Рет қаралды 25,221
Ngayong araw mga kalibot ay ang pang 284 days natin na paglalakbay para libutin ang buong Pilipinas
Ngayong araw nga ay sisimulan natin ang pagtuklas sa mga pinagmamalaking lugar ng Borongan City, Eastern Samar.
Sasamahan pala tayo ng ilang tourism staffs at locals dito sa Borongan.
Ang Borongan ay galing sa salitang Borong na ang ibig sabihin ay hamog o fog sa english.
Sabi ng mga matatandang nakausap namin. Noong araw daw ay nababalot ang lugar na to nang sobrang kapal na hamog kaya ito tinawag na Borongan.
Pero sa ngayon, dahil sa marami ng mga establishemento at tao sa lugar ay bihirang-bihira ang hamog sa siyudad.
Kaya ngayong araw mga kalibot ay babyahe tayo at tatawirin natin ang ilang bundok sa Brgy Hebacong para masaksihan ang Sea of Clouds ng Borongan City.
After nyan, ay meron naman tayong pupuntahan na dagat at kweba sa Brgy Locsoon na isa ring pwede nyong puntahan dito sa Borongan City.