Hi Attorney, very well explained, it is really very helpful for the adoptors. You are a very good law professor. 🙂
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Wow, thank you 😊
@attysoon12063 ай бұрын
Atty can you please make a video about the new law on adoption. thank you 😊
@Mixed_Tape9 ай бұрын
keep on posting po Atty. very helpful po mga vlog mo. thank you
@happyeverysingleday6062 жыл бұрын
I’m now open to adapt… thanks for the guidance…
@princessronnieannjregner89272 ай бұрын
Thank you so much, Atty!
@TheHowsofLaw2 ай бұрын
You’re welcome. Please note na may bago na tayong Adoption Law. Republic Act 11642. 😊
@steffsollestre28872 жыл бұрын
Hi Atty. I just saw your vid about Philippine adoption. I'm just curious if you can explain the new law signed by Duterte which is the Republic Act No. 11642 or the "Domestic Administrative Adoption And Alternative Child Care Act". I was actually assigned to discuss this topic but because it's new I couldn't get any references that will help me to understand it. thank you.
@abelfebautista1218 Жыл бұрын
Thank you po for the information Atty.
@Housewifezilla10 ай бұрын
Hi Attorney, gusto ko po sanang malaman kung may other remedies pa bukod sa adoption. Gusto ko kasi na mawala na lahat sa papel ung biological father ng anak ko. The facts of the case: Nagkaanak po ako when i was 18. Nabuntis ako one month bago ako mag 18 and nanganak nako nung 18y.o na po ako. Nagsama kami ng ex ko for 5 years. Yung ex ko po na yun ay kasal din po. Nung nanganak po ako, di ko po naasikaso yung BC ni baby at sya na ang nagprocess. He acknowledge the child as a father. Sya po nakalagay sa BC. Naghiwalay kami nung 2019. 2020 nung totally cut na po ang communication namin at never nang kinamusta yung bata up to now. So parang inabandona na din talaga nya yung bata.Kasal na po ako this year and gusto po sana namin ilipat na ng apleyedo ng asawa ko yung anak ko sa pagkadalaga. Bukod sa adoption process, may ibang paraan po ba para maging legitimated na yung anak namin. Or any other way po para hindi adopted yung bata? Salamat po. Sana mapansin.
@dalagangpilipina3 жыл бұрын
Kong VOLUNTARY COMMITED for adoption ang 18y/o na illegitimate child. Kailangan pa rin ba ng appearance ng Bio Father? In my case, may acknowledgement po kasi ang BC ng illegiyimate child ko. Hopefully po masagot niyo ang katanongan ko. MARAMING SALAMAT PO
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi there. I need more information. Ano po ibig sabihin nyo na voluntarily committed? At sino ang maga-adopt? Thank
@dalagangpilipina3 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw ibig ko pong sabihin kapag voluntary naman po ang bata na gusto niya magpaadopt sa adopter. Kasi wala naman po syang communication sa bio father niya. In this case she is 18y/o na po. Btw po, may acknowledgement po ang BC niya ng bio father niya..
@phethers69 Жыл бұрын
Hi atty.. can I ask po how to validly serve summons to an OFW residing in Taiwan.. he has severed our communication and I have no means to locate his exact address.. thank you
@shngrmnlls3 жыл бұрын
Hi Atty.! May I ask if pwede ba i-adopt ng biological father ang anak namin since during birth nung anak namin he wasn't there to acknowledge sa birth. Since ayoko kasi na i annotate lang sa birth ng anak ko yung acknowledgement ng father niya. Gusto oo ma change talaga ang name. Any legal advice po what to do? Thanks! More powers!
@roseleecolumbino93411 ай бұрын
Salamat po sa information niyo sir. Paano po pag legal age na po ako, pwede pa po ba akong i adopt ng step dad ko?
@mariacarter57142 жыл бұрын
Hello po! Question po sana dual citizen po kame ng husband ko US and Philippines, plan po namin iadopt ang newborn baby na ipapanganak sa January, hindi po alam nung girl kung sino yung tatay and gusto po niya ipaampon sa amin yung bata. Anu po sa tingin nio ang process na pwede naming gawin? Domestic adoption po ba or ICAB?
@DarrilTV2 жыл бұрын
Hi po atty. This time po meron po akong kinakasama, Kasal po sya sa ibang lalaki, But at this momwnt ung dati po nyang asawa ay meron na pong kinakasama. Meron po silang naging 4 na anak at ung ibang anak nila po ay may mga asawa ay anak narin po. Ngayon po Atty ang bunso po nila ay 7 yrs old. Balak ko po kasi i adopt ung bunso nya pra po mapunta lahat ng benepisyo ko po sa knya, The mother and the legitimate father both agree and other parties. Pwede ko na po ba syang ma adopt at magiging smooth po ba ang lahat for the process? Saan po kami lalapit. Salamat po
@ashzashzz593 Жыл бұрын
Attorney paadvice naman po.Ung kapatid ko kc pinaampon ung anak nia in exchange for money.Single mom po siya.Tinago niya sa aming mga kapatid nia at magulang nia ang ginawa niya.Ngayon lang namin nalaman ilang buwan na ang nakakalipas.Patulong po ano po ang mga batas na pwdeng makatulong sa amin para mabawi ung pamangkin ko.
@normagraganza46545 ай бұрын
Hi atty.can I asked some advice po..
@roqueb15572 жыл бұрын
I think this video is for law students and wants to learn the law of adoption in the philippines pero hindi sa mga taong gustong mag adapt ng filipino child. dahil nakapa technical ng kanyang explanation (by the book).
@dalagangpilipina3 жыл бұрын
Atty. Pwd ba namin iadopt ng asawa ko ang anak ko sa pagkadalaga?... problema nga lang may acknowledgement ng bio father ang BC ng anak ko. Btw, she is 18 years old na po. Kong sakali po pwd.... kailangan pa po ba ng appearance sa korte ang bio father kahit 18 na ang anak ko?... may kailangan po ba ng perma ng tatay kahit 18 na ang bata? Ano po kaya ang pwd namin gawin?.... Salamat po and hopefully matugunan mo po ang tanong ko.
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi there. So, these are the facts of your other question. Yes, pwede nyo i-adopt ang illegitimate child mo para maging legitimate. The biological father who acknowledged the child in the birth certificate just needs to give his written consent or agreement to the adoption. It is required pa din kahit adult na ang bata kasi adoption will terminate their legal relationship with the child.
@dalagangpilipina3 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw maraming salamat po attorney sa sagot mo.... may iba pa po bang paraan maliban don sa CONSENT/Agreement don sa tatay?.... wala na po kasi kami ng contact don sa bio father ng anak ko...
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
If wala na kayong contact sa biological father, just execute an Affidavit, preferably signed by the child na wala na syang knowledge as to the whereabouts of his/her biological father. In view of the fact na adult na ang child, the court may disregard the father's consent kasi wala ng parental authority yung tatay nya over the child
@dalagangpilipina3 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw maraming maraming maraming salamat po.... napapaiyak ako sa subrang tuwa....Joy of Tears of Attorney..... Maraming maraming salamat talaga sa pag-asa na at knowledge na ibinahagi mo. Isa kang mabait na abogado talaga..... God Bless po sato Attorney!.....
@anncristelsuarez81922 жыл бұрын
good day po atty. pwede po humingi ng advice? gusto po sana ampunin ng tito namin yung anak ng ate ko sa pagkadalaga kaya nung pinanganak na po yung pamangkin ko ay nai apelyido na po ng tito ko sa kanya yung bata at nai acknowledge na din po nya sa birth certificate ng bata na sya ang tatay. ngayon po ang problema us citizen na po yung tito ko tapos plano po nila dalhin sa ibang bansa yung bata. nag apply po kami for us visa nung bata at na reject po ito, tingin po namin kaya na reject yung visa kasi magka apelyido po ang ate ko at tito ko. yung last name po ng tito ko ay gamit ng ate ko as her middle name siguro po dun nagka conflict kaya na reject. ano po ang dapat namin gawin para maging legal na po yung adoption ng tito ko sa pamangkin ko since naka pangalan na po sa kanya ang bata. sana po matulungan nyo po kami atty. 🙏🙏🙏🙏 maramiang salamat po atty. 😊🙏
@rainb59872 жыл бұрын
Hi. Asking for a friend. He's gay with same sex partner and planning to adopt. But the DSWD told them that they are not prohibited to adopt but they can't be both the legal parents; just only one of them. Ano po pwedeng gawin nila?
@sheenaacullador9342 жыл бұрын
Hi Attorney tanung ko lang po may kapatid po ako kapatid ko sya sa father kaso po patay na yung father ko balak po nmin iadopt sya ng mama ko since 1year old nasa amin na po sya anu po advice nyu salamat po
@jisun.72623 жыл бұрын
Good day po attorney, I would like to ask po if blood test could be a ground for impugnation of the legitimacy of the child?
@sciscciona3 жыл бұрын
U mean dna test?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi Jisun. Tulad ng sinabi ni Mae, DNA test po dapat. Blood test can only give information about blood type and other medical information. Pero hindi nito mapapatunayan kung mag-anak ba yung mga tinetest.
@sciscciona3 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw hi po atty :) i'll subscribe to your channel
@shielanishibukuro38722 жыл бұрын
Ang prob ko atty.. dalawa pla record ko sa PSA one under my biological dad yun 2nd is my stepdad lhat ng docs ko including passport ,marriage cert ,bc ng anak ko nsa second registered pero sabi ng PAO ang tunay daw tlga yun una kong bc pero gusto ko na gmitin yun second kase my record na ako sa abroad passport at marriage contract ang sabi ng PAO paadopt daw ako sa stepdad ko pra daw mgmit ko ang apelyido ng stepdad ko please enlightened me please
@giaclaudettegocela95603 жыл бұрын
Hi po atty. Atty. Mas mabilis ba ang proseso kung iadopt namin ung anak ng pinsan ko? Nasa akin na po ung bata simula ng ipinanganak hanggang ngayon 3yrs old na. Kmi po ng husband ko ang tumatayong magulang ng bata. Payag din ung mother na iadopt namin. Wla pong balita sa father ng bata. Plano po kase namin na dalhin ung bata abroad. Paano po ba ang proseso para mapadali po kung sakaling pwd nami iadopt ung bata?
