Noong nag aral ako mag manual mga 8yrs ago wala akong kaalam alam sa mga friction zone na yan hahaha basta natuto akong mag drive. Good thing para sa mga baguhan very detalyado ka mag turo paps, nice nice
@jimmybragado46035 жыл бұрын
Hahaha Ang gulo pala NG kwento ko pag ka tapos ko mag type
@jeromezamora74025 жыл бұрын
The best tagalog tutorial I've watched so far. In just 3 days kakapractice relying on this vid kaya ko na dalhin manual bike ko. Tutorial naman po on slow traffic hehe
@nevs89906 жыл бұрын
Nice tutorial sa rev matching paps! Para sa mga nag aaral mag rev match dyan at di pa masyadong makuha ang timing. Itry nyo po: * Pihit ng clutch * change to lower gear * blip ng throttle * release ng clutch Ganyan ginawa ko nung nag aaral palang ako ng timing ng rev matching. Hanggang sa masanay na kayo mga paps at mapabilis na pag rev match nyo. Ride safe! PS: nagagamit rin yung rev matching sa pag brake mga paps. Engine braking para mas may stopping power. ✌✌
@kawasakibarako3235 жыл бұрын
Paps alin mauuna engine breaking o revmatching kung mag sstop?
@JalfaAbdulracman Жыл бұрын
Boss baguhan long sa de clutch ...pag nasa 4gear ka mag bawas ka ng gear pupunta sa 3rd gear kailangan ba muna mag bawas ng speed bago mag down shift?
@Esteapen6 жыл бұрын
Nung tinanong ako ng dealer ko kung marunong ba ako magmotor ng de-clutch, nag sinungaling ako at sinabi kong oo pero isang beses lang, at nagulat sya, pero ang totoo hindi pa talaga ako naka drive ng de-clutch, dito lang ako nag base, minemorize ko lang lahat ng sinabi ni boss dito. Tsaka nung binigay na sakin yung motor pina test drive nya muna sakin, sinigurado nyang marunong ba talaga ako, at yun napatakbo ko nman at malaking pasalamat ko sayo boss @DownShiftVinci, dahil sayo nakauwi ako ng maayos kahit first time ko pa lang mag drive ng de-clutch hahahahaha la lng share ko lang XD
@matthewgstv68906 жыл бұрын
hahahahha syit so gagawin ko din the same :)
@BadGuy-dz2xi6 жыл бұрын
Waaaaaaah mukang pareho tayo kukuha rin ako eh
@Esteapen6 жыл бұрын
MAG INGAT LANG KAYO MGA BOSS, Dahil baka hindi ko lang talaga oras nung mga panahon na yun HAHAHA
@gilbertatienza55066 жыл бұрын
siya kiss sabay hug na
@markdenadventuretravelsfar45626 жыл бұрын
Yung tmx 125 manual po ba yun
@rowiedainnielidquival72345 жыл бұрын
Boss thankyou sa video na to, bumili akong raider pero di ako marunong mag drive pa ng manual, natuto ako sa panonood ng video na to gabi-gabi, hanggang sa 3 months na saken yung motor ko. hands up sayo boss🙌🏻
@ryle90454 жыл бұрын
15:05 "Isabay ang pag down-shift at pag throttle" - eto talaga yun! Thank you! :)
@johnmarkpillarda81915 жыл бұрын
Sobrang relate ako sa "nag iimagine na may crutch lever na pinipiga". Akala ko ako lang gumagawa non Hahaha ✌💙
@raymichael86285 жыл бұрын
Same bro
@ChadAudencial4 жыл бұрын
Same. Hahaha
@jennitaruc63475 жыл бұрын
Sobraaang helpful grabe! Napaka informative ng vlog nato, ang kailangan nalang ay ma-memorize mga sinabi ni sir @DownShiftVinci. And by the way, best tagalog tutorial i’ve watched so far because of its details on how to work on the clutch and all while shifting gears , na sobrang kailangan ng beginners like me hahaha Rs po always👏🏼👏🏼❤️
@xmaitimxmaitim79835 жыл бұрын
2months ago nung pinanuod ko to ng mga sampung beses. Natuto ako hanggang ngayon gamay na gamay ko na ang r150 ko. Super recommended to guys worth to watch!
