PALIPARAN (R.Henley) I. 'Di sa pagdadrama Mas malungkot pa sa bagsak ng tunog na'to ang aking nadarama Ako ay lumuluha patago habang nakatayo Pinagmamasdan ka papalayo Sa bawat pagsubok alam kong tayo ay lalago At sa alaala ko habambuhay naka-tato Minsan may araw na hindi pinapalaro ni Jawo Kahit bano, sinamahan mokong maupo sa may bangko Basa man ang lansangan, tuyo man ang ulam Tayo'y nababalot sa kumot at unan At tanging sa platito lang ang ating tagpuan Sa mundo kung pinagkasundo ang asukal at suman Umapaw ng larawan at tawanan magdamagan Magkahawak ng kamay inaabot ang kalawakan Masyado tayong nagsaya Naniningil ang kalungkutan at ang pintuan ay tuluyan na ngang nagsara KORO: Ang tag-init umabot na ng anim na buwan Kung minsan tatlong linggo lang Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian Halos laging tag-ulan Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan Sa paliparan II. Nasaktan lang kita, habang wala ka Ako'y nasa kama ng iba, di ko talaga kayang mag-isa Gantihan hanggang sa lumala, nagkasakitan Praningan dahil puro kasinungalingan Di ko na kelangang salagin, ako ang salarin Kaya minsan nahihiyang harapin ang aming salamin Dahil nagawa ko'to sa babaeng nagmahal ng wagas sa akin Nagnais lang namang maibalik ang tingkad ng dating Kulay ng pag-iibigan na parang bahaghari Kung sa'n panay bulaklak at masagana yung ani Pinaghalong lungkot at panghihinayang Ilang taon ding iginapang, nawala lang, tuluyan lang nasayang Baon mo ang ating plano pagsakay ng eroplano Kaso sabay sa'yong paglipad, agad itong naglaho Bago ka umalis at bago rin ito matapos Nais ko lang munang magpaalam sa'yo ng maayos, uh! KORO: Ang tag-init umabot na ng anim na buwan Kung minsan tatlong linggo lang Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian Halos laging tag-ulan Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan Sa paliparan III. Tapos na nga ba tayo? o baka naman hindi pa Bakit mali pa rin ng isa't-isa ang ating nakikita? Nababawasan na nga ba ang paglalambingan natin? Para akong lalagnatin sa t'wing nanlalamig ka sakin Marahil nagawa ko lang 'to Dahil may mga nagawa ka rin sa akin na nasaktan ako Kaya nu'ng nalulungkot ka, ako yung hinahanap mo Ngunit mas pinakinggan ko yung tawag ng laman kesa sa tawag mo Di naman kailangang magka-ilangan dahil lamang nagkasigawaan Kung ika'y nahihirapan, ang bigat gumagaan 'pag binibitawan Parang tubig sa bakal, hinangin tapos kinalawang Nakalusot ka sa lansangang akala ko'y walang kaliwaan Kaya salamat nalang sa pabaong alaala May napulot akong aral sa ating pagsasama Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon ay naitawid naman natin sa butas ng karayum KORO: Ang tag-init umabot na ng anim na buwan Kung minsan tatlong linggo lang Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian Halos laging tag-ulan Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan Sa paliparan OUTRO: Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan Palakad-lakad mag-isa sa may hintayan Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan Andami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang "PAALAM"
@LENZ10185 жыл бұрын
solid
@hypoplasticcal19065 жыл бұрын
Salamat dito kuya Ron!
@j.stan-e78695 жыл бұрын
Siya ba to lods?