@63divamom Жыл бұрын
Hi Atty, I have a question. How can we find out if an adoption is legally processed, filed and granted? Our niece and nephew are coming out now to us saying they were legally adopted by our parents. Our parents are both deceased and we have no knowledge of the adoption then. We are selling our farm and now they also want equal share. Can we contest the adoption? Please advise. Thank you
@TheHowsofLaw Жыл бұрын
Check their birth certificate if it is an adoption certificate. It should be stated there when they were adopted.
@aandimeneseslongno12023 жыл бұрын
Hi attorney,tanong ko lang po kung ano ang pinaka best way for addopting my niece.Nandito po ako sa USA. Pinanganak po sya ng january 16,2021 bago pa po sya ipanganak pinakiusap napo sya ng kuya ko if pedi ko iadopt ang bunso nya.so i said yes.so lahat ako napo ang gumagastos from pinagbununtis hanggang sa pinanganak sya tell present,hindi pa sya napabinyagan.? So my really question is,can i adopt the baby. Me and my partner? Thank you, Hope te hear from you attorney..
@mitchgellego14643 жыл бұрын
Hello maam , same question po tayu . Nasagot na po ba tanong nyu? Thank you
@marcelbernard1582 жыл бұрын
Hello. Same case here. Punta ka sa Nakalistang adoption agencies listed sa ICAB. Fill up the application at sila ang magpapadala nang application nyo sa Philippines. Ang Sabi sakin, you must have a legitimate reason for adoption; financial reason is not good enough. My case, patay na yon mother and the father, my brother has a drug issue. I’ve submitted our app in 2019. Nasa NACC na ang app. I heard the new law shouldn’t take more than 6 months but we will see. Good luck to both of us.
@janesoliven24852 жыл бұрын
Hi attorney. Balak po namin mag PA kasal ng bf ko. Meron po syang anak at sya ang nag PA laki at sya din po ay Naka pirma sa birth certificate pero hindi po sila kasal. My asawa na po iba ang nanay at never po nya Inalagaan ang Bata. Gusto ko po I adopt ang Bata kailangan ko po ba consent ng nanay nya? 8 yrs old po thank you
@Infinity_UGC2 жыл бұрын
Thank you, can a single mommy adopt a baby in your country?, I have a son all ready, now I am divorced, I am asking this question because in other countries as a single mother I can’t adopt babies , thank you 🙏
@monaclarizecristoloveanu29212 жыл бұрын
Hi po. Atty ask ko lang po paano po kaya ang adoption process ng foreign husband ko sa aking anak sa pagkadalaga. Yung anak ko po sa pagkadalaga at nakaapelyido po sa aking ex boyfriend. Salamat po Atty.
@miyeonunnie13593 жыл бұрын
Hi po! I have question regarding adoption. The prospective adoptive couple was recently matched by DSWD. As per the case study report, the mother of the child relinquish her parental authority over the child and they signed the Deed of Voluntary commitment and it was also notarized by an atty. Now, with this scenario, I'm just curious if the court would require the mother of the child to confirm this - Deed of Voluntary commitment during the actual proceeding? Thank you!
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Good morning. Your lawyer can ask the City Prosecutor to stipulate the existence and due execution of the Deed of Voluntary Commitment so that the biological mother need not be presented in court. ☺️
@miyeonunnie13593 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw thank you
@demetriogasga14203 ай бұрын
Tanong lang po consider ba na illegal adoption halimbawa may kapatid ako tapos marami na syang anak then nag decide ung kapatid ko na ipaampon sa akin yung bata under my name na sya pagagawan ng birthcertificate. nalabag ko po ba ang batas?
@TheHowsofLaw3 ай бұрын
If ipepeke ang birth certificate at ipapalabas na ikaw ang nanay, bawal po yun. That’s simulation of birth. If ipapa-adopt sa iyo sa tamang proceso, at payag naman kayo, legal yun.
