Рет қаралды 336
‘NAGULAT AKO’
Sa isang presscon sa Senado, inamin ni Senator Bato Dela Rosa na maging siya ay nagulat sa pagtakbo ni dating pangulo Rodrigo Duterte at ng mga anak nitong sina Paolo at Baste Duterte sa 2025 senatorial elections.
“Nagulat ako at the same time, masaya ako,” paglilinaw ng senador.
Sinabi rin ni Bato na may posibilidad na tumakbo ang action star na si Philip Salvador sa susunod na eleksyon.