Рет қаралды 108,440
Title: One Night Mistake with The Sergeant
By: Queen D.
WIL AND SUMMY
Edited by Rendel Tagalog Love Stories
#onenightstand #sergeant #audiopocketbook #inspirational #inspirationallovestory #fullstory #uncutfullstory #audiopocketbook#wattpadseries #novelseries #thebillionaire #kwentongpagibig #novelseries #tagaloglovestory #romance #action #actioncomedy #actionromance
HINDI mapigilan ni Wil na magtaka sa ikinikilos ng dalagang si Summy, gusto niya lang namang mapalapit dito ngunit tila nilalayuan siya ng dalaga.
Sobrang pamilyar din ng dalaga sa kaniya at pilit niyang inaalala kung saan niya ito nakita o nakilala.
"Crush mo yan?" Nabaling ang tingin ni Wil sa kaibigang si Kairo. "Pwede na naman siya para sa'yo, kaso hindi bagay sa kabaitan mo. Kapag nagkatuluyan kayo siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan."
"Pinagsasasabi mo?" kunot noong tanong ni Wil sa kaibigan. "Tinira mo ba yung shabu na nakuha natin doon sa bahay?"
"Bagay nga kayo ni miss sungit!" Inirapan ni Kairo si Wil. "Pareho kayong mapanlait! Magsama kayo!"
Hindi na pinansin ni Wil ang kaibigan at muli na lang pinagmasdan ang dalagang si Summy. Sinusubukan niya talagang alalahanin kung saan nakita ang dalaga pero walang pumapasok sa kaniyang isipan.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Wil nang biglang huminto ang sasakyan.
"Sergeant, nasira po yung makina." sagot ng driver. "Baka po dito muna tayo magpalipas ng gabi."
Palubog na rin kasi ang araw. Kung kailan malapit na sila ay Saka pa nasira ang sasakyan nila.
"Hindi ba maaayos kaagad?" tanong ni Summy.
Gustong makabalik kaagad ng dalaga dahil pupuntahan niya ang kaniyang anak. Nag aalala siya dahil baka tumaas ang lagnat nito.
"Gagawin ko ang makakaya ko," sagot ng driver.
Walang nagawa sila Summy kundi ang bumaba ng sasakyan at maupo sa ilalim ng isang puno. Hinubad ni Summy ang suot na uniform at isinampay ito sa kaniyang bag.
"Pwede bang tumawag na lang ng susundo sa'tin?" tanong ni Summy kay Wil.
"May problema ba? Bakit nagmamadali ka?" takang tanong ni Wil sa dalaga.
"Natatae siguro," sabad ni Kairo na ikinakunot ng noo ni Summy. "Pwede ka naman diyan sa damuhan, hindi ka namin sisilipan-aray naman!"
Sinapok siya ni Summy. "Nanggigigil na ako sa'yong lalaki ka, kapag hindi kita natansiya mas pipiliin ko ng maging kriminal!"
"Enough!" awat ni Wil sa dalawa. "Kairo, shut your mouth!"
"Kailangan kong makauwi," napahinga nang malalim si Summy. "May sakit ang anak ko, nag aalala ako para sa kaniya."
"Okay, gagawa ako ng paraan." sabi ni Wil at tumayo. "Wait me here."
Tinanaw lang ni Summy ang binatang umalis. Sumandal si Summy sa puno at kinuha ang cellphone niya. Napangiti ang dalaga nang bumungad sa kaniya ang picture ng anak na wallpaper niya.
"Yan ang anak mo?" hindi pinansin ni Sunmy ang binatang si Kairo. "Ang ganda, kahawig ni Wil-"
"-Chismoso!" singhal niya sa binata. "Doon ka nga, mind your own business."
Umungot lang si Kairo at nilayuan ang dalaga. Si Summy naman ay sinubukang tawagan ang ina niya kaya lang ay walang signal sa lokasyon nila. Bagsak ang balikat na sumandal na lang si Summy sa puno at pumikit.
"Maayos na ang makina ng sasakyan," mabilis na napadilat si Summy at napatayo dahil sa balitang narinig. "Sumakay na kayo."
Masaya ang dalaga dahil makakauwi siya sa anak ngayon. Buong biya
DISCLAIMER.......
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No parts of this story may be reproduced or distributed in any printed or electronic form without prior permission to Rendel Tagalog Love stories
if you have any concerns please contact me on my fb account
profile.php?...
happy listening everyone godbless