@demetriogasga14203 ай бұрын
@@TheHowsofLaw may friend po kasi ako gay sya tapos may kapatid syang nanganak ngayon sya ung nilagay na tatay sa birth certificate at nasa poder nya na po ang baby bale verbal lang po ang nangyare walang basbas ng social welfare
@TitsersaPinasOfficial3 жыл бұрын
paano po kung di legally adopted year 1974 pa po . may karapatan po siya sa mana? thanks po
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Kung hindi po legally adopted, wala syang karapatan sa mana by operation of law. Unless kung may Last Will and Testament yung yumao at may binigay para dun sa inampon
@loumarcel77513 жыл бұрын
Hi atty.can i ask po how if the child is illegitimate liked my son pwedi po ba yung magiging fiancee ko is gusto niya adopt ang anak ko at ilipat sa knya birth certificate ang kanya apilyedo sa aking anak ano po ang mga requirnents and how much po cost.thank you💕
@loumarcel77513 жыл бұрын
Hi again atty what are the requirments po na need namin para po sa pag apply ng legally adoption for my son he is 17 yrs old illegitimate po siya at nakalagay sa birth certificate niya ay ang aking apilyedo.thank you po
@blackmamba89182 жыл бұрын
Hi Attorney! Im single male at may stable job......ang sister ko ai may tatlong anak iba2x ang tatay...balak ko amponin ang pangalawang anak niya na 5yrs old na wala tatay kasi nasa tiyan pa ang bata hindi na nag pakita ang tatay na taga Malaysia...pwd ko ba amponin ang pamangkin ko?..nagka usap na kami ng nanay niya na kapatid ko at ok sa kanya ang plano ko...super close kami ng pamangkin ko kasi ako nag alaga sa kanya ng ipinanganak siya...pls help
@juzadapdap62333 жыл бұрын
Good day po!May an illegaly adopted child enjoy the same benefits of a legally adopted in terms of succession or anything that is provided by law? 🙏
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi. If the adoption is not challenged and nullified, the adoption enjoys the presumption of regularity. So, even if it was an "illegal" adoption, the child is still legitimate and enjoys all the rights and benefits of a legitimate child in terms of succession.
@juzadapdap62333 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw thanks po. God bless 🌹
@amahyasoriano86932 жыл бұрын
Sir may tnong lng po ako puwde ko po bng adopt un apo ko s pmangkin un father ny kpatid ko
@_idonthaveahandle3 жыл бұрын
Hi sir, My cousin’s son wants to be adopted. His father and mother want to give me custody. I am active duty in Air Force in the US. The child is in the Philippines (Malinta). How would that work & what should I prepare to get this process started. From the monetary standpoint what is the price point for legal fees am I looking at? This child is 10y/o.
@spartanimpocble3 жыл бұрын
Was there a response to this? As i would also like to know
@jerrymaemartinez30952 жыл бұрын
Hi atty. I need advice po I am 27 years old and me and my auntie and uncle talk about adopting their baby I am a permanent resident po dito sa US Ano po ang process po pag sa family member po mag adopt the baby hasn’t come out yet.
@TheHowsofLaw Жыл бұрын
Hi Jerrymae. Sorry for the late reply. Pinanganak na ba ang baby? Sana pinanganak na kasi hanggang hindi pa nasisilang ang baby, hindi mo pa pwede i-adopt. Traditionally, adoption involves a child na pinanganak sa mga biological parents nya at may na-isyu na birth certificate. Hindi pa pwede i-adopt pag hindi pa nasisilang. Kung ang gagawin nyo po ay ipapalabas sa birth certificate na kayo ang magulang pagkasilang nya, magiging simulation of birth po yun na isang krimen sa ilalim ng Revised Penal Code. Kaya, ang gagawin nyo po ay hintayin na maisilang ang baby, ma-isyuhan ng birth certificate na nakapangalan ang biological parents nya, then mag apply kayo ng adoption sa Regional Alternative Child Care Office o RACCO ng lugar kung nasaan naroroon ang aunti at uncle mo. Administrative proceedings lang po ang adoption kaya mabilis lang po at hindi magastos. Good luck!
@yourstruelyjenns.51023 жыл бұрын
Good day Atty. ask lang po kung iaadopt po is daughter of my husband, na 19 years old? Papaano po ang process? Wala po kasi yung name nya sa birth certificate so what we decide po is to adopt na child.
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi Jennie. Thank you for your question. Anak ng husband nyo with another woman pero hindi naka-indicate sa birth certificate na sya ang tatay? Ngayon, gusto i-adopt ng husband nyo ang anak nya? If the purpose is only to establish paternity and filiation, pwede naman syang mag-execute ng affidavit acknowledging the child as his own. Yun nga lang, illegitimate pa din yung status ng anak nya. But with adoption, magiging legitimate na ang anak nya. Mag-file kayo ng adoption case. Both of you will have to be co-petitioners in the adoption case.
@sciscciona3 жыл бұрын
Hello po atty. What if we are residing abroad and my husband wants to adopt my child, are we going to file in the philippines? Husband ko na po ang kinilalang ama ng anak ko since 6mos palang sya ng magkakilala kami ng asawa ko. Now turning 12 na sya at di parin nya alam ang totoo kaya gusto na nya iadopt. Where do we start? Thank you
@sciscciona3 жыл бұрын
We are all living in italy po italian po asawa ko, sa pinas ko po pinanganak ang bata. Sa pinas po ba kami mag uumpisa?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi Mae. I'm happy to inform you that a new law was passed. Republic Act No. 111642. You can do the adoption here and the adoption need not be done through the courts. Administrative na lang sya. Pero hindi pa in full effect ang batas. The National Authority for Child Care (NACC) is stll being organized. In the meantime, DSWD can help you with the initial steps for your husband to adopt your child. Good luck!
@sciscciona3 жыл бұрын
Hello po Atty. Kahit po ba sa ibang bansa kami nakatira dyan po kami mag aadopt? Mas gusto ko po yon. Hindi po ba international adoption gagawin namin? Foreigner po asawa ko pero 12 yrs na po kami.