@mharheabanting5 жыл бұрын
Solid ng bagong kanta. Lakas maka senti. Kung saan saan dadalin na naman ang imahinasyon mo. 😍
@mrdlflow58085 жыл бұрын
Nice lodz
@ledifvcKING5 жыл бұрын
"Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon, ay naitawid naman natin sa butas ng karayom." That line tho. Tagos sa puso
@wiljibril13813 жыл бұрын
pupwede din syang marelate sa Unalome symbol na path to enlightenment. alam mo naman si kuys Ron sapinsapin ang hain
@mazzatokawanishi43363 жыл бұрын
@@wiljibril1381 oonga e, tumaba nga ako sobrang tamis ng bawat linya
@uchihabutsuma5593 жыл бұрын
Methaphor pre
@zmzbro5 жыл бұрын
1% who is reading this, i hope youll be successful in life
@crisisaliest6605 жыл бұрын
yung percentage kung related ba yung comment mo dito sa kanta ni Ron Henley ay mas mababa pa sa 1% na sinasabi mong ang magbabasa nyan ay magiging maunlad sa buhay. Fuck that*
@riaetats5 жыл бұрын
salamat kaibigan
@carllouiseofficial4 жыл бұрын
Salamat kaibigan :)
@juliuspazziwagan61904 жыл бұрын
Masyado tayong nagsaya Naniningil ang kalungkutan at ang pintuan ay tuluyan na ngang nagsara- literal siningil lahat walang tinira
@otep47483 жыл бұрын
“Masydong tayong nagsaya, naniningil ang kalungkutan”.
@jocamz_clips5 жыл бұрын
Eto yung musikang di na kailangan pa ng auto tune.. marami man ang nagbago ng pandinig.. ang tunay na nakaka alam ng tunay na likha, ay nananatiling makikinig.
@patricksinatraadelacruz31904 жыл бұрын
Di ko magets bakit underrated parin si Ron Like sobrang solid ni Ron sa mga lyrics
@darellemariano65865 жыл бұрын
Ron Henley! Fans since 2013!!... may panibagong kanta nanaman akong kakabisaduhin na mula kay idol ron henley! Keep it up!
@wiljibril13813 жыл бұрын
legit mga sapin sapin mo kuys. yung koro at panapos
@jezahexclusive81535 жыл бұрын
Saktong sakto tangina. Kaway kaway sa mga batang nag abroad! ✊💘 20 ako umalis Pinas, 23 nako ngayon at nagkahiwalay kame kase di kinaya LDR. saktong sakto lyrics! laban tayo mga batang OFW! 💖💖💖
@wasteoftime58045 жыл бұрын
Highschool, college, gang naka trabaho n ako, Nag ka pa pamilya nasa playlist ko pa rin mga kanta mo idol 🔥🔥🔥 download ko naman to😊 pti anak ko kilala na mga kanta mo salamat sa musika!
@haze3005 жыл бұрын
Same!
@RonHenleyTV5 жыл бұрын
Solid 🤘🏽
@KLebBigWavesENT5 жыл бұрын
Congrats tol!!!! Salamat sa inspirasyon para lalo ko pang galingan!!!
@aserotingga77015 жыл бұрын
Lisenyado nako mag maneho.
@hakb77875 жыл бұрын
@@aserotingga7701 congrats man! painom ka na 🍻
@aserotingga77015 жыл бұрын
@@hakb7787 haha liriko yan ni idol k leb😅
@wiljibril13813 жыл бұрын
"Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon, ay naitawid naman natin sa butas ng karayom." pupwede din syang marelate sa Unalome symbol na path to enlightenment. alam mo naman si kuys Ron sapinsapin ang hain at spiritual na tao.
@mackee39135 жыл бұрын
Im here at abroad dubai... Kapag napapakinggan ko mga kanta ni ron henley lalong lumalakas loob ko.. Sobrang gaganda ng mga kanta ni ron henley... Salute... Support local rap artist.
@kenokk7045 жыл бұрын
one of the best writer of pinas 👽🔥
@OnePunchArman5 жыл бұрын
7 years kami at magpapakasal na dapat, pero nagloko sya sa abroad nakakita ng ibang lalake, 3 years na ang nakakalipas, halos laging tagulan pa din sa akin
@MATTEYO.5 жыл бұрын
Tuloy ang buhay kuya :))
@jong-jongspeaks42244 жыл бұрын
Sana okay ka na ngayon tol.
