#AQEEDAH #EPISODE_4 #MODULE 📚 Mula sa Aklat: " AL-AQEEDAH AL-MUYASSARAH " العقيدة الميسرة من الكتاب العزيز و السنة المطهرة May-Akda: Shiek Ahmad Ibn AbduRrahman al-Qādi (hafidhahullah). ______________________________________ • ANG PUNDASYON (SALIGAN) NG AQEEDAH SA ISLAM Ang pundasyon (saligan) ng Aqeedah sa Islam ay s'ya ang paniniwala kay Allah, sa kanyang mga Anghel, sa kanyang mga Kapahayagan, sa kanyang mga sugo, ang paniniwala sa kabilang buhay at sa kapalaran (tadhana) mabuti man o hindi. At ito ang anim na haligi ng Íman (pananampalataya). • MGA KATIBAYAN SA ANIM NA HALIGI NG ÍMAN MULA SA QUR'AN AT HADITH Sinabi ni Allah عز وجل: وقال : {آمَنَ الرَّسُولُ بِمَا أُنزِلَ إِلَيْهِ مِن رَّبِّهِ وَالْمُؤْمِنُونَ كُلٌّ آمَنَ بِاللّهِ وَمَلآئِكَتِهِ وَكُتُبِهِ وَرُسُلِهِ}[ البقرة : 285] {Ang Sugo (Muhammad) ay nananampalataya sa anumang ipinahayag sa kanya mula sa kanyang Panginoon, gayundin naman ang mga sumasampalataya. Ang bawat isa ay nanampalataya kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, at sa Kanyang mga Sugo. } [al-Baqarah:285]. Kanya din sinabi: { إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرٖ}[القمر:٤٩] {Katiyakan, ang lahat ng bagay ay nilikha Namin (sa ganap at tamang) pagkakatakda.} [ al-Qamar:49] Sinabi pa ni Allah sa ibang Áyat: وقال : { وَمَن يَكْفُرْ بِاللّهِ وَمَلاَئِكَتِهِ وَكُتُبِهِ وَرُسُلِهِ وَالْيَوْمِ الآخِرِ فَقَدْ ضَلَّ ضَلاَلاً بَعِيداً }[ النساء:136]. { At sinuman ang hindi manampalataya kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Sugo, at sa Huling Araw, kung gayon, katotohanang siya ay naligaw nang higit ng Pagkaligaw.} [ Annisa':136] وقال صلى الله عليه وسلم ، لجبريل، عليه السلام، لما سأله عن الإيمان : ( أن تؤمن بالله، وملائكته، وكتبه، ورسله، واليوم الآخر، وتؤمن بالقدر خبره وشره )رواه مسلم. Sinabi ng mahal na Propeta [sallallahu alayhi wasallam] kay Anghel Jibreel nang tanungin s'ya hinggil sa al-ímān: { Ito ang maniwala (o manampalataya) ka kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kapahayagan, sa Kanyang mga Sugo, sa Araw ng Paghuhukom, at maniwala ka sa Kapalaran (o tadhana), ito man ay mabuti o masama. }. ______________________________________ الركن الأول: الإيمان بالله UNANG HALIGI NG ÍMAN: ANG PANINIWALA KAY ALLAH Ang kahulugan ng paniniwala kay Allah ay s'ya ang matatag na paniniwala (o pananampalataya) sa pag-iral (existence) ni Allah سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ , at tunay na s'ya ang panginoon ng lahat ng nilalang, ang karapat-dapat sambahin nang nag-iisa at wala ng iba, ang nagtataglay ng ganap na katangian, at maluwalhati sa mga katangiang kulang. 👉 Ang kabuuan nito, ANG PANINIWALA KAY ALLAH AY NASASAKLAW NYA ANG APAT NA BAGAY: 1.) ANG PANINIWALA SA PAG-IRAL NI ALLAH (Existence Of ALLAH / Al-Íman Bi Wujúdihi). 2.) ANG PANINIWALA SA KANYANG PAGKA-PANGINOON (Tawhiid Arrubúbiyyah). 3.) ANG PANINIWALA SA KANYANG PAGKA-DIYOS (Tawhiid Al-Ulúhiyyah). 4.) ANG PANINIWALA SA KANYANG MGA PANGALAN AT KATANGIAN (Tawhiid Al-Asmá Wassifát). Page 9-11ng Aklat. Shaykh Ahmad al-Qádi (Hafidhahullah) ______________________________________ 👉 Ang #Paliwanag ng Module na ito ay nasa bawat Episode (Video) na Ating ipinopost. Kaya, kailangang mapanood ang Video para mas lalo itong maunawaan. 👉 #isave ang bawat Module sa iyong Note. GABAYAN AT PATATAGIN NAWA TAYO NI ALLAH SA TAMANG AQEEDAH. Ámeen Ya Rabb. ✍ (Abu Haneen) Nasruddin Ibn Abdullah Qassim University, KSA.