Рет қаралды 2,685
Inilabas ng Chinese state television na CCTV ang footage ng isinagawa nitong military drills sa paligid ng Taiwan noong Huwebes, May 23 bilang tugon sa anila'y “separatist acts."
Sa video na ni-release ng CCTV, makikita ang paglalayag ng navy vessels sa dagat, at paghahanda ng air force sa kanilang fighter jet para lumahok sa joint combat training exercise.
Isinagawa ang military drills sa Taiwan Strait, sa hilaga, timog, at silangang bahagi ng Taiwan, gayundin sa mga lugar sa paligid ng Taiwan-controlled islands na Kinmen, Matsu, Wuqiu, at Dongyin.
Nagpadala rin ang China ng fighter jets na may dalang live missiles. Nagsagawa rin ito ng mock strikes kasama na ang mga barkong pandigma. #News5 | via Reuters
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph