Рет қаралды 946
Kalikasan at Pag-ibig (by: Crystal Kayte Valdez)
( • Crystal Kayte Valdez -... )
Poem:
Kalikasan (by: Daryl Kim Tambang)
(fb.watch/2nZRiIiCJc/)
Instrumental:
Oliver Narag
( • kalikasan at pagibig-O... )
SME Image:
Pandueng Hegde
Video Clips:
-Asian Development Bank
( • The Pasig River: Reviv... )
-Real Black Box
( • Video )
Directed by:
Justine Raven Turabilla
Edited by:
Aedrian Mitian
Members:
Arucan, Ferriden
Azores, Earl Darren
Basa, Crisallyn Joy
Fabregas, Kathlyn Faye
Garcia, Kouichi
Mata, James Edward
Mabutas, Kent Charl
Pacuan-cuan, Krizzia
Panlaqui, Ma. Lou Claire
Sta. Ana, Jerome
Kalikasan at Pag-ibig
(by Crystal Kayte Valdez)
Verse1:
Ihip ng hangin sa akin dumarampi
Huni ng ibon na parang ako
Ay inaawitan, may kapayapaan
Sa bughaw na kalangitan ako'y nakatingin
Verse 2:
Tanging dalangin wag sanang maglaho ang lahat ng ito
O kay sarap pagmasdan mga puno't mga halaman
Mga bulaklak at makulay na kapaligiran
Pre-Chorus:
Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan
Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati'y iniwan
Chorus:
Kalikasan, kayamanan
'Wag hayaang masira na lang
Kalikasan, pangalagaan
Mananatili kung may pag-ibig
Verse 3:
O kay bigat sa dibdib tao ay nagpabaya
Ang ganda nitong mundo unti-unti nabubura, nawawala
Pre-chorus:
Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan
Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati'y iniwan
Chorus:
Kalikasan, kayamanan
'Wag hayaang masira na lang
Kalikasan, pangalagaan
Mananatili kung may pag-ibig ka lang
Bridge:
Sa bughaw na kalangitan ako'y nakatingin
Tanging dalangin 'wag sanang maglaho
Sa silong ng langit ang obra ng Diyos na kanyang iniwan
Last Chorus:
Kalikasan, kayamanan
Mananatili kung may pag-ibig ka lang
Kalikasan
(by Daryl Kim Tabang)
Intro:
Ang mundo ay puno ng kasaganaan
Maging sa lupain man o karagatan
Ito, ito ang ating inang kalikasan
Sagana sa yaman at kagandahan
Mga bundok na puno ng kakahuyan
Na nag-uunahan sa pagpapataasan
Mga ibong nagsisiawitan
Bulaklak sa parang na tila dinidiligan ang kagandahan
Sapa at ilog na malinis
Rumaragasang talon at batis
Ang sarap langhapin ng sariwang hangin
Gumising ka kaibigan
Ating pagtulung-tulungang alagaan at ingatan
Mga yamang kalikasan, maging sa tubig man o kalupaan
Dahil ito, ito ang magbibigay kulay at buhay sa ating paroroonan.
** NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED **