Рет қаралды 7,470
Bakit kaya ganoon? May mga koponan na ang import ay nagiging kwestiyonable ang laro at performance kapag sila ang kaharap? Umuurong ba kaagad ang buntot ng mga kalaban bago pa man sila magsagupaan? O sadyang malas lang talaga ang kabila at pumapabor talaga sa kampanya ng Ginebra ang tadhana? #Ginebra #PUSOSports
Day-in. Day-out. Nandoon ang manlalarong ito upang magbigay ng kanyang ambag para sa Ginebra. Mula umpisa hanggang dulo, nandoon si Justin Brownlee upang ipadama ang kanyang presensya sa mga kalaban. Ginawa niya ito nang wala masyadong nasasayang na possession - patunay na ang kawalan niya ng turnover kahit pa tatlumpu’t walong minuto ang kanyang itinagal sa loob ng court.
Kahit nga hindi gaanong mataas ang mga numero niya ngayon, nanatili ring efficient itong reigning Most Valuable Player para sa kanyang koponan. Si Scottie Thompson, kasama nga sina Jamie Malonzo at Christian Standhardinger, ang nagsilbing katulong ng kanilang import upang mangwasak ng pangarap ng kanilang katunggali. Combined ay mayroon nga silang 50 points, at mangilan-ngilang spectacular plays.
Sinong makapapantay kay Noypi Brownlee kung hindi nga makapaglaro ang kanyang kapwa import na si Wayne Selden? Sa mga kataga nga ni Coach Tim Cone, “Worst of luck” nga ang naging pangyayari rito sa NLEX. Kung nakapaglaro kaya itong reinforcement ng Road Warriors, natapatan niya kaya ang 31 points, 13 rebounds, 6 assists at 4 steals nitong si resident import ng Gin Kings?
Kapag kakaharapin ang isang koponang isa sa mga nasa taas, dapat siguro ay buong lakas. Lumaban naman ang mga mandirigma ng NLEX pero sa dulo ang nanaig ay ang nag-uumapaw na opensa ng mga mag-aalak. Ano nga bang nangyari? Isa sa mga simpleng kadahilan ay walang resbak sina Frankie Lim tapos matindi lang din ang pag-arangkada at pananagasa ng mga manlalarong nakapula. Ang final score 127 to 93.
__________________________________________________________________________________
Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: / @onesportsphl
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
www.rappler.com/sports/pba/ti...
www.pba.ph/recap
www.pba.ph/gallery
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!