@ardenparajes72793 жыл бұрын
Isipin mo nalang isa lang sya sa mga babaeng makikilala mo tol
@nitsujmauricio61305 жыл бұрын
Ganda. Idol
@aetiamsimsaul83425 жыл бұрын
Sobrang makaka relate ang ofw dito . Sobrang totoo ! Kung may mag tatanong man sakin kung paano ko nabubuo tong personalidad ko malaki ang naging parte ng mga kanta ni ron henley! Salamat sir ron madami kang nasasagip .
@jezahexclusive81535 жыл бұрын
yessss
@saidatwice2105 жыл бұрын
Umaasa akong papatok to, solid ng mensahe at yung blending boses!! Pero di na ako magugulat kung di to mapapasin, kasi ganon naman diba, mas mapapansin yung mga walang kwenta yung laman ng kanta kaysa sa may magandang mensahe! Like kung agree kayo! Support Idol Ron!
@frankizta82555 жыл бұрын
1% of reading this, I hope something good comes to you this year!
@lykssesgundo55562 жыл бұрын
"Andami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang PAALAM"
@juliandeguzman19145 жыл бұрын
kaya mahirap ang LDR eh..😢😢 daming relasyong nasira dahil dyan. Ang lalim ng hugot ni Ron Henley dito pero da best talaga sa pagsusulat. idol talaga kita at lalabs pa😘😘😘
@haroldalison17015 жыл бұрын
Idol ron pa like naman oh..ito music na to sounds like VENUS
@jaynielalburo57865 жыл бұрын
Bakit kaya di maiwasan ang nag didislike😥 hndi ba sila nakaka relate sa nilalaman at kung ano ang ibig sabihin ng local rap songs.. Btw congrats Sir Ron henley sa bago mong album.
@RonHenleyTV5 жыл бұрын
All good in da hood. Ayos lang yan, balanse lang. Apir! Salamat sa oras tol 👌🏼
@jaynielalburo57865 жыл бұрын
Ron Henley salamat sa pag reply idol ron😊 godbless sana madami kapang i release na music
@kristiandaryldavid13744 жыл бұрын
ito ung kantang lagi ko pinapatugtog bago ipinanganak ung anak ko,at bago maosipital mama ko na may cancer, ung mensahe na "sa tuwing may bagong darating meron din maiiwanan" tumatak sakin yan pinanganak ung anak ko ka Birthday ko, 4 days after namatay mama ko,di ko alam bakit lagi ko pinapatugtog to bago mngyre un lahat, dko alam kung nagkataon o anuman pero napaka lalim ng mensahe sakin ng kanta na to umakma sa naranasan ko. 🖤🤍
@ghettofoe96535 жыл бұрын
'Kung ika'y nahihirapan, ang bigat gumagaan kapag binitawan'
@dawggmike5 жыл бұрын
Ron does it again!! Thank you Ron! Sa mga kantang pampakalma. God bless you Sir! 🎧
@poetrysociety16005 жыл бұрын
Salamat sa palaging pagiging inspirasyon Pat!!!! isang malamig na RH para sa awiting masakit ni RH
@fazylucker39075 жыл бұрын
Pound for pound one of the best lyricist sa pinas.
@DxHxAxNxIxCxA5 жыл бұрын
"Bakit mali pa rin ng isa't-isa ang ating nakikita? " This hit me harder than a train could
@bestmateo41084 жыл бұрын
Time check 12:37 am. Ngayon lang ako nag puyat ng ganito. Soundtrip lang ng mga kanta mo kuya. See you soon.
@RonHenleyTV4 жыл бұрын
👽👌🏼
@devaes5 жыл бұрын
Tapos naba tayo ? O baka naman hindi pa . Bakit mali parin ng isat isa ang ating nakikita . Nababawasan na nga ba ang paglalambingan natin ? Para akong lalagnatin sa tuwing nanlalamig ka sakin .
