December Avenue - Saksi Ang Langit (OFFICIAL MUSIC VIDEO)

  Рет қаралды 2,745,342

December Avenue

December Avenue

Күн бұрын

Пікірлер: 4 600
@decemberavenue
@decemberavenue 2 жыл бұрын
Cheers sa mga taong unang pumili sa'tin. EDIT: MUSIC VIDEO OF THE YEAR NOMINEE for Awit Awards 2023! 🎉 Don't forget to SUBSCRIBE! All future December Avenue music videos and other content will now be uploaded here on our channel. 💙
@SoleFetish
@SoleFetish 2 жыл бұрын
🥂
@zasilclarissayamba7729
@zasilclarissayamba7729 2 жыл бұрын
Umiyak na naman ako 😭
@ChessanNycomotovlog
@ChessanNycomotovlog 2 жыл бұрын
this video made me cry, my fiancee asked me why I was crying and I showed the video...
@11humms1vinceevanl.tamparo2
@11humms1vinceevanl.tamparo2 2 жыл бұрын
Manifesting!!!
@zai9587
@zai9587 2 жыл бұрын
Sana ol pinili
@shaieneabot1836
@shaieneabot1836 Жыл бұрын
Sa lahat ng mga taong nakanood nito, please be kind sa mga nag bebenta sa terminal, nag lalako ng mga durabox, walis at kung ano ano pa, lahat tayo nag sisikap, para sa sarili at pamilya natin. Sana'y maging paalala tong MV na to lalo na sa mga kabataan. Maraming salamat!
@ronNel0604
@ronNel0604 Жыл бұрын
at PLEASE WAG NA PO KAYONG HUMINGI NG TAWAD yun nalang kikitain nila tatawaran pa
@simplysaycheese
@simplysaycheese Жыл бұрын
personally hindi ako nagbibigay dun sa mga nanlilimos. pero kapag mga ganito na nagbebenta, nagbibigay ako ng extra or basta nagbibigay lang. better to help people who help themselves.
@japantrucks1838
@japantrucks1838 Жыл бұрын
❤❤❤❤
@LancesSkateSupplyYT
@LancesSkateSupplyYT Жыл бұрын
Bigla kong niyakap anak ko at sinabi sakanya na gagalingan ko para mabigay ko ang magandang buhay para sakanya.
@jeanelyntabada611
@jeanelyntabada611 Жыл бұрын
Kung meron lng akong daming pera.... Kahit nga 100 nalng natira hinahati ko pa. Kasi masakit sa dibdib yung paghihirap.. sabi ko, buti nlng hindi tu naranasan ng mga magulang ko.
@kristinepaquit8018
@kristinepaquit8018 2 жыл бұрын
Aaaaaah. This mv is also our story. Mama left us, but Papa never did. He never said it, pero kitang-kita dugo at pawis niya para sa amin. Papa.. Saksi ang langit 😭
@scottivancamayodo2398
@scottivancamayodo2398 Жыл бұрын
😭😭😭taena ke lalaki kong tao pero tinamaan ako sa kwento mo😭😭
@peraltakennethvalencia6366
@peraltakennethvalencia6366 Жыл бұрын
when i read this ung luha ko kusang tumulo :(
@gersondecena1106
@gersondecena1106 Жыл бұрын
❤️❤️❤️❤️❤️
@aplcrz
@aplcrz Жыл бұрын
​​@@scottivancamayodo2398 men are allowed to feel and [experience] emotions. ;)
@exmrsnowwomanscorned8369
@exmrsnowwomanscorned8369 Жыл бұрын
You're truly blessed sis..salute sa papa mo
@babayaga5786
@babayaga5786 Жыл бұрын
I am a single father raising a three-year-old daughter. I am still figuring out how to be a good tatay. I can so much relate. Message for my daughter: I will do everything for you. I love you so much, Sophia. Dada will always be here.
@junlietejares8023
@junlietejares8023 Жыл бұрын
Laban lang po! Mahirap man, gawin nating lakas para bumangon muli ang mga ngiti at yakap ng ating anak. 😌
@deanbelarmino2699
@deanbelarmino2699 Жыл бұрын
You got this king! Hugs, from another brother. ❤
@sto0g3sz
@sto0g3sz Жыл бұрын
Laban lang pre.
@annalizbbellen
@annalizbbellen Жыл бұрын
God bless you and your daughter. 🙏🏼♥️
@philipmcairan
@philipmcairan Жыл бұрын
From a father of a 3 yr old girl , i will do everything for my daughter, stay strong brother
@israeldc.saguinsin586
@israeldc.saguinsin586 Жыл бұрын
Solo parent ako ng dalawa kong anak. Isang 5 at isang 3. Tatlong taon na kaming ganito. At minsan matapos ang nakakapagod na maghapon bilang teacher pagmamasdan ko lang silang dalawang natutulog. Iiyak. Mangangarap. Hindi nila ako puwedeng makitang mahina, ako kasi ang superdad sa mata nila. Salamat dito December Avenue!
@shunmoyoo6383
@shunmoyoo6383 9 ай бұрын
Lahat ng hirap mo Sir, masusuklian yan ng pagmamahal at ligaya 😊 padayon!
@happylifejisoo05
@happylifejisoo05 8 ай бұрын
A fathet's love Salute
@maansantiago8373
@maansantiago8373 7 ай бұрын
God Bless you sir.
@reypepino5457
@reypepino5457 6 ай бұрын
laban lang mga single dad kaya natin to para sa.kanila
@johndeejuadiong4258
@johndeejuadiong4258 5 ай бұрын
God bless bro
@kiptv1975
@kiptv1975 Жыл бұрын
Salamat ng marami sa lahat ng papuri ninyo sa music video. Salamat din sa binigay na tiwala sa akin ng bandang December Avenue at ang production team 88th Street cinema salamat sa tiwala! 🙏🙏🙏
@urychruetv1784
@urychruetv1784 Жыл бұрын
Ang galing niyo po. Thank you for doing this MV. Sobrnag relate kami lahat sa character mo being a GOOD father ❤❤❤
@kiptv1975
@kiptv1975 Жыл бұрын
@@urychruetv1784 Salamat Sir 😊🙏❤️
@sherwincruz1358
@sherwincruz1358 Жыл бұрын
Ang ganda ng song para ito sa pamilya ko also sa mg ina ko thankyou po❤️❤️❤️
@jmadiiemoh8221
@jmadiiemoh8221 Жыл бұрын
Sana more collab
@jerruv1242
@jerruv1242 Жыл бұрын
ganda! napaluha ako galing
@JaiAsuncion
@JaiAsuncion Жыл бұрын
Mali na pinanood ko to in public, nakakaiyak! Galing talaga 😭😭❤️❤️
@decemberavenue
@decemberavenue Жыл бұрын
💙💙💙
@abellalawr9978
@abellalawr9978 Жыл бұрын
So true, nadudurog Yung puso habang pinapanood ko to. 😪
@SuperAyban
@SuperAyban Жыл бұрын
Same, kahit nga limang beses ko na pinanood. Same parin e. Partida naliligo pa HAHAA
@kiptv1975
@kiptv1975 Жыл бұрын
Ingat palagi 🙏
@louangatchalian5717
@louangatchalian5717 Жыл бұрын
super true nakakaiyak
@psa4542
@psa4542 Жыл бұрын
As a daughter of a very hard-working father, this made me ugly cry. I haven't chosen the perfect father daughter dance song on my wedding this Oct, but the moment I saw this vid I immediately said this is it. Papa, saksi ang langit sa tanang sakripisyo nimo para maabot nako akong pangarap. Kung mabuhi ko balik, ikaw gihapon akong pilion na amahan. I love you Papa.
@cherymaecabarrubias8782
@cherymaecabarrubias8782 Жыл бұрын
💖💖💖
@MariaFranciaLMusa
@MariaFranciaLMusa Жыл бұрын
congratulations.
@yowbrowtf
@yowbrowtf Жыл бұрын
Di ko man maintindihan yung last part, dama ko emosyon ng mga salita.
@marktimbal3786
@marktimbal3786 11 ай бұрын
​@@yowbrowtf"Saksi ang langit sa iyong mga sakripisymo maabot ko lang ang pangarap ako, At kung mabubuhay man ako muli ikaw uli ang pipiliin kong Ama"
@AllanTibig-d5j
@AllanTibig-d5j 11 ай бұрын
Saludo sa mga magulng n pilit tntguyod ang knilang pmilya at mga anak
@enzoison9734
@enzoison9734 2 жыл бұрын
Dito natin masasabi, na hindi lang puro love story with our partners ang tinutuon ng mga song maker. Napaka gandang MV! Literal na teary eyed! Kakakilabot
@RaceiramXXIV
@RaceiramXXIV 2 жыл бұрын
💖💖💖
@meljantorresbass2655
@meljantorresbass2655 2 жыл бұрын
well said bro. salamat sa good music DA
@albertgonzales4103
@albertgonzales4103 Жыл бұрын
Tama boss.😢
@MaryFrancesAlindajao
@MaryFrancesAlindajao 2 жыл бұрын
Saksi ang mga langit anak, kakayanin natin lahat Thank you December Avenue for this heartfelt song. This made me more inspired and less insecure about being a single parent. God bless!
@edyohyuuri
@edyohyuuri 2 жыл бұрын
Wishing you nothing but the best. God bless you po.
@decemberavenue
@decemberavenue 2 жыл бұрын
Hugs and props to you! Kayang kaya yan!
@exmrsnowwomanscorned8369
@exmrsnowwomanscorned8369 Жыл бұрын
Same situation..kaya natin toh momshie.. 🫂
@nicsmagallanes532
@nicsmagallanes532 3 ай бұрын
trueeee, minsan parang sapat na lahat basta nandyn ang anak. solo parent here
@HPOXIA
@HPOXIA Жыл бұрын
Isa akong single Dad na bumubuhay ng 2yr old , sobrang relate ako dito dahil nag abroad rin ang asawa ko at iniwan kami ng anak ko sinayang nya yung 8yrs naming pag sasama sa nakilala nyang lalake. Sinakripisyo ko mga gamit na mahahalaga sakin para makapag abroad sya para dapat yun sa aming pamilya kaya ginawa koyun. Grabe ang hirap ng sitwasyon ko 6-10am ng umaga lagi ko schedule sa food panda kumita lang ako ng 100-200 a day iyon na ang pang araw araw naming pag kaen ng anak ko, hindi ako makapasok sa ibang trabaho dahil wala kaming kasama sa bahay minsan pinatitingin ko nalang sa kapit bahay namin anak ko tuwing aalis ako ng umaga, napaka sakit sobra gustong gusto kona mag patiwakal pero tuwing sasalubong anak ko na may ngiti sa kanyang labi yun nalang nag bibigay lakas sakin para lumaban sa araw araw. Lord! Parang awa nyo na bigyan nyo ako ng malakas na damdamin dahil sukong suko nako sa buhay ko 😔
@pipoysantiago7867
@pipoysantiago7867 10 ай бұрын
Huwag Brother! Tiwala lang kay God. Kaya mo yan! Kaya niyo yan. 🙏🏻🤝☺️
@g3n_hoops
@g3n_hoops 6 ай бұрын
May God blessed you po! Para nalang sa anak mo, ang revenge mo ay mapagtapos siya
@leonilonoceja9714
@leonilonoceja9714 5 ай бұрын
Laban Lang bro.. binabantayan Ka pa ni lord ..tumingin Ka sa paligid mo dami pa Rin nagmamahal tulad Ng MGA kapitbahay mo na tumingin sa anak mo..huwag mong ilubog ang sarili mo at matutu Ka humingi Ng tulong...
@thomascastillo208
@thomascastillo208 6 ай бұрын
Happy Father's day sa lahat ng mga tatay na nanunuod ngayon. Mabuhay po kayo
@edyohyuuri
@edyohyuuri 2 жыл бұрын
Sigurado na ako kung bakit ko kayo paborito. Kasi 'yung akala naming ibig sabihin niyo pagkalabas ng kanta, iba pala kapag sinabayan na ng music video. Paulit-ulit niyong ipinaaalala sa amin na may iba't ibang uri ng pag-ibig. Salamat sa musika, December Avenue. Ang gandang pabaon sa bagong taon.