@preciousmaereyes73433 жыл бұрын
thank you sir very informative po
@paculdolawrencen.12763 жыл бұрын
magandang umaga po atty. may anak ako pagkadalaga at naka apelyedo sa BC ng bata ang surname ng totoong tatay . ngayong gustong i adopt ng husband ko ang bata at palitan ng surname nya. since 6 months old pa yung bata hanggang ngayon na 6 yrs old ang husband ko na po ang tumayong ama. wala po kaming contact sa kanyang totoong ama at hindi po alam ng bata ang sitwasyon. ano po dapat naming gawin ? pwede po ba kahit walang consent or appearance ng biological father ng bata ay ma gagrant yung adoption ?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Good morning. Pwede i-adopt ng husband nyo ang anak nyo at magiging legitimate child nya. Sa bisa din adoption, magagamit ng bata ang apelyido ng husband nyo. As for the consent, i-allege nyo na inabandon na ang bata ng totoong tatay nya para di na kelangan ang consent nya.
@andrada.dianne3 жыл бұрын
Good day po. In'adopt po ako ng tita ko from US. US Citizen po yong tita ko at asawa nya na nag adopt saakin, granted na po adoption ko last july 2020 at last june po na finalize na din po. Ngayon po mag papalit na po ako ng birth certificate. Ano po kaya ang susunod kong gagawin?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi. If the adoption decree is already final, check with the court if napadala na sa Local Civil Registrar yung decision sa adoption case and if the LCR has already amended your birth certificate. If not yet, kuha ka ng writ of execution from the court so that the LCR will be directed to issue a new birth certificate. Congratulations!
@andrada.dianne3 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw Thank you po 🤗
@lyzacristobal3356 Жыл бұрын
Attorney ask ko lang po pwede po bang ampunin ng mama ko yung apo niya para madala sa america? Green card holder po ang mother ko
@TheHowsofLaw Жыл бұрын
Yes po. Ang "relative" adoption ay hanggang the 4th civil degree. Ang apo ay nasa 2nd degree.
@lyzacristobal3356 Жыл бұрын
@@TheHowsofLaw Attorney wala po kasi kaming idea paano simulan po yung adoption kasi nagtanong kami sa dswd sabi po nila hindi daw po sila ang naghahandle kundi yung ICAB daw po. Maraming salamat po sa sagot po ninyo
@karensosa59143 жыл бұрын
good day po...atty ask ko lng po kung paano ung pinirmahan ni Pres.Duterte about adoption ?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Republic 11222 po yun. Applicable sya sa mga inampon na di dumadaan sa korte at pineke lamang ang birth certificate para ipalabas na biological na anak ng nanay yung bata. Ang purpose ng batas ay para i-correct ang pekeng birth certificate at gagawing legal adoption. Sa DSWD na lang ang proceso at di na dadaan sa korte
@karensosa59143 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw gnyan nga po ung kaso nmin pineke ung birthcertificate...ano po ba pwd nmin gawin paraaging legal ang lahat?
@cristinejoy64952 жыл бұрын
Hi atty! I want to adopt my sibling. Is it pissible?
@TheHowsofLaw2 жыл бұрын
Yes it is possible. You must be at least 25 years old and older by 16 years than your sibling you want to adopt
@cristinejoy64952 жыл бұрын
What type of adoption is it under?
@rosabellabas21413 жыл бұрын
Hi po atty.kung kasal ka tapus nagkahiwalay na.pag nag adopt ka kelangan legally separated na?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Pwede pa din mag adopt kahit hiwalay na. Kelangan lang ipaliwanag kung bakit naghiwalay at bakit hindi "fit" yung asawa na mag adopt kaya ikaw na lang ang mag aadopt.
@doublekhchannelkhristinekr86463 жыл бұрын
Good day po question lang po May baby ako at nakaepelyido sa tatay, pero Di kami kasal, at kasal ako sa American, May way po ba na ma-adopt Ng husband ko baby ko at gamitin married name ko ? Salamat
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Yes po. I-adopt po sya ng asawa nyong Amerikano. By adoption, nababago po ang apelyido ng bata at ang status from illegitimate to legitimate.
@christiannepogie59372 жыл бұрын
Can I talk yo you po privately? I need legal advice about adoption po. Thank you.
@marigraceginez89333 жыл бұрын
Hi atty. Ask klng sna if pwede ko po i-adopt mga pamangkin ko kasi last july po is namatay ung kapatid kong babae and 3 po ung anak nya na naiwan , ung father ng mga bata is may asawa n ding iba ksi solo parent n po ung kapatid ko.and so far po ung custody ng bata is nasa akin po gusto ko po sna legally adopt kna sila ksi po wla din po akong sariling anak.thanks in advance s reply po.Godbless po
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi Grace. Yes, pwede mo sila i-adopt. Kelangan lang ng consent ng biological father nila. Siguro naman papayag yun kasi matagal namang wala sa poder nya ang mga bata. Magpa-assist po kayo sa DSWD for the study report tapos mag-file kayo ng petition for adoption sa Family Court sa lugar nyo.