@markgeromecasaul988010 ай бұрын
"Baon mo ang ating plano pagsakay ng eroplano kaso sabay sayong paglipad agad itong nagglaho" this one hits me hard
@chrisjan31805 жыл бұрын
yownnn!!! ang pananahimik ni ron ay pagbibigay daan sa iba habang gumagawa sya ng bagong daan para sa kanya at sa mga susunod na uusbong.
@strawberryswisher8935 жыл бұрын
Salamat sa kantang regalo Ron!
@danrefuncion2743 жыл бұрын
Ron wag kang tumigil, mauuhaw yung mga naghahanap ng may kabuluhan.
@cjaquino28873 жыл бұрын
Mas maganda pa rin yung walang titulo ng kanta neto, solid na solid yon, sana yun ang nilabas ni idol ron
@biansoralmerol42725 жыл бұрын
yun nag labas rin
@pinkuyasha6462 жыл бұрын
whyyyy....WHY??? the timing is just 💘 grabe ang kantang to.. parang ginawa talaga saken 😭 inexplain lang naman ang relationship ko dito. ang sarap mag mura! 😅 hayyy. maka inom nanga habang playing this song on repeat. 😭 salamat sir Ron for this masterpiece. 💖👌💯💯
@ramramr4m5 жыл бұрын
Tagal rin bago ka sumulat ulit Ron. Salamat! Isa ka sa mga inspirasyon ko para sumulat at maghatid ng mensahe. Sulat lang ng sulat gee. Safe
@MRBruce-vw2qm5 жыл бұрын
Iba talaga. Solid! Hagdan papuntang venus habang nag aantay sa paliparan nakakita ng mga platitong nag liliparan! Idol talaga!!! Sana maka jam
@angelynreyes58575 жыл бұрын
"Andame pa natin sinasabe, anim na letra lng ang salitang PAALAM" Ansakeeeet uyyy 😭💔
@aeronxwish53152 жыл бұрын
"buhol buhol man ang sinulid ng ating kahapon ay naitawid naman natin sa butas ng karayom" 2010 noon itong ito ung sinabi ko sa ex ko bago kami maghiwalay bago ko piliin sarili ko
@cjaquino28873 жыл бұрын
Idol yung walang titulo gusto ko ulit mapakinggan. Napakasobrang solid non
@eulyyyb5 жыл бұрын
Sobrang swabe ng dating ng drums, piano at ng lyrics.. Walang bahid ng pagkakamali. Ang sarap
@skrmnghrd45204 жыл бұрын
na luha ako sa trabaho kung ina. Tagos na tagos yung kanta sakin. -.- 1st hangang last verse. Pati yung "nasa kama nang iba" hangang sa "naitawid natin sa karayum"
@promoves82445 жыл бұрын
SOLID TALAGA IDOLO KITA RON SINCE DAY 1 NA NAPAKINGGAN KITA WALANG NAKAPALIT SAYO SAKEN MADAMI MANG BAGO IKAW PARIN PINAPAKINGGAN .
@saidatwice2105 жыл бұрын
Pangarap kong maging isang rapper at si Ron Henley ang iniidolo ko. Mabigyan lang ako ng pagkakataon na makapagrap, hindi ko sasayangin yon, magsusulat ako ng mga lyrics na may laman.
@jva71253 жыл бұрын
Tanging sa platito lang ang ating tagpuan, Sa mundo kung sa'n pinagkasundo ang asukal at suman. Waiting for MV of this song idol.
@jasonvelardetv5 жыл бұрын
Di sa pagdadrama mas malungkot pa sa bagsak ng tunog nato ang aking nadarama
@wilmarkbiol61313 жыл бұрын
"Masyado tayong nagsaya, naniningil ang kalungkutan"
@zmt30825 жыл бұрын
Ron henley ang lupit mo talaga. Na aalala ko yung araw na nakita kita sa timog. Kasama mo sila budha at rjay ty. Sinabi mo sakin kung paano ka sumusulat. Ngayon sumusulat na ako ng dahil sa payo mo. Salamat sayo ay keep it up!