@PemmyToonz4 жыл бұрын
maraming maraming salamat sayo sir downshiftvinci napaka informative ng video tutorial mo sana more subscribers pa sa channel mo. isa rin ako sa mga rider na galing sa semi matic na gustong matutong mag drive ng de clutch (r150) at ngayon naliwanagan na ako sa rev matching. bumili ako ng r150 carb at inaamin ko hindi pa ako ganun karunong pagdating sa de clutch na motor kaya minsan madalas pumugak yung motor ko 11:07 dahil nasa mataas na pala ako na gear pero mabagal lang ang takbo ko dun sa kalsada. sa loob ko nahihiya na ko sa ginagawa ko at buti wala akong kasunod walang masyadong tao kanina sa kalsada kundi rinig na rinig nila yung pag pugak ng motor ko. pilit kong iniisip itong tutorial mo at naalala ko bigla itong video tutorial mo natuto na ako mag downshift/rev matching. sanayan lang talaga sir. sana mapanood ng mga newbie itong video tutorial mo sir downshiftvinci maraming salamat ulit godbless ridesafe
@DonDon-iw3ol5 жыл бұрын
nice 1.. This is one of the best tips about clutch handling.. Keep up the good work.. Thanks for your vlog..
@mckinleyabiera27006 жыл бұрын
Salamat paps, idol ka talaga 😄. Sabi nong nag turo sakin isabay daw yong throttle sa pag bitaw ng clutch. Inaantay pa pala yon bago mag throttle.
@jayveemaniquiz97364 жыл бұрын
yun den sabe saken ng papa ko kaya cguro tumatalon
@ifunride54736 жыл бұрын
Nice one paps planning to buy raider 150 fi and d pa ako nkakagamit ng full manual na motor since 1st motor ko is raider j115 na semi automatic thanks for the tips paps!
@apm86704 жыл бұрын
It's almost 2years since I learn motorcycle. And this video help me a lot. I remember pa bumili ako ng motor ng walang alam sa pag momotor. Pinsan ko ang nag hatid sa bahay namin :). Then on first month while waiting sa ORCR ko after office pag kauwi baba lang ng Gamit then practice lang sa kanto namin and 1 week na practice with this video nakuha ko din pag motor. Paps Down Shift Vinci salamat po sayo :) sana mag meet tayo sa daan :)
@TheMokzie015 жыл бұрын
Paps! Laking tulong neto. For years naka semi-automatic ako. Bibili ako ng full manual na motor tapos di pa ako masyadong marunong gumamit ng clutch. Salamat sa tutorial mo.
@EdWard-ls1my5 жыл бұрын
I found this very helpful.. Hoping to buy the new sniper 2019 on the release date.. As of now naka scooter ako eh hehe
@itsgavinstime6 жыл бұрын
Friction zone = Working level ng clutch. Makukuha ang working level pag galing sa Neutral going to 1st gear gaya nung sa tutorial ni paps. Pag nakuha na yung working level ng clutch saka pag tuunan ng pansin ang change gears. Pra sa newbie, try muna sa open space. Pag gamay nyo na saka kayo mag city driving. Pag gamay nyo na city driving, saka kayo mag ride ng malayuan na may uphill at downhill. ✌
@roldanabuan88186 жыл бұрын
Sir tutorial naman po, on slow moving traffic. How to clutch and change gear. Salamat
@ericardoasoy86676 жыл бұрын
Up
@ericardoasoy86676 жыл бұрын
Opo sir tutoriak naman po in skow moving traffic. How to clutch and change gear
@marcusamans9x6 жыл бұрын
Up
@User-26gmcw6 жыл бұрын
Up
@mototsada39136 жыл бұрын
up..also need this tutorial
@shaineguevarra8564 Жыл бұрын
Thank you Paps.. dahil sa tutorial na to nagka idea ako Paano mag motor ng manual..laki tlga pasasalamat ko SaYo ngayon Marunong nKo mag motor..rev match nLnG Pag po Pag Aaralan ko.. 😊
@jekztv84036 жыл бұрын
plano ko bumili ng motor na may Clucth pero wala ako idea laking tulong nitong video nato galing pa nung nag eexplain Salute sayo boss more video to come! hehehe
@petermichael34905 жыл бұрын
ang linis nag pag papaliwanag mo ser! thank you . laking tulong sa aming mga beginner sa clutch . !!
