'Diborsyo', dokumentaryo ni Atom Araullo (Full Episode) | I-Witness

  Рет қаралды 292,034

GMA Public  Affairs

GMA Public Affairs

Күн бұрын

Пікірлер: 719
@dawnashleyabrina1112
@dawnashleyabrina1112 7 ай бұрын
the docu hits different if it is Sir Atom Araullo or Ms. Kara David 🙌🏻🙌🏻🙌🏻 kudos to all journalists for speaking LOUDERRR!!
@joelenrico2833
@joelenrico2833 7 ай бұрын
agree, pang primetime. isama pa ung isa, ung puro docu about halaman, ibon.
@Miyorenzki
@Miyorenzki 7 ай бұрын
Nakakainis, yung "Huwag nating sirain ang plano ng Diyos" so plano pala ng Diyos na mabugbog si misis, na makatikim ng sampal sa asawa?, muramurahin? abusuhin? magdusa?
@vicarygee1044
@vicarygee1044 7 ай бұрын
Very good comment. The priest is wrong, the Bible even consent on divorce on grounds of adultery & abandonment or desertion.
@Elvira1972
@Elvira1972 7 ай бұрын
Hahahahahahahaaaaaaaay!🤣🤣🙄🙄
@agarinmarygrace8967
@agarinmarygrace8967 7 ай бұрын
true yay! umay diba? Hahahaha mga sarado ang utak
@ローリデス白川
@ローリデス白川 7 ай бұрын
Pag itong pari ang magmimisa.d nako magsisimba, kkainis talaga
@yotototab4922
@yotototab4922 6 ай бұрын
@@vicarygee1044 ano ba Ang teaching ni Jesus Christ about divorce? Pwedi ba magkamali si Jesus Christ?
@niccanix
@niccanix 7 ай бұрын
i am happily married for 15 yrs ... pero sang - ayon ako na magkaroon ng divorce para sa mga Filipino married couples na tlgang di na maayos ang pagsasama...
@vampireblack1064
@vampireblack1064 7 ай бұрын
Sana maisakatuparan ang DIVORCE sa Pinas especially para sa mga taong emotionally and physically abused. Or nasa toxic marriage.
@yotototab4922
@yotototab4922 7 ай бұрын
kung hindi ka kristiano at hindi ka niniwala sa Diyos na ayaw sa divorce sie po go ahead. Pero kung kristiyano ka at may takot sa Diyos , sana mag bago ang pa ang pag iisip mp
@vampireblack1064
@vampireblack1064 7 ай бұрын
@@yotototab4922 kristiano po aq bakit Anong gusto nyo?? Ung mga babaeng binubogbog mag stay na lang? We have right po everyone doesn't deserve to be abuse and that's my opinion. Kung kaya mo mag tiis that's your life.
@music2relax486
@music2relax486 7 ай бұрын
​@@yotototab4922yung mga katulad nyong maka "diyos" kuno kayo talaga yung mahihilig mang judge ng tao. Kayo yung mahilig makialam sa mga taong di agree sa paniniwala nyo. Kayo yung mga taong manhid at hndi marunong rumespeto sa ibang tao. Maka diyos ka pero hndi ka maka tao. Hndi ka masasagip kung ganyan lang.
@joellayno5341
@joellayno5341 7 ай бұрын
@@yotototab4922palagay mu yon mga katok-liko mga kristiano? Eh mga paganu naman kayo mga simbahan ng rebulto
@juliusrenz89
@juliusrenz89 7 ай бұрын
​@@yotototab4922kabobohang sagot ang may "diyos" sa usaping diborsyo. Parang ang peperpekto ng buhay nating lahat para ipagkait ang diborsyo sa mga nangangailangan. Utang na loob kayong mga relihiyoso kuno, dun kayo sa far away. Kung ayaw niyo sa divorce eh di wag!!! Para lang naman yan sa mga nangangailangan!!!
@fredcapuchino4878
@fredcapuchino4878 7 ай бұрын
Ang divorce ay hndi para sirain ang pamilya. Ito ang daan para lumayo sa gulo at makapagsimula ulit.
@renerosalez4915
@renerosalez4915 6 ай бұрын
Bakit mo nasabi?
@maemories
@maemories 7 ай бұрын
Listen to the people who are abused and maltreated, hindi sa mga priest.
@crossblaze2257
@crossblaze2257 7 ай бұрын
Oo nga paka yayaman ng mga pari nayan
@ahmadlasala5993
@ahmadlasala5993 7 ай бұрын
Tumbok mo sakto
@macenz0
@macenz0 7 ай бұрын
Kung sinasaktan ka pwede mo naman ipakulong... Mas dadami lang manloloko sa asawa nila kung madali na lang ipatanggal ang kasal...
@BlackPussPuss
@BlackPussPuss 7 ай бұрын
@@macenz0 nakakulong nga, hindi naman makapag pakasal yung mga nakaranas ng masama sa ex-partner nila kasi nga VALID pa din yung marriage contract.
@macenz0
@macenz0 7 ай бұрын
@@BlackPussPuss kawawa ang mga anak. Galing ako sa broken family at ng iwan kami ng tatay ko hindi kami sinustentuhan. Paano ang mga anak ng mga naghihiwalay na pamilya?
@ljvida17
@ljvida17 7 ай бұрын
Tama si attorney❤ ung pari nakakainis hnd kz sila ung asa sitwasyon ng babae😢😢
@EmarieSabanal-h6g
@EmarieSabanal-h6g 7 ай бұрын
Ndi nyo po masisi ang mga pari, dhil sila po ay my obligasyon s panginoon, ang mga ngyyri s lupa ay gwa ng tao at kslnan ng tao, kya wag nyo po sila kainisan, bago paman iksal ang magasawa meron po yan counseling, my mga seminars po yan, S buhay magasawa tlgang mrming pagsubok yan, pwd Kau lumapit uli s smbhan o s munispyo n nagksal n hhngi Kau ng counseling magasawa, pero wla bbhra nmn gngwa nyan, kya ang mga ngyyri s magasawa ay kslnan ng tao yan, wlang ibang dpat sshin,
@Kiracute
@Kiracute 7 ай бұрын
@@EmarieSabanal-h6gWag iasa sa Pari ang kinabukasan ng tao. Pari nga hindi nagpakasal! Anong alam nila sa pagmamahal?? Anong alam nila sa pagsasama? Kung binubugbog ka ba titiisin mo? Hindi mo makikilala ang asawa mo hangga’t dimo siya nakakasama sa iisang bubong. Kaya wag mong sabihin na sineseminar bago magpakasal. Iba ang seminar iba ang ugali.
@minhomel
@minhomel 7 ай бұрын
Magkaroon ka naman ng respeto sa mga pari
@renerosalez4915
@renerosalez4915 6 ай бұрын
Sa madre na lang
@allexandriamiles3038
@allexandriamiles3038 Ай бұрын
U can't tell enough when youre not in the same shoes. Tulad ng mga priest, they cant marry so paano nila masasabi if sla mismo hindi nila yan naranasan.
@rjs1407
@rjs1407 7 ай бұрын
I support. 27 years na akong abandoned at napag alaman, may sarili na syang familya at masaya...father, meron na dapat akong chance para gumuhit din ng sarili kong landas pamilya di po ba.
@henrypido3152
@henrypido3152 7 ай бұрын
Masama ka kasing asawa. Alam nman yan sa lugar natin kung gano ka ka bungagera. Noon ka pa na lalalake 2005 palang @rjs1407
@yotototab4922
@yotototab4922 7 ай бұрын
gusto mo po ba magkasala sa Diyos ang adultery? pwedi mo po siya kasuhan at pananagutin sa batas kung gugustuhin mo.
@Clark-le6fd
@Clark-le6fd 7 ай бұрын
​@@yotototab4922 saksak mo sa baga diyos mo.
@ANNAANNA-ln5qi
@ANNAANNA-ln5qi 7 ай бұрын
​@@yotototab4922 lol panagutin ? then what ?
@yesidothecooking
@yesidothecooking 7 ай бұрын
​@@yotototab4922 so, mas gusto mo na dalawang pamilya na ang baging broken? dalawang pamilya na ang walang tatay? where's your logic?
@KekisaursTheBeksplorer
@KekisaursTheBeksplorer 7 ай бұрын
Namiss ko yung boses ni Sir Mike Enriquez
@angpagbabaliknikulapo4195
@angpagbabaliknikulapo4195 6 ай бұрын
Namiss mo ba cge hukayin mo ung puntod nya hahaha 😅😅😅
@hazelfrancisco2354
@hazelfrancisco2354 5 ай бұрын
Hello! Request ko lang po na sana magkaron ng interpreters sa lower right corner ng documentaries or at the very least kahit po translated captions lang para po involved pa din yung ating deaf community. The documentary topics are really great po and addresses complex emotions and situations that can help our deaf community be more integrated in life issues. Thank you!
@TrendingDiva
@TrendingDiva 7 ай бұрын
Sa mga mahilig mag-copy paste diyan: HINDI MANDATORY ang diborsyo. Option lang siya for those in abusive relationships. Kung hindi mo kailangan, hindi mo kailangang i-avail. Hindi lahat biniyayaan ng matinong asawa.
@Nobody-yu4gr
@Nobody-yu4gr 7 ай бұрын
agree
@jaypeesee3333
@jaypeesee3333 7 ай бұрын
Yun lang..😢😂😅
@Shino-d6p
@Shino-d6p 6 ай бұрын
Tama😃
@deckmiller3652
@deckmiller3652 7 ай бұрын
Dapat ang iniintindi ng mga pari ay iyong pang aabuso sa bata at yung sindikato sa loob ng relihiyon nila. Ang divorce ay hindi para mga happily married couple tulad nila Richard Gomez, Joel Villanueva, at Cynthia Villar. Lalong hindi para sa mga pari na wala namang asawa. Ang divorce ay para mga kababaihan na tulad ni Ann. Dapat may divorce option para sa lahat ng taong gustong makapag-umpisa ulit mula sa mapanakit na karelasyon. Hindi ka naman mapupunta sa langit kung ayaw mo sa divorce. Yes na yes to divorce.
@kooliekidtv5786
@kooliekidtv5786 6 ай бұрын
Nakakalungkot na ang focus ng basehan ng "divorce" ay kung may element of "pambubugbog" or "domestic violence lamang. Maraming factors ang nagiging dahilan ng unhappy and unsuccessful marriage, hindi lamang physical, merong emotional, mental, and madalas ay financial. Wala talagang kwenta ang sistema ng Pilipinas. Tapos pahirapan pa ang pag file ng annulment. Ubod ng mahal pa.
@gwapo241
@gwapo241 7 ай бұрын
Why should we listen to those priests who never experienced marriage? 🤣
@vernonchristianmarquez5664
@vernonchristianmarquez5664 7 ай бұрын
true hahaha
@Blaze_Alonzo
@Blaze_Alonzo 7 ай бұрын
Why, are you worthy of being listened to, then?
@notinplanetearth
@notinplanetearth 7 ай бұрын
karamihan pa dyan may babae din eh ahahaha
@mjdin4705
@mjdin4705 7 ай бұрын
​​@@Blaze_Alonzolol why don't those priests focus on the church's issues. There a lot of issues concerning the church, issues nang ka halayan at iba pa. Doon dapat sila mag focus. Mag epoktrito! Kadiri kayo! Pwe!
@jea1436
@jea1436 7 ай бұрын
​@@Blaze_Alonzo sa lahat ng nakaranas? Yes
@RomFactolerinAuthor
@RomFactolerinAuthor 7 ай бұрын
yung pari na may Vow ng celibacy and not to get married ang tindi tindi ng opinyon sa buhay ng mga taong married. ang pinakamatinding pinanghahawakan lang naman niya ay "huwag naman nating sirain ang pagsasamang binasbasan ng Diyos" nasaan ang basbas ng diyos kung ang tatay ay nire-rape na ang anak niya? nasaan ang basbas ng diyos kung araw-araw nambubugbog, nambabae, nag aadik at kriminal ang asawa? kung hindi n'yo kailangan ang divorce, dahil maganda naman ang buhay may-asawa n'yo, hayaan n'yong ibigay ito sa mga taong nangangailangan nito.
@music2relax486
@music2relax486 6 ай бұрын
@@RomFactolerinAuthor sobrang close minded ng tao na akala nila pare pareho ng pinag dadaanan. Meron pa nga umabot pa ng patayan makawala lang sa isang relasyon. Nasan ang basbas don. Akala nila parang movie lang na palaging happy ending. Ayaw nila ipasok sa kokote nila yung mga tunay na nangyayari.
@wise_man381
@wise_man381 7 ай бұрын
Gandang documentary lalo na yung last part
@YansiAlberto
@YansiAlberto 7 ай бұрын
separation of church and state is in our constitution.
@yotototab4922
@yotototab4922 7 ай бұрын
tama po kayo pero hindi po absolute ang separation n ayan lalo na kung moralidad at dignity ang pag uusapan.
@Oxxo408
@Oxxo408 7 ай бұрын
Tama po..
@ANNAANNA-ln5qi
@ANNAANNA-ln5qi 7 ай бұрын
​@@yotototab4922lol sabihin mo kay chiz yan 😅
@ColleenEspinosa-u9x
@ColleenEspinosa-u9x 7 ай бұрын
I’m a believer of God. Naniniwala ako sa Panginoon and the relationship that I have with Him. Aside from the religion that I am part of, naniniwala ako na yung pagkakaroon ng relihiyon, way lang yon sa kung paano mo sambahin ang Panginoon. Mas naniniwala ako sa relasyon na meron ako Sakanya. Naniniwala ako na mas gusto ni Lord na mapabuti lahat ng tao sa mundo na di nila kelangan mag suffer inside an abusive relationship. We ALL NEED A WAY OUT.
@Redbutterfly45
@Redbutterfly45 7 ай бұрын
Father ikaw gugulpihin ko..ang galing niyong magsalita tungkol sa hindi paghiwalayin ang mag asawa sa amin kayo makinig na nakakaranas ng pang aabuso ..kahit wala namang divorce naghihiwalay pa din ang mag asawa at nakakalungkot lang na dala dala pa din naming mga babae ang apelyedo ng dating mapang abuso naming partner/asawa
@kenttylerph
@kenttylerph 7 ай бұрын
Sama ako sayo 🙋‍♂️
@Fujiko.2705
@Fujiko.2705 7 ай бұрын
@@kenttylerph😂😂😂
@omegapinnix3088
@omegapinnix3088 6 ай бұрын
HAHAHAHAHAHHA tamaa epal to si father e
@titaglo5929
@titaglo5929 6 ай бұрын
napakaipokrito nung pari. magququote pa ng salita ng Diyos pero mismong sila e lumalabag sa aral ng Panginoon. simpleng huwag sumamba sa diyos-diyosan e ginagawa nila. off topic pero nakakabadtrip kasi e.
@mr.potatozz2059
@mr.potatozz2059 3 ай бұрын
​@@titaglo5929di naman nila sinasamba Yung rebulto sabagay protestante kayo na nakikinig sa tao at hndi nagbabasa ng bibliya
@jeoshuanathan71
@jeoshuanathan71 7 ай бұрын
give chance to move on❤
@renerosalez4915
@renerosalez4915 6 ай бұрын
No one is stopping you girl! Go on
@jesusgonzales5
@jesusgonzales5 7 ай бұрын
Ung pari.pwd may choice pero tanggalin daw ung divorce. Madaling sbhn yun kc hnd cla inaabuso.
