kuya paanong matipid sa kuryente eh isang load with ilang pirasong damit eh 41/2 hrs mo nilabahan? kabibili ko lang ng akin wala pang one week. walang ka kwenta kwentang appliance ito. hindi dapat ito nauso.
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi! Ang 4.5 hours na paglalaba po ay nasa-sainyo ang choice kung gaano niyo katagal lalabahan ang damit (ipinaliwanag ko po ito sa video). Kaya po kami nag-4.5 kasi gusto po namin na tuyo na ang damit. Ayaw na namin po kasi magsampay, para deretso tiklop nalang ang mga damit namin. Puwede naman po iyan kahit 5 mins lang kayo magwash parang regular washing machine kaso magsasampay pa po kayo, eh alam niyo naman kapag tag-ulan mahirap magpatuyo, nakukulob ang damit. Siguro naman po noong binili niyo po ang unit niyo ipinaliwanag sa inyo ng LG kung paano gumamit nito. Opinyon niyo po kung walang kuwenta po ang pagkakabili niyo po sa LG front load washing machine, pero sa amin po ay malaking tulong po ito lalo na po at busy kami lahat sa trabaho. Uuwi na po kaming pagod, tapos maglalaba pa po kami ng nagsasampay. Sa paglalaba lang po nauubos ang weekend namin kaya po kami bumili nito para quality time nalang po sa family ang weekend namin hindi na po puro sa laba. Pasensiya na po kung hindi niyo nagustuhan ang pagkakasabi ko po tungkol sa tipid sa kuryente, pero ang totoong binabayaran po kasi dito ay yaong convenience po.
@quiqayquo2906 Жыл бұрын
@@gawinmoito hindi ko pinpupulaan ang video mo o ang paglalaba mo. ang sinasabi kong hindi dapat naimbento ay ang combination washer/dryer. unfortunately hindi na explain sa akin how it worked dahil walang unit sa floor. ang sabi sa akin eh me dadating na tao from LG to explain wala naman. ga bundok na ang aking labahin dahil ayaw ko ng magpa laundry dahil lagi akong nawawalan ng mga damit sa laundry. pati nga queen bedsheet ko ay nawala din. akala ko matutulungan ako ng unit na ito. tulad mo ako ay walang panahon sa paglalaba. gusto ko ipapasok ko sa umaga at kukunin kung kelan ko gusto na tuyong tuyo na. subalit sa experience ko ako ay nag dry ng 5.5 hours eh basa pa din ang damit ko. ang mahal ng unit ko 60K+. gusto ko syang ibato. gusto kong umiyak. this unit is not for when u have a family it is for a small family unit. not for small houses para makatipid ng space. wala po akong pakialam paano kayo maglaba. ang sinasabi ko po ay ang unit. bilib pa naman ako sa LG kaya ko binili. samsung is overrated. apologies if i hurt your feelings. sobrang bwisit ko lang talaga sa unit na ito. hayblad ka na sa presyo. hayblad ka pa sa performance.
@gawinmoito Жыл бұрын
@@quiqayquo2906 Hi! Yung dadating na tao ng LG ay kailangan i-follow up po siguro, kasi yung sa amin may dumating din naman after 2 days. Yung oras po ng paglalaba (sabi niyo po 5.5 hours sa inyo) tuyo po talaga ang sa amin 4.5 hours ang itinigal samin. Matagal po talaga ang drying time kaya po every time na papasok po kami sa work nag-iiwan po kami ng labahin. Heto pong unit na nakuwa po namin ay yung pinakamalaki po na size 19/12kg (that time po 19/12kg po ang pinakamalaki, pero mayroon na pong 21/12kg) at kasya po ang dalawang queen size comforters po sa unit namin. Sa pagbabasa po ng inyong reply, sa tingin ko po ang nabili niyo po ay yung next smaller size po ng LG 15/8kg or 10.5/7kg kasi ito po ang nasa price range na 60k+. Heto po ang pwede ko pong i-suggest sa inyo kung nadismaya po ka yo sa binili niyo po. 1.) Baka po sira ang unit niyo kasi hindi po tuyo ang nilabhan? (Kung sinunod niyo po yung ratio sa 19/12kg, meaning 19kg max po sa hindi tuyong paglalaba at 12kg max naman sa tuyo na agad. Kapag po sira iyan, puwede niyo po i-return yan kasi po 10years po ang motor warranty ng LG, puwera lang po sa ibang parts which is 1 year lang po. 2.) Mag-uprgrade po kayo ng mas mataas na capacity ng washing machine, kasi po bago po kami bumili nito, kinompyut po muna namin ang kilos ng laba po namin sa laundry shop (Yes, tulad niyo po galing din po kami sa pa-laundry-han P500 po per week ang palaba po namin minsan P700 pa. Base po sa dami (kg) ng pinapalaba namin sa shop which is 10kg per week, nacompute po namin maigi kung anong unit ang nararapat sa aming family po namin. Itanong niyo po sa LG kung nagrereturn sila ng unit dahil mag-a-upgrade naman po kayo anya. Pero malabo po silang mag-re-refund. Iyan lang po ang maitutulong ko po sa inyo (at sa mga subscribers po ng channel na ito na balak bumili nito at nagbabasa ng comment thread na ito). Pinag-aralan po muna namin talaga ang pagbili nito, hindi po talaga lahat ay masasatisfy dahil iba-iba naman po talaga ang opinyon ng mga tao. Ganito din naman klase ng washing machine ang ginagamit sa mga laundry shop, converted nga lang po ang sa kanila dahil de-gas po ang drier nila hindi po kuryernte. Sana po makatulong.
@Can-EOS-R8 ай бұрын
Lg din ang washing machine namin dito sa US, may options na delicates, blanket, normal, heavy. Pag normal setting ang pinili mo nasa, 60 mins lng or 1 hour kasama na ang banlaw. Pero separate ang heat dryer namin dahil pinipiga lang naman ng washing machine maigi ang mga damit pero hindi pinapatuyo. kilangan mo paring isampay. Ngayon kung may heat dryer ka na LG, another 50 mins yung pag papatuyo pero talagang tuyo na tuyo na parang plinantsa at mainit pa ang mga damit. Pero NEVER NA 4.5 hours.
@leonoravillarin80923 ай бұрын
Hindi sya mabango kapag malabahan na ng automatic unlike sa manual washing mabango kase nababanlawan ng ayos ..kahit kase may downy hindi naman nabango ehh .
@1salakot3 ай бұрын
4 1/2 hours??? Sa Metropole, free pick-up and delivery, naka fold na pag deliver sakin. Thanks for the video and info na rin.
@gawinmoito3 ай бұрын
Yes po 4.5 hours po, hindi po kasi puwede i-compare ito sa mga laundry shops kasi po ang gamit po nilang drier doon ay LPG, ito po ay kuryente lang pero inverter naman kaya kahit medyo matagal, matipid pa din. Dati din po kaming nagpapa-laundry before the pandemic, pero noong naisip po namin na kung kani-kaninong damit ang nilalabhan doon ay bumili nalang po kami ng sarili, medyo may mga naiiwan po kasing mga dumi ng damit sa washing machine.
@keitharaneta3465 Жыл бұрын
Meant to be nakita ko yung video na ito bago ma install yung lg washing namin :) . Same model tayo - LG WM F2719HVBV
@gawinmoito Жыл бұрын
God bless po sa bagong front load washing machine niyo po.
@mercbugatti62844 ай бұрын
Research muna ako bago buy hehehe. Me kamahalan compared sa top load. And ok lng nman ako sa pagsasampay. Thank u for your review.
@gawinmoito4 ай бұрын
Okay po, maganda talaga po itong washing machine na ito based on experience po namin. Halos hindi po kami natatambakan ng damit. Matagal lang po talaga maglaba, pero at least po tuyo na agad po.
@jeanrosehemperoso98025 ай бұрын
Thanks po sa video niyo, marami akong natutunan on how to use a Fully Automatic Washing Machine… planning to buy 1 soon… 😊
@gawinmoito5 ай бұрын
You're welcome po, nagagalak po kami na nakakatulong kami sa mga tao. Please also watch other DIYs sa channel po na ito that might interest you. God bless po!
@nelliecudao5036 Жыл бұрын
thank you for the demo
@gawinmoito Жыл бұрын
You're welcome po!
@cyndeegonzales6699 Жыл бұрын
Kakabili ko lang kagabi sir. Laking tulong po. San po pala kayo nakanili ‘nung anti-wrinkle?
@gjimvanvernierverueco3975 Жыл бұрын
San po kayo nakabili
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Sa S&R po kami nakabili ng anti-wrinkle. Kirkland po brand.