@skriddeitvlog3145 жыл бұрын
Yun ohh tagal ko na naghahanap ng tutorial , Planning ako sa Yamaha Sz , 5'5 height ko payat
@shierdmalayka48416 жыл бұрын
Imagine nga lang yung motor ko eh hahahahha
@deliriousmansano35566 жыл бұрын
Hahahahaha
@blanko-ed4xo5 жыл бұрын
Same
@charlesbenjo5 жыл бұрын
same hahaha
@reyesashlyjhonb.97205 жыл бұрын
AGAHAHAHAHAHAAH
@jessandes2245 жыл бұрын
Same hahaha
@Iskalawagz246 жыл бұрын
Very useful yung video. meron ako racal at fury na semi auto akala ko ang galing galing ko na magmotor pero nung bumili ako ng TYX 125 windang ako sa pag clutch. nakaka frustrate dun yung aakyat ka ng gutter, lubak at uphill stop. lage ako namamatayan. inabot ako ng ilang araw bago ko na master yung paglaro ng clutch at trottle. ngayon para na ako naka automatic kasi automatic na nag ka clutch kamay ko once mapaandar ko MC ko. promise sa mga first timers dyan mamamaga ang kaliwang kamay at braso nyo sa umpisa lalo na yung nangangapa ng friction point (kagat) ng manual.
@franklinm7574 Жыл бұрын
Malaking tulong ang mga tutorial mo, Sir. Sana marami ang hindi nag-skip ng ads para makatulong rin sa'yo. Salamat sa mga videos mo, Sir..
@jjsoledad85536 жыл бұрын
10/10 tutorial. Thanks paps! 👍🍻
@shooook83746 жыл бұрын
Boss salamat po sa tutorial hehe, Planning to buy Raider 150 fi soon ;D #lodidownshiftvinci
@clerickptravenio55315 жыл бұрын
First Drive Ko NG Motor,,, De Clutch ang Una Ko Na Drive😂😂 Tas Namamatay Yung Makina Ka pag Hindi Ko Pinipiga Yung Clutch Pag Nag Kakambya ako,,, 👍 Pero Nasanay Na Ako,, Ngayon
@anon14765 жыл бұрын
Same noong first time ko
@planetshakers40205 жыл бұрын
Same experience here ngayon nakakapag drive na sa Highway medyo alalay lang Safety first hehe! Plan to buy HONDA CBR 150
@maskriderblk3066 жыл бұрын
Ok to. Dito ko nalaman ang teknik. First time kong mag clutch tapos edsa pa. Buwis buhay sa slow traffic dahil 10x ako namatayan pero nakauwi naman ng maayos.
@nathanedavesancho86286 жыл бұрын
yung feeling na hindi nako tinuruan ni papa kaka nood ko ng tutorial mo HAHAHAHA sobrang laking tulong hahaha salamat!
@daisukesychannel96205 жыл бұрын
Thumbs Up very helpful 👍😊
@mayusakamoto69336 жыл бұрын
Ngayon alam ko na kung paano gumamit ng may clutch. Hahaha ngayon punta ulit tayo caloocan palit tayo ng motor 😁
@DownShiftVinci6 жыл бұрын
Sa akinse 😂😂😂
@mayusakamoto69336 жыл бұрын
Paps sa linggo ride tayo.
@arczzcra35876 жыл бұрын
Kung napa nood ko lng ito bago ako kumuha ng motor, sana raider 150 fi na kinuha ko! Galing ako kasi da semi matic na motor, nag iimagine ako lagi na may cluth lever akong pinipiga everytime nag shishift ako, in preparation sa bago kung motor na kunin. Pero natakot ako tlaga na d ko kakayanin, lalo na sa traffic ang may cluth, kaya tuloy, napakuha ako ng scooter. :( Raider 150 pa naman sana ang dream kong motor.
@osnubtv88166 жыл бұрын
Benta mona buy and sell
@arczzcra35876 жыл бұрын
@@osnubtv8816 kaso lugi ka talaga
@divinerhitta65166 жыл бұрын
Sangla mo nlng haha sayang pre ako nga tumiis na din sa rs125 eh pinag aaralan kopa kong paano mag change gear kasabay ng clutch ipinasa lng din kasi ng kuya ko saaking ang rs125 nya kasi di nya na rin gaano ginagamit haha
@jeremysinohin30696 жыл бұрын
Same tayo ng problem boss, Hahahah! Raider 150 fi rin sana kukunin ko, kaso yun nga, nag simula ako sa semi automatic na honda wave 125 tapos gusto ko mag manual kaso naiisiip ko traffic dito sa lugar namin nag aalanganin ako na baka di ko maayos ng control yung clutch tas biglang umarangkada sa traffic. Hahaha! Ending naka aerox ako ngayon. Di rin naman nag sisisi dahil laking tulong pag traffic tapos bomba lang ng bomba hahaha!
@taprick4 жыл бұрын
sa lahat ng pinanuod kong tutorial sa youtube etong vid lng to ung natuto ako hahaha salamat sir! ride safe!
@alvin41005 жыл бұрын
Big Thank You!!! Sayo paps dahil sa video naito naiuwi ko bago kong sniper sa amin although it took me a while kasi napapatayan ako ng makina ni rewind kulang sa isip ko tung video nato and sa awa ng Dyos nakauwi ako
@mr.mockingbird8736 жыл бұрын
Nice2x haha good for newbie boss good job :) 👌👍👍
@clickitmusic09236 жыл бұрын
Ako nga sa tmx 155 praktis ko, pag namatayan ako sa maling piga ng clutch lagot ako sa kick start hahahaha daming relate nito sa mga nakagamit ng tmx 155 hahaha, btw sa semi AT di ako nag umpisa kaya relate ako paps sa pag imagine na may clutch yun😂.
@allaniman88296 жыл бұрын
mamamaga lulod mo dahil sa kick start nyan. hahaha. lakas ng balik nyan eh.
@unknownplays67136 жыл бұрын
naninipa ba ng malakas? hahaha
@valchristiansantos71526 жыл бұрын
Hahaha relate ako paps yan din pinagpraktisan ko bawat maling bitaw ng clutch lagot sa kick hahaha minsan nga dati lumilipad pa tyinelas ko hehehe
@stefandanlag33166 жыл бұрын
Nakakapagod contact point
@itchyb0yhere776 жыл бұрын
Haha lalo na pag umuulan natatakot ako mag kick haha
@cristylennunez74465 жыл бұрын
di ako nag sisi dahil nag subscribe ako dito
@coley199x6 жыл бұрын
Laking tulong nito DSV, never pa akong naka drive ng manual, semi-matic lang talaga ako. Pero pag nagkaron ng pag kakataon tatry ko. Salamat DSV😁 from bacoor.
@dannybhabes64155 жыл бұрын
dpa ako nkkapag drive ng d clutch n motor , pero dahil s video n toh feeling koh khit walang magturo sakin n actual matotoo ako haha , Thankyou paps
@aldennaval23046 жыл бұрын
Paturo po sir vinci kung pano magtipid para makabili ng mga parts. Hahahah
@DownShiftVinci6 жыл бұрын
Try ko gawan yan paps 😂😂😂
@jhayar156 жыл бұрын
what to do if nag stall ang engine while nasa uphill ka? or when you need to stop sa uphill tapos aandar ka na ulit? nakakalito kasi naka kapit ka sa brakes tapos kapag bumitaw ka aatras ka kaagad, medyo nangangapa pa ko sa friction zone e.
@lloydallenbelenzo46716 жыл бұрын
alalay lang talaga sa brake..ganun talaga pag may clutch
@mooblu88376 жыл бұрын
Pakinggan mo ung engine malalaman mo yan kung mamatay na makina pigain mo clutch rev then babaan mo ng gear
@John-gp9vd5 жыл бұрын
Pwede po sa XRM 125? Yung diba po kapagmagdadownshifting ka tapos magrerev-matching ka? Pwede po ba yun?😊😊
@snuckyblink61955 жыл бұрын
Pwede paps, hold mo lang gear pedal mo tas birit birit lang then release yung kambyo, ayun na perfect yun uungol nga lang makina mo kasi semi manual.
@John-gp9vd5 жыл бұрын
Ah cge po, salamat
@edwinjimenezjrm23025 жыл бұрын
Dyan po ako hirap pag hihinto nag sstol sir. Lalo na po pag liliko ako. Nasa friction zone po pala ang technique. Ty po. Very effective
@quezoncityboys75716 жыл бұрын
natuto akong gumamit ng may clutch na motor since 14yrs old ako then papa ko lang nagturo saken hehez ang turo nya kase sakin paps is ayun nga wag ko daw muna patakbuhin yung motor dapat daw sanayin ko muna yung sarili ko kung paano laruin ang clutch lever at like abante tas bigay ng gas tas nakaalalay lagi sa hand break paulit ulit lang hanggang sa nakuha kona hahaz salute ako sayo paps dahil lahat ng tinuturo mo ay tama kase one time din nangyari sakin yung pag bitaw ko ng clutch tapos binigla ko yung gas kaya ayun umangat yung motor grabe kaba ko nun hagaha
@IntrovertRidingDiaries6 жыл бұрын
these are the reasons why new riders preffered to buy a AT motorcycles
@sympetrum6676 жыл бұрын
Thou mas safe ang manual
@Esteapen6 жыл бұрын
Sir can you explain why mas safe kpag manual?