@KRAMJAYNOLLA2 жыл бұрын
Anu po age limit sa pag adopt ng child? From canada will adopt from Philippines
@TheHowsofLaw2 жыл бұрын
Wala pong age limit sa adopter. Kelangan lang at least 16 years older than the child to be adopted, unless anak ng asawa nyang Pinay yung ia-adopt, kung saan pwedeng kahit hindi na minor yung ia-adopt.
@KRAMJAYNOLLA2 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw eh sa iaadopt na child po anu age limit? Pwede po ba mag adopt ng 29 yrs old na bata?
@TheHowsofLaw2 жыл бұрын
Pwede adult adoption kung anak ng asawa ang ia-adopt. Pwede din kapag relative up to 4th civil degree. Lastly, pwede din kung ang ia-adopt yung taong trinato na bilang anak for at least 3 years.
@KRAMJAYNOLLA2 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw what if anak ng childhood fried po ang iaadopt? 29 years old ..possible po ba?.thank you po ss mabilis na pag response
@TheHowsofLaw2 жыл бұрын
Di po pwede kasi adult sya na hindi kasama sa mga exceptions
@Jingryl3 жыл бұрын
In my case atty I'm getting married with my future wife. However she had a 2 child which are illegitimate can I legally adopt them and use my own surname even they have surname with their paternal father? Thanks atty.
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Yes sir. You can request the court to have the surnames of the children changed. Change of name is one of the legal consequences of adoption.
@Jingryl3 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw thanks atty.. how long it would take atty? Maybe in my case if the father of the child would not allow to adopt them. then I will respect that decision..
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
@@Jingryl Hi there. It really is an issue with biological parents when their kids are adopted. I guess if you, your future wife, and the children can talk about it and unanimously agree that adoption is for the best, that can prevail over the biological father's objection.
@avr73 жыл бұрын
hi attorney, pwede po ba ako mag-ampon para gawing kapatid ang bata? hindi po anak, is it possible? thank you po, attorney
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Good question. Hindi po pwedeng kapatid lang. Sa adoption, magiging parent-child ang relationship. Kung gusto mo maging kapatid sya, pwede naman ang magulang mo ang mag-adopt sa kanya
@avr73 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw hello po attorney, thank you po for answering! ❤️
@febeeroberto67883 жыл бұрын
Hi Attorney, paano ko po kaya maadopt ang pamagkin ko? Kami na po nag alaga sa kanila since birth, kapatid ko po yung mother nila pero iniwan na po samin yung mga bata. Wala na po sya pakialam sa anak nya, we dont have any communication from her. Kaso lang po 9years lang ang age gap ko sa mga bata. Possible po ba na ma grant ang adoption? Thank you, I'm 26 years old right and I have a stable job to support the children.
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi Febee. Hindi ka qualified to adopt because of the age gap. 9 years lang ang gap nyo. Dapat kasi 16 years ang gap. Pwedeng less than 16 years kung biological parent yung mag-aadopt. Pwede naman ang mommy at daddy mo ang mag-aadopt para magkapatid na kayo.
@febeeroberto67883 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw thank you so much Atty. Godbless!
@del58833 жыл бұрын
Good day atty,ask lng po. Ano po ung proceso kapag gusto ng kapatid ko na ibigay sa amin ng asawa ko ang anak nya. Illigetimate po ung bata.
@del58833 жыл бұрын
Wala po kaming anak ng asawa ko. Gaano po kaya katagal ang proseso at magkano magagastos. Salamat po.
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Adoption lang po. Mabilis lang po yan. Una po pumunta kayo sa DSWD para sa mga unang steps like certification that the child is available for adoption as well as custody report. Isama nyo ang kapatid nyo at ang bata sa DSWD for counseling and advice sa steps. Adoption is affordable naman. Get a reasonably priced lawyer.
@ferdinandsuizo69763 жыл бұрын
Sir pano po kong yung bata 12 na pero po 8years old sya nong napunta sanim dady naman po ang pag kakakilala nya sakin pero po nasa canada kc ako tapos yung magulang nya nasa probinsya
@Mac-ek8ug3 жыл бұрын
paano pag yung original parents ng bata ay biglang hanapin at kunin bigla? eh d kawawa naman yung mga parents na nag adopt d ba? 🤔
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
The legal relationship between the biological parents and the adopted child is terminated. Ang recognized parents na ay yung mga adopters. Kung kinuha ng biological parents ang bata ng walang pahintulot ng adopters, pwede sila kasuhan ng kidnapping.
@lyncairo2163 жыл бұрын
Hi sir can I get and adopt with a single mother I'm not married can I adapt
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hope you got my reply to your other message ☺️
@mariaveronicaborja46823 жыл бұрын
Hello po! I want to adopt my biological daughter her birth certificate is my parents at lumalabas po that she is my sister.I want to adopt her to bring here in Canada. Please help me. Ano po dapat ko gawin?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi Maria. If you are already a resident of Canada, you can apply for her adoption through an adoption agency there. Tell the agency, you want to avail of the inter-country adoption process. Make sure that the adoption agency there is accredited by the Philippine Inter-Country Adoption Board. Good luck!
