Lyrics!!!! (Verse 1) Madalas tanungin ang sarili kung ba't hindi na kaya Laging nadadama yung sakit sa tuwing naaalala Magisang nilalalaro yung pabago-bago na sistema Hindi makalaya sa sitwasyon simula nung nawala ka Laging napapariwala, laging mag-isa Nilalakaran ko madilim, 'wag naman sana madapa Dinadama ko padin yung sakit, hindi makalaya Pagsasama nating dalawa, laging naalala (Pre-Hook) Ayoko ko ng umibig pa saiyo Sawang sawa na 'kong matalo Ayoko ko na din ilagay pa ang sarili ko Sa sitwasyon na masyadong kumplikado (Hook) Ang lahat ng mga tiwala ay binigay ko Kaya kong ibigay ang lahat para lang sa'yo Wala ka pa ba sa tama kaya nilisan mo? Puro ka na lang palusot, hindi na sa'kin bago (Verse 2) Hindi ko na pipilitin na bumalik ka Kung hindi na gagana, mas makakabuti na Itigil na ang pagsasama, kung hindi na masaya Hindi na tama kung pipilitin pang lahat ay mapagana Alam kong makakaya kahit na hindi ka na kasama Papayagan kang makalaya kahit nakakawalang gana Wala na akong magawa at walang mapapala Kung palyado na siguro nga dito na tatama (ahhhh) (Pre-Hook) Ayoko ko ng umibig pa saiyo Sawang sawa na 'kong matalo Ayoko ko na din ilagay pa ang sarili ko Sa sitwasyon na masyadong kumplikado (Hook) 2x Ang lahat ng mga tiwala ay binigay ko Kaya kong ibigay ang lahat para lang sa'yo Wala ka pa ba sa tama kaya nilisan mo? Puro ka na lang palusot, hindi na sa'kin bago