@sympetrum6676 жыл бұрын
@@Esteapen mas controlado mo po ung full manual unlike any other
@jamesjangao28076 жыл бұрын
mas safe po yung manual kasi example yung mga automatic or semi automatic, pag natumba yan pag pinapatayo ang hinahawakan naman talaga manobela diba?? so imbes na hataken mo motor mo pataas, napipiga mo yung accelerator pag napiga mo yun, iikot ka ng iikot kasi tumatakbo nayun. yung sa manual naman mas safe. kasi pag natumba ka, mamatay lng yung motor mo kasi di ka nakapiga sa clutch at naka gear ka so mamamatay lng yun. at kung di naman mamamatay example nakagulong yung gulong mo. pipigain mulang clutch chaka hataking. di bali mapiga mo accelerator basta nakapiga karon sa clutch kasi di tatakbo yun. hihi
@Iskalawagz246 жыл бұрын
tsaka pag nag coil yung throttle cable ng matic magwiwild yan na halos di mo ma control yung takbo. pag may clutch ka mag wild yan pigaan mo lang ng clutch yan dami nadidisgrasya sa matic na nagwiwild.
@BabyNinjaVlog6 жыл бұрын
relate ako sa imagine clutch mo hahahaha
@DownShiftVinci6 жыл бұрын
Laking tulong sakin non idol 😂😂😂
@almntz946 жыл бұрын
Ginagawa ko rin nyan kahit naka mio ako hahaha
@miyakachararat3865 жыл бұрын
wanted BF....I'm 30 yrs old Nurse sa abroad at my raider go 150... With life insurance....
@melvinelajas74775 жыл бұрын
Hi ma'am
@miyakachararat3865 жыл бұрын
@@melvinelajas7477 hello
@happyvlog46725 жыл бұрын
Me
@MrIronfist0985 жыл бұрын
Salamat paps!! Nagulat mga tropa ko na kaya ko mag manual dahil sayo hehe scooter marunong na ako pero heram heram lang tulad ng nmax, m3 ganon tas ng nakatambay lang sa labas sabi nila pag napatakbo ko yung sigma ss250 niya lilibre niya ako yosi eh syempre ako ilang beses ko na to pinanood hahahaha una nag stall ako kasi nagmadali ako sa pag bitaw ng clucth pero sabi ko "teka sakit pwet ko" tas pag neutral tas start ulit ayon inikot ko pa sa block nila hahahaha. Nagulat sila dahil nakakadala na ako ng 250cc na bigbike at ngayon month kukuha narin ako ng sigma konting kayod nalang sa work hehe salamat paps laking tulong talaga.
@vanessadee-o7z5 жыл бұрын
Next week tuturuan na ako ng asawa ko mag motor Raider fi150 yung motor nya. Thanks for this tutorial may idea na ako. 👍👍👍
@nooblegend5446 жыл бұрын
nice, laking tulong paps.t y
@songsgod54856 жыл бұрын
Salamat paps sa vlog
@turbongaanoba6 жыл бұрын
14 lang edad ko pero marunong nako ng may clutch rs 125 motor ko 😅 walang student license tsaka ilang taon ba bago maka kuha ng license?😅ride safe
@boybiskeg00076 жыл бұрын
TangInaka Tv same paps😂😂18 years old ka dapat bago ka kumuha ng license😁😁
@turbongaanoba6 жыл бұрын
Ay tae matagal pa 😂 ano mc mo paps
@karlcaboteja18306 жыл бұрын
Hahaha. 16 na ako pero diko pa naasikasong kumuha ng student license 😂. Raider Carb motor ko😅
@dexterariescatapang6156 жыл бұрын
Same 15 palang ako may mio na akohahaha😂
@kafkathevagabond79066 жыл бұрын
student permit ang tawag dun mga sir...17 years old pwede ka kumuha student permit pag tungtong mo ng 18 pwede na non pro license kumuha
@stevendelacruz47726 жыл бұрын
parang si yexel sebastian to. hahahaha
@stevendelacruz47726 жыл бұрын
aw pinusuan. hahaha..
@stevendelacruz47726 жыл бұрын
laht ng vlog mo pinanood ko. kht wla akong MC hahaha..
@edwinjimenezjrm23024 жыл бұрын
Dami ko natutunan nung pinanood ko to. Ngayon marunong nako ng full manual. Salamat po
@jobelsabinovlogs25533 жыл бұрын
Galing po ng tutorial. Sir ...mas naunawaan ko paano talaga gumamit ng Manual Clutch na Motor
@realsandrino45136 жыл бұрын
EXCELLENT...Well-explained, very detailed, no boring part and straight to the point. I've learned a lot....Keep it up brother and more videos.
@theprofessor24856 жыл бұрын
Thanks for the knowledge kuya. Yung hindi pa ako naka panood nito, hindi ko alam na tatakbo pala yung motor kahit hindi naka gas. basta luluwagan mo lang ng konti yung clutch (Friction Zone) Newbie pa kasi ako. Before, pag starting pa inuuna ko muna yung gas. Pinipiga ko ng konting konti chaka ko binibitawan ng konti yung clutch hanggang sa tumakbo na. Thanks :)
@kuyakom24976 жыл бұрын
Nice tutorial! Nakahawak ako ng de-clutch na motor pero more on sa automatic, kaya kabado ako sa ganito kasi hindi pa ako totally sanay sa full manual laking tulong ng tutorial na to lalo na sa change gear at rev matching, kasi kukuha ako ng motor na full manual salamat paps!
@half-stepdownbandchannel38574 жыл бұрын
Marami NG salamat sa mga mag vlog nito paano mag drive ng manual transmission na motor. Naka uwi ako NG safe pauwi sa bahay. KTM RC 200 user here
@frodobagginshire24623 жыл бұрын
sir Vinci, dami po nyo na22lungan na NOOB like me, malaki po dagdag sa confidence. thank you po.
@foryoureyesonly77106 ай бұрын
Paps SaLaMaT sa Video m Matagal kna ito nppnood Ngayon marunong nko mag motor ng may clutch konti practice p sa Downshifting.. Dati wala ako k alam2x sa pag Momotor Dahil sa Turo m paps marunong nko first motor ko de clutch agad kasi feeling ko mas safe ang De clutch.. Thanks paps.. Rs Alway and More Followers to Come..
@norlacob54736 жыл бұрын
Thanks paps. Friction Zone pala tawag dun. natuto ako sa automatic at semi automatic. pero sa manual kinapa ko lang. Yung raider ng tropa ko pinag practisan ko so di ko alam ang friction zone. Ang ginagawa ko lagi ko pinapakiramdaman yung Momentum ng pag piga ng clutch sabay piga ng throttle at sunod sunod lang sa gear. Konti palang alam ko sa pag gamit ng clutch pero interesting itong vlog mo. THank you ng marami dami ko natutunan. Natutunan ko palang rouser 135 at raider 150.
@cjtongol41696 жыл бұрын
Thankyou paps sa pagturo. Newbie lang po ako sa motorclutch gustong gusto ko matuto ng clutch, so ngayon medyo alam kona ng onti salamat po
@zhiorenmoon74556 жыл бұрын
Ginagawa ko rin yung sinabi mo sa 0:52 paps at effective talaga..... Sorry late ako napanood this episode.... Pa shout out po paps maraming salamat.
@the3rdthe3rd626 жыл бұрын
Salamat din dito sa tutorials at lage din akong namatayan makina first time ko rin gamit ko sniper.. Dito din ako nka learn kong sa traffic nman napag aralan ko rin kong paano gamitin yong half clutch 100 times namatayan hanggang nakuha ko yong half clutch kong try nyo lang sa traffic makukuha mo yan pero salamat paps dito natotonan ko mag drive nka clutch
@chrishart22775 жыл бұрын
Nc salamat sa idea kc nag aaral ako ng manual kc d ako marunong puro matic ang motor ko kaya d ako masyado maalam sa manual. Salamat very informative galing..
@mckinleyabiera23273 жыл бұрын
Grabe! Nakakamiss itong motor mo paps at yung mga ganito mong content. Dito talaga ako natuto mag operate ng manual na motor. Mula sa umpisahan hanggang sa masanay dito lang ako nag base sa tutorial mo, lalo na yung rev matching.
@sushitraxh67362 жыл бұрын
Binge watchng classic Vinci vids. Ito talaga isa sa mga inulit ulit ko panuorin dati nung di pako marunong mag motor eh
@mrswabe90224 жыл бұрын
Sobrang nagpapasalamat ako sa tutorial na to dahil sa wakas natuto rin ako mag drive ng manual na motor. Keep safe boss ride safe always! 🔥
@jordancasuga12564 жыл бұрын
Naalala ko bagong labas motor ko. Diko alam mag drive ng dclutch paglabas ng casa kinuha ko pa kaibigan ko para ipagdrive ako pag uwi. After pag uwi ayun na praktis na. 150cc din and now ayun kaya na. Pero thanks to this video pinanood ko tlga ko at my idea rin ako nakuha dto.