@gawinmoito Жыл бұрын
@@gjimvanvernierverueco3975 Sa S&R po.
@marinasabilao48012 ай бұрын
Kla ko po ang purpose sa paper na yan walang himolmol
@marlonsytan Жыл бұрын
What model and how much and where po nyo binili
@JOHN-wh5pg Жыл бұрын
how much yung ganyang brand? meron akong nakita s store nila 15k around 6.5kg maximum capacity.
@sherwinortega7588 Жыл бұрын
Hi po questionn! Ganito po kasi samin. Kasoo di naka install yung tubig sa likod. Paano po tubig neto😢
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello. Kailangan po may linya ng tubig na nakaabang po, para sa inyong front load washing machine. Kung malayo po ang source ng tubig, puwede naman po mag-extender ng hose, tulad po ng ginawa ko po sa video na ito : kzbin.info/www/bejne/naetkJ6IYtx9e9U Panoorin niyo po ito, nandito po ang complete setup tutorialkung paano po mag-install ng front load washing machine.
@khaliriz62314 ай бұрын
Direct to faucet poba ang water supply?
@gawinmoito4 ай бұрын
Yes po sa faucent dapat.
@cjtrooster Жыл бұрын
May mali po.Yung dryer sheet na tntwag mong anti wrinkle (KIRKLAND ) ay nilalagay po lamang after matpos ang laundry bago mag umpisa ang drying cyle po hindinpo siya kasabay ng laundry cycle.
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi! Salamat po sa inyong comment. Sa amin po kelangan namin po ilagay agad po ang anti-wrinkle kasi po iniiwan po namin ang paglalaba, babalikan nalang namin after. Based on our experience po, tumatalab din po ang anti-wrinkle kahit ilagay agad po sa front load washing machine. Pero po as per instructions po ng Kirkland talgang dapat bago mag drying cycle talaga po ito nilalagay. Pero sa amin po nilalagay na po namin agad, parehas lang po ng result base sa experience po namin.
@rcl1483 Жыл бұрын
Heat dry pump ba yan sir?
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Hindi ko po sigurado kung heat dry pump po ito.
@Dayanara1.12 ай бұрын
Sir ask lang po ,yung samin nagalaw yung washing pag nag dry na tapos ang ingay ano ba dapat gawin?
@gawinmoito2 ай бұрын
Paki-check po muna kung balanse lahat ng paanan ng washing niyo po, na-adjust po iyan gagamitan niyo ng liyabe na kasama sa washing noong binili.
@Dayanara1.12 ай бұрын
@ sige po icheck ko ,salamat.
@Dayanara1.12 ай бұрын
@ nakakatakot kasi yung ingay ng turbo parang halos mabasag na
@gawinmoito2 ай бұрын
@@Dayanara1.1 Naggaganyan po talaga yan kapag hindi po naka balance ang washing machine niyo.
@gawinmoito2 ай бұрын
@@Dayanara1.1 👍
@carlanoona10 ай бұрын
For drying, di mo rin po maiiwan na nakaopen yung faucet nu?
@gawinmoito10 ай бұрын
Hello po, kahit naka-turn on po ang faucet, okay lang po iyon, sa amin nga po wala ng patayan, palagi lang po naka-on.
@carlanoona10 ай бұрын
@@gawinmoito san po kaya napupunta yung tubig pag drying na?
@gawinmoito10 ай бұрын
@@carlanoona Mayroon pong drain ang washing machine po na ito, ipinakita po namin sa videong ito: kzbin.info/www/bejne/naetkJ6IYtx9e9U
@YouTVEntertainmentАй бұрын
MAY FEATURE BA ANG FRONT LOAD NA FOR SPIN DRYER LANG? kagaya sa Top Load?
@gawinmoitoАй бұрын
Mayroon din po.
@Adulting.with.Jona.6 ай бұрын
Hi po ano po ba dapat gawin after gamitin yung washing i-unplug or hayaan lang po nakasaksak kahit hindi ginagamit? Thank you
@gawinmoito6 ай бұрын
Kami po ina-unlplug po namin. Sa kahit anong appliances naman po basta hindi po ginagamit, kailangan pong i-unplug, para iwas sa short circuit po.
@Randomeeditofmyfan_003 ай бұрын
Nasusukat po ba jan kung ilang lotera ng tubig ung nagagamit sa isang load?
