Рет қаралды 2,087
Bilang paggunita sa Pagaaklas ng EDSA ngayong Pebrero 25, naalala ko ang kantang ito na ang mga karakter ay ang mga rebisyunistang taksil na ninais ang kinalburong tagumpay.
Mula sa album na Dakilang Hamon ng ARMAS TK, inilalahad sa kantang ito ang mga rebisyunista at oportunistang taksil sa rebolusyong Pilipino na ang mga pagkakamali ay iwinasto ng Partido noong Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto.
(May maikling background sa mga personalidad na ito sa comment section.)
LYRICS:
"Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Ay hindi makararating sa paroroonan"
Ito'y isang kasabihan o isang paalala
Ng mga matatanda sa una
Naniniwala ba kayo sa kasabihang ito?
Sasali ba kayo sa aming pagkukwento?
Gagawin namin itong isang pahulaan
Ang makahula'y papalakpakan
Kami'y mayroong nakilala nag-aastang Leninista
Kung saan-saan pumupulot ng teorya
Gangster ng Kalookan
Hari ng Kamaynilaan
At pasimuno ng holdapan
Nanunog ng bus
Nang-ambus nang nang-ambus
At nagpabugso ng hindi bumugso
(Sagot: Filemon "Popoy" Lagman)
Ay, ay, ay, ay, ay nabisto!
Ay, ay, ay, ay, ay nabuko!
Sila-sila na lang pala ang nagplano
Ay, ay, ay, ay, ay nabisto!
Ay, ay, ay, ay, ay nabuko!
Si Ramos na pala ang amo
Kami'y may nakilala rin teorista raw siya
Kakuntsaba pala ni Joel Rocamora
Binago ang AB, binago ang PNP
Habang nagpapanggap na kagawad ng KT
Utak ng mga kawkus ng mga insurektos
Sektarista at paksyunalista
(Sagot: Jose "Paco" Reyes)
Ay, ay, ay, ay, ay nabisto!
Ay, ay, ay, ay, ay nabuko!
Sila-sila na lang pala ang nagplano
Ay, ay, ay, ay, ay nabisto!
Ay, ay, ay, ay, ay nabuko!
Si Ramos na pala ang amo
Kumander-in-tsip daw nitong BHB
At tumatayong pinuno ng GC
Insureksyon kanyang inilusyon
Regularisasyon ang layon
Pwersa'y ginasgas, sa Partido'y dumugas
Tatlumpung milyon itinakas
(Sagot: Romulo Kintanar)
Ay, ay, ay, ay, ay nabisto!
Ay, ay, ay, ay, ay nabuko!
Sila-sila na lang pala ang nagplano
Ay, ay, ay, ay, ay nabisto!
Ay, ay, ay, ay, ay nabuko!
Si Ramos na pala ang amo
Kilala niyo ba ang naging pinuno ng VisCom
Na sugapa at matakaw mag-inom
Maamong tupa sa harap ng pulong
Manghuhudas lang pala sa plenum
Kaya naman pala sa Ermita naglilimayon
At nagtakas din ito ng milyon-milyon.
(Sagot: Arturo Tabara)
Ay, ay, ay, ay, ay nabisto!
Ay, ay, ay, ay, ay nabuko!
Sila-sila na lang pala ang nagplano
Ay, ay, ay, ay, ay nabisto!
Ay, ay, ay, ay, ay nabuko!
Si Ramos na pala ang amo