@keenestogaming24664 жыл бұрын
Kakalabas ko lang ng unang motor ko nung June 16, 2020 which is sniper 150 paps and sobrang laking tulong ng tutorial mo! Napanuod ko na to dati way back 2018 at talagang binalikan ko at inapply ko lahat ng tinuro mo dito and so far very smooth ang pagdadrive ko paps, sobrang salamat dito sa tutorial! RS always paps
@duaneamostuazon85155 жыл бұрын
Thanks po dito Paps DownShiftVinci dahil po dito ay natuto ako magdrive ng motor na de-clutch kahit 13 lang po ako. Thanks po ulit anggaling mo po magturo.
@yelnatStanley5 жыл бұрын
Watching this now, planning kumuha ng de-clutch na motor. This video is so helpful! Thanks!
@oninsfirred5 жыл бұрын
kakatuto ko lang mag bike at motor. sarap ng feeling na maka motor swear, un nga lang automatic. Mas gusto ko kasi kumuha ng motor na manual kesa automatic, ang laki kasi ng mga automatic. Salamat sa video na to at nang malinawan ako mag manual motor!
@federicoson24933 жыл бұрын
Best tutorial sa tagal kung nag search ng clutch tutorial haha. Good job po! ☺️
@francellavan44386 жыл бұрын
Dahil dito sa vlog mo Lodi, MARUNONG NAKOOOO Thanks po tlga hehe in 2days nakuha ko agad.
@phc-roaine97106 жыл бұрын
Eto yung pinaka hihintay ko na tutorial na tagalog meron din sa iba pero di ko masyadong maintindihan eto pinaka da best paps thb.,., New sub. here!
@dareensitjar36836 жыл бұрын
Salamat sa tutorial hehehe Currently naka msi125 ako and first time kong ngpractice sa sniper150 medyo nahirapan pa ko. Pero sana sa susunod kong try e makuha ko. Very helpful tong video na to. Ridesafe paps! Salamat!
@jomssvlog36524 жыл бұрын
Ilang beses ko toh pinapanuod Hehe, Gusto ko kasi matuto mag drive ng manual motorcycle kahit na wala pa akong motor thanks for this Vlogg kuya vinci Safe Ride always po sainyo
@forzaferrari97095 жыл бұрын
Maganda rin muna matuto sa tricycle para di mo muna iniintindi ying pag balance at baka biglang bulusok naman ng motor. No experience ako biglang clutch agad natutunan ko kasi mga tropa ko nag tatrike hahaha proud tmx 155 and sz16 user here.
@jhe3684 жыл бұрын
Plan to buy a new motorcycle... My 1st tym to buy.. Hehe marunong na ako sa automatic sa my clutch nlng ndi ko ma memorize thank you sa vlog sir may natutunan na ako.. Hehe keep safe always sir
@deogracias53716 жыл бұрын
palag palag na aq sa actual ko next week sa de clutch na motor, araw arawin ko panuorin ito master hehe thanks!
@charmel42806 жыл бұрын
Thanks po kuya magandang information to sa akin sa newbie katulad q na gusto talagang matu2tong mag manual sa motor 👋🏻
@lowelsuganob42986 жыл бұрын
sir maraming salamat sa Vid nato! ngayon may idea nako pano mag patakbo ng may clutch Wala kasi clutch motor ni papa and May clutch na motor kasi Balak kong bilhin kaso di ako marunong. thank you dito sir at may idea nako Hahanap nalang ako ng pag papractisan😊 Godbless sir Ride Safe.
@viviansilva17316 жыл бұрын
ayus na ayus feeling ko sir kahit di pa ako nakaka try ng full manual marunong na ako dahil sa tutorial nyo
@Bboy_dugler6 жыл бұрын
Tnx paps malaking tulong to pra smen na galing matic tpos mgpapalit ng motor na may clutch.. good job paps 👍🏻
@jeffreypampilon12166 жыл бұрын
thanks sa tutorial paramabalik ung mga kaalaman ko kunti sa motor na may clutch kasi parang nakalimutan ko na eh matagal na kasi akong d naka maniho ng motor na may clutch.. tapos ung una ko talaga pagmamaniho ng motor DT ang ginamit ko na pinag praktisan grabi ang taas.. gusto ko kasi bumili balang araw ng suzuki raider 150
@brotherhoodofsteel985 жыл бұрын
Buti nakita ko to. First time ko magrride ng motor at wala ako experience paps both matic and declutch. Declutch yung nagustuhan ko na motor at pero nakapagtry na ko raider 150, napatakbo ko naman. Hehe salamat dito paps sana maiuwi ko ng buhay sarili ko at buo yung motor hahahaha. (Magpapasama nman ako sa marunong para kunin just in case)
@SinnertoReverend5 жыл бұрын
Sir salamat po sa kaalaman na binigay nio sa akin,, wala pa po akong motor at di pa ako nakapagmotor...mountain bike palang po pero po sisimulan ko na po manghiram nang motor para makabili nako nang sarili ko next month...salamat po God Bless din
@123flour76 жыл бұрын
New subscriber here and now alam kona kun pano mag clutch. plan to change my honda dash into suzuki raider 150. honda rs 150 kasi sana pero na tulfo ng mga users.peace sa mga rs. nice tutorial sir vinci..