@gawinmoito3 ай бұрын
Hindi po eh.
@rowenacheng71685 ай бұрын
Hi. D ba umuurong mga damit pag nag turbo dry kayo?
@gawinmoito5 ай бұрын
Hindi naman po.
@reymendoza2677 Жыл бұрын
Boss kailangan ba malakas ang presure ng tubig kung ang tubig nagaling lang sa tangke na sa taas lang walang presure pwede ba.
@gawinmoito Жыл бұрын
Kung ang tubig po ay manggagaling lamang po sa mataas na tangke patungong pressure tank, ito po ay hindi uubra. Kailanga pa din po ng isang motor para po malagyan ng pressure ang pressure tank.
@gawinmoito Жыл бұрын
Sorry po sa reply dito. Akala ko po sa isang video namin po na tungkol doon sa water tank. Kahit wala masyadong pressure po ang water supply okay lang po sa washing machine iyan. Kasi magpupuno naman po ng tubig iyan.
@angelouvillamer799 Жыл бұрын
Hello kapag po ba nagdrydry po yung sainyo na tutupiin nalang po pagnatapos. Amoy parang goma rin po ba yung sainyo?
@gawinmoito Жыл бұрын
Noong una po, yes po, mediyo amoy goma po, pero nawawala din po after many uses. Normal lang daw po yun sabi ng LG, pero kapag po consistent po ang amoy, kailangan niyo na po i-report sa kanila po.
@joannesy266110 ай бұрын
Hello nawala na po ba yung amoy goma or chemical?
@lanimaegutierrez4497 Жыл бұрын
Question po.. masisira po ba ang unit kapag minsan lang gagamitin yung dryer function niya? Gagamitin lang sana kung tagulan. Salamat po sa sagot.
@gawinmoito Жыл бұрын
Kagaya po ng ibang mga appliances po, mas napapadali po ang buhay ng mga appliances kapag ito ay madalang gamitin. Mas maganda po kahit once a month mapagana niyo po ang dryer function po ng washing machine.
@LalaPTD10 ай бұрын
Maingay din po ba unit ninyo pag nag sspin dry?
@gawinmoito10 ай бұрын
Noong una po, pero naayos po namin, kasi po hindi pala po naka-align. Panoorin niyo po dito sa isa namin pong video kung paano po namin in-align. kzbin.info/www/bejne/naetkJ6IYtx9e9U
@marisamaldia3020Ай бұрын
Hello po, pano po malalaman kung enough na yung water?
@gawinmoitoАй бұрын
Automatic po yan nag-ii-stop.
@andrewaganon4699 Жыл бұрын
Boss kamusta nman po yung ikot pag nagwawash na?maganda po ba laba sa lg?hndi pabebe yung ikot yung parang di nakakaalis ng dumi sa damit?thanks po sa sagot.planing to buy for this model .
@gawinmoito Жыл бұрын
Wala pong pabebe sa washing machine na ito po. Talagang mahusay po maglaba. Sa ikot po ng washing wala din pong problem. Matagal po ang warranty po ng motor nito sa LG (10 years po) sa ibang parts po 1 year lang po. I-make sure niyo po na sakto sa dami ng family members niyo po ang model na bibilhin niyo po. Matagal po kasi ito maglaba kung gusto niyo po tuyo agad ang damit (4.5 hours po to be exact / 8kgs max) pero kung gusto niyo po traditional (yaong de sampay) puwede din naman po. Puwede din naman parang naglalaba sa automatic (yaong na-spin dried na ang damit) nasa 40 mins po per hulog (19kgs max). Walang halong pabebe po, talagang malaking tulong po sa amin ang washing machine na ito (kaya hindi ko po maintindihan sa ibang nating mga subscribers sa channel na ito bakit hindi nila nagustuhan ang front load washing machine ng LG). Hindi po sa prino-promote ko po ang LG, hindi po sponsored itong video na ito, talagang shine-share ko lang po ang magandang experience namin po dito para makatulong lang po sa mga taong balak mag-invest sa mga ganitong appliance po. Sana po makatulong.
@merlitadelacruz4365 Жыл бұрын
Kaylangan po ba nkaopen ang tubig pag nagdryer ka bago lang kc gumamit ng automatic salamat
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Merry Christmas po! Yes po, basta po mag-ooperate po kayo ng ganitong washing machine, kailangan po naka turn-on palagi po ang water source.
