Рет қаралды 63,225
Like us on Facebook: / tomonewsph
Join our Google+ circle: plus.google.com...
LOS ANGELES, CALIFORNIA - Sa California, tatlong kabataan mula China ay napatunayang may sala sa pag atake sa isa pang estudyante na mula ring China.
Ang mga pasimuno at ang biktima ay mga "parachute kids". Ito ay tawag sa mga estudyante na kalimitan ay mula China, Taiwan, o Hong Kong na pinadala ng mga magulang upang mag aral sa abroad.
Ang biktima ay inimbita sa isang ice cream shop. Doon pinuwersa siya na punasan at linisin ang mga kalat at tunaw na ice cream sa sahig.
Tapos siya ay dinala sa malapit na park kung saan ay binugbog siya, pinagsasampal, at pinagsisipa ng mga high heel na sapatos.
Pinuwersa din siya maghubad at pinaso ng mga salbahe ng sigarlyo ang mga utong niya.
Ang lalaking kasagwat ng mga salbahe ay kumuha ng gunting at ginupit ang buhok ng biktima at pinuwersa nila siya na kainin ito.
Tumestigo ang biktima sa korte laban sa mga nambugbog sa kanya. Marami pang mga suspects ang nahuli kasama na ang dalawa pang menor de edad. Ayon sa mga awtoridad, ang mga iba pang mga suspects ay tumakas na mula sa US.
Ang tatlong parachute kids ay nasentensyahan ng pagkabilanggo dahil sa ginawa nila. Ngunit nakiusap sila na pagaangin ang sentensya.
Si Yunyao Zhai ay nasentensyahan ng 13 years sa bilangguan dahil sa pag kidnap at pananakit sa biktima. Si Yuhan Yang ay na-sentensyahan ng sampung taon. Xinlei Zhang ay mabibilanggo ng anim na taon dahil sa pagsali nito.
Nagsulat si Yang ng statement na binasa ng abogado sa korte na sinabi na ang mga magulang nila ay magandang loob na pinadala ang mga anak nila abroad na walang supervision at sila ay malayang malaya. Ito ay delikado.
-----------------------------------------------------------
For news that's fun and never boring, visit our channel:
/ tomonewsph
Subscribe to stay updated on all the top stories:
www.youtube.com...
Stay connected with us here:
/ tomonewsph