@neahedan64464 жыл бұрын
2020 pinapanuod ko prin tong review mo idol. Scooter gamit kong mc pero gusto kong mg switch to de clutch kaya everytime n papasok ako sa work gamit scooter ko iniimagine ko at pinapraktis ko na may pinipiga akong clutch at tinatapakan na kambyo. Epektib naman nung 1st time kong gumamit ng manual na de clutch n mc napatakbo ko ng ayos pero di ko pa alam ung down shift at rev matching. Kaya nag papasalamat ako sayo idol sa review mo na to dhl nadagdagan nanaman ang kaalaman ko sa pg gamit ng mc na de clutch...
@Erwin4924 жыл бұрын
Thankyouu nakatulong po saken nung hindi ko pa napapanuod to lagi akong namamatayan sa gitna ng kalsa na nag ccause pa ng traffic sa ngayon medyo nakakapa ko na
@millardrowdy6816 жыл бұрын
About to buy raider 150 hahaha Wala pakong kaalam alam sa de clutch. Pero thank you sa tutorial na to. Nag kaalam nako mapapadali na ang practice
@reaperfromyt61203 жыл бұрын
Dami ko natutunan dito sa vlog na to 3days lang na practice nakuha kona RS lagi sayo paps 😊
@ninojaydperez13586 жыл бұрын
paps effective sa akin yung mag imagine ng may clutch sa semi manual kong motor XRM 125 thank you talaga paps unting unti na akong na totoo ng may clutch marang Salamat talaga paps :)
@aorlanes79746 жыл бұрын
Pinanood ko vid mo 1 week prior kinuha ko r150 fi ko sa dealer boss. Thanks sa tutorial. 😃
@jmr150fi86 жыл бұрын
idol. sana mag upload ka pa mga ganitong mga tutorial .. para sa mga gusto matuto mag motor ng de clutch .. gaya ko na nag iipon na bumili ng raider .. nka mio sporty ang gamit ko un napapanuod ko sa tutorial mo ini imagine ko sa mio sinasanay ko na muscle memory ko. by nxt year raider 150 fi na din gamit ko . more tutorial uploads.. #ridesafe #rideislife #godspeed
@snuckyblink61955 жыл бұрын
Eto naman akin. Base sa halos 1 taon kung pagmomotor ng de clutch including na yung practice time ko. Nadiscover ko na lahat yan all by myself eh. Kaya parang na consider ko na pro na ako kasi self thought ako, ako lang nagturo sa sarili ko sa de clutch na motor. TMX 155 pa yung motor na gamit ko noong nagpapractice pa ako, note de sidecar medyo mabigat kasi pag tmx eh. And hindi lang naman sa de clutch pwede ang rev matching eh. Pwede din sa mga manual transmission na walang clutch like wave 110 or any ang stroke mo dun eh diba mag da downshift ka? I hold mo yung gear pedals mo tapos lagyan mo ng gas, gamitin mo yung throttle mo kahit biritan mo lang ng 2 beses tapos let go na sa gear. (pag high speed ang motor mo lang) dami ko na triny na ganyan. Medyo may mga iba talaga na rough kasi medyo pang arangkadahan ang gamit na sprockets maliit sa harap at malaki sa likod kaya tumataas yung rpm nun kahit walang tachometer malalaman mong mataas yun kasi magagalit motor mo eh and ang technique ulit dun is biritan mo agad pagtapos mo bitawan yung gear pedals. Note:17 yrs old palang ako. Means wala pang lisensya kaya opps muna sa kalsada hehe. Pero dahil may experience na ako halos 3 taon ako nagmomotor. (gamit motor ni papc) kino consider ko na alam ko na magpatakbo ng motor. (marunong lang, di magaling)
@zhenygebs68616 жыл бұрын
Bago ko lang napanood to Idol😀😀😀 dmi ko agad natutunan s Tutorial mo nagaaral ako mag drive Tricycle
@peryungalforque22495 жыл бұрын
Thank paps malinaw ka mag turo hinde kagaya iba binababoy magturo nag haharotan pa !