@Clarence-s8n5 ай бұрын
May option ba idol na hindi pede gamitin ang heat dry
@gawinmoito5 ай бұрын
Hello po! Puwede po, ise-set niyo lang po sa Normal Mode po, automatic po hindi na magda-dry po, parang sa traditional washing machine lang din po, 'pag labas, basa pa po isasampay niyo.
@fhiljanInodio-cw1mf6 ай бұрын
Need po ba nakaopen ang water for the whole cycle?
@gawinmoito6 ай бұрын
Yes po dapat po naka-turn on. Di naman po dumadaloy ang water sa faucet kapag nag-i-spin na po, pinatitigil po ng machine. Halos parang sa traditional washing machine din lang po ang dami ng tubig na ginagamit po nito.
@wenzjayy Жыл бұрын
hello po, ilang oras po total washing from load to unload? ilang minuto po sa washing and ilang minuto po sa drying? additional question, nasubukan nyo na po ba Air Dry at Time Dry options? ano po kaibahan? TIA
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi, ang total wash and dry po ay 4 to 5 hours (depende sa dami ng damit na niload niyo po). Meron ding tinatawag na Turbo Wash nabababaan ng bahagya ang oras ng washing. pero sa drying same pa din. Kung Wash to Spin lang (Normal Setting) more or less 30 to 1 and a half hour. Kapag dry lang naman, mga 3 to 4 hours tuyo na. regarding sa air dry, turbo dry, and time dry: Air Dry: iinit ang washing machine para makapag patuyo pero ang ikot ng tub ay dahan dahan lang. (preset/default ang oras ng drying depende sa dami ng damit. Usually 4 to 5 hours) Turbo Dry: iinit ang machine tapos ang ikot ng tub ay sobrang bilis para kang nag sspin dry pa din (preset/default ang oras ng drying depende sa dami ng damit. Usually 3 to 4 hours) Time Dry: gagamitin mo ito kung gusto mong ikaw ang mag set kung ilang oras mo lang idadry ang mga damit. ang minimum ay 30 mins. pero wag mong expect na tuyo ang mga damit kung 30 to 2 hours mo lang iset ang time. Baka kaikailanganin mo pang isampay yan. NOTE: mas dagdagan mo ng Rinse, mas madadagdagan din ang oras ng wash time. Kaya nagdedepende sa setting na pipiliin mo. ang nakaindicate na info sa taas ay usually 2-3 rinses. Sana po makatulong to. Please support our channel by sharing and watching other videos.
@wenzjayy Жыл бұрын
@@gawinmoito maraming salamat po, dagdag question lang po, pwede po ba ito na dry function lang yung gagamitin? o kelangan talaga automatic kasunod ng wash is dry? na-isip ko kase pag 19kilos nilagay at automatic sya magpapatuyo, edi lampas na yan sa 12kilo for dry, kuware din may mga malilinis na akong mga damit pero nabasa lang ng konte
@gawinmoito Жыл бұрын
@@wenzjayy Yes po. Puwede po na dry function lang po ang gamitin, ang dapat may ilaw lang ay yaong dry function. Basta po maximum of 12 kilos lang na wet. Hindi na po lalagpas doon. Kapag po lumagpas sa 12 kilos, basa pa din po ang damit (yung iba tuyo) kaya po maximum po ang 12 kilos para po tuyo lahat po ng damit.
@loniemaganda Жыл бұрын
hello sir last question mga ilang oras ung wash and dry kung sakali salamat
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Komporme po sa inyo kung gaano katuyo ang gusto niyo po sa damit. Sa amin po, dahil tag-ulan na po ngayon gusto po namin tuyo na agad, umaabot po nang 5 oras po ang 'complete dry' po na laba. Mayroon din pong mas maikling time pero basa pa ito kapag hinango po sa machine, kumbaga magsasampay pa po kayo. Kaya po ito ang binili namin na washing ay dahil ayaw na namin magsampay, gusto namin tuyo na agad po. Yaon lang po, mediyo matagal. Sana po makatulong.
@MgLaura9 ай бұрын
hello po sir , yung samin po kase hindi nag ddrain yung tubig kapag ginagamit sa panlaba, pero kapag rinse and spin po nagana po sya
@gawinmoito6 ай бұрын
Naku, kapag ganiyan po kailangan niyo ipatingin sa LG Tech Service po iyan. Dapat po kasi nag-o-automatic drain po iyan kada cycle po.
@SamanthaBade Жыл бұрын
Ask ko lang po sana hindi po ba nakakasira ng damit ang washing machine na front load or pag ginamit po ang spin dryer?
@gawinmoito Жыл бұрын
Dependo po sa tela at kapag po lagi dina-dryer. Yaong mga maninipis pong mga tela minsan nabubutas po, lalo na po kapag isinasabay po sa mga damit na may mga zipper, malalaking butones, o kaya'y nakaiwan po ng barya sa bulsa. Kaya ang ginagawa po namin, nakahiwalay po ang mga maninipis pong clothing. Sana po makatulong.
@regienaldbautista30828 ай бұрын
Maganda nga po. Kamusta po ang bill sa kuryente since gumagamit po sya ng heat dry.. .?
@gawinmoito6 ай бұрын
Sorry po ngayon lang reply, di ko napansin tong comment na ito. Add P500 po sa bill po namin ang naging result po.
@maxieolivares2 ай бұрын
@@gawinmoito500 po ang na add sa bill? or 500 po per salang?
@gawinmoito2 ай бұрын
@@maxieolivares Total monthly bill po, tuwing weekends ang laba.
@rolaizapasco1241 Жыл бұрын
hello po dapat po ba malakas ang water pressure?
@gawinmoito Жыл бұрын
Hindi po necessary ang malakas na pressure ng tubig. Mag-iipon naman po ng sariling tubig ang front load washer.
@marcdeguia2329 Жыл бұрын
Sir kailangan ba antayin matapos yung cooldown? Kasi kabibili ko lang antagal ng cool down
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Puwede niyo naman pong i-skip ang cooldown tulad po ng ginawa ko po sa video.
@PhilipChico Жыл бұрын
Boss, may Cool Down po ba pagkatapos ng Turbo Dry?
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi! Yes po, mayroon pong Cool Down (CD ang nakalagay sa interface) pagkatapos ng Turbo Dry o kaya'y Air Dry. Sa Regular Washing lang po walang CD. Sana po makatulong.
@loniemaganda Жыл бұрын
panu boss ung medyo mabuhangin n mga damit safe b ilagay din jn?
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi! Safe naman basta hindi sobrang daming buhangin at lupa. Kasi kami pinapagpag namin muna ang mga mabubuhangin na damit, at tsaka may filter ang washing machine na ito, kada gamit kailangan i-drain ang drain filter, doon pumupunta ang mga buhangin. Pero kung sobrang daming putik, buhangin, at dumi, ang ginagawi namin ay binabanlawan muna namin para mabawasan ang mga nakakapit sa fabric. Puwede ka naman mag-shoot ng basang damit sa washing machine na ito. Sana po makatulong.
@Itsmejaiiiii3 ай бұрын
Paano po pag walang nalabas na tubig ? Naka on naman po yung water
@gawinmoito3 ай бұрын
Hindi po agad maglalabas ng tubig yan, ibabalanse muna ang karga. Pero kapag hindi pa din naglabas ng water ang washing machine, itawag niyo na po sa tech.
@anabellegamalog1507 Жыл бұрын
Sir sadya b gusot ang damit kapag natapos n dry
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Opo gusot po ang damit, may inilalagay pong anti-wrinkle / anti-gusot sa washing machine, nasa video po kung paano ko po nilagay ang anti-wrinkle.
@anabellegamalog1507 Жыл бұрын
@@gawinmoito ibig sabihin sir talagang lagi ganun kapag d ko cya nilagyan ng anti gusot
@gawinmoito Жыл бұрын
@@anabellegamalog1507 Subukin niyo po gayahin yung settings po ng paglalaba po namin dito sa video. Heto po kasing sa amin, akala mong bagong plantsa kapag hinango ang damit. Kaunting kaunti lang ang gusto, puwede mo nang isuot kahit hindi i-plantsa.
@SarahSandaganАй бұрын
Mayron din poh ganyan dito SA bahay kaso HND bumababa ung tubig ano dapat gawin sir
@gawinmoitoАй бұрын
Yung drain niyo po ba naka-setup? Gaano po kataas ang drain niyo? Mayroon po kaming video na pang-setup ng ganitong washing machine, heto po ang link: kzbin.info/www/bejne/naetkJ6IYtx9e9U
@jannahbangnorueda15 Жыл бұрын
Pano po yun may na kalagay na add item?