@luningningbbenjie8733
@luningningbbenjie8733 7 ай бұрын
Why would you allow someone you abuse you leave him take your kids kahit may divorce if ayaw ng asawa mahihirapan ka mahal pa need mo ng abogada pera din yan
@Nobody-yu4gr
@Nobody-yu4gr 7 ай бұрын
true
@music2relax486
@music2relax486 7 ай бұрын
​@@luningningbbenjie8733kayo yung mga hndi nakakaranas ng mga pang aabuso kayo pa tong malakas mag salita ng ganyan. GINAWA NA NILA YAN. ANG SAGOT NILA HNDI KUMPLETO ANG PAG MOMOVE ON KUNG NAKA DIKIT PA DN SA PANGALAN NILA YUNG APELIDO NG TAO.
@RomFactolerinAuthor
@RomFactolerinAuthor 7 ай бұрын
@@music2relax486 at hindi ka pwedeng bumili o mag may-ari ng lupa o bahay o sasakyan ng hindi kahati pa rin ang ex mo hanggat di kayo annuled o legally separated.
@EmarieSabanal-h6g
@EmarieSabanal-h6g 7 ай бұрын
​@@music2relax486nssabi mu lng yan, qng ang loob mu ay nsa dyos ng pagpptwad, mkka moved on kna, yang divorced nyan ay batas lng n gwa ng tao
@marifee6535
@marifee6535 2 ай бұрын
Make it work and jus have patience ....FOR KIDS...or on any circumstances... All we can do is PRAY.AND WILL ANSWER.❤
@JamesBond-rx8ly
@JamesBond-rx8ly 7 ай бұрын
I strongly agree with Atty. Mawis. Kung hindi na magkakaintindihan, why not separate in good ways na hindi na dapat hahantong sa sakitan o maltreatment? Dapat merong divorce to address the present problem.
@annedahan7009
@annedahan7009 6 ай бұрын
Sir Atom, as always, very commendable!
@NANNYTHEADVENTURER
@NANNYTHEADVENTURER 7 ай бұрын
Ang divorce ay para lang doon sa talagang kailangan! Tulad ng nakakaranas ng abusive partner...No judgement!
@jakisoo2274
@jakisoo2274 7 ай бұрын
Thank you Atom!
@josephinedorado7596
@josephinedorado7596 6 ай бұрын
Agree po ako sa divorce law. Isa din po akong biktima ng pang aabuso, physically, emotionally and even mentally. Dumaan din ako sa matinding depression kaya i decided to give up. Everyone deserves a happy life.
@ASMRLiferz
@ASMRLiferz 3 ай бұрын
"Walang lugar ang karahasan sa tahanan. Pahalagahan ang pagmamahal, respeto, at kaligtasan."
@angelitaandal3587
@angelitaandal3587 7 ай бұрын
2024 na, sana maipsa na ang divorce bill as Senate.
@ginaportes896
@ginaportes896 7 ай бұрын
Agree ako sa divorce...
@renerosalez4915
@renerosalez4915 6 ай бұрын
Why?
@youshouldnotask7439
@youshouldnotask7439 21 күн бұрын
isang bagsakan back to strangers kayo
@christianuntalan4725
@christianuntalan4725 7 ай бұрын
Sana maipasa ang Divorce Law
@angpagbabaliknikulapo4195
@angpagbabaliknikulapo4195 6 ай бұрын
Hndi pwde umalis knlng d2 sa pinas kung iaapela mo yang gusto mo😅😅😅
@lgeonicco4134
@lgeonicco4134 7 ай бұрын
Father pag ikaw binubugbog araw araw, at hindi nagbabago. Okay lang ba yun? At bawal mo siyang ireklamo o idemanda. Kasi parang ganyan tinotolerate nyo sa pagtutol ng diborsyo. Nagiging enabler kayo ng mga mapagmanipulang mga tao. Amen
@cindydy
@cindydy 4 ай бұрын
The fear and trauma of being abused 😢😢 i know the feeling dahil momentum ako ng ganyang klaseng relasyon
@djwarlock8
@djwarlock8 6 ай бұрын
I am pro divorce pero sana naman sa mga docu na kagaya nito wag laging babae ang api. Humanap din kayo ng mga babae ang may sala. Fyi hindi lahat ng broken marriages lalaki ang mag sala.
@allencruise6299
@allencruise6299 6 ай бұрын
Bigyan ng option ang mga nangangailangan. Sa mga masaya ang pagsasama, good job! But let us give those who suffer another chance to be happy.
@Alexander-sc3hl
@Alexander-sc3hl 3 ай бұрын
It's About Time to Have Divorce in the Philippines Do Not Force People to Stay Together if They Don't Want to Anymore.
@AninaSabry
@AninaSabry 5 ай бұрын
any kind of ABUSE is a NO NO lalo pa nakikita ng mga ANAK mo iispin nila its NORMAL lang BREAK THE CYCLE
@reneesmabe8644
@reneesmabe8644 7 ай бұрын
Agree to divorce
@CristyDepena
@CristyDepena 7 ай бұрын
Kilangan po ba may reason, para ma approved ang annulment? What if kung di na nagwowork ang isa't isa.?
@jfsetv5138
@jfsetv5138 6 ай бұрын
Ang susundin lang talaga ng tao ay kung ano ang natapat sa kagustuhan nila, hindi nila kayang isaalang alang ang batas ng Diyos. Mas mahalaga ba ang sarili kaysa pagsunod?
@justsomeone207
@justsomeone207 7 ай бұрын
Sana meron ring pumansin para sa mga kalalakihang nakakaranas ng abuso sa mga babaeng asawa nila. Di porke lalaki, di na nakakaranas nang ganito.
@nanetha13
@nanetha13 7 ай бұрын
Ipokrito ang simbahan. Annulment pwede pero divorce ayaw. Same naman uuwian nun.
@Nobody-yu4gr
@Nobody-yu4gr 7 ай бұрын
true pera pera lang yan.... yang mga nag didisagree mga lawyers yan mostly. imagine 250k-350k ang process.... grabe kayo!!! karamihan sa solo parent, working 2jobs para ma support ang kids tapos gusto nyo pagastusin pa ang 350k. asan ang hustisya???
@EduardoIgnacioJr.
@EduardoIgnacioJr. 7 ай бұрын
Hindi LNG nila lubos na naiintindihan tulad ng pagsamba nila sa mga rebulto oo nga't ginagalang nila ang mga sinasamba nila pero hindi naman sila sasagutin ng mga rebulto na sinasamba nila at dapat diyos LNG ang sinasamba
@yotototab4922
@yotototab4922 7 ай бұрын
hindi mo lang alam ang kahulugan ng annulment kumpara sa divorce kay apo nasasabi mo yan. Hindi po simbahan ang nag papahirap sa process ng annulment kundi po ang ating kasalukuyang batas ang ginawa ng mga nasa gobyerno
@ANNAANNA-ln5qi
@ANNAANNA-ln5qi 7 ай бұрын
​@@yotototab4922so ano pinagkaiba ? 😅
@joanmeneses1000
@joanmeneses1000 7 ай бұрын
church will never agree, ano pang saysay ng turo ng simbagan kung mag-agree sila.. it just mean we have to respect each other’s beliefs and stand in the society. Taga-balanse ang simbahan, it reminds us of our spiritual values.
@jhayeaeronnucasa9116
@jhayeaeronnucasa9116 7 ай бұрын
ang pogi tlga ni sir Atom Araullo nung bata pa hanggang ngayon
@angpagbabaliknikulapo4195
@angpagbabaliknikulapo4195 6 ай бұрын
Ay bumading? Anu b yerrnnn😅😅😅😅
@EduardoIgnacioJr.
@EduardoIgnacioJr. 7 ай бұрын
Hindi naman lahat nagmamahalan ng tunay kaya sana maisip rin ng mga lumalaban para sa anti divorce na hindi naman para sa nagmamahalan ng tunay ang divorce
@EmarieSabanal-h6g
@EmarieSabanal-h6g 7 ай бұрын
Kz nga my knya knya ng pamilya o kabit kya nssbi mung ndi n ngmmhalan, kya bago iksal pag isipan mbuti, ndi biro ang mga gntong usapin dhil mga bata ang nagssuffer
@janskieantiojo5448
@janskieantiojo5448 4 ай бұрын
I am not married yet but I’m in favor of DIVORCE lalo na sa sobrang toxic na na relasyon ng mga married couple na naaabuso na ng kani kanilang mga partner at hindi na talaga kayang maisalba… Thanks 🙏
@jeromefuentes2060
@jeromefuentes2060 7 ай бұрын
Re-upload lang po ba ito? Parang napanood ko na sya before, at tumatak sakin yung huling linya. I 🫶 u, Atom.
@nathanvirtucio3658
@nathanvirtucio3658 7 ай бұрын
Baka pwede i adjust ang annulment
@Reynpolisco
@Reynpolisco 7 ай бұрын
dapat matuloy na yan
@inahjose8547
@inahjose8547 7 ай бұрын
sna maipasa na ang divorce sa pinas… kung ako nga nabyuda na,gusto ko pa rin maipasa dahil naranasan ko ang pang aabuso, na halos putulin na ang leeg ko …. kya sna maipasa na,para nmn sa mga katulad kung nakaranas ng verbally at physical abuse
@malouledda3963
@malouledda3963 7 ай бұрын
Yes to Divorce!!!
@angpagbabaliknikulapo4195
@angpagbabaliknikulapo4195 6 ай бұрын
No!! Its a BIG NO😊😊😊
@malouledda3963
@malouledda3963 6 ай бұрын
@@angpagbabaliknikulapo4195 mas lalo lang ang torture pti sa mga bata na nakikita ang problema sa parents nila pag patuloy na magsama
@sandraace8481
@sandraace8481 6 ай бұрын
YES TO DIVORCE ❤
@Seigi000
@Seigi000 6 ай бұрын
Pasa na yan para sa mga na nangangailangan. Let them start a new life. Wag pagsamahin ang di magkasundo dyan nagmumula ang mga batang pariwala ang buhay.
@blessmendes1770
@blessmendes1770 7 ай бұрын
Listen to the cries of the people who are abused physically, emotionally and mentally by their partners. Hoping the church will be open-minded about the legalization of Divorce.
@jplchannel1137
@jplchannel1137 7 ай бұрын
I pray na kalooban parin ng Diyos Ang mangyari at Hindi kakayahan nh isipan ng tao...Alam ng Diyos Ang Tama.. true relationship ay si Lord lang makakapagbagay.. mahalaga talaga Ang payer..
@vicarygee1044
@vicarygee1044 7 ай бұрын
Freedom of choice or freewill.
@fearlessluna6961
@fearlessluna6961 7 ай бұрын
Sana Ma finalize na.
@dantesoho8314
@dantesoho8314 5 ай бұрын
Sana meron Kang documentary about sa bandang eraserheads Sir Atom makasama mo cya ulit
@CharmaineNA
@CharmaineNA 7 ай бұрын
Yes to Divorce....hindi naman porket may divorce n e lahat na ng mag asawa mag hihiwalay na..para lang naman yan s mga mag partner n hindi n masaya sa piling ng isat isa lalo yung mga inabandona at nakahanap ng iba yung isa..lalo na yung mga asawa n nakaka ranas ng pananakit😢...
@leirmamamaril9972
@leirmamamaril9972 7 ай бұрын
Ano po difference sa divorse at annulment
@hanaVV66
@hanaVV66 7 ай бұрын
Ang divorce po ay mapapawalang silbi ang kasal nyo pero may record na kinasal kayo dati, annulment po is mapapawalang bisa ang kasal at mawawala din ang record na kinasal kayo.
@dedrei24
@dedrei24 7 ай бұрын
Mas pinababa at mas pinadali kasi dun na halos lahat ng grounds like adultery or matagal ng hiwalay more than 5 yrs, unlike sa annulment grave madugo ang proseso kasi ang grounds lang halos mafile is nullity na kailangan iprove na like psychological incapacity, hirap iprove nian sa court
@meihui9622
@meihui9622 6 ай бұрын
It takes a lifetime bago makalimot sa isang abusive relationship. Agree ako sa divorce. Traumatic tlg ang ns toxic relationship. Darating yung point n ubos ka na tlg. We deserve a good life too.
@gretchelgipgano8526
@gretchelgipgano8526 6 ай бұрын
'hindi batas ang magtatakda kung magmamahalan o maghihiwalay ang mag-asawa, may divorce man o wala ang masasayang pagsasama ay mananatiling masaya at ang nakalalason relasyon ay mananatiling nakakalason -Atom Araullo"
@angelocalaycay2728
@angelocalaycay2728 7 ай бұрын
LOWERING THE COST OF ANNULMENT MAKES MORE SENSE.
@ap_jaeger6164
@ap_jaeger6164 3 ай бұрын
No. Its a different thing.
@johnmatthewdumelod8236
@johnmatthewdumelod8236 7 ай бұрын
This is between the human law and moral law of God
@Redbutterfly45
@Redbutterfly45 7 ай бұрын
Isa akong babaeng asawa na nakaranas ng pang aabuso at panloloko ng asawa..at mas masakit na napagkaisahan pa ako ng buong pamilya ng asawa ko na ultimong pinsan ay entitled makialam sa buhay naming mag asawa yung napagkaisahan akong lokohin ng mga taong nakapaligid sa amin ..kahit alam nilang nambababae yung asawa ko at minsan sa mga bahay pa nila dinadala yung babae niya nung malaman ko yun pakiramdam ko napagtulungan nila ako..wala akong maalalang may ipinakita akong masama sa kanila para gawin nila sa akin yun..at pati mga kumare,kumpare namin mapapanood ko sa socmed na nakikipag inuman sila at nakikipagsayawan sa kabet ng asawa ko..at sa pari na yan..bago po ako nagdesisyon na makipaghiwalay sa asawa ko maraming beses ko syang binigyan ng pagkakataon hindi lang sampung beses para maiayos ang pamilya namin pero talagang walang pagbabagong nangyari kaya hanggang ngayon di ako makawala sa galit sa kanilang lahat yung pati ako naging toxic na rin dahil sa mga taong nanakit sa akin
@BeccaDomasig
@BeccaDomasig 7 ай бұрын
Never think na goal natin ang lalaki.😢😢😢Pag sinaktan humiwalay na
@markdwighttadina7655
@markdwighttadina7655 6 ай бұрын
1:49 Behind the scenes of Probe Productions 5 and Up with the Eraserheads. Atom was a mainstay of the said production company which he became a household name.
@robinsarmiento-fk4qo
@robinsarmiento-fk4qo 4 ай бұрын
I Witness & The Atom Araullo Specials Diborsyo Divorced It's Not Separate Marriage Documentary Sunday Afternoon Show
@seanpaulrodriguez4186
@seanpaulrodriguez4186 6 ай бұрын
Sana maibatas na po talaga ang divorce.
@valmonreal
@valmonreal 6 ай бұрын
Wala bang programa para sa mga nagpaplanong magpakasal pa lang? To somehow prevent these things from happening? Divorce/Annulment is so reactive
@dionbunnii3261
@dionbunnii3261 4 ай бұрын
this is too sad :( pilipinas nalang nag-iisang bansa na walang diborsyo. nakakainis, nakakaurat.
@miguelmariteso.2873
@miguelmariteso.2873 7 ай бұрын
Sana mapa baba na lang yung annulment napakamahal
@hanaVV66
@hanaVV66 7 ай бұрын
To be honest it's not just the cost talaga, yung process po madugo 😅 Jody sta.maria took 13 years to be annuled.
@rosaliesison3358
@rosaliesison3358 6 ай бұрын
Isa Ako sa nakaranas ng abuso sa Asawa grabe ang hirap dinanas ko ....andyan ung pag umalis ako sandali pag uwi ko pinag huhubad ako.....Taz may trabaho cya nagugutom ako baby pa ank tadyak suntok sampal ....andyan binato ako ng pinggan ang hirap ang sweldo nya inuubos sa barkada mag beer house 3to 4days mawawala pag uwi walang Pera na ubos na sinahod nya... Buti nlang Maaga cya pumanaw ....tapos eto inaapi din kami ng byenan ko.....kaya pag nkaka panood ako ng palabas sa tv ng sinasaktan ung babae umiiyak tlaga ako......thanks God 29:14 nkawala na ako.....
@GenerSantos
@GenerSantos 7 ай бұрын
Paano kung dapat paghatian hati Kasi pinalalayas Ako sabshay ano kaya dapat gawin
@maiparker3410
@maiparker3410 6 ай бұрын
Separation church and state sana
@yedamieslegalwife8881
@yedamieslegalwife8881 2 ай бұрын
"kung hindi para saiyo ang diborsyo, bakit ito ipagkakait sa iba?"
@changchi3709
@changchi3709 3 ай бұрын
I'm happily married but I agree with divorce. I've seen too many cases where if they have the choice, they could have left.
@titojay9161
@titojay9161 7 ай бұрын
para to sa mga naaabuso, kung bawal sa religion mo or sa faith mo, sayo yan, wag ipagkait sa mga nangangailangan.
@jakisoo2274
@jakisoo2274 7 ай бұрын
YES to DIVORCE!
@Emmanuel_Ferrer
@Emmanuel_Ferrer 6 ай бұрын
Paano ba naman magkakaroon ng Divorce bill hinaharang ito ng CBCP. At ng iba na ayaw sa Divorce. Sana maipasa na ito.
@jestonferrer75
@jestonferrer75 7 ай бұрын
As for me, wala kasi DISCERNMENT kaya nangyayari ang mga bagay bagay🥲
@elyc.1554
@elyc.1554 7 ай бұрын
Nung dalaga p ako aukong magpakasal sa Pinas dahil sa walang divorce.ngayon kasal n ako sa bansang my divorce.Pabor ako sa divorce sa Pinas.mag aasawa k n iniisip m habang buhay pero pano kng ganyan n binubugbog or my ibang babae ang asawa,titiisin n lng b nya?it's unfair!maghiwalay n lng kesa miserableng pagsasama nla at least my ibang buhay p cla after ng divorce.
@Crescentmoon-h7r
@Crescentmoon-h7r 7 ай бұрын
Para sa mga babae o lalaki na nakakaranas ng abuso You don't deserve it Lumayo na kung kaya pa
@5dr6
@5dr6 5 ай бұрын
bkit kailangan ttulan nla yung divorce tyo nlang ang wala nto sna pumasa na ito sa senado kc dme nagddusa Lalo na kung dina ok yung pagssama.....
@Redbutterfly45
@Redbutterfly45 7 ай бұрын
I say yes to DIVORCE!
@AninaSabry
@AninaSabry 5 ай бұрын
Pano ung mga taong nakakaranas ng pang aabuso hnd lang pisikal? kundi emosyonal, financial, etc. hnd naman lahat ay ma swerte ang kalagayan easy for others to say no pero pano kung ikaw ang nasa kalagayan na ganyan??? ano kaya masasabi mo??? im happily married pero parents ko are separated but not legally annulment sa Pinas is mahal sabayan pa ng pag asikaso nito na usad pagong why not give other people another chance na maka buo ng bagong pamilya legally na masaya sila dami kong kilala na mag partner now tas ung mga partner nila ay kasal sa una una at di rin kaya ang mag process ng annulment pero now maayos naman ang buhay nila sa bagong partner at pamilya
@GennoBonnOrais-q2y
@GennoBonnOrais-q2y 7 ай бұрын
Im lucky that my marriage life is successful, but i am AGREE & SUPPORT with Divorce bill....
@danicanielmedinafuerzas5891
@danicanielmedinafuerzas5891 7 ай бұрын
Lalong nagiging productive ang isang tao, ang isang anak, ang isang pamilya kung nasa masaya at malusog silang pamilya. Ang Divorce ay para lamang sa may kailangan nito. Ang mag asawa ay hindi agad agad naghihiwalay, sinabi na ng mga ininterview na ilang taon din nilang sinubukan, NGUNIT, wala na talaga.
@misskso13
@misskso13 6 ай бұрын
up
@jjbebzsupremo7797
@jjbebzsupremo7797 6 ай бұрын
sayo po Pader, wala na din po ba kayong pakialam sa nararamdaman ng mga taong nakakaranas ng pangaabuso, at ndi rin lahat ng kinakasal pinagsama ng Diyos...
