Рет қаралды 48,403
Ito ang Noli Me Tangere Audiobook Unang Kabanata na pinamagatang "ISANG PAGKAKAPISAN"
NOLI ME TANGERE, novela sa wikang Kastila na kinatha ni Dr. Jose Rizal ng taong 1886.
Isinalin sa Tagalog ni PASCUAL H. POBLETE ng taong 1909.
Binasa ni Annalie P. Acosta ng taong 2019.
Hangad ng lathalaing ito ang pagpapalaganap ng unang salin sa Tagalog ng nobelang Noli Me Tangere at makatulong sa mga mamamayang Pilipino sa pag-unawa ng nobelang ito sa pamamagitan ng pakikinig.
Talababa:
"Colado", ang taong hindi inaanyayaha'y cusang dumádalo sa isang piguíng. Maraming di ano lamang sa mañg̃a bayanbayan, at lalonglalo na dito sa Maynilà, ang mañg̃a taong di nating calahì, na hindî man inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa mang̃a piguíng nang mang̃a filipino, na canilang tinatawag na indio, at ang mang̃a taong yaong di natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na mang̃a colado sa piguíng.-P.H.P.
"Azulejos" - Ang ladrillong parang pinggan ang pagcacayarì.-P.H.P.
"Maceta" - Ang "maceta" ay wicang castilà na ang cahuluga'y ang lalagyán ng̃ lupà na pinagtatamnan ng̃ mg̃a halamang guinágawang pangpamuti, sa macatuwid ay malî ang tawag na "macetas" sa halaman.-P.H.P.
"Caida" - Ang sabing "caida" ay wìcang castilà, na ang cahuluga'y ang pagcahulog, pagcálagpac, pagcárapâ pagcatimbuang, ó ang kinahuhulugan ó ang laláy ng̃ ano mang bagay; datapuwa't dito sa Filipinas, ayawan cung anong dahil, tinatawag na "caida" ng̃ mg̃a castilà at ng̃ mg̃a lahing castila ang macapanhíc ng̃ báhay.-P.H.P.
"Renacimiento" - Mulíng pang̃ang̃anac. Ang panahong nagpasimulâ nang calaghatian nang Siglo XV, na napucaw sa mang̃a taong tubò sa dacong calunuran ng̃ Sandaigdigan ang masilacbong pagsisiyasat nang mg̃a maririkit na guinagáwâ sa una nang mg̃a griego at nang mg̃a latino-P.H.P.
"Azotea" - Bataláng bató, na ang caraniwa'y baldosa ang tungtung̃an.-P.H.P.
"Glorieta" - Isáng pabilóg na parang culuong na ang caraniwa'y pinagagapang̃an ng̃ mg̃a halaman.-P.H.P.
"Araña" - Ang ilawang sang̃asang̃a na ibinibiting may mg̃a pamuting mg̃a cristal na nagkikislapan.-P.H.P.
"Tarima" - Isáng papatung̃ang cahoy, na catulad ng̃ papag na mababà ang anyô.-P.H.P.
"Piano de Cola" - Natuclasán ang paggawâ ng̃ "piano" ng̃ siglo XIII at siyang naguing cahalili ng̃ "clavicordio" at ng̃ "espineta." Alinsunod sa anyô at lakí ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de media cola, piano vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de cola'y nacahigang parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa cabiláng dulo'y makitid at isá sa mg̃a lalong mahál ang halagá.-P.H.P.
"Al Oleo" - Tinatawag na larawang "al óleo," (retrato al óleo) ang larawang ipinípinta sa pamamag-itan ng̃ mg̃a culay ó pinturang tinunaw sa lang̃is.-P.H.P.
"Indigno" - "Hindî carapatdapat" ang cahulugán ng̃ sabing "indigno," salitang caraniwang sabihin ng̃ mg̃a nacacastiláan.-P.H.P.
"Paisano" - Tinatawag na "paisano" ng̃ mg̃a sundalo ang hindî militar.-P.H.P.
"Duque de Alba" - Marang̃al na general ni Cárlos V at ni Felipe II. Siya ang nagtagumpáy sa panghihimagsic ng̃ Paises Bajos at nacalupig sa Fort.-P.H.P.
"Escalafón" - Ang talaán ng̃ mg̃a oficial at mg̃a púnò sa mg̃a hucbó.
"Heine; Dioses en el Destierro; Tatlong Monje; Tyrol; Equinoccio" - Die Götter im Exil ("The Gods in Exile", prose essay) -- en.wikipedia.o... -- AA
"Morisqueta" - Halos talós ng̃ lahát ng̃ fipinong ang cahulugán ng̃ "morisqueta" ay canin; ng̃uni't ang walâ marahil nacacaalám niyan ay cung saang wicà nanggaling; sa pagca't ang sabing morisqueta'y hindî wicang castilà, hindî tagalog, hindî latín, hindî insíc at iba pa. ¿Ang mg̃a fraile cayâ ang nagtatag ng̃ salitang iyan?
"Indio" - Sinabi co na sa sa isá sa mg̃a paunawà sa Buhay ni Rizal na sa pasimulâ ng̃ librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay mg̃a pulóng na sa panig ng̃ libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig ng̃ libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio ng̃ mg̃a fraile, ng̃ mg̃a castilà at ng̃ mg̃a lahing putî sa mg̃a túbò sa Filipinas ay isáng pag-alimura at pagcutyâ sa mg̃a lahing caymanggui. Caacbáy ng̃ sabing indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, hang̃al, dugong mabábà, cutad na ísip, ugaling pang̃it, waláng cahihiyan at iba pang lalong mg̃a casamasamâan. Sacsí nitóng mg̃a sabi co ang mg̃a sinulat ng̃ mg̃a fraile't castilà tungcol sa Filipinas...-P.H.P.
"Derechos ng̃ parroquia" - Ang mg̃a sinising̃íl sa binyag, casal, tawag, libíng, campana, ciriales at iba pa.
Salamat ang paabot sa mga sumusunod:
Sa Project Gutenberg at sa ebook na Noli Me Tangere sa Tagalog:
www.gutenberg....
kay Raffy Lata, sa pag gamit ng awiting Madaling Araw:
www.youtube.co....