Рет қаралды 3,812
USISA
Bullet Dumas
Lumiliyab ang iyong mga matang bahagyang naaaninuhan ng silid na madilim
Patindihin ang sidhi nang tuluyang maitaboy ang pangamba sa panganib na paparating
Iniingatan ang mga pangarap at habilin ng mga kaninu-ninunuan natin
Ayaw ko, naku
Aawit ang ina mo, andito ako, 'di ako lilisan basta't pakinggan mo
Ako ang tatlo at kalahating bilyong mga bituwin
Ikaw ang aking langit, ang mga ibon salubungin
Ang agos ng batis ay halina't iyong dinggin, ang patak ng ulan ay mapapasa'kin
O hikaw ng ulap at dilim ng paningin, ako ay lumuluha ba't wala ka sa 'king piling
Nasaan na kayo, ano pa ba ang nais niyang gawin
Hindi na nakuntento sa mga huni ng mga ibon
Hay naku
Ayaw ko sa araw / init / hangin dahil mahal kita
Ayaw ko sa ilaw / lilim / umamin ngunit mahal kita
Halika nga dito ka sa aking tabi aking minamahal, hindi ko na mahahayaang mawalay sa 'kin
Masdan mo ang mga sugat at hiwa at guhit na halata na't malubha na't sa mukha ay umuukit
Ang suot kong katawan ay nalulunod na sa pawis at dura at dumi, ngayon ay gutay-gutay na ang pag-iisip
Kaya puputok ang mga bituwin, dinggin mo o pitasin, o ulap ng batis ay lumuluha sa hangin
Ang hele ng langit ay nasa dulo ng bangin, umiikot, umuulit at bumubulong sa 'kin
Aray ko
Ayaw mo sa pilat / putik / titig ayaw din kita
Ayaw mo magulat / punit / umulit // tinig ayaw din kita
Ayaw mo ba sa 'kin? Ayaw din kita!
Kahit patak na lamang ng dugo ang aking maaninag
Sapat na upang matinag ang nag-aagam-agam at nagdadalamhating
Pusong nagnanais lamang ng kasagutan, kailan ko makakamit, kailan mapapanatag
Kung 'yun na lamang ang magiging batayan, huwag mo na sanang ipagkait
Diringgin ko ang kapalaran na kanilang sinapit, kahit masakit
Kailangan ko makita, nasaan sila? Wala silang kinuha! Pakiusap!
Ayaw mo lumapit / madawit / maakit, ayaw din kita
Ayaw mong maawa / mahawa / umunawa, ayaw na kita
Ayaw mong labanan ang makapangyarihan? Kalapastanganan! Ayaw ko sila
Ayaw mo makita ang nabigong panata? Ako ang halimbawa ng kahayupan nila
Ayaw sa sarili. Ano'ng nangyayari? Ako ang sinisisi, ako ang may pakana
Ayaw mo ba sa 'kin? Ha?! Eh mas ulol ka sa 'kin!
Kahit nanananalangin wala kang ginawa
Katotohanan o pangitain lang ng magiging kinabukasan ng inaayawang bansa
Magpakadakila, maging mausisa, ang panggagahasa ay lumalala
Ayaw mo sa akin ngunit mahal kita
________________________
Filmed by Miguel Jimenez
Shot at The Refuge, BGC
Dec 17, 2019
0101h