove ulit kapag galing ka sa heartbreak o sa dun sa phase na ayaw mo na magmahal ulit. Ika labing apat ng pebrero = Febuary 14 (Valentine’s Day) Unang araw ng buwan kung saan merong mataong sementeryo = November 1 (Undas)
@drummm182210 ай бұрын
@@SpadeMusic feel ko ganto ibig sabihin ni ron jan: "parang ika labing apat ng pebrero..." - nacocompare nya sa valentine's day gaya ng sabi mo kuys, parang napapamahal ulit ung feeling nya "sa unang araw ng buwan kung saan merong mataon sementeryo" - good point din ung sabi mo na bumabalik ung pakiramdam kahit nasa stage ng heartbroken, pero ang akin parang patay na patay sya doon sa nililigawan kumbaga, kapag napamahal parang dumarating ung point na naging patay na patay ka na sa taong nililigawan mo
@papalexoverview644010 ай бұрын
Broken sya gaya nung sabe nya nasunog sya dati pero susubukan nya ulit
@markclintiglesias741110 ай бұрын
Isang pag-ibig at Patay na Patay siya.
@BillieSwift10 ай бұрын
Ako lang ba yung ilang beses nag-pause bago ituloy ang kanta para lang i-analyse yung mga double meaning? Grabe ka talaga Ron, master!
@LunaDoja10 ай бұрын
Pinopormahan mo nanaman ako 😮💨♥️
@AdryleMontada10 ай бұрын
yan na nga HAHAHHAH
@ruselsalem112810 ай бұрын
sweeet
@DaxEricksonEbora10 ай бұрын
Sunod-sunod sana mag release ng mga kanta para sa Diwata ng Anunakki.
@marvinpacheco99648 ай бұрын
yeeh❤
@IvanJamesLegaspi10 ай бұрын
Ron Henley just doing Ron Henley things. Grabe yung imagery na nabibigay nung lyrics. Ang galing talaga!
@imcurious275510 ай бұрын
Sa muka nyang may ika-limang titik ng patinig, Letter "u" pang limang titik sa patinig, ibigsabihin naka smile yung babae pag trinanslate mo "Matatamis na ngiti" kaya sya Malagkit titig nya kasi nga matamis, galing
@carljustineodan926110 ай бұрын
ano ibig sabihin sa unang araw ng buwan kung meron mataong sementeryo. ano ibig sabihin bakit marami tao pag feb. 14? sa nasawing pagibig ba?
@oliverpitchuela232610 ай бұрын
@@carljustineodan9261bubuntisin nya yung babae😂
@sherwingonzales76510 ай бұрын
Ron ❤🔥taas balihibo habang pinakikinggan ko to, masasabi kong ikaw ang numero uno para sakin sa pag rarap, d ko mapaliwanag ang ganda ng mga liriko mo ! Salamat
@reinitajannesison319910 ай бұрын
Ron Henley pa rin sa 2024 🔥❤️
@AkoSiDannyDGS10 ай бұрын
Jesus Loves Us All✝️ I hope you all have a good day and night! God Bless You All❤️😁
@jamesmanubay484510 ай бұрын
Iba Talaga ang Lyrism ni Idol Ron Henley di basta basta isa sa mga Legendary 🙌💯🍄🔥
@pandamoako923410 ай бұрын
Ikalabing apat ng pibrero.. Nag papaalam ang mga Tao sa taong mahal nila na namayapa upang magmahal ulit.. Kaya mdaming tao sa simertenyo tuwing February..
@leedarwinyu296410 ай бұрын
@pandamoako9234, boss i think ang ibig sabihin nya sa mataong sementeryo sa unang araw ng buwan is November 1 . di lang ako sure.
@pandamoako923410 ай бұрын
Feb po sir...nakatira ako sa tapat ng simenteryo..hehehe
@leedarwinyu296410 ай бұрын
@@pandamoako9234 ah akala ko undas yug inig sabihin. May nabasa din akong reaction video sir, na pwede din another meaning is di lahat sa pebrero puro pag ibig. Meron din mga nasawi ang puso.
@pandamoako923410 ай бұрын
Sabi nila yun sir..yung akin din namn sabi ko lng din pero nakkita ko at naiintindhan ko.😊😊
@bigatnugaminggamecreator900110 ай бұрын
9 months po ibig sabihin nyan buntis na.. 😊
@johnmererideraarts982210 ай бұрын
"Hindi na" + "Dahil sa'yo" 🥺 Hindi tayo binibigo ni Ron Henley! 🔥❤️
@RaynelleCapuz-hp9mu10 ай бұрын
Nostalgic to wayback 2012 kaputokan ni jireh lim at ron henley ngayon lang nagka collab kakamiss non naka varsity jacket tas nag papaikot ng bimpo sa daliri good times
@bryllejarabe361810 ай бұрын
Mga walang pake sa attendance at gusto pang i enjoy ang music ni Ron ⤵️
@armacabalitao2820Ай бұрын
Been a fan of ron for quite long time. Yung first verse nya inispit nya yan wayback sa guesting nya sa flippish. More than 10 yrs ago na yon. Ganyan sya ka advance magsulat. Hands down master
@navidadjeffersonr32023 күн бұрын
Link
@bruh.246410 ай бұрын
been a fan of Ron since Critical Condition. one of the rappers that always deliver!
@david_G4249 ай бұрын
since day one ng critical condition👌
@ganap695810 ай бұрын
"Kapag kasama sya tumatamis ang asim ng santol" ❤
@kennethdelacruz-c8u10 ай бұрын
ang tagal kitang hinintay kuya ron salamat dito! mahal kita at ng kalawakan !
@CNTHTLR10 ай бұрын
😅
@catapangsimon885910 ай бұрын
🛸 👽
@marsdelmar84419 ай бұрын
Hi Ron. Ngayon ko lang napagtanto, 12 yrs nako nakikinig sayo. Puso'y muling nabuhay sa handog mong kantang makulay..... ❤❤❤❤ Galing ng word play at tugma... balik playground ka ulit😍😍
@uncleen596810 ай бұрын
Attendance check ☑️
@antonwru10 ай бұрын
Present
@kerbsocialf.231010 ай бұрын
Kupal
@kerbsocialf.231010 ай бұрын
Kupal
@lexilore137510 ай бұрын
Bai na bai
@carriehealy_10 ай бұрын
Present po🤟
@wrdp590010 ай бұрын
Gives me that high school vibe ulit. Salamat sa musika mo Ron 💯👊
@jimweldelapena18910 ай бұрын
"di ko maiwasang manlagkit ang mga titig sa mukha nyang may ika-limang titik ng patinig" - Ang ika-limang titik ng patinig ay "U". Ang letter U kung titignan ay parang hugis na nakangiti. at yun ang meron sa mukha nya kung bakit di nya maiwasang manlagkit ang mga titig ❤ Sobrang solid mo talaga, Ron! Saludo, idolo 🙌🏻
@BU683AR10 ай бұрын
👏👏👏, no sh*ts sherlock.
@nilonelyman6910 ай бұрын
Sa lahat ng kanta ni Ron Henley, lagi ko talaga inaabangan yung third verse nya! Kakaiba talaga.
@akosihpeso10 ай бұрын
Sila: Pinapakinggan mo parin si Ron Henley? Ako: HINDI NA...ang bago niyang awitin. Opo! Isa parin ako sa mga nakikinig ng mga obra ni Sir Ron Henley. 🙌
@watchuneed-n5q13 күн бұрын
Goosebumps palagi sa pagka lyrcist ni ron, kaya idol ko to sa pagsusulat e
@arjankananamantv413210 ай бұрын
"lumipad,sumadsad,magmahal,masaktan" handa na nga mag mahal
@OutsideTheBox2310 ай бұрын
Idol Ron salamat palagi sa MUSIKA! 💙💙💙
@batampisnge10 ай бұрын
kahit love song, galing pa rin mag tago ng mga mensahe, lupet talaga batampasigg!!
@nomadz53168 ай бұрын
Solid lalo na pag pinerform na nila to sa wish 107.5 ❤❤❤ aabangan ko yan
@carriehealy_10 ай бұрын
Heto na naman si lodi Ron at ang kanyang makatang kanta, sabayan pa ng matamis na tinig ni jireh 💯🤟❤️🔥
@QVMUSIC10 ай бұрын
Ginising ang puso kong tulog kahit ito'y durog 💣💔
@bogiebogart18749 ай бұрын
Eeeeyyy!!! ngiti ang sukli nya sa akin..
@yuricferatero93110 ай бұрын
Grabe !! 🔥🔥🔥 Umuulan ng metaphor/bars/double meaning ❤💪👊 walang kupas idoL Ron 💪🔥
@christianjavier28810 ай бұрын
Buti nalang may Ron Henley na nabuhay sa mundo! Salamat po sa mga musika mo! ✨🌟✨
@RuelOrtiz-w1o10 ай бұрын
Agawin man sakin ni Adolfo ang trono ng Albanya Iwanang nakagapos sa may puno ng acacia Umaasa sa tinig ng ibong adarna Mabuhay sa pantasya, kasama si Laura. Daaaaaamn 🔥🔥🔥
@eightballpoo10 ай бұрын
deym❤
@tinenebrotarlo25719 ай бұрын
GRABE TALAGA ANG DOUBLE MEANING KUYA RON!! SOLID HENLEY FAN HERE SINCE 2010
@cindymaes.evidente682610 ай бұрын
Baka sakaling makasama ko siya sa pag uwi, parang ikalabing apat ng pebrero sa unang araw ng buwan kung saan mataong sementeryo- valentines=feb 14( make love) unang araw ng buwan ng kung san mataong sementeryo= from february to november (9 months after= gave birth) Can relate november ako pinanganak eh. For sure nagdate c papa at mama nung feb 14. Hahahaha😂😂
@lunns206110 ай бұрын
Kuya Ron!!! Bagohan Ako sa rap at kamakailan lang din nag simula't sumubok, hindi Ikaw Ang naging unang impluwensya ko ngunit nong narinig kita dun ko lubos naunawaan kung ano talaga ang RAP. Maraming salamat kuya Ron! Naway dumating ang Araw na makasama kita sa isang track, sa ngayon tunog Malabo pero Malay natin Diba? Haha, higit Isang buwan Nanaman tong paulit ulit na tugtog dito sa kwarto ko, salamat sa likha mo👽
@OnePunchArman10 ай бұрын
"Sa mukha nyang may ika limang titik ng patinig." Letter U. So naka smile yung girl nice one ron!
@Disturb_Reality10 ай бұрын
Kaka gulat ka naman Ron😅 di ko inaasahan to na makita ko pag open ng yt😅 sakto hihilata palang ako. nawala bgla pagod ko hahaha. okay. Soundtripin na yan hahaha
@MikeAndroRoquita10 ай бұрын
Bukod tangi ang husay at talino sa pagsusulat isa nanaman obra ang inilabas ni kuya Ron Henley. Damang dama. SALUDO! Lupet 🙌🙌
@lhaedrewvistan510510 ай бұрын
Ang pgbabalik !!! Ron Idol henley in d hauz !!! 😊😊😊
@acealfonso65539 ай бұрын
Sa mga di nakagets ng "Parang ikalabing apat ng pebrero, sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo" balikan nyo unang line nya sa second verse para maintindihan nyo ibig nyang sabihin :)
@GcentGoody10 ай бұрын
RON HENLEY 🫶🏻♨️
@neilanthonyazogue832510 ай бұрын
The one and only RON HENLEY 🖤💥💯
@EllieJhonBandojo10 ай бұрын
IBANG IBA TALAGA YUNG OG SA MGA BAGUHAN, SOLID KA RON! ❤
@TYROofficial1110 ай бұрын
Master ron ! Isa ka sa dahilan kaya ginaganahan ako lalo mag sulat ng sarili kung obra! Congrats sayo, sana may MV to. ❣
@russelmedina555810 ай бұрын
wow smooth!! dagdag sa playlist. salamat Ron!