@viabillano6748
@viabillano6748 2 жыл бұрын
Akala ko, sa first time na napanood lang ako naiyak dito, but everytime na inuulit ko, naiiyak parin ako. This song remind me of my dad who passed away 9 years ago. Lahat nag flashback. Yung pag asikaso sakin ni dad nung bata ako tuwing papasok sa school, yung mga time na ipapa-experience nya sakin yung mga bagay na kami lang dalawa yung magkasama, yung joy nya mabigay yung mga kailangan at gusto ko. Naalala ko, iniipon pa nya yung mga sachet ng sabon at shampoo dati na may prize na discount sa mga fastfood, tapos dadalhin niya ako sa mcdo tapos ako lang yung may kinakain. :') tinatanong ko pa sya bakit water lang sa kanya.
@decemberavenue
@decemberavenue 2 жыл бұрын
Hugs to you, and thank you for sharing your story. ❤️
@kjclmng8121
@kjclmng8121 2 жыл бұрын
Na realize ko sa MV na 'to na may mga taong binabalewa at iiwan ka pa rin despite all of the efforts you make and at the same time, meron pa din na mag i-stay at ma-aappreciate lahat even the smallest things. Mag i-stay sila all throughout the hardest times and they always got your back no matter what. Isang mahigpit na yakap sa mga taong iniwan, kahit na ginawa na nila ang lahat. Saludo sa mga sobra kung mag effort kahit alam nila na walang kasiguraduhan kung ano ang magiging bunga ng lahat. Apir!!!
@rubick1998
@rubick1998 2 жыл бұрын
🍻
@alphagaming747
@alphagaming747 2 жыл бұрын
Isang napaka solid na APIR! naranasan ko yan this year lang
@kabakatv
@kabakatv 2 жыл бұрын
:(((
@lawiswisangis6660
@lawiswisangis6660 Жыл бұрын
thank u
@Jade-mz3su
@Jade-mz3su Ай бұрын
I'm leaving my comment here so that after a year when someone likes it I'll be notified and play this masterpiece again!
@jimhelramos6616
@jimhelramos6616 2 жыл бұрын
kudos sa actor. sobrang galing nya. sobrang fit sa kanya yung role at yung facial expressions nya nakakadala.
@marifedayro2140
@marifedayro2140 Жыл бұрын
Truuue💕. I agree with you po 😇 Super Galing👏
@kiptv1975
@kiptv1975 Жыл бұрын
Thank po sa papuri nyo sa aming lahat!!! I really appreciate it po. For the past 27 years in the industry 1st time akong Nakagawa ng music video take note magaling po talaga ang December Ave. At ang ANTONIO brother production 88th Street cinema maraming salamat sa tiwala ninyo kudos! ❤️🙏🙏🙏
@markfariola9207
@markfariola9207 8 ай бұрын
Grab b sir ang galing²x nyu po napa iyak mu ko ​@@kiptv1975
@lirapsalmkawikaan7540
@lirapsalmkawikaan7540 2 жыл бұрын
What a masterpiece. As a bread winner and habang tumatanda na ako naintindihan ko na kung gano ka hirap ang buhay. Kaya siguro maagang sumuko ang papa ko. Ang hirap pag kulang ang magulang. Di ka pweding sumuko. This MV left me tearing while reminiscing my moments with papa. Thank you december avenue. Please keep making your music. More power!
@whichhazel5938
@whichhazel5938 2 жыл бұрын
😭😭😭😭😭😭😭
@whichhazel5938
@whichhazel5938 2 жыл бұрын
same sentiments 😭😭😭😭
@MarkAnthonyFlorese
@MarkAnthonyFlorese 2 жыл бұрын
Hugs para sa lahat nating breadwinner na hindi pwedeng sumuko sa buhay!
@MelCorpus
@MelCorpus 2 жыл бұрын
Agree!
@timeshiftervnb
@timeshiftervnb 2 жыл бұрын
As a struggling father, and a father to a son the same as the age of the young girl featured, tears gashed out of my eyes and the tear jerking act and portrayal of the artists really touched my heart deep inside up to the core. Great work and art as usual Dec Ave Rocks!
@kiptv1975
@kiptv1975 2 жыл бұрын
Thank you po ❤️
@granzon7396
@granzon7396 2 жыл бұрын
Saludo!
@yobione9702
@yobione9702 Жыл бұрын
Ka DadbudPH sana oks ka lang today! And everyday!
@kiptv1975
@kiptv1975 Жыл бұрын
Sana nga 🙏
@SkyMusic_LC
@SkyMusic_LC 8 ай бұрын
Whoever is reading this. You will accomplish what you've set out to do. Have a good day
@moirarachelle
@moirarachelle 2 жыл бұрын
😭
@decemberavenue
@decemberavenue 2 жыл бұрын
Hi, Moi! 🥹🥰❤️
@phillipandretiania5951
@phillipandretiania5951 Жыл бұрын
Hello Ate Moiraa
@hulyandabid1523
@hulyandabid1523 Жыл бұрын
Grabe ung bridge part, ganda ng progression ng kanta tapos nakaraos na cla mag ama 😢😢😢
@SimpleShoes1
@SimpleShoes1 Жыл бұрын
A lot of people don't appreciate this MV because it's not about Couple Only those who truly love their parents can Appreciate this Master Piece ❤️
@MiguelDelaCruz-o6x
@MiguelDelaCruz-o6x Жыл бұрын
And those who truly love and sacrifice for their children too...
@ivymaedecena5108
@ivymaedecena5108 Жыл бұрын
I'm crying. This is me and my father. Iniwan kami ni Mama at si Papa naging mama at papa ko, paglalaba, pag aasikaso, lahat. Kaya ngayon na may work na ako, i'm giving him the world. He deserves everything. Kudos sa lahat ng tatay na nagsusumikap para sa kanilang mga anak. ❤️
@joeypencil5368
@joeypencil5368 Жыл бұрын
What a king 👑Mabuhay ang tatay mo! Maraming tao ang gagawin ang lahat, magkaroon lang ng tatay ng katulad ng iyo.
@kiptv1975
@kiptv1975 Жыл бұрын
🙏🙏🙏
@ryansotto6485
@ryansotto6485 Жыл бұрын
Yan ang tunay na GOAT
@bikerchefgoro8977
@bikerchefgoro8977 Жыл бұрын
😢😢 To my Daughter, if you can read this, always remember daddy loves you so much. I hate the feeling that our lives got separated. dada loves u sobra, i miss u always and im always praying that you will grow a good woman and God fearing. Dada loves u so much Merlinette Joy David Lalaban si Daddy, para sayo.....
@airachristineperalta551
@airachristineperalta551 2 жыл бұрын
Yung mga awitin niyo na hindi lang para sa pag-ibig para sa ibang tao, kundi para din sa pamilya, sa sarili at sa pangarap. What a masterpiece again, December Avenue!! 🥺🤍
@koyajeysitv14
@koyajeysitv14 2 жыл бұрын
Isang pagpupugay sa mga single parents na nagtataguyod ng kanilang mga pamilya sa gitna ng kinakaharap na mga pagsubok. Mahigpit na yakap para sa inyo ❤❤ Another masterpiece na naman from 8th Street Cinema and from our December Avenue!! 🔥
@leonardjamesortiona1022
@leonardjamesortiona1022 Жыл бұрын
This is me and my daughter right now. Hope everything will turn out okay for us in the future 🙏🙏🙏
@ahlvhenjhon
@ahlvhenjhon Жыл бұрын
I hope everything turns out great for you and your daughter, bro. Amen.
@joeypencil5368
@joeypencil5368 Жыл бұрын
Sa lahat ng sakripisyo mo bro, saksi ang langit. Keep your head up king!
@yves-bt4zv
@yves-bt4zv Жыл бұрын
good luck bro!
@marky6892
@marky6892 Жыл бұрын
Goodluck bro!!
@juancarlostolibas5316
@juancarlostolibas5316 Жыл бұрын
Good luck.. harapin mo ng taas noo lahat ng pagsubok
@BryanAnlagan-th7fs
@BryanAnlagan-th7fs 6 ай бұрын
My wife is a single mom, bago ko siya naging katuwang sa buhay sinabi niya sa akin na may anak na siya but i never stop, sinabi ko sa kanya na kahit may anak na siya mamahalin ko Siya pati ang anak niya. That day palang na sinagot niya ako nanalo na ako, sinabi niya kung kaya ko mahalin anak niya mamahalin din niya ako ng buong buo. Now may anak narin kami, we are going stronger, kahit mahirap ang buhay kakayanin. Saksi ang langit sa atin mga tatay na nagmahal ng mga single mom dyan!. . . Mabuhay tayong mga tatay na minahal din ang mga anak ng ating mga misis. .
@johnwilbalea5138
@johnwilbalea5138 2 жыл бұрын
Napakameaningful talaga ng mga music videos ng december avenue. Yung akala mong pang pag ibig lang yung kanta, pwede ring i apply sa ibang tao or sa iba't ibang sitwasyon kagaya netong saksi ang langit, naging akma yung kanta sa gustong ipahiwatig ng music video. Ang galing.
@decemberavenue
@decemberavenue 2 жыл бұрын
❤️❤️❤️
@Levi_Saturo
@Levi_Saturo 2 жыл бұрын
@@decemberavenue the best talaga ang official video niyo kaso namumula na mukha ko nakaka touch kasi naiyak tuloy ako hahahahaah
@leobadajos559
@leobadajos559 Жыл бұрын
To all the fathers out there. Stay strong para sa mga angel natin.
@esbieditsofc19
@esbieditsofc19 Жыл бұрын
Watched a short video of this on fb so I went here to watch the full. Grabee yong iyak koo, nakakaproud ang mga filipino artist natin na kayang mag explore at gumawa ng mga kantang hindi lang for couples.👏
@rueltinongorcajada1972
@rueltinongorcajada1972 Жыл бұрын
Same po kaninang umaga lumabas lang sa FB
@jerickosias2081
@jerickosias2081 Жыл бұрын
tama
@sucillelaborte8562
@sucillelaborte8562 Жыл бұрын
same.. ngayon ko lang nakita sa fb.. grabe ang ganda ng song
@darylldionisio5025
@darylldionisio5025 Жыл бұрын
Watching this alone in a room without my wife knowing. My father died when I was 8 years old. Alam kong mahal na mahal ako ng tatay ko kahit never kong nasulit ang pagmamahal ng isang ama. I know he's always been on my side protecting and guiding me. I love you, Pa. 😢
@janinetuliao3111
@janinetuliao3111 2 жыл бұрын
I'm the youngest sibling and both my sister and brother already have their own family. Our mother passed 9 years ago, and with this MV I can't see myself leaving my father in the future ayoko na makipag asawa, ayokong maiwan ulit si papa na nagiisa. Literal na umiiyak ako ngayon, nakikita ko yung sacrifice ni papa for me makapagtapos lang ng college. Grabe, lagi lang natin nakikita ang mother's love how about father naman. Solid talaga kayo December Avenue! 🙌❤
@kurstygewiellsiacon2787
@kurstygewiellsiacon2787 2 жыл бұрын
Hi pa, I know you're not reading the comments on YT, but I just want you to know that we're always thankful because you stayed even after mom left. You weren't perfect but you were there, you tried your best to give us everything despite having no permanent work up until nagkastroke kna, hindi man kami nakapagtapos ng college we somehow got stable jobs and it's all because of your support, hindi pa nman tayo nakakaahon sa hirap but soon we will basta pakatatag lng tayo always ❤️ Thank you December Avenue for creating this song and MV ❤️
@drixcaster5169
@drixcaster5169 2 жыл бұрын
I came from a very toxic family, at halos buong buhay ko ginagaslight ako at verbally abused ng sarili kong ina. Pero nung nag start na ako sa work, some random kid became my little brother. Now, I'm very happy na kinoconsider niya ako na bilang kapatid niya at pati na rin yung family niya. I grew taking care of him and making him happy. And he's also making me happy. It's really heart-warming to know na meron ka pala sweet at caring na qualities kahit na galing ka sa toxic family. Akala ko kasi wala. 😭 I'm making a huge difference and I can relate to this song. At kahit di ako ama, nakikita ko sarili ko at yung Foster brother ko dito. Saksi talaga ang langit sa amin. 🥺
@kristhiened
@kristhiened 25 күн бұрын
This MV/Song is so underrated. This deserve to have more views. ❤❤❤
@CharlesrainierGerodias
@CharlesrainierGerodias Жыл бұрын
As a single dad and have experienced what happened to the father on the video I'm so proud of my daughter that for every hardship and challenges in our life we managed to survive. we are happier than ever, even its just the 2 of us. Hh and btw this MV made me cry like a little B hahaha. Kudos to 8th street cinema team and Dec Ave keep creating this kind of music and videos God bless and keep it up
@curlyspaghetti3390
@curlyspaghetti3390 Жыл бұрын
Kung sino man ang taong kaparehas na kaparehas nung nasa music Video nato proud kami sayo at nakamit niyo ang kaginhawaan sa lahat nang pag hihirap na dinaanan niyo. This MV hits me Hard To all single parent who raise their Child with Love Just like my Mom I fully Snappy salute you ❤️
@buccinator1979
@buccinator1979 Жыл бұрын
Maraming salamat. This is me with my 2 daughters. Sacrificing my life for them.
@relaxedjess9317
@relaxedjess9317 Жыл бұрын
​@@buccinator1979 paps. isa kang baayabi para sa mga anak mo. we are so proud of you.
@user-mx2rr1xk8u
@user-mx2rr1xk8u 2 жыл бұрын
Nakikita ko tatay ko at sarili ko dito... Ginagawa lahat para sa pamilya.. Kahit gaano ka hirap ng buhay, kahit gaano ka pait at pagod, kakayanin lahat para sa mahal sa buhay. Ang ganda ng kanta. Salamat December Avenue kahit iyak ng iyak na ako dito napangiti niyo naman ako dahil ang sweet ng storya.
@Billionssssssss
@Billionssssssss 6 ай бұрын
My Dad died last year, I still remember every sacrifice he made for us. I love you Dad, I miss you so much.
@marklysaplala2689
@marklysaplala2689 Жыл бұрын
No, i'm not crying. 😭😭This MV hits home. I'm a papa's girl. My mom died when I was 15. Simula non papa ko na ang tumayong nanay at tatay samin. nagluluto, naghahatid sundo, nag aasikaso, pinipilit punan yung pagmamahal ng isang ina at mag isang tinaguyod kami haggang makatapos ng pag aaral. 🥺🥺 Ngayon, ggraduate na ako ng college sa June dahil sa lahat ng sakripisyo niya 🥺🥺🤍 at saksi ang langit sa lahat ng yun. haaay ayaw tumigil ng luha.
@rkiesanchez5851
@rkiesanchez5851 Жыл бұрын
Sa lahat ng mga nanay, tatay at sa mga nagpapakaMAGULANG Na nagsisikap makapagbigay lang ng makakabuti sa kapakanan ng mga anak ABOT LANGIT ANG SALUDO SA INYO❤❤❤❤❤
@ROGUEOFFICIALPH
@ROGUEOFFICIALPH 2 жыл бұрын
Nag iba yung meaning ng kanta sakin nung narelease tong music video na to. Grabee! Nung audio pa lang siya mukang pang pag ibig e. Tapos nung nagkamusic video may ibang meaning pa din pala talaga tong kanta na to. Sobrang galing December Avenue! Solid! Kaya sa inyo ako e. Lezgo!
@gioquerijero9271
@gioquerijero9271 10 ай бұрын
To all single Fathers there, we can do this! One tep-at-a-time
@efaeht
@efaeht Жыл бұрын
Lucky are those who experience the unconditional love coming from a father. Cheers to everyone na sa una palang pinili na :) and for people like me na sa una palang hindi na pinili, let's pray and do our best to create a beautiful family that only death can separate
@danicadoria4334
@danicadoria4334 2 жыл бұрын
We're all living exhausted, tired and drain and minsan puro pa tayo reklamo, but this song make me realize papaano pa kaya yung nagpapa-aral sakin, yung nasuporta sakin? We should value and appreciate the sacrifices of our parents. Magpahinga lang kung nakakaramdaman ng pagod, pero wag tayo susuko. Wag natin sukuan bigyan ng magandang buhay ang ating mga magulang. They all deserve a good life! 🤍🤍🤍
@gujilorenzana
@gujilorenzana 2 жыл бұрын
its been a while since I've watched a music video with so much heart in such a long time. this has got to be my most favorite music video in OPM this year 2022
@roselynmonsay8032
@roselynmonsay8032 4 ай бұрын
August 2024, im still listening and watching this mv😭 di ko parin mapigilan na umiyak for those people who are experiencing their own silent battles “SAKSI ANG LANGIT SA’TIN”
@camil18
@camil18 2 жыл бұрын
Iba talaga mga music video ng December Avenue. Ang sarap magmahal.
@kristopherkhadinabello8952
@kristopherkhadinabello8952 2 жыл бұрын
A father's love is unconditional. Being selfless and to still be able to bring smile and joy to his child is really remarkable ❤️
@sirubenpo
@sirubenpo Жыл бұрын
I cried really hard I miss my mom so much. At the age of 14 she left us. Maaga man siyang kinuh ng panginoon nag papasalamat parin ako sa mga tamang asal na itinuro niya sa aming mag kakapatid, Now that I'm 24 Ma malapit ko nang matupad ang pangarap ko bilang isang director at lahat ng obra ko ay iaalay ko sayo, Mama thank you po ❤️
@Dreii-dg6hc
@Dreii-dg6hc Ай бұрын
Habang pinapanood ko to naluluha ako kase parang may nabulong sa isipan ko na patunay na walang perpekto sa mundo kaya kung may mga blessings na dumadating sayo para sayo maliit lang yon pero sa iba malaking blessing na yung na kuha mo kaya lagi kang mag pasalamat sa dyos dahil di ka nya pinapabayaan araw araw at lagi mo lang sipagan may malaking biyaya ang nag aantay sayo sa dulo🙏🙏
@mayelvillanueva1998
@mayelvillanueva1998 2 жыл бұрын
Saksi ang langit how many tears my brother-by-heart and I shed when we watched this! Naiyak pa ako lalo kasi sabi niya, meron siyang “father issues”. 😭 I have loved this song since June 2022 and I even love it more now because of this MV. Hindi ko inakala na mas mamahalin ko pa si papa dahil dito. Salamat, Dec Ave! Grabe kayo. Mahal ko kayo.
@Yjames5
@Yjames5 2 жыл бұрын
Grabe yung MV hehe ramdam na ramdam♥️🥲 Kromp miss you guys
@junkolord2764
@junkolord2764 2 жыл бұрын
A girl's first true love is her father grabe naiyak ako lupet talaga
@RemChannel2023
@RemChannel2023 Жыл бұрын
Single parent ka man o hindi! ramdam to ng bawat magulang nagsusumikap para sa anak nila 💪 SAKSI ANG LANGIT! 🙏😇 napakagandang musika ...
@rhaprhapmejia1614
@rhaprhapmejia1614 Ай бұрын
Someday my keisha will be proud on me .. and said my dad is the best!! I made lot of mistake in my past .. but I promise to you my beautiful daughter i will be a best dad for you .. I love you always my keisha ..
@vincereyfelisilda1067
@vincereyfelisilda1067 Жыл бұрын
Happy mother's day sa mga tatay na naging nanay para sa kanilang mga anak , Kudos sa ating mga tatay ,keep on fighting! 😊❤
@wildph0enix
@wildph0enix 2 жыл бұрын
Uy umiyak ako :’( As a single parent, gagawin ko lahat para sa anak ko para masiguradong maganda ang kinabukasan nya. Yun lang ang goal ko, maging maayos ang buhay nya kahit wala na ako sa mundo. Thank you, DecAve!
@marymargarethgalicia3541
@marymargarethgalicia3541 Жыл бұрын
I just heard it today! A HIDDEN GEMMMMM! I CRIED!I was able to relate so much! My dad and I are really close. I can still remember him--braiding my hair kahit hindi pantay at busy sya sa pagsasaka, preparing meryenda para after ko maglaro, I can eat something. GRABE it is hitting me hard! My mom was really busy with work so I grew up with my dad!!! I like how this video gave another interpretation to the song! I HOPE IM MAKING PAPA PROUD!!! (finally graduated with latin honor) HOPING TO GET MY LICENSE SOON! :>>>>
@TheCreator09
@TheCreator09 3 күн бұрын
As a Father who supports may 4 daughters.. naiiyak ako palage everytime na pinapanuod ko eto.. 3years to go ga graduate na rn silang lahat at baka sa panahong un sana makapagpahinga nako sa kagagapang mag trabaho pra lang buhayin sila at para makapag aral..
@jakeruelbocado2273
@jakeruelbocado2273 2 жыл бұрын
Huhu! I watched this for many times and still ended in tears! Ang ganda ng concept! Tatay naman na single parent ang hinighlight! This simply tells us that anybody can be great and will do everything for their child. He could ask the mother to get their child but he chose to be with his daughter and did everything for her.
@johncarlonicolas9538
@johncarlonicolas9538 2 жыл бұрын
This song makes me appreciate my single mother more, who's the one that didn't left us since we were just an infant, a loving mother who's always doing her best and giving exceptions to her self just to provide for us, a mother who is always ready to listen about our personal problems, a loving mother who's working everyday without having a day off just to provide for what we need on daily basis, I love you mama. Thank you December Avenue, you're the one who made me realized that I need to cherish every moments with my one and only loving mother, moments of time that si limited and not forever.
@rodz308
@rodz308 Жыл бұрын
FIGHTING!!
@marialeahagnote9679
@marialeahagnote9679 2 жыл бұрын
We all deserve people that stays with us in richer and poorer, that sees us as hope, strength, and that will choose us rather than stop to their pains and jail themselves. We deserve the love that no matter how hard, will stay, salute to every fathers out there striving for their child's future, angas n'yo po!
@timeflies313
@timeflies313 6 ай бұрын
This MV is an ART. Just beautiful ❤ Mga ganitong OPM ang proud akong suportahan at proud akong sabihing pilipino din ako. Keep it up December Avenue. Stay blessed.
@Kring_
@Kring_ 2 жыл бұрын
Di naman ako galing sa broken family but iba yung impact nung kanta nung nakita ko yung mv. Iyak inabot ko sa kantang to. Really love this band!❤️ Kudos and looking forward for more songs na i.crecreate ninyo po. Sana magkaconcert kayo sa CDO soon. ❤️❤️
@AxlAxllao
@AxlAxllao Жыл бұрын
Single father din ako at struggle din ako hangang ngayon 5 years old na si xia sa awa ng diyos binigyan ako ng matinong trabaho. Saksi ang langit samin dalawa ng anak ko♥️🥰
@AngeloAsuncion-vh8jq
@AngeloAsuncion-vh8jq 6 ай бұрын
Happy Father's Day sa mga tatay na patuloy na lumalaban sa kanikanilang pamilya. Saludo ako sainyo🫡🫶
@zorellarca3155
@zorellarca3155 Жыл бұрын
im a single father. Hindi ko alam kung tama ang pagpapalaki ko sa anak ko,specially babae sya...pero ang alam ko ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Madalas na jjudge ang mga kagaya ko, pero all i know is basta para sa anak ko,lahat gagawin ko....Saksi ang langit sa amin...
@jayzmusic6045
@jayzmusic6045 2 жыл бұрын
Yung maganda na yung lyrics at melody ng kanta tpos lalong dumiin sa puso dahil sa music video ❤️, congrats diko expected to, Saksi Ang Langit napaluha ako nito 😁🤘♥️
@reginald56000
@reginald56000 2 жыл бұрын
Salute!! sa lahat ng Single Parents na hindi tinalikuran ang kanilang mga anak!!
@justinexavier5170
@justinexavier5170 2 жыл бұрын
ngayon lang ako napaiyak ng isang MV. Kudos sa December Avenue and sa lahat ng nag-effort sa MV na ito!👏👏
@PersieTV2803
@PersieTV2803 9 ай бұрын
alam nyo ba na mas astig pag ang single parent ay isang lalake tpos walang paltos sa pag kayod at pag aalaga ng mga anak kht sya lng mag isa para lng s magandang kinabukasan ng knyang anak/mga anak Kase malimit nating isipin na pag lalake ay hnd kaya ang mga gawaing bahay kasabay ang trabaho at pag aalaga s anak kaya saludo talaga ako sa mga nakilala kong single tatay na multi tasking 🙏💪 mas sweet kase tingnan na sa kabila ng kanilang tikas makikita mo ang soft side pag usapang pamilya na😊 pra sa mga parents na ginawa ang lht pero iniwan pa din pero hnd sumuko tumayo at nag paka tatag para sa kanyang mga anak nila isang malaking👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏 dahil realtalk lng ang tunay na pag ibig na hindi kaiiwan at patuloy kang aalagaan ay makikita mo sa iyong mga anak...
@heycessmanuel
@heycessmanuel Жыл бұрын
Ang aga ko na naman umiiyak. Sobrang relate ako sa MV.. hindi ko alam kung dahil I'm longing for my father or dahil single parent din ako and yung relationship ng mag-ama sa MV e ganun rin kami ngayon ng anak ko. Siya nagbibigay ng strength sa akin to always move forward in life and to be a better person. Cheers to all the single parents na nagpapatuloy para mga anak natin! Lahat ay worth it!
@leahcimnoel
@leahcimnoel 2 жыл бұрын
Langya kayo December Avenue. Ansaya-saya ng araw ko tas bigla akong umiyak dahil dito! 🤣 Both of my parents raised me pero yung factor na nakapagpaiyak sakin is yung alam mong gagawin talaga ng magulang lahat para sa anak at kahit alam mong kinakaya nila para sayo eh dumarating padin ang point na umiiyak sila kase nahihirapan sila. Still, what a tribute to single parents! ❤️❤️❤️
@leymhernandez4753
@leymhernandez4753 Жыл бұрын
HAPPY FATHER'S DAY SA LAHAT NG MGA LALAKING PINANINDIGAN ANG MGA ANAK NILA!! SANA ALL!!
@its_jong3448
@its_jong3448 2 ай бұрын
this song is underrated. i hope more people start to recognize the heart-warming message of this masterpiece. kaya sa lahat ng nahihirapan ngayon, look behind you and see the people who roots for your success and happiness. padayon lang.
@edgardojesusebrona5224
@edgardojesusebrona5224 Жыл бұрын
Kudos. Salute to all single parents na di sumusuko para sa kanilang mga anak.
@yllaveronicabuenaventura881
@yllaveronicabuenaventura881 2 жыл бұрын
Iyak ako ng iyak kagabi. I was busy to watch the MV pero I do know na it's out na. Di ko mapigilan iyak ko til now!😭 Ibang iba kayo December Avenue! My first band to love😭💛 Saksi ang langit gano ko kayo kagusto makita💛💛💛
@SpazzyMcGeee
@SpazzyMcGeee 2 жыл бұрын
Napaka-ganda ng storytelling ng MV. Grabe, December Avenue continues to raise the bar when it comes to producing great music and music videos. Wala akong masabi. Hands down! Kudos to DA and sa lahat ng tao behind this awesome MV!
@pjsupera3380
@pjsupera3380 Жыл бұрын
Single dad here 👈 pero hindi ako apektado. Siguro positive thinking lang sigro ako sa buhay thnks fb di mo parin ako pinaiyak 😅
@MarkAnthonyFlorese
@MarkAnthonyFlorese 2 жыл бұрын
Saksi ang langit, kahit na ako na lang ang nag-iisang matatag para iahon ang pamilya ko sa hirap ng buhay. Bilang isang breadwinner na handang tanggapin lahat ng pait, pasakit, at paghihirap sa mundong ito para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal mo sa buhay kahit minsan di mo na nabibigyan ang sarili mo. Saludo ako sa inyong lahat! Hugs. Walang sukuan kahit sobrang hirap na.
@gcenteightyseven
@gcenteightyseven Жыл бұрын
Thank you on behalf of all single dad na lumalaban at patuloy na nagmamahal sa mga anak nila sa kabila ng hirap at pagod. Mabuhay po kayo lahat ng matagal para sa mga anak nyu💪💪❤️❤️
@anthonelllave5761
@anthonelllave5761 2 жыл бұрын
Tapang! This will serve as a motivation to those single parents na kumakayod for their family. This will serve as a basis for those who's looking for love that we so should no settle for bare minimum kasi may mga taong ibibigay ang mundo nila para sa atin. This will serve as an inspiration to everyone to move forward and to keep dreaming despite the hardship this world offers. Remeber, SAKSI ANG LANGIT and one day all of our tears, puyat, gutom, sakit will pay off.
@darkangellelautner7514
@darkangellelautner7514 Жыл бұрын
napadpad dito dahil sa fb reels ng December Avenue 🥰💕💜😭🥹 Papa's girl ako and this mv makes me cry .. 😭😭😭😭 buhay pa tatay ko , malayo nga lang kami sa isat isa pero lage ko xia namimizz ,,, iba talaga bonding namin kase kahit broken family kami goods sila ni mama, at hindi man niya maibigay lahat samin magkakapatid i really appreciate him kahit konti lang maibigay nia, ang mahalaga anjan parin xia .. i remember nun ikasal ako, umiyak xia silently sa sulok, then sinabihan nia hubby ko , wag daw ako paiyakin kase "isang bala ka lang " daw c hubby pag nangyare yun .. idol nia kase si fpj 😅🥹😭🥹😭 Love your parents ., hindi sila perpekto pero ang tanging gusto nila ay mapabuti ka ..
@Ptatokenny
@Ptatokenny 2 жыл бұрын
Nakailang ulit na ako sa MV but the transition at 3:36 still gets me!
@ferdi9117
@ferdi9117 2 жыл бұрын
At first hindi ko inexpect na ganito yung magiging MV, I thought it would be for lover in a healthy relationship since halos puro pang-broken mga kanta n'yo. Pero yung MV saktong-sakto sa meaning ng kanta. I didn't came from broken family pero naiyak pa din ako sa message ng MV. Kahit sino makakarelate, this song reminds me that in every downfalls and struggles natin sa buhay laging saksi ang langit, kahit na akala natin mag-isa lang tayo pero yung langit laging saksi sa mga pinagdadaanan natin. Sa mga masasayang experience saksi pa din ang langit. And soon magiging saksi din ang langit sa pag-abot natin ng mga pangarap natin. Sa lahat ng taong may mabigat na pinagdadaanan, just always remember "SAKSI ANG LANGIT"💙. LABAN!!!
@erictierra8892
@erictierra8892 2 жыл бұрын
same bro
@lilim5532
@lilim5532 2 жыл бұрын
As a child who grew up with a thriving single parent, i must say, this is truly relatable! Grabe iyak ko, just got married as well. And like this MV, all I have is my mom beside me and that's more than enough for me. Salute to all our thriving and ever loving single moms and dads out there! Kudos to this another amazing piece December Avenue, been a fan of yours since 2k12!
@blvff999
@blvff999 2 жыл бұрын
Same.. All I have is my mom.. Congrats sa marriage! I hope maibalik ko rin yung pagod na binibigay ng mom ko sakin soon..
@lilim5532
@lilim5532 2 жыл бұрын
@@blvff999 thank yooou. ☺️ You will surely make it someday! 💖
@gre1677
@gre1677 17 күн бұрын
Tumanda akong walang tatay, since maaga syang namatay dahil sa accident , pero naluha ako dito be thankful sa mga na ka exp ng buong familya. naiingit ako sa mga taong na exp ang isang buong familya
@loispopatco724
@loispopatco724 2 жыл бұрын
3:20 grabe pagtulo ng luha ko. Saludo sa mga dakilang AMA na hindi tumigil hanggang sa huling sandali. Gagawin ang lahat para sa anak sa ngalan ng Pag-ibig. Saksi ang Langit sa lahat ng hirap at mag sasakripisyo para sa anak hanggang sa dulo ng walang hanggan. ❤️
@juzii5991
@juzii5991 Жыл бұрын
This video had me crying. Salute to the people out there who chose to be responsible. 🖤
@MiKONiCHiWATV
@MiKONiCHiWATV 2 жыл бұрын
Ngiti, takot, luha lahat pinagkasya at pinagsama-sama, isang makabuluhang kanta, lirisismong matalinhaga malambing at masarap sa tenga. Isang buong pelikula ng kwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa pinagkasya sa isang sandali. Mga luha ko'y bumabalong sa aking pisngi habang ninanamnam ang bawat sandaling panonood, salamat sa iyong gintong awitin @decemberavenue ❤️🥺 You just made a dad happy and be more stronger and positive for his daughter's future. 💯🫀🥲
@ScholarshipCommitteeASMPH
@ScholarshipCommitteeASMPH 3 ай бұрын
ilang ulit ko na to pinanood pero umiiyak pa rin ako pag napapanood ko tong video. I'm not a parent pa pero ramdam ko ang feelings ng video at kanta. Kodus sa lahat ng single parent at sa december avenue grabeh iyak na nmn ako ng iyak huhu
@ibestomata2284
@ibestomata2284 Жыл бұрын
Para sa lahat ng single parent. Magiging ama’t ina para sa mga anak. Ibibigay at gagawin ang lahat, saksi ang langit.❤ Deserve na deserve na manalo. ❤❤❤
@jeofreycolumna1105
@jeofreycolumna1105 2 жыл бұрын
Nice DecAve. Hindi lang Basta kanta. Madami din mapupulot na aral. This MV show us the greatest love of a Father to his Daughter. What ever happened, hindi mapapantayan nang kahit ano pa Mang bagay sa Mundo. Ang love Ng Magulang sa Kanyang anak. Kaya mahalin at respetuhin natin ang parents natin. Kase Kung hindi dahil sa kanila, Wala Tayo sa Mundo ngayon. Dabest DecAve❤️
@ronfarillon9830
@ronfarillon9830 Жыл бұрын
No matter how difficult life is...don't lose hope just continue pushing
@LouizhelleAiles
@LouizhelleAiles 10 ай бұрын
Sobra ang iyak ko sa MV nato, iba talaga ang ginagawa ng padre de pamilya para lang sa mga anak nila. I salute you all the fathers out there na sobra ang ginagawa para sa pamilya nila. And to my father thankyou for everything mahal na mahal kita💜💜💜
@CallMeCathCath
@CallMeCathCath Жыл бұрын
Grabe nakita ko lang clip sa fb napunta ako dito, Grabe yung tulo ng luha ko .. 😢 sobrang genuine. Ang galing sobra ❤❤
@kyeoptanoona127
@kyeoptanoona127 2 жыл бұрын
Fathers love is unconditional talaga! Grabe naiyak ako.
@junlietejares8023
@junlietejares8023 Жыл бұрын
Grateful sa algo, the emotions it brings, deym. As a father myself. Salamat po sa pagpapakita na nahihirapan man kami, patuloy pa rin kaming lalaban para sa mga anak namin. Tunay na saksi ang langit, malayo pa, pero malayo na ❤
@MonnArvinTaño
@MonnArvinTaño 4 ай бұрын
After 2 months of giving birth to our daughter last 2021, this song still making me i tears. I'm a terrible liar hiding my tears to my daughter, but i'm happy seeing her genuine smile and it's gives me strength to overcome challenges in life. Thank you for composing this song it motivates not only me but to those people listening to your songs❤
It’s all not real
00:15
V.A. show / Магика
Рет қаралды 20 МЛН
Леон киллер и Оля Полякова 😹
00:42
Канал Смеха
Рет қаралды 4,7 МЛН
小丑女COCO的审判。#天使 #小丑 #超人不会飞
00:53
超人不会飞
Рет қаралды 16 МЛН
PALAGI - TJxKZ | LIVE SESSIONS
5:05
TJ Monterde
Рет қаралды 27 МЛН
Nang Dumating Ka - Bandang Lapis (Official Music Video)
7:37
Bandang Lapis
Рет қаралды 16 МЛН
December Avenue - Sa Ngalan Ng Pag-ibig | Tower Sessions
6:09
TOWERofDOOM
Рет қаралды 181 М.
December Avenue - Magkunwari ('Di Man Tayo) [TODA One I Love Official Soundtrack]
4:42
“Dilaw” - Maki (Official Music Video)
4:34
Tarsier Records
Рет қаралды 39 МЛН
Bakit Part 2 (Live at The Cozy Cove) - Mayonnaise
7:46
Nine Degrees North
Рет қаралды 2,3 МЛН
December Avenue Nonstop Songs Part 2
23:50
JBM
Рет қаралды 954 М.
December Avenue - Kahit Sa Panaginip (OFFICIAL LYRIC VIDEO)
4:39
Tower of Doom Music
Рет қаралды 6 МЛН
It’s all not real
00:15
V.A. show / Магика
Рет қаралды 20 МЛН