Рет қаралды 28,069
Nagpasalamat si Sen. Imee Marcos sa kaniyang kapatid na si Pres. Bongbong Marcos sa pagsama sa kaniya bilang bahagi ng senatorial slate ng administrasyon para sa 2025 elections.
Pero anunsyo niya ngayong Sabado, Sept. 28, mas minabuti aniyang tumindig mag-isa para hindi na malagay sa alanganin ang kaniyang kapatid, “para ‘wag nang mag-alinlangan ang mga tunay (niyang) kaibigan.”
“Pinipipili ko na lamang manatiling malaya at tapat-hindi sa isang grupo, kundi sa bawat Pilipino,” saad pa ni Sen. Marcos.
Nitong Huwebes, Sept. 26 nang opisyal na ipakilala ni Pres. Marcos ang 12 senatorial bets ng kaniyang administrasyon sa ilalim ng ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas.’
Ayon naman sa campaign manager ng Alyansa na si Cong. Toby Tiangco, naniniwala sila sa kakayahang maglingkod ng senadora at patuloy na susuporta sa kanya. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph