Рет қаралды 175,921
Nasipat ng MMDA ang rider ng motorsiklong ito na naghihintay sa tabi ng foot bridge sa EDSA at tumatawag ng pasahero.
Nang lapitan ng mga enforcer ang motorsiklo, napansin nilang may mga sticker ng LTO at MMDA ito.
Noong una'y sabi ng rider na empleyado siya ng MMDA pero pinalitan nito ang kanyang salaysay, at sinabing street-sweeper o tagawalis ng kalye ang kanyang asawa. Hindi pa malaman kung nagsabi siya ng totoo o pinapalit-palitan ang kuwento sa pag-asang papakawalan siya nang walang tiket.
Kalaunan, na-impound ang motorsiklo matapos aminin ng rider na wala siyang lisensya, at ang motorsiklo ay rehistrado pa rin sa dating nagmamay-ari, na ang pinakahuling rehistro ay noong 2018.
Mas ligtas na gumamit ng mga legal na motorcycle taxi tulad ng Angkas, Joyride o MoveIt