@mariaveronicaborja46823 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw hello po! Ask per may agency here in Canada I need to adopt first in the Philippines and on process po Permanent resident ko. Can i pm you?
@lyzletrono30013 жыл бұрын
Hi po ask ko lang po willing po kasi akong iadopt ng tita ko from US but we really dont know kung paano po iproprocess yung adoption na mangyayari dito sa Pinas coz asa ibang bansa po siya sana po matulungan niyo ko thank u po!
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi there! If resident ang lola mo ng US, the adoption is through the inter-country adoption board. Ang gagawin nya is to look for an adoption agency sa US na nag-aasikaso ng inter-country adoption. Iko-course dito sa Pilipinas ang application. It will be decided by the Inter-Country Adoption Board. Good luck!
@novemvirginia10373 жыл бұрын
Attrny hello po magkano po mgagastos sa adoption.
@michellefantone79123 жыл бұрын
Pa help po. Kc ung papa k po nun my kabit, si kabit ma utak nag ampon sila sa birth certificate ng Bata papa ko Ang tatay nya nanay nya c kabit. Now ko lang nlaman to na RA 11222 na pwede pla makulang ung kabit. Alam nmin binayaran nila ung tunay na nanay nung Bata. Ngaun patay n po papa ko pulis kc cya ngaun c kabit ang nag aacikaso Ng pencion na d nmin Alam ang iba. Maraming pea na hothot nya sa papa ko. Ano po dapat naming gawin
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Kung may pruweba kayo na imposibleng nanganak yung babae, then simulated birth nga yan. Pwedeng kasuhan ng Simulation of Birth. Criminal case yun. Pwede syang makulong dun. Pangalawa, pwede nyo din i--question ang birth certificate ng bata sa kadahilanang simulated yung birth. Pag na-cancel ang birth certificate, then mapuputol ang legal relation ng bata at ng tatay nyo.
@michellefantone79123 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw Saan po pwede mag reklamo talaga pong simulated birth po Ang ginawa nila. Kc po hindi po anak ng papa ko PO un. Sanggol plng ung Bata pina apelyedo na nila. Pulis po kc papa ko pero patay na ok cya
@michellefantone79123 жыл бұрын
Laygate na po ung kabit ng papa ko kaya d po nila anak un.
@michellefantone79123 жыл бұрын
Sabi dw po nh kabit my affidavit cla na legal dw nila inampon at pirmado dw po no judge pamini pero ayaw po opakita damon. Kaya po humihingi po kami Ng tulong kung pano po cya maerereklamo. Kc po cya nag mamando ng mga pencion or mga makukuha ng papa ko sa pag ma pulis nya po. Sana po matulungan nyo po kami atty.
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
@@michellefantone7912 Nasagot ko na po ito dun sa isang comment mo. Kumuha po kayo ng abugado para mafile ang dapat i-file. Good luck!
@brocklesnar8514 Жыл бұрын
atty paano po ung nag paadopt pero may kasulatan
@TheHowsofLaw Жыл бұрын
Ang adoption po ay dapat ma-approve ng National Authority for Child Care or NACC. Hindi po pwede yung kasulatan lamang
@brocklesnar8514 Жыл бұрын
@@TheHowsofLaw paano po walang pera umg mag aadopt pero may kasulatan nmn po .. pede po natoryo
@TheHowsofLaw Жыл бұрын
@brocklesnar8514 Punta po sya sa pinakamalapit na DSWD para ma-assist sya sa adoption process. Administration na ang proseso. Hindi kelangan ng abugado. Kaya k lang kung sabi nyong walang pera ang mag aadopt.
@jisun.72623 жыл бұрын
Hello attorney, id like to ask if can I adopt my own illeh child?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi Jisun. Of course you can adopt your illegitimate child to give your child legitimate status.
@elitegirl243 жыл бұрын
Can a single person adopt? On average, gaano po katagal para magrant ang adoption in ph?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Yes. A single person can adopt, provided he/she has all the qualifications like financial capacity and parental skills. Depende sa proceso sa court o sa DSWD, tumatagal ng 2 years ang kaso ng adoption.
@elitegirl243 жыл бұрын
May age limit po ba sa pag aampon? I'm turning 37 this year. I appreciate your channel Atty. Thank you for sharing this. Wala tlg ko masyado mahanap na info about awareness and process ng adoption in PH. Im glad napadpad ako sa channel nyo. Keep up the good work, atty!
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
@@elitegirl24 Wala pong age limit. Ang importante, ang age gap between the adopter at yung bata ay 16 years. Kung ready na kayo mag-adopt at may available na bata for adoption, I advise you to go to the nearest DSWD para matulungan kayo sa proceso ng pag adopt. Dadaaan kasi sa kanila ang adoption for case study report.
Hi po ask ko lang po if a minor wants to be put up po for adoption how will you do that po
@TheHowsofLaw2 жыл бұрын
Hello Ai. Kung walang parents o guardians ang bata, ibig sabihin neglected sya, pwede syang dalhin sa DSWD for adoption by interested adoptive parents. The child will first be under the foster care of the DSWD then the child will be declared available for adoption. But if the child has parents or guardians, the adoption can be made only through or between said parents and the interested adoptive parents. The adults will initiate the adoption, with the consent of the child of course.
@princessgregorio96213 жыл бұрын
Good morning po sa lahat ng makakabasa neto. Taga Pampanga po ako. Saan po kaya kami makakahanap ng bahay ampunan, gusto po sana namin magampon legally. Sana po may sumagot maraming salamat 😊 God blessed us 😊
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Good morning po. Lumapit kayo sa DSWD para mag adopt. May irerefer sa inyo na mga children available for adoption. Tapos tutulungan kayo mag file ng adoption case sa court.
@Shishiruu2 жыл бұрын
Can i save this so if I'm 21 and my cousin and me will adopt a child My cousin and me promise this forever My cousin: 9 Me: 13
@TheHowsofLaw2 жыл бұрын
Aww. That's sweet. Well, if you adopt, the adopted becomes your baby child. Only one of you can adopt because you can't be married to your cousin. You can do co-parenting though 😊
@Shishiruu2 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw my cousin is a girl btw both of us will not get married we're kinda think we're sisters
@ronaldfetalsana34303 жыл бұрын
Can a male, 32 yo, single can adopt?
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Yes! A person, regardless of sex, and provided he/she is an adult and is at least 16 years older than the child to he adopted, can adopt
@schollereinaalexusd.53152 жыл бұрын
Good pm attorney, tatanong ko lng sana Yung anak ko sa pg ka dalaga ng carry sya sa surname sa biological father nya peru hindi kami married at same time yung papa niya hindi Naka sign sa birth , but his name is indicated in live certificate of my son. Now , I am married of my current husband then gusto sana niya e adopt yung anak ko sa pg ka dalaga. Ano ba dapat e file namin step adoption or joint adoption? Thank you for time
@marialuisamontezon85583 жыл бұрын
Goodevening po wala po kame anak nang asawa ko gusto namin pagadopt nang baby
@marialuisamontezon85583 жыл бұрын
anu dapat ang gawin namin magasawa
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Hi Maria. May bagong batas ngayon, ang RA 11642 na hindi na kelangan court action ang adoption. Adoption may be done administratively, sa National Authority for Child Care (NACC). Pero hindi pa operational ang NACC. In the meantime, sa DSWD ang proseso. So, ang payo ko ay sumangguni sa pinakamalapit na DSWD para matulungan kayo sa plano nyong mag-adopt. You can adopt a relative or even a stranger. May mga bata pong available for adoption na under the custody and care of the DSWD. God bless po 🙏
@heyhey28103 жыл бұрын
this is good but can you shorten or lower the volume of your intro? no need for that
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Sure. Sorry for that. I have changed my intro in my latest videos. I hope this time my efforts to make lecture videos will be acceptable to you
@michellefantone79123 жыл бұрын
Pa help po pls pls attorney
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Ano po nangyari?
@michellefantone79123 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw Kasi po atty. Papa ko po pulis ngaun po may kabit po cya. Ngaun po patay na po papa ko. Nung buhay pa po papa ko nag ampon po ung kabit nya ng baby sanggol pa po. Ngaun po nka lagay sa birth certificate ng Bata tatay nya papa ko nanay nay ung kabit. Ngaun po hinihingian ko ng copy kung legal ang pag adap sa Bata wala sila maipakita. Sina sabi samin na my affidavit daw po sila ng judge. Ngaun po like nmi. Malaman kung legal adaption po cya I hindi. Kc po Isa po din cya mama apela sa mga makukuha nmin sa pag ka pulis Ng papa ko. Patay na po kc cya. Lahat Ng mga benefits hindi nmin Alam anv makukuha dahil po ung kabit po Ang nag lalakad. Karlimitan po kasabwat Ng kabit ing mga ka work Ng papa ko say crame. Maya kmi mga legal na anak na wawalan Ng karapatan. Dahil sinusunod nila ung kabit po. Atty. Pls po pa help po
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
@@michellefantone7912 Mag-file kayo ng protest o anu mang letter na hihingiin ng PNP regarding dun sa benefits ng tatay nyo. Papansinin kayo kung formal ang reklamo. Regarding dun sa bata, pwede kayo mag request sa PSA ng birth certificate ng bata. Kung walang adoption papers, baka simulated o peke ang birth certificate. Pwede din ipawalang bisa ang birth certificate para hindi makakakuha ng share sa benefits o mana mula sa tatay nyo. For all these, kelangan nyo kumuha o mag-hire ng abugado. Good luck!
@michellefantone79123 жыл бұрын
@@TheHowsofLaw Thank you Po atty. Pag kukuha po b ng abugado may bayad po ba. Mahal po b atty.
@lyncairo2163 жыл бұрын
Hi sir can I get and adopt with a single mother I'm not married can I adapt
@TheHowsofLaw3 жыл бұрын
Yes, you may adopt even if you're not married. It's not required that the adopter is married. For as long as the adopter is psychologically and financially fit to be a parent, even if single, he/she can adopt a child.