Рет қаралды 5,808
Kasama sa album na Dakilang Hamon ng ARMAS TK noong Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. Nasasalamin sa awit na ito ang mga batayang paninindigan ng Pambansa Demokratikong kilusan, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, sa ideolohiya, pulitika, at organisasyon. Hinihimok ang lahat ng awit na ito na tanganan ang mga batayang prinsipyo at paninindigan ng rebolusyon.
Lyrics:
(Refrain)
Tayo ngayo’y naglalakbay
Sa lagablab ng digmaan
Paglaya ay makakamit
Sa paraan ng paglaban
Sakripisyo’t kamatayan
Isang salik sa tagumpay
Kailanga’y mapulang bukas
Sa bayang nakahandusay.
(Ulitin ang Refrain)
Teorya ay mahalaga pinanday mula sa praktika
Mahusay na kaalaman patungo sa mga larangan
Marxismo, Leninismo, Kaisipang Mao Zedong
Hindi lang sa Pilipinas ito’y gabay pangkabuuan.
Pagpuna ay lagi na sa mabuti at maling gawa
At ito ay moog at sandata sa ating pakikibaka
Ang Bagong Hukbong Bayan at ang Partido ay nakalaan
Sa pagpuna sa kahinaan, pagwawasto sa maling daan
(Ulitin ang Refrain)
Halina’t taluntunin matagalang digmang bayan
Upang hindi na malihis dapat laging tatandaan
Saligang Prinsipyo magsisilbing tanglaw
Tiyak ang ating patutunguhan sa landas ng pagtatagumpay
Mamamayan ang mapagpasya, gumising at magbangon na
Pandayin makauring sandata, kapit-bisig at magkaisa
Dambuhalang lakas ng bayan dumadaluyong kahit saan
Isinusulong ang digmaan sa pambansang kalayaan.
(Ulitin ang Refrain)
#Maghimagsik55