@gawinmoito Жыл бұрын
Para po iyan makapag-add pa ng damit kapag nagkapagsimula na po kayon maglaba, tapos may naiwan pala po kayo, add item po ang pipindutin mag-po-pause po noon ang washing. Kaso kapag nasa mid-cycle na po kayo alanganin na po mag-add item, matatapon po kasi sabon niyo.
@jannahbangnorueda15 Жыл бұрын
@@gawinmoito salamat po.
@gawinmoito Жыл бұрын
@@jannahbangnorueda15 You're welcome po.
@krysleencheridomalaon1719 Жыл бұрын
Kamusta po ang kuryente? At ganu po kyo kdalas mag laba sa loob ng 1 month
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi! Nadagdagan po ng P400 - P500 ang bill po namin. Mas mura po itong increase sa kuryente kaysa magpa-laundry po kami sa mga laundry shop.
@adelinetago8855 Жыл бұрын
so ibig sabihin kailangan malaki ang capacity para isahan nalang, sa tagal ba naman matapos ang laba ubos isang araw
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi! Yes po, dapat po malaki capacity ng washing machine. Heto pong nasa video na ito ang pinakamalaking front load washing machine ng LG na combo washer and drier. Yaong 8Kg capacity sana po kukunin namin, kaso po parang nanghihinayang kami sa capacity na kaya nuon. Kaya nag-invest kami sa pinakamalaki na para hindi kami nai-ipunan nang labahin. Sana po makatulong.
@dzdengaming97112 күн бұрын
Sir paano po naging matipid halos 6 hours bago matapos 😭
@gawinmoito2 күн бұрын
Inverter po iyan, tapos medyo mas kaunting tubig ang ginagamit kumpara sa traditional washing machine.
@gachagirlnics8542 Жыл бұрын
Hello po planning to buy po sana ako nito ilang beses po kayo mglaba sa isang linggo kami po kz 7 kmi sa bhay ksma mga anak ko..sna po masagot slmt
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello po! 2-3 times a week po ang laba po namin. Magandang investment po talaga ito sa bahay dahil mapapadali ang laba. Estima ko po sa inyo baka po 3-4 times po per week. Basta po pag may naipon na po kayong maduduming damit maghulog na po kayo agad-agad sa washing machine tapos kahit iwanan niyo na po ang machine maglaba.
@robertsong2891 Жыл бұрын
Sir ito po ba Ang ginagamit sa laundry ng barko?
@gawinmoito Жыл бұрын
Wala po akong idea kung ito po ang ginagamit sa barko.
@Bluemark468314 күн бұрын
Top laod at front load s barko..pero pg s officers separate ung dryer..swerte n umabot 3 yrs yan s barko kc bugbog s kaka washing😅
@MerciditaAlcantara6 ай бұрын
Pwede po ba manual muna at tapos dun na balawan sz full atumatic
@gawinmoito6 ай бұрын
Yes, puwde po.
@TeresitaCardozo-b3m5 ай бұрын
Paano kung big lang nawalan ng kuryente habang naglalaba ano gagawin
@gawinmoito5 ай бұрын
Wala po, hahayaan niyo lang po, kapag bumalik na kuryente magre-resume po ang machine kung anong huling ginagawa ng washing machine.
@chingii6215 Жыл бұрын
Need po ba ng pangmaramihang tubig kapag gagamit ng washing machine na to?
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Matipid po ito sa tubig.
@robertsong2891 Жыл бұрын
Sir ano ba pinag kaiba sa pre wash at main wash soap
@gawinmoito Жыл бұрын
Ang pre wash po ay tutubigan lang po ang damit, parang banlaw po. Ang main wash po with detergent na po.
@jethrovilla2993 Жыл бұрын
gaano po katagal ang cooldown after drying?
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Ang cooldown po ng front load washing machine ng LG ay 20-30 minutes po para po mahawakan po ang damit at mahawakan din po ang tub sa loob ng machine. 20-30 minutes po ang safe time para ma-bypass po ang cooldown. Paalala po, huwag po kayo magba-bypass ng cooldown hangga't wala po sa oras na binanggit ko po. Napakainit po ng tub sa loob. Without bypass naman ng cooldown ay nasa 2 hours po (complete cooldown po iyan). I-check niyo po sa video ito yaong tungkol po sa bypass. Sana makatulong po.