@geelsoriano176810 ай бұрын
Sana next vid ay may mv na kuya Ron solid ng nilalaman ng kanta mo na ito ❤. Idol since sa kantang biglang liko here ✌️
@uselessarmor816210 ай бұрын
panahong Sikat yung Buko at Biglang Liko nila Jireh at Ron. tas ngayon nagsama pa. deym Highschool days ko.
@Crimxonous10 ай бұрын
Punong puno ng figure of speech ❤
@Deldzee10 ай бұрын
Walang kupas basta Ron Henley lyrical sinabayan pa ni Jireh Lim namay suwabing boses ganda talagang collaboration👏🥳
@cherrylainebotes7 ай бұрын
parang ika labing apat na pebrero . sa unang araw ng buwan kung saan merong mataong sementeryo . nakuha ko ang ibig sabihin na . ang puso nya ay patay na patay sayo ❤ simple lang mga lalim ni ron sa mga kanta nya pero tumatatak .
@mharkytv149810 ай бұрын
"Bulag daw ang pag-ibig pero di ako naniniwala, kung bulag bat ako nakakita ng Diwata" 🥰 -Ron Henley
@robest1769 ай бұрын
Isang porsyento sa tinutukoy mo na mana idol Ron!Nice track salamat!
@mikedanielbalanquit30372 ай бұрын
Idol wag ka mag sasawa gumawa ng kanta isa ka sa pinaka malalim mag sulat 💯🔥
@johnmendozatv910110 ай бұрын
GANDA PAGKA SULAT RON WITH JIREH LIM NICE SOBRANG LAKAS NG MGA SULAT😢❤
@tomasgarcia564410 ай бұрын
"Bulag daw ang pag-ibig, Di ako naniniwala kung bulag bat ako nakakakita ng diwata" hanep !!!
@juliusreycalderon19989 ай бұрын
Kung malaman ko yung ibang meaning ng lyrics o hindi, talagang mage enjoy pa din ako pakinggan 'to dahil smooth ang flow.
@jaemusic69610 ай бұрын
Katatapos ko lang kumain pag out naalala ko naglabas nga pala si inspirasyon RON HENLY!!! 🧯
@LavaDimpol7 ай бұрын
Idol ang galing talaga ng double meaning mo Lahat ng music ko d2 ron henly talaga..❤
@GGGRRREEEIIII9 ай бұрын
Araw ng mga patay ng puso niya ay muling umibig at nabuhay. ❤
@yujinverseee10 ай бұрын
Solid, alam ko kung kanino to dedicated. We missed u King of Double Meaning!
@babyfacekillahhh10 ай бұрын
Pano mo alam ey
@kaczarwin10 ай бұрын
"Parang ikalabing apat ng pebrero, sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo" kulit neto
@cindymaes.evidente682610 ай бұрын
Anu meaning nun? Hehehe
@acealfonso65539 ай бұрын
@@cindymaes.evidente6826 balikan mo first line nya sa second verse para maintindihan mo
@lawrencefrago26849 ай бұрын
Iba talaga si boss ron. 🔥 Last part na lang double meaning pa. 👌
@maslamc213710 ай бұрын
Bat ganito yung kanta na to, kahit di ako fan masyado ng mga love song, iba yung vibe na binibigay, napaka chill.. iba talaga mag sulat si ron.. napaka balanse sa kahit saang aspeto..
@maryrosedimasiado233810 ай бұрын
Dahil sa'yo! ako'y na papa-isip, naka upo! habang nakikinig, ng musika mo hanggang sa maintindihan ang lyrics mapa-tungo!
@greedyofsomething9 ай бұрын
galing din ni jireh! walang kupas yung boses 🤩
@AljhunPilla-c5b10 ай бұрын
Bulag daw ang pag ibig di ako naniniwala kung bulag bat Ako nakakakita ng diwata ♥️🔥🔥
@danielmiranda30106 ай бұрын
Ron henley napakalupet mo tlga dekada nakong nakikinig at nakaabang sa musika mo.❤
@jojoleal302610 ай бұрын
Swabe yun idol ron henly...bangis ng panghuling tunog nagpapalipat lipat sa tenga yun tunog kapag earphone or earpods gamit..
@slogsofrizalhoodlum11059 ай бұрын
Ang tao na dahilan kung bakit ako nasa industriya na to 💯❤️
@krazzychannel9310 ай бұрын
Soliddddd talaga pag Ron Henley paranh ayoko na magplay ng ibang kanta ngayon buong araw sa sobrang ganda ng Kantang to! 👊👊
@enjoyenjoy476010 ай бұрын
buti nalang talaga may Ron henley pa and opm rap 🙌🏻
@Jcmagno_official9 ай бұрын
Legendary Ron! 🔥
@vaughnblaze997210 ай бұрын
Lupeeet talaga pag Ron henley 🙌🏼 samahan pa ng jireh! Lalong sumwabe 👌🏼
@jaystingleece31229 ай бұрын
Alien ka talaga Sir Ron 👽
@chasingmariamusic265010 ай бұрын
Pasulyap akong nagbayad Ngiti ang sukli nya sakin.. 🔥 🔥 shiiiis May lofi part pa sa huli... ❤😊😊
@XedramMariano-xy7jg10 ай бұрын
Last verse ni Ron lyrics ng Dahil sayo. Damn 🔥 King of Double Meaning👽🛸
@jayehm1366610 ай бұрын
ang solid nito! may matgal n kong sinasabihan n gusto ko, bsta bahala na! haha
@Jtraaap10 ай бұрын
Basta kuyaa Ron💖
@ArvinMerano10 ай бұрын
Ganda talaga ng atake kapag Ron na Yung nag love song👌
@Trppy_Beans9 ай бұрын
Swabe ang pagkakahalo-halo malasa ang pagkakaluto💥🔥
@kuaguardgamingyt329510 ай бұрын
Nc idol ron henley. Props kay jireh lim more collabs sa mga hip hop artists.
@bloodpaco.113410 ай бұрын
Iba talaga pag RON ANG NAGSULAT 🙌🙇 Lodi since Day1 🙌🙇
@briqqsss563310 ай бұрын
Late nako sa trabaho pero di ako tumakbo chillax lang sa kanta mo hahaha solid ron
@JOEMERSELMA10 ай бұрын
Bulag daw ang pag-ibig, di ako naniniwala Kung bulag, ba't ako nakakakita ng diwata
@Apex-td8sw10 ай бұрын
Ibang liresismo talaga lagi hinahatid satin ni idol Ron Henley. Walang kupas, walang kapares.
Finally!! nag released ulit ng bagong kanta tagal kong/naming naghintay. Ganda ng kanta at lalim 🔥👏🏽👌🏽
@wollyrolls10 ай бұрын
"Hindi na, Kakatakot ang umibig. Hindi nakakatakot ang umibig muli."
@miggyso479410 ай бұрын
Ron Henley ang mga nauna mag tayo ng stage for hip hop 🔥❤️
@GwynethrhioRosas10 ай бұрын
"Bulag daw ang pag-ibig di ako naniniwala kung bulag bat ako nakakakita ng diwata"
@wilfredodeasis54110 ай бұрын
Yowwnn Kahit matagal maglabas ng music si idol di talaga nasasayang ang paghihintay. 🔥💖 Tapos featuring pa si Jireh Lim 🔥💪🏼 Solid Idol Ron 💯 🔥💌
@ClaudioGonzales-s1g10 ай бұрын
Bagong papakinggan nanaman pero Wala ng makaka talo sa Venus mo idol Venus is my favorite ❤
@kramzhayt292410 ай бұрын
Habang ako'y naglalakbay May nasilayan akong isang dalagang nag-aantay Nag-aabang ng sasakyang kanyang paparahin Walang kasama kaya naisip kong kausapin Hinintay ko lang na mapatingin sya sakin Bahagyang nalimutan kong ako ay mahiyain Biglaang nagkapuno at nagbunga ng mangga Nung napansin ko ang ganda ng mapungay nyang mata Sa bagal ko ako ay naunahan ng kaba Nangamba na baka may nagmamay-ari ng iba Kaya naman ako ay naglakas loob Ginising ang puso kong tulog kahit ito'y durog Nasunog nako dati, susubukan kong muli Bakasakaling makasama ko sya saking pag-uwi Parang ika-labing apat ng Pebrero Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo Pagkatapos kong pataasin Ang mga bakod ay Pwede nang tibagin Ako'y handa nang muling Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan Buksan na ang mga bintanang selyado At ang pintuang nakakadena at kandado Ako'y handa nang muling Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan Nakausap ko sya Undas Pagkatapos kong madukutan sa bus Imbis magalit, ngiti ko'y abot anit Mula impyerno bumulusok parang rocket pataas patungong langit Isang panaginip na nagkatotoo Sumuntok ako sa buwan at tumama sa noo Puso ko'y biglang tibok kahit bugbog ito't sugat Na nagturo sa aking kamay muling magsulat Mga patay na ugat muling nabuhay Ang mga kahong puti't itim ay nagkakulay Mga nakayukong gulay muling nagbigay-pugay Ulo ko'y nagkasingsing kahit may sungay Agawin man sakin ni Adolfo ang trono ng Albanya Iwanang nakagapos sa may puno ng Acacia Umaasa sa tinig ng ibong adarna Mabuhay sa pantasya kasama si Laura Kapalarang sumasakto sa bagsakan ng tambol Pag kasama sya tumatamis ang asim ng santol Parang ika-labing apat ng Pebrero Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo Hinahanap-hanap ko sya Parang araw na hinahanap-hanap ang mga guma-melang Parang labi nyang mapupula Kung pagtingin ko sa kanya'y ulan, umaambon na Nagkaututang-dila tungkol sa buhay-buhay Naging peke ang paligid at sya lang ang naging tunay Sa lalim, kung sisisirin di mo kakayanin Pasulyap akong nagbayad, ngiti ang sukli nya sakin Rinig ko ang awitan mula sa kalangitan Kasabay ng pagsayaw ng alon sa dalampasigan Nagdiwang, nagpaulan ng pana Parang ligaw na bala nang sa puso ko tumama Sampayan ng bituin ang langit, ang nasungkit ko ay tala Nung sya'y ginawa marahil nagpakitang gilas si Bathala Bulag daw ang pag-ibig di ako naniniwala Kung bulag, bat ako nakakakita ng diwata Di ko maiwasang manlagkit ang mga titig Sa mukha nyang may ika-limang titik ng patinig Parang ika-labing apat ng Pebrero Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo Pagkatapos kong pataasin Ang mga bakod ay Pwede nang tibagin Ako'y handa nang muling Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan Buksan na ang mga bintanang selyado At ang pintuang nakakadena at kandado Ako'y handa nang muling Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan Hindi na... Kakatakot ang umibig Hindi na... Kakatakot ang umibig Hindi nakakatakot ang umibig muli Hindi na... Kakatakot ang umibig Hindi na... Kakatakot ang umibig Hindi nakakatakot ang umibig muli