There is something i just needyan ang saliw ng multong kung tawagin ay paglimot.last christmas i gave you my heart but the very next day you gave it away. Yan ang melodiya ng kantang kung tawagin ay pag iisakung mawawala ka sa piling ko sinta, paano ang paskong alay sayo.Yan ang himig ng tinig na kung tawagin ay pagsambapaglimot, pag iisa, pag sambamga multong matagal na bumisitasa haba, sa gitna sa lalim ng pagdiriwang ng ibasa haba, sa haba ng listahan ng iyong ipamimili sa haba ng pila sa grocerysa haba ng traffic sa iyong pag uwipumapasok ang paglimotbagamat masaya ka at naka ngitipag limot, hindi sa ilan pang gamit na hindi mo naisulat kamamadalikundi paglimot sa ano nga ba?nalimot ko na din yata sa gitna, sa gitna ng kalansing ng mga tansan ng mga nangangaroling na mga bata. sa gitna ng ingay at tawanan ng mga kamag anak mo na minsan mo lang makita, sa gitna ng mga pagbati na iisa lang ang talatapumapasok ang pag iisa bagamat masikip dahil sa dami nila ang pag iisa ang masasabi kong pinaka madalas bumisita ang may pinaka malakas na boses sa kanila bulong na sumisigaw wala kang kasama!walang nagmamahal sayo! walang nagmamahal sayo! napaka lakas ng bulong na nag iiwan ng umaalingawngaw na tanongwala nga ba? baka nga wala sa lalim, sa lalim ng tila pagka unawa mo sa kahulugan ng pasko sa lalim ng mesaheng bitbit nito na tila itinanim sayo sa lalim ng buntong hininga dahil ito parang serbisyo lamang para sayoLikas sa kaalaman mo na itoy tungkol sa pagbibigayan, pasasalamat, pagmamahalan. At dito pumapasok ang pagsamba, pagsamba sa unang dinig ay wala namang masama hindi bat dapat tayong sumamba sa tunay at higit na dakila ngunit nilalamon tayo ng ideyang pagbibigayan, pasasalamat at pagmamahalan hanggang sa wala tayong natanggap na regalo, hanggang sa wala tayong narinig na salamat hanggang sa walang nagbigay ng sukli sa pagmamahal natin sa iba ang pagsamba ay napunta na sa ideya at hindi sa tunay na bida. Bidang nagsasabing sa haba ng panahon ng iyong paglimot naalala kitasa haba ng iyong listahan sa akin hindi kita kaylangan ilista para maalala kita, naaalala kitasa haba ng pila sa grocery saakin hindi mo kaylangan pumila para maalala kita, naalala kitasa haba ng traffic sa iyong pag uwisa akin kaylanmay di ako maiinip maghintay dahil inaalala kita, naaalala kita sa aking isipan ni minsay di ka nawalabidang nagsasabing sa gitna ng ingay at sikip ng mundo pinili kong manahan di lang dito kundi pati na dyan sa puso mo para may makasama ka para hindi ka na muling mag isa pa kasama mo ako yan ang pangalan ko immanuelna sa gitna ng pangangaroling mo noong bata ka pa kahit takot ka sa aso ng kapitbahay nyo kasama mo ako sa gitna ng kaliwatan ng reunion nyo kasama mo ako sa gitna ng palitan ng pagbati kahit kaarawan ko kasama mo ako ni minsan hindi kita iniwan pangako hindi kita iiwan Bidang nagsasabing hindi man maabot ng hinagap mo ang kahulugan ng pasko higit pa sa nasusuyod ng kaalaman mo ang pagmamahal ko sayo na ako ang pinagmulan ng pagbibigay pasasalamat at pagmamahalan na bago ka magbigay sa iba ibinigay ko na ko na ang pinaka magandang regalo sayo ang anak ko na magliligtas sayo na bago ka magpasalamat pupunuin ko ng mga dahilan ang puso mo upang magpasalamat dahil tapos na tinapos na ng anak ko ang lahat at wala ka nang ibang dapat gawin kundi magpasalamatna bago ka magmahal, sa gitna ng iyong kasalanan minahal kitaayokong manatili ka sa kawalan dahil mahal kita ayokong manatili ka sa kalungkutan dahil mahal kitaayokong manatili ka sa kadiliman dahil mahal kita, Mahal kitaat nasa akin ang pag laya mula sa tatlong multong naging tanikalaPaglimot, pag iisa, pag sambanasa akin ang paglaya. Tatanggapin mo ba? At ngayon sa aking paglaya takot parin akong magpasko, at hanggang ngayon natatakot pa rin akong ipag diwang ito na hindi na SYA ang nagiging sentro dahil sya ang nag iisang nararapat sa pag samba simula nung isinilang sya sa pinaka tahimik at pinaka banal na gabi sa KASAYSAYAN.