@larzescobar33542 жыл бұрын
Hanggang ngayon todo balik ako sa mga kanta mo luma at bago at hanggang ngayon talaga di ko magaya yung sulatan mo idol. since day one nung narinig kita di ko na nilubayan mga songs mo sana balang araw makasama kita sa isang kanta more music talaga idol.
@Hoshi_GG5 жыл бұрын
one of the best meaningful song composer/rapper in pinas! idol ron henley!! ☝💚
@leinnarranniel13765 жыл бұрын
Autolike kahit di pa napapakinggan!!
@arieusduran5 жыл бұрын
Hindi nakakaiyak yung kanta pero naiiyak ako! Grabe Ron sobrang lupit nito! Platito at Paliparan speechlessssssss! More power God bless!
@myloryu62865 жыл бұрын
Parang don't go away ng oasis yung pakiramdam ng kanta habang pinapakinggan ko . Sarap sa tengga lalo na pag nag sesenti
@haze3005 жыл бұрын
Dahil sa mga kanta ni Ron, lalo ko pang gagalingan, gusto kitang higitan! O kung hindi man e mapantayan! Aaahhhh!
@donpits78535 жыл бұрын
Andami pa nating sinasabe , anim na letra lang ang salitang "PAALAM" relate na relate ang karamihan sa kanta mo idol , uragon ka talaga idol 😎
@silent_38125 жыл бұрын
Ewan ko lang tlga bakit mas mataas views ng iba kesa sa mga gnitong tunog🔥🔥🔥
@levbelleza92655 жыл бұрын
Tuloy lang ang pagbabago ron diretcho lang sa tamang daan.
@prankcastle4150 Жыл бұрын
Tangina, siya talaga naalala ko dito. Kaso pinag kaiba, hindi naging kami. Hindi ko rin siya hinatid sa paliparan. Hinayaan ko nlng siyang lumipad kung san niya gustong pumunta. Hangang, tuluyan na ngang sumarado na pintuan naming dalawa.
@dithsey815 жыл бұрын
Classic na ron henley. GOAT TALAGA 💕❤
@anasenuiq23645 жыл бұрын
Grabe 7 years na kitang iniidol, sana masulyapan ka man o makanuod ng isa sa mga gig mo. Sana mag karoon dito sa Antipolo 🙏
@aidy62154 жыл бұрын
"ngunit sa tuwing bumabalik sya ng kanyang kaharian, halos laging tag ulan" gets mo din ba? 😂🍄
@josephdejuanjr57204 жыл бұрын
Taba ng utak mo IDOLO.
@purajoseph16214 жыл бұрын
Diko gets hehe
@riosegismundo75164 жыл бұрын
Paulan tau hahaha
@karlramirez55293 жыл бұрын
Sure ang 🍄 pag tapos ng ulan 🤣👌
@kyleexequelgalvez31433 жыл бұрын
Tag ulan: literal na tag ulan(buwan ng desyembre hanggang pebrero) Tag ulan: iyakan Tag ulan: laging basa(lam na yan😂)
@SorianoJanduen2 жыл бұрын
Ang dami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang paalam
@nurginda35853 жыл бұрын
Lidso wow panes ako boom. Hindi sa pagdadrama
@manueladrias77723 жыл бұрын
kelan kaya tutugtugin sa wish bus to ! solid lyricism !!!
@charlesmiguelllorca15142 жыл бұрын
Halos laspagin ko tong kanta na to. Sobrang sakit ng mga lyrics. Pero sobrang solid ng ender. Idol talaga
@valderamajerome32415 жыл бұрын
sa lahat ng artist sa pinas isa si Ron henley na nakilala ko.
@sono24635 жыл бұрын
Kakaiba talaga sumulat ng kanta c Idol Ron may sarili syang style na hindi mu maririnig sa iba 😁 more power idol 💪
@jmsoftight89885 жыл бұрын
The best tong si ron henley siya yung middle child ng hiphop sa pinas
@ronsicat83915 жыл бұрын
LDR solid maka relate salute idol Ron keep up!
@paolopacayra92543 жыл бұрын
sa tuwing may bagong darating ay meron din naiiwanan.
@gabrielalconera65995 жыл бұрын
Soundtrip koto araw araw napaka solid tlga grabe sa written si ron henley
@OnePunchArman5 жыл бұрын
Like agad kahit di ko pa napapakinggan, basta ron henley subok na yan
@crisvargas10845 жыл бұрын
Isa sa mga "pinaka" mahusay na makata sa pinas !!! Idoll
@andrewfelipe3265 жыл бұрын
Solidan na naman.
@oneeye90763 жыл бұрын
WALANG MAKAKA TUMBAS NG GALING MO RON NABABALIW AKO SA KANTA💨
@jesusdistor32143 жыл бұрын
Mzta bro god bless lagi sa mga song's mo idol tlga kita cmula plang alm q idol mo tlga c Eminem...
@hannahbarcelon49305 жыл бұрын
"andami pa nating sinasabi, anim na letra lang ang salitang paalam :) "
@lesterdelacruz51125 жыл бұрын
Iba ka talaga magsulat sir Ron. Kung lyrics lang talaga at methapor panalong panalo talaga
@johnluisepadernos59122 жыл бұрын
"Di sa pag dadrama, Mas malungkot pa sa bagsak ng tunog na to ang aking nadarama"
@gens.x0194 жыл бұрын
``Pinag-kasundo ang asukal at suman``
@miguelmanalansan62725 жыл бұрын
Grabe yung mga ginamit na salita.. Well constructed.. The feels... Salamat sa musika Ron!!
@emaq4815 жыл бұрын
IDOL! Maraming salamat sa lahat!❤
@arniejohncubillas24315 жыл бұрын
Iloilo city naman idol Ron Henley solid to !!!
@arniejohncubillas24315 жыл бұрын
Wooop 👽
@cheztierleedimplearlos71445 жыл бұрын
I love you Kuya Ron! Ive been listening to your songs since 2012 when I was First Year Highschool. 😍😘
@migueljose91523 жыл бұрын
Same tayo
@markjosephu.briguela50995 жыл бұрын
Overflowing yung methapors. Grabe. Waiting for Ron x Because. Haaaaay
@gerbie45255 жыл бұрын
grabehan na talaga sir ron
@cyrusmarquez235 жыл бұрын
Kung ika'y nahihirapan,ang bigat gumagaan'pag binibitawan
@leoreylumapas70145 жыл бұрын
Buhol buhol man ang sinulid ng ating kahapon, ay naitawid naman natin sa butas ng karayom. Galing idol Ron!!
@budz15065 жыл бұрын
Grabe ka talaga idol. Sarap talaga iterno sa pipa bawat obra mo.
@RonHenleyTV5 жыл бұрын
👽👌🏼
@aserotingga77015 жыл бұрын
Hindi sa pag dadrama pero akoy mas masaya pa sa fans ng bagsakan, akoy naka ngiti habang nakikinig obra mo, haha idol
@christiantune16374 жыл бұрын
The best kalawakan writer sa pinas
@pinoyastig55145 жыл бұрын
Bangis mo talaga ron henley ikaw talagang idol ko dati pa.
@mharheabanting4 жыл бұрын
2:11 am senti mode. Dama talaga bawat salita mo lodi Ron. Salamat sa musika. Habam buhay magiging taga hanga mo.
@noelbontog97544 жыл бұрын
matagal kona tong napakinggan tas pinakinggan ko ulit ngaun kung kelan kaka-break lang namen ewan koba tumayo balahibo ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.
@alduintagab51003 жыл бұрын
Andami pa nating sinasabi anim na letra lang ang salitang paalam🔥
@xtellearandia3813 жыл бұрын
"Ngunit mas pinakinggan ko yung tawag ng laman kesa sa tawag mo..."