NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!

  Рет қаралды 400

PUSO Sports

PUSO Sports

Күн бұрын

Mayroong kakaibang naganap sa kanilang paghaharap. Ngunit malay mo planado pala ang lahat. Yung tipong akala mo sila na ang panalo kaya ang tutok ng mga litrato ay sa kanila ngunit nagkakamali ka pala. Tingnan natin kung bakit ba ang iba ay namangha at nagulat. #PUSOSports #NAKAGUGULAT
Alam naman na nating pansamantalang mawawala si June Mar Fajardo dahil sa injury na kanyang natamo. At ang hamon na mag-step up para sa San Miguel, tinanggap ng ilang manlalaro. Pagkakataon na rin kasing higit na makapag-ambag nitong sina Marcio, Rodney at Mo na pawang naging solido ang mga numero.
Kawawa marahil ang nasama sa poster nitong si Ivan Aska. Siya nga ang nagtala ng pinakaramaring puntos para sa Beermen ngayon sa pagtatala ng dalawampu’t anim na puntos na sinamahan pa ng walong rebounds at tatlong steals. Sa tingin ninyo, sapat na kaya ang mga numero ito pati na ang mga emphatic dunks para makuha ang panalo?
Cade Flores. Isa sa mga rookies ng Batang Pier na maganda ang ibinibigay na produksyon para kay Bonnie Tan. Sino ang kahawig nya ng laruan? Tila Sean Anthony ang pwestuhan, higit na may laman nga lamang. Parang bato-balani na napupunta sa kanya ang bola ng hindi mo namamalayan.
Ang dating top overall pick na si Joshua Munzon, mukhang maayos ang sipat at asintana. Naipukol nya pa ang kanyang mga tres sa panahong unti-unti na silang nakalalayo. Mayroon pa ngang dagdag na pagsayaw ang kanyang bantay dahil sa kanyang paghawak sa bola ay hindi makasabay.
Arvin Tolentino. Anong masasabi ninyo sa manlalarong ito? Napakalaking rebelasyon ngayon. Para bang niyakap niya na ang kanyang bagong role na maging sentro ng opensa at atensyon. Kaya naman sa gabing ito, nakapagtala siya ng career-high na dalawampu’t walong puntos. Talagang mababakas mo ang gana at kumpiyansa sa kanyang mga mata.
Kapag wala ang import, dagdagan ang team effort. Iyan marahil ang pinairal ng Northport sa pagwasak sa koponang pinagharian ang All-Filipino. Ngayong Commissioner’s Cup, dinaig ng lineup na puro dugong pinoy ang team ng San Miguel Beermen. Minsan lang ito mangyari ngunit patunay ito na posible. Ano ang inyong masasabi?
__________________________________________________________________________________
Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: www.youtube.co...
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Пікірлер
БЕЛКА СЬЕЛА КОТЕНКА?#cat
00:13
Лайки Like
Рет қаралды 2,4 МЛН
The day of the sea 😂 #shorts by Leisi Crazy
00:22
Leisi Crazy
Рет қаралды 2 МЛН
Крутой фокус + секрет! #shorts
00:10
Роман Magic
Рет қаралды 20 МЛН
Junemar Fajardo Walang Match sa PBA #pba #ofw #junemarfajardo
10:01
Sundearios Tv
Рет қаралды 3,7 М.
БЕЛКА СЬЕЛА КОТЕНКА?#cat
00:13
Лайки Like
Рет қаралды 2,4 МЛН