@oneil87218 жыл бұрын
ito po bayong whole script ng poem nya? salamat po.
@kikihouse8 жыл бұрын
Grabe po. Pang-isang daang nood ko na ata dito, hindi hindi parin ako nagsasawa :) Tagos. Iba ka, Panginoon! :)
@emmansworldtv8 жыл бұрын
Magaling, maganda at higit sa lahat kakaiba.. Maganda ang pagkakagawa ng bawat talata. Maganda ang pagkakabigkas at pagpaparating ng mensahe nitong dala. At higit sa lahat kakaiba. Sa lahat ng aking napakinggan ito na yata ang pinaka-kakaiba. Napaka ganda.
@donnandreiroxas77969 жыл бұрын
Bidang nagsasabing, di man maabot ng inagap mo ang kahulugan ng pasko, Higit pa sa nasusulit ng kaalaman mo ang PAGMAMAHAL ko sayo. -Immanuel God with us
@Joy-wr1wv Жыл бұрын
2022, mas dama ko yung bawat linya. Daming nangyari this year
@evangerlinetamayo74148 жыл бұрын
At nandito na naman ako pinapanuod 'to. HAHAHA.
@alvinarimagao848 жыл бұрын
at hanggang ngayon natatakot parin akong ipagdiwang ito, ng hindi na siya ang nagiging SENTRO! love this PArt.
@M3rn135 ай бұрын
Oraryo na akda niya. D ko na makita. Galing niya
@gretchmaryacuario86409 жыл бұрын
grabe. iyak ako ng iyak dito. ang galing galing.
@faye19098 жыл бұрын
Wow. One of the best. God bless po. 😄 Thank you for reminding us the real meaning of Christmas ☺
@arniemariano17kpop748 жыл бұрын
ayan talaga ang gusto sabihin ni god sa atin thank you ate
@jesuslevy38757 жыл бұрын
pinapanood ko toh s Christmas Evangelism nmen s church... very effective sya for sharing Gospel... keep it up poh... Godbless
@marvindelapena87697 жыл бұрын
Jesus Levy glad the post spoke to you! Thanks for sharing! :) God bless you
@wahtv46568 жыл бұрын
grabe sobrang namulat ako sa lahat ng mga naghahalong kahulugan ng pasko salamat
@anglnsntsdcpn98868 жыл бұрын
ngayon ko lang napanuod to pero parang gusto ko na ulit-ulitin sa sobrang ganda... keep it up ate! 💯
@marivicaurea8 жыл бұрын
in tears while watching..Salamat po sa mensahe..Amen..
@jenny.sangrenes8 жыл бұрын
Woohhh!! Ang galing ni ate! Patuloy mo lang po yan. Para madami pang makaalala sa KANIYA.
@JahMieJs6 жыл бұрын
grabe ralate talaga pati yung part ng aso! naiyak talaga ako! ang galing niyo po te Ruby!
@johnpaulmercado138 жыл бұрын
one of the best spoken word na narinig ko..
@Kim-gr3vk5 жыл бұрын
Bat ngayon ko lang to napanuod? Grabe iyak ko, ughh i needed this. Thank you so much for this 😭❤️
@louvillejireh40029 жыл бұрын
"sa gitna ng iyong kasalanan, Minahal Kita!" Amen! ❤ Thank You God.
@SAMNICKERS8 жыл бұрын
grabe hindi ko inaasahan mapapaLuha ako sa mga hugot mo ate maraming salamat sayo at maraming salamat po LordGod ❤❤❤
@kevinayana47258 жыл бұрын
nakakaiyak bh3😭 Iloveyou Lord God. thankyou for everything💕💕
@jerulopez26388 жыл бұрын
hey, hiramin ko to! :)) I got saved last year gusto ko to gawin spoken words sa christmas party din nmin .
@roluisalyngarcia40808 жыл бұрын
ang ganda promizz.ang galing mo..pati ako takot sumapit ang pasko...
@Basic-qp3rs29 күн бұрын
October 2024. Tagos parin sa puso ko Pag pinapakinggan ko🩵
@marvindelapena876914 күн бұрын
🙏
@user-gn6xz7rd3u8 жыл бұрын
Eto yung the best sa lahat. 💕
@antoniopigafetta19957 жыл бұрын
whoa salamat naluha ako dun ah Thank You Lord
@prettydyaz3178 жыл бұрын
ganda grabe
@jellyjabe88509 жыл бұрын
😭👆👏👏👏🙌 Sobrang galing.
@Tawik_wak8 жыл бұрын
Not the ordinary "emo" spoken poetry. I like this kind of spoken poetry! AUS!
