Рет қаралды 5,112
Ang awiting ito ay kabilang sa album na kapangalan niya, ang album na Dakilang Hamon ng ARMAS TK na nilikha noong panahon ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. At sa nalalapit na anibersaryo ng muling pagkatatag ng ating pinakamamahal na Partido ay inihahandog ko sa inyo ang awiting ito.
Ang awit na ito ay nilikha hindi upang magpataw ng mga utos kundi para magbigay pag-asa sa atin. Sa paglulunsad ng digma, walang pagtatanggi, na marami sa atin ang nawawalan ng pag-asa dahil sa mga nakikita nating pagkakamali, kakulangan buhat ng hindi pagiging perpekto ng ating Partido. Sadya, hindi perpekto ang Partido - walang perpektong organisasyon-ngunit dalisay ang Partido. At sa kabila ng mga kahirapan, ang ating simulain at mga paninindigan ang siyang nagbubuklod sa atin, at ang ating mga pagkukulang ang magsisilbing puwang upang tayo ay maging buo.
Sa ating pagpapanibagong-lakas, sa gabay ng ating Partido, sana ay maging inspirasyon ang awit na ito at maabot natin ang mga tagumpay gaya ng mga kasama noong panahon ng IDKP: nagpuna, nagwasto, bumangong muli.
Mabuhay tayong lahat!
#Maghimagsik55