@dumdumdummudmudmud8737
@dumdumdummudmudmud8737 5 ай бұрын
i agree with divorce pero subjective sana, those who are suffering as buttered wife/husband must be eligible with the law, but those who just want to cut ties because they found someone must face criminal liability
@DesignerDollHive
@DesignerDollHive 7 ай бұрын
Naiinis ako, bakit ganyan ung mga tao na against sa divorce. Bakit hindi nila maintindihan na para hindi sa knila ito. Para ito sa mga tao na may kailangan. So sad na nakatali sila ate sa sitwasyon na ganyan. Itong mga pari na to at ibang religious leaders, nakakadismaya ang pagbubulagbulagan.
@ashlaoreno7436
@ashlaoreno7436 7 ай бұрын
Yes to Divorce para sa mga kababaihang naabuso karapatan nilang lumaya😢
@vince3685
@vince3685 7 ай бұрын
may kalalakihan rin ang inaabuso ng mga asawa nilang babae.. not just only women.
@mamaraidervlogs3429
@mamaraidervlogs3429 7 ай бұрын
Hay Naku ! Ang tagal naman🙄
@averyelise2236
@averyelise2236 7 ай бұрын
C father nmn po I've been there po mhrp po svhn na ang divorce ay hndi po naayos i believe in god dn po pro mgkkaiba po stwasyon ng tao hndi lht made in heaven at happily ever after kya respect tlga the indifference ng mg aswa kc mhrp pg Samhain kpg wla na tlga hope na maayos pa pra nmn my peaceful at mkpg cmula pa ng bgong buhay sa choice ng gsto mg pa divorce 😊
@jeudiabellera8618
@jeudiabellera8618 7 ай бұрын
Kaya nga if Hindi para sa inyo ang divorce ,baka sa iba kailangan nila,wag ipagkait Ang divorce
@SingleMomwith3Heart
@SingleMomwith3Heart 7 ай бұрын
bakit hindipo ba kayang irevised na lang ang mga grounds for voidable and nullity ng marriage...kesa naman panibago pang batas na Divorce...parang diko maunawaan bakit kailangang pilitin pang magkaruon ng absolute divorce pa.
@ap_jaeger6164
@ap_jaeger6164 3 ай бұрын
Magkaiba po kasi ang divorce sa annulment. Mas mahigpit ang annulment kasi hindi irerecognize na kinasal ka. Sa divorce, maghihiwalay kayo pero recognized na kinasal kayo.
@amirajanine2769
@amirajanine2769 6 ай бұрын
Ano bang right ng pari na mag disisyon jan di naman yan sila kinasal.
@Jonas-so7wd
@Jonas-so7wd 7 ай бұрын
Yes to Divorce! ❤️
@ElsonJrPiano-x4e
@ElsonJrPiano-x4e 7 ай бұрын
If there is a DOMESTIC VIOLENCE, then file a complain/ case VAWC to your spouse, there are existing laws to protect against your abusive spouse. Why use abuse to promote Divorce law?
@unsolicitedreviewer
@unsolicitedreviewer 7 ай бұрын
Sana sinamahan niyo rin iinterview ng mga lalakeng gusto rin ng divorce para maisip ng ibang hindi lang kababaihan ang nangangailangan ng batas na to.
@pengwen00
@pengwen00 7 ай бұрын
"pwede bang tanggalin nalang natin sa choices yung divorce?" hindi po pwede Father
'Mamang Kartero,' dokumentaryo ni Atom Araullo | I-Witness
28:45
GMA Public Affairs
Рет қаралды 457 М.
Headstart | ANC (20 January 2025)
ABS-CBN News
Рет қаралды 565
JISOO - ‘꽃(FLOWER)’ M/V
3:05
BLACKPINK
Рет қаралды 137 МЛН
Jaidarman TOP / Жоғары лига-2023 / Жекпе-жек 1-ТУР / 1-топ
1:30:54
‘Tatlong Dekada’, dokumentaryo ni Kara David (Full Episode) | I-Witness
28:33
Mata sa Dilim (Full Episode) | The Atom Araullo Specials
48:47
GMA Public Affairs
Рет қаралды 1 МЛН
Ted Failon DJ Chacha sa True FM Livestream | January 20, 2025
News5Everywhere
Рет қаралды 14 М.
Spratlys: Mga Isla ng Kalayaan (Full Documentary) | ABS-CBN News
1:27:20
ABS-CBN News
Рет қаралды 1,5 МЛН
Gaano kahirap mag-aral ng abogasya sa Pilipinas? | Need to Know
9:44
GMA Integrated News
Рет қаралды 293 М.
'Relationship Status: Single,' dokumentaryo ni Atom Araullo | I-Witness
25:51
HIV Rising (Full Documentary) | ABS-CBN News
1:00:28
ABS-CBN News
Рет қаралды 805 М.
'Pusong Bakal', dokumentaryo ni Atom Araullo (Full episode) | I-Witness
26:41
ФИНАЛ / 4х4 ЖҰЛДЫЗДАР ШАЙҚАСЫ
5:3:21
DOSYMZHAN
Рет қаралды 93 М.
Америка... #shorts #фильмы #топ
0:59
KINO ELITA
Рет қаралды 4,1 МЛН
Урыла😏 #кино #film #fypシ #minions
0:37
Faron
Рет қаралды 8 МЛН
ALWAYS LOVE YOUR MOM! ❤️ #shorts
0:55
LankyBox
Рет қаралды 23 МЛН
Запаска қайда? | 7 серия | Аниматор
13:34
Danyar Bekzhanov
Рет қаралды 145 М.