@romejanoguis11008 жыл бұрын
pahiram ng lyrics mo po,thanks ganda, good job 👍👍👍
@sarahdo55308 жыл бұрын
eto ung pinaka gusto ko. 👏👏☝
@jamesrodneypilapil68008 жыл бұрын
Ang ganda grabe. Sobrang galing mo ate 👍
@dharwinbacarisas74418 жыл бұрын
favorite ko to!!!
@maryrosepetalio99958 жыл бұрын
sobrang ganda:) :D
@andreamaepiasidad48628 жыл бұрын
napaiyaka ako sa message nito grabe
@victorianollora30998 жыл бұрын
This is life changing. Maraming salamat!
@arniemariano17kpop748 жыл бұрын
do not be afraid god is always with you amen
@RoyalChubbiness8 жыл бұрын
We love because He first loved us. Happy New year. God be with you always.
@darlenejoycanela48177 жыл бұрын
Grabeng galing. naiyak ako.
@alissandranicolevillegas4768 жыл бұрын
ano nga ba na limot ko na rin ata :')
@ms.manettheintuitiveteache25878 жыл бұрын
"Panginoon, ito po ba ang pagluha?" tanong nung bata sa channel 2.
@thea23036 жыл бұрын
Ang galing!
@jayellsareno19128 жыл бұрын
galing coachh!!
@lhenzgonzales33246 жыл бұрын
Pmbhira july plng umiyak n pasko q ah...but tnx
@dyanmariefatallar15208 жыл бұрын
naiyak naman ako.
@jayelucilletiongco94478 жыл бұрын
goosebumps bes goosebumps ❤️❤️
@chitoparagas13147 жыл бұрын
Bro di ba meron pang isang Tula si Ruby? She performed it I think last February... Please share if you have video, Thanks! Great work! God Bless!
@johnpaulparedes63009 жыл бұрын
Kudos to you!
@jiademnecesario87988 жыл бұрын
GAling nyo po :)
@sassygirl38508 жыл бұрын
The best!😊 inspiring..
@allthetimesiblings49626 жыл бұрын
pahiram po ng scrip ang ganda po kasi lalu na ang nais iparating gagamitin ko sa chrismas party namin.
@donnaredilla70599 жыл бұрын
grace upon grace 💜
@coachsanity44448 жыл бұрын
pwede bang hiramin yung piece?
@felipejraresta6666 жыл бұрын
Idol pwde ko po ba gamitin sa Christmas party nmin ang iyong obra?
@alexanderhmaniwang7 жыл бұрын
nice spoken word!!
@carlreinieldelprado19058 жыл бұрын
pwede po ba hiramin yung piece?
@allthetimesiblings49626 жыл бұрын
ang galing pahiram ng linya
@siredwardvelasco5718 жыл бұрын
Tagos sa puso :
@robertrodriguez58758 жыл бұрын
Ano po name niya?
@infosec2077 жыл бұрын
Goosebumps
@elizabethann84367 жыл бұрын
aww😭 Glory to God
@leeneilcyrus79808 жыл бұрын
Ano bang name niya? Grabe ang galing :)
@madelaineespinas60088 жыл бұрын
Ruby Hazel Custodio Mesoga
@faithnatividad2728 жыл бұрын
Can I use this piece po?? For school purposes lang po.
@kiafinancephilippines26118 жыл бұрын
ano po ba ang tawag sa kanila? or sa ginagawa nila? katulad nila maimai?
@jeypoonpix47788 жыл бұрын
Spoken words or poetry
@rodrigolagarto72428 жыл бұрын
spoken poetry...
@rosealburo39308 жыл бұрын
ano po name ni ate?
@kiafinancephilippines26118 жыл бұрын
salamat
@azefaith45368 жыл бұрын
#God I love this.
@coachsanity44448 жыл бұрын
reply pleaseeee ipeperform ko po hehe
@bernardpineda80469 жыл бұрын
nice
@rikuchiri9 жыл бұрын
Whloe lyrics please! :( Thanks :)
@marvindelapena87699 жыл бұрын
Here's the Full Version: facebook.com/getplugged/videos/1226787250684383/ God bless you :)
@lawrenzbalbaguio90178 жыл бұрын
where can I get the script of her Poem ?
@shanesolis958 жыл бұрын
scroll down. 2nd to the last. nandyan yun script.
@Sskyun8 жыл бұрын
Penge po ng scriptt
@ronald723macabeo57 жыл бұрын
INSHALLAH
@reinadelapenasumaya13968 жыл бұрын
Hi po! :-D napakaganda po ng piece nyo. kung okey lang po hihiramin ko lang po sana ang script nyo po? para po maeshare ko sa iba. :-D