@Lloyd-g3x Жыл бұрын
Sit nasa magkano LG washing machine mo
@miyu1119 ай бұрын
Anong brand yan?
@gawinmoito9 ай бұрын
LG po ito.
@sheilamaegarrido603111 ай бұрын
Ask ko lng po ano po ba ung pre wash at main wash,kc tinuro sa akin sa pre wash lng aq Mag lagay nng sabon ok lng ba yon,kc ngayon lng aq nka gamit nito🤣😂🤣 Wala nman kcing pumunta d2 para mg explain
@gawinmoito11 ай бұрын
Hello, bago pa po kayo magstart magload, make sure maglalagay na po kayo ng sabon. Yaong pre wash po ay babasain lang ng washing maachine ang mga damit, banlaw ba. Automatic na pong pupunta sa next stage po ng washing yoon, sa main wash, doon na po maglalagay ng sabon ang machine.
@arveefajardo6929 Жыл бұрын
Anu pong model ng LG ito?
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi! Heto po ang model : F2719HVBV
@reyaresga621 Жыл бұрын
PANO po pag mag dyer lng
@gawinmoito Жыл бұрын
Bali po sa portion po na dryer lang kayo pupunta kagaya po ng ginawa ko sa video. Basta make sure po na basa po ang damit.
@roybacolores92857 ай бұрын
Magkano po ganyan
@ChristilleCindyQUERON Жыл бұрын
paano lagyan tubig
@gawinmoito Жыл бұрын
Hello! Nandito po ang tutorial po namin kung paano mag-lagay ng tubig sa front load washing machne : kzbin.info/www/bejne/naetkJ6IYtx9e9U
@AvegailGayamo-fu7ow2 ай бұрын
I don’t understand bat sobrang tagal. Meron din kami nito at di ko gusto yung haba ng proseso ng pagwash😢 Had I known naghanapnnlang ako ng naadjust yung washing time.
@gawinmoito2 ай бұрын
May kanikaniyang preference po talaga tayo, pero sa amin, nakatulong po maigi itong washing machine na ito kasi iiwanan mo lang siya maglaba paglabas sa machine tuyo na.
@merlyperez7447 Жыл бұрын
Hm po ganyan
@valyncruz1510 Жыл бұрын
Kmsuta po elec bill?
@gawinmoito Жыл бұрын
Nadagdagan po ng P500 ang bill namin po sa kuryente. Kasi po ang mode po ng laba namin ay yaong tuyo na po ang nilabahan kapag po hinango. Puwede naman kayo makatipid sa kuryente kapag gusto niyong hindi tuyo ang damit, ibig sabihin magsasampay pa.
@JOKER-ek7og Жыл бұрын
patawa 4 hours (di ito tatagal ng isang taon sira na ito ilang buwan lang ata ito tatagal😂
@gawinmoito Жыл бұрын
Kapag nasira naman po ito, 10years po warranty ng motor ng washing machine.
@CellyMina Жыл бұрын
Hi po kabayan patulong nman po
@gawinmoito Жыл бұрын
Ano po ang maitutulong po namin?
@MaryAnnCabalida-c1q Жыл бұрын
@Avelino Cabalida
@19RiyoRitsu757 ай бұрын
sir sa after market neto madali ba ang mga pyesa at nagseservice netong unit na ganito?
@gawinmoito7 ай бұрын
As of now po talagang sa LG lang po ang mga piyesa nito, at mayroon po silang service center na hanggang 10 years po ang availability ng piyesa po ayon po sa mga tech ng service center po.
@RovelynCuntapay Жыл бұрын
Kelangan po ba naka open lang yung tubig gripo hanggang sa matapos?
@gawinmoito Жыл бұрын
Hi! Opo, palagi dapat pong naka-turn on po ang valve ng gripo.
@Phoenix-sj6tk8 ай бұрын
ilang litro ng tubig kaya ang pinapasok nya kapag mga 8kg ang load sir?
@gawinmoito8 ай бұрын
Ay 'yun lang po, hindi namin po sigurado, pero ang masasabi naimn po sa inyo matipid po sa tubig po ito, one time po kasi nakalimutan po namin na ilagay sa drain ang drainhose po ng washing machine, in short po nagspill po lahat ng kargang water po sa floor, nung tinutuyo po namin, naka-isang balde po kami (balde ng Boysen) sa pagpapatuyo ng floor.